CHAPTER 15

2733 Words
CHAPTER 15 ❤ Magnolia ❤ "LOVE!" NAPABALING AKO ng tingin ng marinig ko ang pagtawag ni Seige. Nahihiya na napaiwas ako ng tingin sa mga estudyanteng narito sa garden ng school, dahil kita ko ang pagtinginan nila na tila kilig na kilig sa pagtawag sa akin ni Seige ng 'Love'. Narito ako sa garden dahil hinihintay ko talaga si Seige, dahil sabi niya ay sabay kaming uuwi. Tapos na ang klase ko kaya siya na lang ang hinihintay ko dahil may exam sila para sa last term ng course niya. Isang araw palang ang nakalipas mula ng makipagtanan si Bettina kay Chad at ang pag-uwi rin nito. Kahit na masaya ang pinapakita ni Bettina sa amin ay ramdam ko at kita ko na hindi parin siya maka-move on kay Chad. Kalat na kalat na rin sa buong school na fiancé ni Chad ang isang chinese girl na rito rin nag-aaral.. Hindi muna pumapasok si Bettina para makapag-isip siya ng maayos at malayo muna kay Chad. At habang tumatagal naman ang relasyon namin ni Seige ay inaamin ko na hulog na hulog na ako sa kanya. Sanay na ako na parati siyang nand'yan at nakabuntot sa akin, kasi gusto ko rin naman na lagi siyang kasama. "Tapos na ang exam niyo?" tanong ko ng makarating siya sa harap ko. "Yes." tugon niya at humalik sa pisngi ko na kinainit ng pisngi ko, dahil maraming nakakakita. Lalo na ang barkada niya na si Paul at Lawrence na may kanya-kanyang akbay na babae na nginitian ako kaya ngumiti rin ako. Alam na rin ng buong campus na ako ang girlfriend ni Seige. Maging ni Bettina at Samuel na nagpapasalamat ako dahil hindi pa alam ni Ma'am Beatrice at Sir Dimitri. Lalong-lalo na si Ate. Mabuti at laging ginagabi si Ate ng uwi kaya hindi niya ako natatanong dahil tulog na ako. Kung wala naman siyang work ay lagi naman silang umaalis ni Kuya Duke. Alam ko kasi na may paghihinala na si Ate kung bakit laging nakadikit sa akin si Seige. "Oo nga pala, Love. Girlfriend ni Paul at Lawrence." sabi ni Seige habang tinuturo ang dalawang babae. "Hi, Magnolia. Ako si Bianca, Paul's girlfriend." pakilala ng cute at medyo maliit na babae. Napangiti ako dahil ramdam ko na mabait siya at mahiyain rin. "Ako naman si Bea. Nice meeting you, Magnolia." sabi naman ng maputi at slim na babae na mukhang mataray sa unang tingin pero mukhang mabait rin. "Nice meeting you rin sa inyo. Paano niyo nalaman ang pangalan ko?" nakangiti kong tanong. "Ah, sinabi lang nila." sabi nitong si Bea. "Gano'n ba." sabi ko at tumingin kay Seige na nasa tabi ko. "Love, may double date kasi sila." sabi niya. "Tapos?" nabibitin kong sabi. "Date rin tayo." Sabi niya na parang bata na nag-aya kaya natawa ako at napailing. Kinuha ko ang libro na nakalapag sa table at ang shoulder ko bago siya hinarap. "Sige, tara na." pagpapayag ko na kinalaki ng ngiti niya. "Thanks, Love." sabi niya at kinuha ang dala kong libro. "Ako na rito." sabi ko ng balak niya pang bitbitin ang bag ko. "Hindi, ako na." pagpipilit niya at sinukbit ang bag ko sa isang balikat niya kahit na meron pa siyang sukbit-sukbit na back pack sa likod niya. Hinawakan niya ako sa kamay at inaya na sila Paul na nakangiting nakatingin sa amin. Kanya-kanya ng sasakyan ang dala namin. Kami ni Seige ay sa sasakyan niya. Tinanong niya ako kung saan ko daw ba gusto, sabi ko sa star city na lang dahil hindi na muli ako nakapupunta doon. Tapos tinawagan niya sila Paul at sinabi na sa star city kami. "Mahal, baka may gusto silang puntahan. Nakakahiya naman, dahil lang gusto ko doon ay doon na rin sila." sabi ko sa kanya pagkatapos niyang binaba ang tawag. "It's okay, Love. Wala rin namang maisip ang dalawang tukmol kung saan nila dadalhin ang girlfriend nila." sabi niya kaya napatango