Nakita kong bumaba ng hagdan ang asawa ko, kaya nagpakabusy ako sa cellphone ko upang hindi ito magtaka na pinagmamasdan ko ito at may planong sundan sya. Nasa sala ako nakaupo sa sofa.
Dirediretso itong naglakad palabas hindi man lang sumulyap sa akin, napangiti ako ng mapait. Sanay naman ako bakit ang sakit parin.
Nang narinig ko ang ugong ng sasakyan paalis, tumayo na ako at dali daling pumunta sa kotse. Pina-andar ko na ito at sinundan siya. Buti naabotan ko pa siya sa labas ng subdivision.
Hindi niya kilala ang kotseng gamit ko dahil bigay ito ng mama niya kahapon, si Tita Cheska. Pero kahit na hindi parin ako dapat magkampante baka makahalata ito.
Kalahating oras ko na siyang sinusundan, pero hindi parin ito huminto. Nakahalata kaya itong may sumusunod sakanya at plano niyang iligaw at komprontahin. Pamilyar naman yung daan mukhang nakapunta na ako dito.
Pumasok siya sa isang subdivision, mahigpit ang security dito. Mukhang hindi ako makakapasok, paano nato?
Hamilton Estates, pamilyar sya. Ahh, oo nga pala dito nakatira si Dominic. Huminto muna ako sa gilid ng kalsada upang matawagan ito.
"Hello Dom?" Sabi ko pagkasagot ng tawag.
"Nina" sagot nito.
"Pasensya sa disturbo pero nasa labas ako sa subdivision nyo, I need to get in." Sabi ko dito na kabado at nangamba na baka hindi ko masundan sa loob ang asawa ko.
"Okay, I call the guards. Take care" Sagot nito at pinutol na niya ang tawag. Matagal na kaming magkaibigan ni Dom. Magkapit bahay kami noon pero nag migrate kasi ito at lumipat na siya ng bahay pagkauwi niya sa pinas. May masayang pamilya na ito ngayon at may mga anak na rin.
Nang makita kong may tumawag sa guard lumapit na ako sa gate. Wala ng tanong tanong pinapasok na ako agad. Konti lang ang mga bahay dito at nakita ko syang nagpark malapit sa bahay ni Dom. Limang bahay mula dito at sa tapat ito nakapwesto kaya nagpark ako sa tapat ng bahay ni Dom.
Tinitignan ko siya mula dito, may lumabas na babae. 'Ba't ganun, hanggang ngayon parin pala.' napaiyak ako habang pinagmasdan ito kasama ang babaeng nagpapasaya sakanya at mahal na mahal niya. Sinalubong siya nito ng yakap pagkababa niya sa sasakyan. Kung hindi lang talaga nangyari yon hindi sana kami hahantong sa ganito. Napaiwas ako ng tingin ng halikan niya ito.
Siguro dito siya pumupunta pag-alam niya wala ang parents niya sa bahay o paggusto niya. Bakit ko ba siya sinundan kong alam ko naman na masasaktan lang ako? Ano nga tawag doon ? Tanga? Martyr? o both? Ano ba tong mga na isip ko? napatawa nalang ako at napailing nalang ng ulo.
Dito pala siya nakatira. Siguro mayaman ito kasi sa pagkakaalam ko puro mayayaman ang nakatira sa subdivision na ito. O baka binilhan niya ito ng bahay malayo sa syudad para walang makaka-alam na nagkikita pa sila. Ang talino nila ha, buti dito nila na isipan magtago. Walang mag-aakala na dito sila magtatago.
'Ang sakit pala no? Na makita mo ang asawa mo na masaya kapiling ang ibang babae. Hindi ko naman siya mahal eh. Diba dapat masaya na ako kasi makakalaya na ako sa pananakit niya? Eh, ano to? ba't ako umiiyak? '
Binalik ko na ang tingin ko sakanila na sana hindi ko ginawa. Napahagulgol ako at nanakit ang dibdib ko. Paano?
Hindi ko na maalis ang tingin ko sakanila, gusto kong lumabas at puntahan siya. Tanungin kung totoo ba ang nakikita ko na baka hindi sakanya yun. Pero hindi, alam ko na sakanya yun. Alam ko kasi nakita ko na siya.
Nakita ko na siya sa loob ng kwarto niya. Siya yung bata sa picture frame na nabasag ko. Mas nanlaki ang mata ko sa nakita ko, lumuhod siya sa harap nito, hinawakan at hinalikan niya ang tiyan. Hindi pa ganun ka halata ang baby bump nito kaya hindi ko ito napansin kanina.
Ang lawak ng ngiti niya na kahit kailan hindi ko pa nakikita simula noong kinasal kami. Sana ako rin. Ngitian niya rin ako ng ganyan. Yung ngiti na abot hanggang tenga. Kahit yung ngiti noong hindi pa kami kinasal. Kahit yun nalang ang ibaluto niya sa akin. Ngiti na para sa matalik na kaibigan.
