CHAPTER 16
Seven month's later..
❤ Seige ❤
"GOOD MORNING, Sir!" all the employees greeted me as I walked into the building. Narito ako sa opisina ni Tito Xander nagtatrabaho.
Ngayon ay isa akong adviser muna matapos kong maka-graduate ng legal management. Nag-take na ako ng board exam at result na lang ang kailangan. At dito ako pumapasok kay Tito Xander gaya ng request niya. At hindi naman ako makakatanggi kay Tito dahil sa kanya rin ako nakakakuha ng ibang kaalam ko about sa law at kung paano ko matutulungan ang mga naghahangad ng hustisya.
Hindi parin bumabalik ang sigla sa pamilya namin. Ngayon ay hindi parin nakikita si Kuya Duke, pero hindi kami nawawalan ng pag-asa. Lalo't pa hindi namin nakita ang bangkay ni kuya.
Marami ng nagbago lalo na kay Ate Nestle na palaging sinasabi ni Love na nagpapapagod sa trabaho para hindi muna maisip si Kuya.
Pinadala ni Mommy si Ate Nestle rito sa isang restaurant namin sa maynila para maging manager. At para rin may mapaglibangan si Ate Nestle.
At syempre, dahil dito muna ako namamalagi sa maynila ay hindi ako pumayag na hindi sasama sa akin si Love.
Alam na ng pamilya ko ang relasyon namin, maliban kay Ate Nestle dahil ayaw muna namin siyang mag-isip ng mag-isip.
And I respect that. Alam ko na baka mag-alala siya dahil may boyfriend na ang kapatid niya. Ayaw nga sa akin ni Ate dahil tila akala niya ay sasaktan ko ang kapatid niya. No, I'll never do that.
Bumalik si Love sa dati niyang school para ipagpatuloy ang last chapter ng college life niya. Minsan nga ay hindi ko siya nakakasama dahil masyado na siyang busy. At minsan ay ako din. Pero hindi ko hinahayaan na matagal kaming hindi nakakasama..
Ako ang nagsusundo sa kanya palagi at minsan ay lumalabas kami.
Naupo ako sa recliner ko at nilapag ang attaché case ko sa gilid ko. May mga bago akong kaso na dapat na bigyan ng advice.
May kumatok sa pintuan ng office ko pero hindi ako lumingon doon at nakatutok ang paningin ko sa laptop.
"Sir!"
"Come in." I said to my secretary.
"Sir, Ms. Dy is here right now." sabi ng secretary ko.
"Oh... Okay, let her in. And get us drink." sabi ko na kinatango niya at agad na lumabas.
Kinuha ko ang papel ng kaso ni Ms. Olga Dy.
"Good Morning, Mr. Ford " bati ni Olga kaya napaangat ako ng tingin.
"Good Morning also, Ms. Dy. Have a seat." sabi ko at pinaupo ko siya sa harap ng table ko na may chair doon.
"Ayon rito sa binigay mong statement, nais mong sampahan ng kaso ang isang pulis dahil sa pagtangka sa buhay mo at kamuntikan ka nang gahasin, right?" sabi ko.
"Yes. Hindi ko alam ang gagawin dahil pakiramdam ko ay nariyan lang siya sa paligid ko at nagmamasid sa galaw ko." sabi niya kaya napatango ako.
Napatingin ako sa kanya ng bigla niyang hawakan ang kamay ko na nakapatong sa lamesa.
"Please, Mr. Ford. Help me and I'll do everything you want." sabi niya at hinaplos ang kamay ko.
Inalis ko ang kamay niya at seryoso ko siyang tinignan.
"Hindi mo na kailangan gawin 'yan, Ms. Dy. Gagawin ko ang trabaho ko dahil iyon ang nararapat. Sige, tatawagin na lang kita muli 'pag naipasa ko na ito kay Tito para ikuha ka niya ng abogado na hahawak ng kaso sa nakakataas para mahuli ang pulis na iyon at madala sa korte ang kaso mo." sabi ko sa kanya.
"Sorry." sabi niya at napayuko bago tumayo, "Thank you and I have to go." sabi niya kaya tumango ako.
Sumandal ako sa recliner ko at napapailing ako. Ito ang problema ko kapag babae ang ina-advice-han ko ng kaso. Alam ko na gwapo ako pero pasensya sila dahil may girlfriend na ako at ayoko na magselos 'yun.
Speaking of my girlfriend. Hindi pa siya tumatawag sa akin, ah.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng suit ko at dinial ang numero ni Love.
Napapatapik ako ng daliri sa table dahil ang tagal niyang sagutin.
"Answer, Love." naiinip kong sabi at nang hindi niya sagutin ay napahinga ako ng malalim.
