Sa mga nangyayari hindi nakakatulong ang mga naririnig ko letseng radyo, akala ko na off ko ito kanina. Sumakto pa talaga sa mga nangyari ang music, hays. Hindi ko na pinatay yung radio, Million Reason ata ang title.
Bakit mas nasasaktan ako ng marinig ko ang kanta? Hindi ko naman siya mahal diba? hindi diba? Hindi. Hindi dapat, hindi siya ang mahal ko. Magkaibigan lang kami, yun lang.
Nasaktan ako dahil nagtaksil ito sa akin. Nagkikita parin pala sila ng patago. At may mga anak na ang mga ito. Binigay ko sakanya ang lahat, pero ito ginanti niya. Initindi ko sya kung bakit ganito at ganun ang ginawa niya. Na baka nasaktan lang ito sa mga nangyari at kailangan siyang intidihan at ipaliwanag dito ang lahat. Napahigpit ang hawak ko sa manibela.
Pero sarado ang isipan nito palagi, na ni minsan noon hindi niya ginawa sa akin. Kaya tinanggap ko lahat ng masasakit na salita, pananakit nito, ang kababoyang ginawa niya sa akin. Tinanggap ko lahat kahit hirap na hirap na ako.
Nilunok ko ang pride ko para sayo. Pero ako naman ang pumayag eh, kasalanan ko parin ang lahat ng ito. Hindi ko rin mapigilang matanong sa sarili "Mahal ko na ba ang hayop na yun?" napahagulgol nalang ako. Tangina naman eh, ang sakit! letse!
I bow down to pray
I try to make the worst seem better
Lord, show me the way
To cut through all his worn out leather
I've got a hundred million reasons to walk away
But baby, I just need one good one to stay
Yeah, I just need one reason to stay. And that is my son to have a father figure in his life. That's the only reason why I can't have an annulment. Yan lang. Yan lang a rason diba? Hanggang natapos ang kanta paulit ulit ko lang isinaksak sa aking isip na yun lang talaga ang rason.
Nang mahismasan na ako, sinigurado kong walang maiiwan na bakas na umiyak ako bago umuwi sa bahay. Pag ito nakita ni Elias magaalala na naman iyon sa akin at mas lalong lalayo ang loob nito sa ama at yun ang pinakaayaw kong mangyari.
Knowing my son, ipagtatanggol niya ako sa ama niya kahit anong mangyari. Naalala ko na naman kung paano niya ako pinagtanggol two months ago.
Nangliliksing mata ang nakikita ko mula sa kanya. Ano na naman ang ginawa ko? Wala naman ah.
"b***h!"
Napayuko nalang ako ng ulo pagkarinig ko sa sinabi niya. Ang sakit, hanggang ngayon iyon pa rin ang tingin niya sa akin.
"ILAGAY MO DYAN SA KUKOTE MONG BULOK." madiing sabi niya habang dinuduro ako sa ulo. Napaatras ako ng ilang beses dahil sa lakas ng pagduro niya.
"WAG NA WAG MONG PAKIKIALAMAN ANG BUHAY KO" hindi ko namalayan umiiyak na pala ako buti wala si Elias ngayon sa bahay, ayaw kong makita niya akong ginaganito ng ama niya.
"PAGTUONAN MO NG PANSIN YANG ANAK MO" sobrang dilim ang mukha nito, nakakatakot na syang tignan. Nangingibabaw parin ang sakit kisa sa takot, hanggang ngayon hindi niya parin tanggap si Elias. Napahagulgol ako ng iyak at napatakip sa bibig.
"NAIINTINDIHAN MO?!!!!" Tumango ako habang nakayuko pa rin at pinigilang gumawa ng ingay. Ayaw kong sabayan ang galit niya baka saktan niya ako.
Hindi ko inaasahan na sasampalin niya pala ako kaya napasubsob ako sa sahig. Dahil sa lakas ng sampal, umikot ikot ang paningin, ang sakit at parang namaga yung mukha ko.
Noon ayaw na ayaw niya akong masaktan, ngayon ang dali dali na nyang gawin iyon. Elliot bakit sarado ang isip mo, ilang beses na akong nag explain ni kahit isa hindi ka nakinig sa akin. Nasaan na ang Elliot na kilala ko, yung matalik kong kaibigan, yung kasangga ko sa lahat ng bagay.
"MOM!" Nandito na si Elias at nakita niya. Yumakap ang anak ko sa akin at yinakap ko rin ito pabalik. Tinignan ko siya na nagmamakaawa na wag ito saktan.
Sinuri ako ng anak ko bago hinarap ang ama. Umiiyak then ito ngunit hindi katulad sa ibang bata na maingay umiyak, tahimik lang ito.
"Why did you hurt my mommy?!!!" Hindi niya sinagot ito at nakatingin pa rin ito sa akin at galit na galit.