ako. "Saan ba nila na-meet si Bea at Bianca?" tanong ko. It's weird na nakakasama namin sila Paul pero hindi ko naman nakikita si Bea at Bianca na kasama nila. Mas mukhang girlfriend pa nga ng dalawa si Seige, dahil halos palagi silang magkakasama. "Paul and Bianca are childhood sweet heart and they have a strong relationship. But when bianca went to america, I have no news of their relationship. Pero ngayon ay sila parin pala." sabi niya kaya napatango ako at napangiti dahil may babae palang minamahal si Paul kahit na puro kalokohan. "At si Lawrence at Bea naman ay nito lang nagkakilala. Ewan ko paanong naging girlfriend agad ni Lawrence si Bea." pagpapatuloy na sabi niya. "Nagtataka ka pa. Syempre, kung ano ang leader gano'n din ang nasasakupan niya." bulong ko. "Are you say something, Love?" Tanong niya. "Wala." sabi ko at tumingin nalang sa labas ng bintana. Star City BUMABA NA KAMI ng sasakyan at nakita ko na naroon na rin sila Paul na hinihintay kami sa tapat ng kanilang sasakyan. Lumapit sa akin si Seige at hinawakan ako sa kamay. Lumapit kami kela Paul. "Tara na." aya nila kaya tumango kami ni Seige at naunang maglakad patungong entrance ng Star City. Naisipan namin na maghiwalay muna para sumakay sa mga gusto naming sakyan na rides. Sinakyan namin ni Seige ang lahat ng rides maging ang snow world ay pinuntahan namin. Hanggang sa magsama kami ng barkada niya para kumain. Naisipan namin na kumain sa isang fast food chain rito sa star city. At pagkatapos ay narito naman kami sa kuhanan ng stuff toys. Hawak-hawak ko ang pamukpok habang nasa likod si Seige na nakahawak rin. Pinupokpok kasi namin 'yung mabilis na lumalabas na ulo hindi namin mahuli-huli. Narito kami ni Seige habang nasa ibang lugar sila Paul at Lawrence kasama ng girlfriend nila na si Bea at Bianca na close ko na. Nakakatuwa sila dahil mabait at matapang na mga babae. Si Bea ay mataray lalo na 'pag may nagpapa-cute kay Lawrence, pero natatawa na lang ako dahil ang cute nila. Napapakamot na lang kasi si Lawrence sa ulo niya dahil sa pagkaselosa ni Bea. Si Bianca naman ay shy type katulad ko at ang sweet nila ni Paul. At mahahalata mo talaga na kilalang-kilala na nila ang isa't-isa at talagang mahal na mahal. Kami naman ni Seige ay nag-e-enjoy rin at masayang-masaya sa date na ito. "Ano bang klaseng laro ito?" sabi niya na wala man lang kaming mapukpok. Nakayakap siya sa akin sa likod na tila hiningal pa. Narito kami sa harap ng machine na pinanggigilan talaga namin para lang mapukpok ang nakakainis na larong ito. "Wag na lang tayo rito. Doon tayo sa ibang may stuff toys." aya ko sa kanya at tinuro ang isang laruan na may babariling mga sundalo at 'pag natamaan lahat ay mananalo ng malaking stuff toy. "Doon ba, sige." sabi niya at bumitaw ng yakap sa akin at inakbayan ako para akayin doon. "Manong, ano ang mga prize 'pag natamaan ko lahat ng sundalo?" tanong ni Seige kay manong na nagbabantay sa game booth na ito. "Heto, hijo." turo niya sa malaking teddy bear. Tumingin sa akin si Seige kaya nginitian ko siya at tumango ako sa kanya para sabihin na gusto ko. "Oh, sige, maglalaro ako, Manong." baling ni Seige kay manong. Inalis niya ang braso sa balikat ko at kinuha ang inabot ni Manong na toy gun. Umayos ng pwesto si Seige habang ako ay nasa gilid niya na nakasiklop ang mga kamay ko habang lihim na nananalangin na sana matamaan niya. Tinapat na ni Seige ang baril at napatakip ako ng bibig ng matamaan niya lahat. Lahat ng sundalong laruan ay tumba. Napapalakpak ako at napahawak sa braso niya habang nagtatalon sa tuwa. "Ang galing mo! Nagawa mo!" tuwang-tuwang sabi ko sa kanya. Napangiti siya at inabot kay Manong