Pero alam ko na hindi na mangyayari iyon. Kasi mula langit hanggang imperyo ang galit niya sa akin. Araw araw niya pinapakita at pinaramdam sa akin yun. Ang sakit sakit na, ang pagtrato niya sakin na parang hayop minsan.
Tapos ngayon nasaksihan ko pa tong pagtataksil niya sa akin. Sana hindi ko nalang siya sinunda, hindi sana. Pero ayaw ko naman maging tanga habang buhay at magbulag bulagan sa mga nangyayari. Ang sakit, naiingit ako sa kanya dahil alagang alaga siya ng asawa ko, ako kahit alalayan niya man lang ako noong buntis ako hindi niya magawa.
"Ang sama - sama mo talaga" Hindi ko na kinaya kaya napahagulgol na lang ako at napahawak ng mahigpit sa manibela at minsan pinapalo ito. Nang binalik ko ulit ang tingin ko sa sakanila. Papasok na sila sa loob ng bahay, nakaakbay siya rito habang karga karga ang batang lalaki na kamukha niya. Hindi mo masasabi na hindi sakanya yun dahil magkamukhang talaga silang dalawa.
"Tanga! Tanga! Tanga!" sigaw ko habang pinupukpok ko ang ulo ko ng paulit - ulit. Hindi ako naniwala sa kapatid niya, sabi niya sa akin last week na nagkikita pa sila hanggang ngayon. Akala ko namalik mata lang siya noon na nakita niya ang mga ito sa resort ng kaibigan ng kuya niya, dahil sabi niya rin na hindi siya sigurado dahil lasing na ito. Sabi ng secretary ni Elliot sa akin noon, may business trip siya sa France yun pala nagbonding pala silang pamilya.
Dahil sa nangyari noon akala ko galit sa akin ang kapatid niya, pero isa sya sa unang mga tao naninawala sa akin. Pinagtatanggol niya ako, isa sya sa witnessed na may nangdrugs sa akin pero walang naniwala sakanya dahil lasing din ito noon. Naalala ko pa noon, na gusto niya kaming magkatuluyan ng kuya nya. Pero hindi ko nakikita ng ganun si Elliot at ganun rin sya sa akin. Magkaibigan lang talaga kami, may mahal na siya noon ako naman may nagustuhan na rin. Pareho kami, may nobyo at nobya. Kaya wala talagang makapaniwala na mangyayari yun.
Gusto niya na hiwalayan ko na ang kapatid niya dahil sa pagtrato nito sa akin. Gusto niyang magsimula ulit ako at ipagpatuloy ang mga pangarap ko. Sabi pa nito na tutulungan niya ako. Pero ayoko pang bumitaw, gusto ko pang lumaban para sa pamilya namin, para sa anak ko.
Ayokong lumaki ito na walang kalinga sa ama, dahil alam ko ang pakiramdam noon. Ang walang amang gumagabay sayo, at palaging naiingit sa ibang bata na may ama. Gusto ko rin na nandon ito sa lahat ng occasyon sa buhay ng anak ko. Kahit mahirap gagawin ko, lulunokin ko ang pride ko para sa anak ko. Kahit ubos na ubos na ako.
Awang awa na sa akin ang mga magulang naming dalawa. Dahil sa pangbabaliwala nito sa akin. Pero wala silang alam na sinasaktan at binababoy niya ako. Noong una palang ayaw kong matali sakanya pero pinilit kami ng magulang ni Elliot. Ito daw ang nakabubuti sa amin pero nagkamali sila.
Wala akong planong pumayag pero nalaman ko na ang nobyo ko ay pinaglalaruan lang pala ako. Dahil sa nasaksihan kong kababoyan nito at sa secretary nito, at narinig ko lahat mula sa bibig nito na ginagamit niya lang ako. Kaya pumayag ako sa kasal. Ang pagkaka alam ni Elliot na ako ang may gusto na makasal kami.
Ang narinig lang ni Elliot noon ay ang pagpayag ko sa kasal, galit na galit siya noon. Sabi niya 'akala ko magkaibigan tayo, alam mong may mahal na ako bakit ka pumayag Nina? Bakit?' Hindi ako nakasagot dahil na rin sa sakit na nararamdaman ko.
'Pagsisishin mo ito, sisiguraduhin kong pagsisihan mo to.' Pahabol nito bago umalis. Napangiti ako ng mapait sa alang alang yun.
Napabalik ako sa realidad makalipas ang ilang minuto. Mukhang walang nakaka-alam na nagkikita pa rin sila at may anak na ito. If mayroon man baka tinulungan pa sila. Napabuntong hininga nalang ako. Siguro ito na yung sign, yung hiningi ko sa Diyos. Kung ipagpapatuloy ko pa ba ang kahibangan kong ito.