"Sir, umalis na po agad si Ms. Dy?"
Muntik pa akong mapaidtad ng biglang magsalita ang secretary ko na si Ms. Joy.
"Yes. Inumin mo na lang 'yan at kainin mo ang cake." sabi ko kaya tumango siya. Lalabasan na sana siya ng pigilin ko, "Ms. Joy, after to Ms. Dy.. Who's my next client?" tanong ko.
"Ngayon araw, Sir, wala kayong client. Sa susunod na araw pa makikipag-meet si Ms. Roxas." sabi niya kaya napatango ako.
"Puro babae pala, wala bang lalake?" natawa siya sa sinabi ko.
"Pasensya na, Sir, habulin po kasi kayo ng babae.".
"Alam mo rin?" sabi ko kaya tumango siya.
"Yes, Sir. At 'pag may nagtatanong kung may girlfriend na daw ba kayo ay sinasabi ko na meron. Kaso mapipilit, eh."
"Good. Ilagay mo kaya ang picture namin ni Love sa pintuan ko. Nabibwisit na ako dahil ang habol lang sa akin ng iba ay ang makita ako, wala naman pala silang kaso na gustong i-advice ko." sabi ko na kinangiti niya.
"Gano'n talaga, Sir. Natutuwa ako at may lalake pa palang katulad niyo na very loyal kay Ms. Ramirez." sabi niya.
"Of course, ayokong saktan iyon. Mahirap na baka iwanan ako." sabi ko na kinatawa niya.
"Sige po, Sir. Lalabas na po ako." paalam niya.
"Wait!" pigil kong muli at tumingin sa wrist watch ko. Lunch break na siguro ni Love 'pag nagpunta ako doon, "Ikaw muna ang bahala rito. May pupuntahan lang ako." sabi ko.
"Sige po, Sir." sabi niya kaya tumayo na ako at niligpit ang gamit ko.
Bitbit-bitbit ko ang attaché case ko habang kino-contact ko si Magnolia. Nang hindi ko ma-contact ay tinigil ko na at binuhay na ang sasakyan ko ng makarating ako sa parking lot.
Tinahak ko ang daan kung saan ang school ni Magnolia. Pagdating ko doon ay pinarada ko sa parking lot at pinatay na ang sasakyan.
May mga naglalabasan na estudyante tila magla-lunch na. Kaya agad akong bumaba ng sasakyan at tinahak ang campus nila Magnolia.
"Mr. Ford.." napalingon ako sa likod ko ng may tumawag sa akin at nakita ko si Mrs. Chavez, ang CEO nitong school, "You came here also." pagpapatuloy niyang sabi nang makarating ito sa harap ko.
"What do you mean?" Napakuno't noo ako.
"Ms. Ramirez's older sister was here a while ago with your brother." She said.
Baka si Samuel...
"Ano raw ang pinunta nila dito?"
"Sinusundo nila si Ms. Ramirez, pero sabi ko ay hindi naman pumasok ngayon si Ms. Ramirez."
"W-what? Pero ako ang naghatid rito kay Magnolia. Paanong hindi siya pumasok?" tanong ko.
"Hindi ko rin alam, Mr. Ford."
"Sige. I need to go, Mrs. Chavez." paalam ko at agad ng tumakbo para makarating agad sa sasakyan ko.
Agad kong pinaharurot paalis ang sasakyan sa school at tinungo ko na ang pad nila ng Ate niya.
Nag-doorbell ako pero walang nagbubukas. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan muli si Love..
"Damn! Where the f*ck are you?" sabi ko at dinial muli pero nakapatay na ang cellphone niya.
Isa lang ang pupuntahan ni Love 'pag wala rito. Kaya naman ay dali-dali akong sumakay ng sasakyan at nagtungo ako sa dati naming bahay. Tinawagan ko si Wilson para ipadala ang chopper sa bahay.
Pinaharurot ko ang sasakyan patungo doon habang may seryoso akong mukha.
Tsk. Yari sa akin 'yun. Hindi man lang nagsabi sa akin na hindi pumasok at tiyak ko na umuwi sa isla ito.
-
PAGDATING SA ISLA at sa tapat ng bahay namin ay agad akong bumaba ng kotse. Pagpasok ko ay napahinto ako ng makita ko na naroon ang lahat sa sala habang mga nakaupo.
"Mommy, magwo-work kami sa hacienda ni Kuya Xenon." Si Bettina.
"Sinong kasama mo?" si Mommy.
"Si Mags." tugon ni Brat at tumingin kay Love. Sabi na at narito siya. Tsk. "'di ba, Mags?" sabi muli ni Brat.