"I hate you! Bad ka! Bad ka! You hurt my mommy! I hate you!"
Sinusuntok niya ang ama nito at hinayaan lang niya. Makikita mo sa mukha niya ang sakit, hindi dahil sa suntok kundi sa sinabi nito.
"You're always hurting my mommy! I wish your not my dad! I hate you!"
Hindi nakaligtas sa aming lahat ang pagtulo ng luha nito at pagkuyom ng kamao. Nanliliksik din ang mga mata nito, nakakatakot siyang tignan. Makikita mo rin ang pagpipigil nitong umiiyak. Tumayo ako agad at kinuha ang anak ko. Dinala ko ito sa kwarto niya, umiiyak pa rin ito.
"M-Mom are you o-okay?" Tanong niya sakin pagkalagay ko sakanya sa kama nito. Tumango ako sakanya habang tumulo ang luha ko.
"Y-you shouldn't h-have done that" sabi ko sakanya habang hinihimas ang buhok nito.
"H-his still y-your Dad" umiiwas ito ng tingin sakin.
"I-I know but he shouldn't h-hurt you M-Mom. H-His always hurting you and I can't take it a-anymore. I-I just can't stand there and do nothing. I don't want you to get hurt M-Mom." Sabi nito sakin habang nakayuko. Natouch ako sa sinabi niya, at yinakap ko ito ng mahigpit. At hinalik - halikan sa ulo nito.
"Mom we should leave." Napabitaw ako sakanya.
"W-what?" Tinignan ko ito sa mata at nakita kong seryoso itong nakatingin sakin.
"You heard me Mom. We should leave. His always hurting you and I don't want that to happen every single day. If leaving is the only choice that he will never gonna hurt you again then we should leave." Seryosong sabi nito.
Hindi rin ako makapaniwala na sinabi iyon ng anak ko. His just five years old, hindi ko alam kung saan niya nakuha iyon. Hindi ko nga yun tinuturuan ng kung ano - ano. But I'm thankful enough that his my son.
Simula nang mangyari iyon hindi na lumalayo ang anak ko sakin especially pag nandyan si Elliot. Dumidikit ito lagi sa akin at naka cross ang mga kamay at magkadikit ang kilay habang nakatingin sa ama nito. Parang bodyguard lang, sinuway ko ito pero ayaw talaga makinig. Kung pwede lang pati sa CR sasama siya sasama talaga siya. Pero sabi pa nito a man should not go inside a lady's cr. Hays my little gentleman, nakakataba ng puso.
Medyo natagalan akong makauwi dahil traffic. Pagkarating ko sa bahay inaabangan na pala ako ng anak ko sa living room.
"MOOOM!! Your home!" Tumakbo ito papunta sakin at yumapos sa binti ko.
Napatawa ako ng mahina dito at yinakap ito pabalik. Hindi ko na siya binuhat at ayaw niya rin dahil big boy na raw siya kaya hinayaan na namin.
"So? What are you doing young man?" Tanong ko dito habang pabalik na kami sa sala.
"Just watching Phineas and Ferb Mom." Sagot nito sakin habang nakangiti, hindi ko maiwasan ang hindi ngumiti.
Nakakatawang isipin na ang nakuha niya lang sakin ay kilay. Mula sa mukha pababa sa ama na niya nakuha, kung titignan mo silang dalawa masasabi mo talagang parang pinagbiyak na bunga, isali mo pa ang ugali, pagdadahilan at katalinuhan. Nakakahawa ang ngiti niya kaya hindi ko maiwasan ang ngumiti pabalik dito.
Naabutan namin si Tita Cheska, Tito Erick at Eleanor na nakaupo sa sala tila seryoso ang mga aura parang susugod sa gyera ano mang oras.
"Hi! Nandito po pala kayo" Sabi ko sakanila ng nakangiti at ngumiti rin sila pabalik. Nakipagbeso ako sakanila bago umupo.
"We need to talk." Sabi ni Dad sakin at base sa mukha nito ay hindi maganda ang paguusapan namin. Binalingan ko ng tingin ang anak ko at sinabihang umakyat muna sa kwarto nito.
"Ano pong paguusapan natin?" Hindi ko maiwasang kabahan sa patutunguhan nitong usapang to. Napabuntong hininga ako ng malalim.
Para akong hindi makahinga sa tensyon nakapalibot dito sa living room. Para akong nasusuffocate. Breathe Nina, breathe.
"Alam na namin ang totoo." Sabi ni mom, ang totoo? anong ibig nilang sabihin? Nang napansin nila na naguguluhan ako sa sinabi ni mom nagpatuloy ito sa pagsasalita.
"About Elliot and Georgina" When mom said those words, I felt like my whole world stop revolving. Damn it!