Prologue
"Nina you're here na pala" nilingon ko yung nagsalita si Eleanor pala.
Ngumiti ako dito "Kadadating ko lang Ellie."
"Nasaan si Lance?"
"Ahm, hindi siya makakarating busy." sagot ko at yumuko. Tumawag ako sakanya kaninang lunch sabi nito makakapunta sya. Hays nakakatampo lang talaga, nangako siya eh.
"Puntahan natin sila mommy." hinila na niya ako papunta sa upuan nila tita, may nakasalubong kaming kakilala binabati niya ito ako naman ay ngumingiti lang.
Nakasuot ako ng bodycon dress na color black at long sleeve ito. Unang kita ko palang dito na nagustuhan ko na ito agad dahil ang elegant lang nang dating sa harap pero sa likod ay sobrang sexy, backless kitang kita yung likod.
"Tita happy birthday po" niyakap ko ito at nagbeso beso kami. "Salamat hija, nasaan ang boyfriend mo?"
"Pasensya na tita busy kasi siya sa bagong project nito. Pero pinapabati niya po kayo sa akin." Nahihiyang sabi ko dito.
"Ganun ba, paki sabi salamat. Dito kana umupo sa table namin." ngumiti lang ako dito, may tatlong nakaupo sa table nila. Si Lola Eunice, si Eleanor at si Elliot. Binati ko si Lola Eunice at yumakap dito, tuwang tuwa ito habang yakap yakap ko at tinapik tapik ang likuran ko. Pagkalas ko sa yakap namin umupo ako sa left side ni Elliot, tinignan niya naman ako at ngumiti.
"Nasaan girlfriend mo?" biglang nawala ang ngiti nito at sobrang lungkot ng mga mata nito. Nabigla naman ako sa reaction niya. Nakita ko pa sila noong nakaraang araw, masaya naman sila ha, hmm.
"May problema ba kayo?" Kinuyom nito ang mga kamay nito at galit na galit ito nakatingin sa kawalan. Hindi ko na ito kinulit, mag-oopen up naman yan sa akin mayamaya pag wala ng ibang tao.
Magkaibigan na kami ni Elliot simula kindergarten, magkaklase kami hanggang highschool. Kilalang kilala ko na yan, magkadugtong na ang intestine namin. Hindi kami parehong kinuha na kurso sa college, siya kasi business ako naman ay DVM. Gusto ko kasing maging veterinarian.
Kahit magkaiba ang kurso namin sinasama niya parin ako sa gala kasama ang barkada niya. Kaya naging parte na ako ng grupo at certified one of the boys, ako lang kasi yung babae.
Si Eleanor kain lang ng kain kahit hindi pa nagsisimula ang party. Tahimik naman ang katabi ko, si Tito Erick naman hinila ni Tita Cheska upang salubungin ang mga bisita nito kasama si Lola Eunice habang tulak tulak ng nurse ang wheel chair nito.
Sobrang ganda ng party ni tita, sa likod ng bahay niya ginanap ang party dahil may meteor shower mamayang bandang alas 10 ata yun. Gusto niyang panoorin yun.
"Nina nakita ko siyang kasama ang ex niya kagabie." nilingon ko ito at nakatingin na ito sa akin pero sobrang lungkot ng mata nito at may halong galit, takot at selos.
"Tapos? Bakit daw sila magkasama?"
"Sabi niya, mahal pa raw siya nito at gustong makigbalikan. Nagalit ako, hindi ko nakontrol ang sarili ko dahil sa takot na baka pumayag ito. Nasaktan ko ito. Iniwan niya ako habang umiiyak siya." Hinagod ko ang likod nito. Short tempered kasi ito at may violent behavior, kaya sobrang saya ko noon ng malaman ko na tanggap ni Tori ang side niyang yan. Habang tumatagal sila, naging lessen na yung side nyang ganun. Minsan pag hindi na niya kayang pigilan ito nagpapatulong na ito sa akin.
"Magiging okay then kayo, mahal ka nun kaya wag kang mag-alala hindi ka iiwan ni Tori. Magpalamig na muna kayo ng ulo. Okay?" Tumango ito kaya niyakap ko ito at gumanti naman ito ng mahigpit na yakap. Binaon niya ang ulo niya sa leeg ko, sanay na ako diyan ganyan talaga siya yumakap sakin kahit noong mga bata pa kami.
"Thanks Nina"
"Anytime" Madali lang naman itong pakalmahan, wag mo lang talagang sabayan ang init ng uli nito. Possessive rin kasi ito, kaya naintindihan ko agad bakit ganun ang reaction nito. Ayaw niya ng may kahati sa lahat ng bagay.
Noong nalaman nila tita tungkol dito natakot sila baka raw hindi pumayag magboboyfriend ako at si Eleanor. Inexplain ko naman ito sakanya ng dahan dahan, it took me a whole year para maintidihan niya ito.
Yun nga lang sumasama ito sa date, wala rin kaming magawa ni Eleanor yun kasi ang kondisyon nito. Pag may tiwala na ito sa dinadate namin tsaka lang ito titigil sa kakasunod.
Pero si Eleanor ganun parin, kung hindi kuya niya yung pinsan naman niya ang sumasama. At sobrang support si tito tungkol diyan kawawang Eleanor. Sobrang protective ng pamilya nito.
Nagsimula na ang party, hindi na ako nakinig sa nagsasalita sa stage nagkwentuhan lang kaming tatlo sa table. Hanggang sa 10 pm, sobrang ganda ng meteor shower. Lahat ng bisita nakatingala at nagenjoy sa panunuod ng meteor shower.
Sila tito at tita naman nagyakapan habang nakatingala, ay ang sweet talaga. Napangiti naman akong nakatingin sa kanila yung mga magulang ko naman ganun rin. Binalik ko na ang panunuod sa meteor shower na may malaking ngiti.
"It would be very nice if my girlfriend and your boyfriend is here." Nawala yung ngiti ko.
"True, it would be nice hugging them while watching meteor shower." I miss him so much, hindi ko namalayan tumulo na ang luha ko. Napayakap ako sa sarili ko. Lumapit ito sa akin at yumakap patagilid at hinalikan ang ulo ko.
"Sali ako" Yumakap din ito ng mahigpit. Napatawa naman kaming tatlo, pinanuod na namin ulit ang meteor shower. Nakalimutan ko na ang pangungulila ko sa boyfriend, napalitan iyon ng saya dahil sa dalawang tao hinding hindi ako iiwan.
Makalipas ang 2 oras, lasing na lasing na ako at konti nalang ang mga bisita ni tita. Hindi na ako makatayo ng maayos, hindi ko alam kung saan nagpunta ang dalawang yun iniwan na nila ako sa table. Papunta ako sa kwarto ni Ellie, doon ako matutulog ngayon. Hindi ko na kayang umuwi at iniwan na ako ng mga magulang.
Bigla akong natipalok, nasprain ang paa ko at sobrang sakit. Napaiyak ako dahil sa sakit at sobrang bigat na rin ng ulo ko. Hindi ko na kayang tumayo. Bigla ring nag init yung buong katawan ko. Hindi ko alam anong nangyari sa akin, napahagulgol ako habang nakaupo sa sahig.
"Elliot! Help! Help me!" Sigaw ko hoping na matulungan niya ako. Naramdaman kong may lumapit pero hindi ko nakita ang mukha. Paghawak nito sa akin ay nawalan na rin ako ng malay. Pagkagising ko kinaumagahan galit na mukha ni Elliot ang nakita ko, nakahiga ako sa kama nito at walang saplot.