"'Wag mo nga siyang madamay-damay, bubwit. Hindi siya sasama sa 'yo." sabi ko kaya napalingon sila. Lumapit ako palapit kay Magnolia na hindi makatingin sa akin at tila balisa siya.
"Makabawal ka naman, Sangko. Hindi mo naman siya girlfriend." panunuksong sabi muli ni Bettina na hindi ko na pinansin.
Inalis ko ang unan sa tabi ni Magnolia at nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya para bumulong.
"Umaalis ka nang hindi nagpapaalam sa akin. Yari ka sa akin mamaya." bulong ko na kinayuko niya.
"Sino nga pala ang sumundo sa kanya." baling ko naman sa pamilya ko. Tumingin ako sa pamilya ko at napatingin ako kay Ate Nestle na naniningkit ang mga mata na nakatingin sa amin/akin. Pero nang mapadako ako ng tingin sa tabi niya napatayo ako na gulat na gulat.
"Kuya, buhay ka?" hindi ako makapaniwala.
"Oo naman, alive na alive. Tsaka hindi pa ako p'wedeng mawala hangga't hindi pa nagiging akin si Mine." sabi nyya kaya napangiti ako dahil bumalik na nga ang kapatid ko.
"Kelan naman ang kasal?" tanong ko at pasimpleng nilusot ang kamay ko para humawak sa baywang ni Love habang hindi nakatingin si Ate Nestle sa amin.
"Gusto ko this week na." sabi ni Kuya na kinagulat ni Ate. Napangiti ako at napatingin kay Love na mahinang pinapalo ang kamay ko dahil halata na natatakot na makita ni Ate ang paghawak ko sa kanya.
Pinisil ko ang baywang niya at mas hinigpitan ang hawak.
-
❤ Magnolia ❤
NARITO AKO SA kwarto namin sa mga Ford at kasama ko si Ate.
"Bunso, anong meron sa inyo ni Seige?" naniningkit ang mga mata niya habang tinatanong ako.
"Crush ko siya." nahihiya kong sabi habang hindi makatingin.
"Sure ka?" pang-uulit niya. Gusto kong sabihin na mahal ko si Seige, pero natatakot ako at nahihiya kay Ate.
Tumango ako ng alangin kaya napahinga siya ng malalim, bago kinuha ang dalawa kong kamay para hawakan.
"Bunso, hindi naman masama na magkagusto ka kay Seige. Pero sana ay magtapos ka muna ng pag-aaral at 'pag nakuha mo na ang goal mo sa buhay ay tsaka mo isipin ang tungkol sa lovelife mo." sabi ni Ate kaya tumango ako.
Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi ko.
Napahinga ako ng malalim habang nakaupo parin ako sa kama namin ni Ate.
Nakokonsensya ako dahil hindi ko pa masabi kay Ate ang lahat ng tungkol sa relasyon namin ni Seige. Malaki ang pagpapahalaga ni Ate sa pag-aaral at ayoko naman na masayang ang pagpapaaral niya sa akin. Kaya natatakot ako na sabihin na boyfriend ko si Seige.
Napatingin ako sa pinto ng bumukas ang pinto at nakita ko si Seige kaya agad akong napatayo dahil baka mamaya ay pumanik si Ate at makita kung bakit narito si Seige.
"S-Seige." ani ko ng makita ko ang seryoso niyang mukha habang lumalapit sa akin.
"Tara sa room ko." sabi niya at hinawakan ako sa kamay bago hatakin.
Pagpasok namin sa kwarto niya ay nabigla ako ng isandal niya ako sa pinto at tinignan ng seryoso.
"I called you several times but you did not answer my call. Hindi mo alam kung gaano ako nababaliw kakahanap sa 'yo, 'yun pala ay narito ka." mariing sabi niya na bakas ang pagkainis.
"Sorry. Sinundo ko kasi Bettina, akala ko kasi saglit lang. Tapos nalaman pa namin na buhay si Kuya Duke, kaya naisipan namin na umuwi rito." sabi ko sa kanya.
"Nasaan ba ang cellphone mo at hindi mo man lang marinig ang tawag ko?" tiim-bagang niyang tanong.
"Naiwan ko kasi sa bahay." sabi ko.
Napabuntonghininga siya at umalis sa harap ko. Lumakad siya palapit sa bintana at tumanaw doon.
Nakokonsensya ako dahil alam ko na ako ang may mali. Tiyak ko na pinuntahan niya ang school ko at maging ang pad namin ni Ate.
Lumakad ako palapit sa kanya at tumapat ako sa likod niya. Niyakap ko siya.
"Sorry na, mahal. Pangako, hindi na mauulit na hindi ako magpapaalam sa 'yo." sabi ko sa kanya.
Hindi siya nakatugon agad sa sinabi ko at napahinga siya ng malalim.
"Okay." sabi niya kaya bumitaw ako ng yakap sa kanya.
"What do you mean?"
Humarap siya sa akin at naupo sa may bintana. Pa-portrait kasi ang hugis ng bintana kaya maaring makaupo doon.
Humawak siya sa baywang ko at hinila ako palapit sa kanya kaya nasa gilid ko ang dalawa niyang binti.
"I forgive you." sabi nya kaya napangiti ako at humawak sa leeg nya.
"Thank you." nakangiti kong sabi.
"I forgive you. But promise to tell me first where you are going, okay?" bilin niya.
"Okay, mahal." sabi ko at sumaludo ako na lagi niyang ginagawa kaya natawa siya.
Nagulat ako ng ipulupot niya ang binti sa akin kaya napahapit pa ako palapit sa kanya at nakulong.
Pinulupot niya ang braso niya sa baywang ko at pinagdikit ang noo namin.
"I miss you, Love." sabi niya kaya napangiti ako.
"Kanina lang tayo hindi nakita, tapos miss mo na ako agad?" sabi ko sa kanya, "Aray!" daing ko ng kagatin niya ang labi ko.
"E, sa na-miss kita." sabi niya at hinalikan ang labi ko, "Ano, masakit pa ba?" sabi niya kaya hinawakan ko siya sa pisngi at pinisil iyon.
"Pasimple ka lang. Gusto mo lang akong halikan." sabi ko.
"Bakit bawal ba?" nakangiting pilyong sabi niya.
"Oo na." sabi ko na lang at tumitigtig sa mga mata niya.
"Malapit na ang anniversay natin. Saan mo gustong pumunta?" tanong niya habang nakatitig kami sa isa't-isa.
"Kahit saan, basta kasama kita." sabi ko kaya napangiti siya.
Alanganin niyang binaba ang mukha niya palapit sa akin.. Tumingin siya sa mga mata ko bago niya pinaglapat ang aming labi.
Pumikit siya kaya pumikit rin ako at kusa naming tinugunan ang isa't-isa ang aming halik. Mahigpit na nakapulupot ang mga braso niya sa baywang ko at inalis ang binti sa baywang ko. Umalis siya ng pagkakaupo sa bintana habang hindi bumibitaw ng halik sa akin.
Lumakad siya habang ako ay napapaatras. Huminto siya at bumaba ang dalawa niyang kamay sa pang-upo ko at binuhat ako kaya napapulupot ang mga binti ko sa baywang niya.
Naramdaman ko ang malambot na kama sa likod ko kaya napadilat ako at napatingin kay Seige na nakapikit ang mga mata at patuloy sa paghalik sa akin.
Bumitaw siya sa labi ko at dumilat syat kaya nagkasalubong ang tingin namin. Ngumiti siya at dinampian muli ako ng halik.
Napahawak ako sa dibdib niya para pigilan siya pero kinuha niya ang kamay ko at pinayakap sa leeg niya.
"I want to kiss you more.. Promise, it's just a kiss." assurance niya tila nabasa niya ang pangamba ko.
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay muli ntya akong hinalikan. Mula sa dahan-dahan ay unti-unting ring naging agresibo siya kaya halos hindi ko masundan ang mabilis niyang paghalik.
Nauubusan na ako ng hininga kaya bumitaw na ako pero hinabol niya muli ang labi ko.
Napadiin ang katawan niya sa akin kaya may naramdaman akong matigas na bagay sa baba ko kaya binaba ko ang kamay ko at kinapa ko kung ano 'yun.
"Ah.. What the f**k!" paungol niyang sabi at napatigil siya sa paghalik.
Kinuha niya ang kamay ko habang pulang-pula ang mukha.
"Damn, Love. Kung ayaw mong may mangyari ngayon, 'wag mo lalong galitin." sabi niya na hindi ko maunawaan.
"Huh?"
"Tsk." sabi niya at umalis sa ibabaw ko.
Naupo siya at napahinga ng malalim. Napatingin ako sa slack pants niya at tila ata ako kamatis sa sobrang pula ng malaman ko ang ibig niyang sabihin.
Naupo ako at napatalikod sa kanya habang nakatingin sa kamay ko na nanginginig dahil hindi ko alam kung anong katangahan ang nagawa ko at hinawakan ko 'yung kanya.
Napaidtad ako ng humalik siya sa pisngi ko.
"Shower lang. Papaamuhin ko lang. Ginalit mo kasi." bulong niya at hinalikan pa muli niya ng isang beses ang pisngi ko bago siya bumangon sa kama.
Narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto ng banyo kaya agad akong umalis sa kama niya at naisipan na lang na umalis sa kwarto niya dahil tila wala akong mukha na maihaharap sa kanya.