ang toy gun. "Congratulations, hijo. Heto ang premyo niyo." sabi ni Manong at inabot kay Seige ang malaking teddy bear na mas malaki pa sa amin. "Here, Love." abot niya sa akin kaya agad ko itong kinuha at niyakap. Ang lambot. "Baka dahil meron ka na n'yan ay ipagpapalit mo ako d'yan." aniya kaya inayos ko ang pagbitbit sa teddy bear at tumingin sa kanya. "Pati ba naman ito." nakangiti kong tugon sa kanya. "Of course." sabi niya at umiwas ng tingin. Ngumiti ako at humawak sa balikat niya kaya napatingin siya sa akin kaya nagkatinginan kami sa mata. Tumingkayad ako at inabot ang labi niya. Bumitaw ako at tumingin sa kanya na gulat na gulat. Ngumiti ako at naunang umalis sa booth na iyon habang yakap-yakap ko ang napakalaking teddy bear na iyon. Pero napahinto ako ng may humatak sa suot kong blouse at hinarap ako. Si Seige! Humawak siya sa magkabilang baywang ko at hinapit ako kaya nasa gitna namin 'yung bear. He tilted his head to face me and in an instant..... our lips met. He hugged me tightly as we continued to exchange kisses. Nakarinig ako ng mga tumitili kaya agad akong napabitaw sa labi ni Seige. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko na maraming taong nakapalibot sa amin kasama na sina Paul, Lawrence, Bea at Bianca na tumitili at nagpapalakpakan. Tapos vinivideohan pa nila kami. Hiyang-hiya ako at ginawa kong pantakip ang teddy bear sa mukha ko. Niyakap ako ni Seige at hinaplos ang ulo ko... "I love you, Magnolia Ramirez." sabi niya. Napalakas ang t***k ng puso ko ng marinig ko ang sinabi niya. Umalis ako sa pagkakasubsob sa teddy bear kaya lumuwag ang yakap niya at sinilip ako. "Nahihiya ako rito." bulong ko na kinangiti niya at hinalikan ako sa noo. Sinenyasan niya sila Paul at nakita ko na unti-unti nang nag-alisan ang mga nakiusyoso. "Hindi ko pa minsan naririnig sa 'yo kung mahal mo rin ba ako." sabi niya bigla at napahawak sa batok habang nakayuko ang ulo. "Mahal din kita, Seige." walang pag-aalangan kong sabi sa kanya kaya napaangat siya sa akin ng tingin. "Talaga?" tuwang-tuwa niyang paniniguro sa narinig. "Oo." "Isa pa nga." hirit niya pa. "Mahal kita." sabi ko kaya niyakap niya muli ako. "Thank you and I love you too, Love. I was happy and finally you also said that you love me." sabi niya. "Pasensya na, nahihiya kasi ako." sabi ko kaya umalis siya ng yakap at nabigla ako ng makita na nangingilid ang luha niya. "Okay lang." sabi niya at inakbayan na ako. Nakatingin ako sa kanya habang tinitignan ang pagngilid ng luha niya. Hindi ko akalain na dahil sa pag-amin ko na mahal ko rin siya ay 'yun pa ang magpapakita ng pag-iyak niya. Hindi ko mapigilan na matuwa ng puso ko na malaman na gano'n pala kalalim ang pagmamahal niya sa akin. At napakaswerte ko dahil ako pa ang minahal niya. GABI NA RIN ng kami ay makauwi. Sinabi niya na aminin na daw namin sa lahat ang relasyon namin, pero sinabi ko na kailangan ko muna na sabihin kay Ate bago namin ipaalam sa lahat. At pumayag naman siya. Madaling araw na ng maalimpungatan ako na tila nagkakagulo. Kaya napatingin ako kay Ate ngunit wala siya sa tabi ko. Agad akong bumaba ng kama at dumeretso palabas ng kwarto. Pansin ko na bukas ang pinto ng kwarto ni Kuya Duke kaya tinungo ko iyon dahil baka nandoon si Ate. Ngunit walang tao doon kaya sinara ko ang pinto at naisipan na bumaba. At sa pagbaba ko sa hagdan ay nakita ko na naroon ang lahat ng magkakapatid, maliban kay Bettina at Kuya Duke na wala. Maging si Ate, Ma'am Beatrice at Sir Dimitri ay wala. Napatingin sila sa akin at nakita ko na mga seryoso at bakas ang kaba sa kanilang mukha. Lumapit ako kay Seige na nakaupo sa pang isahang sofa. Umusog siya at pinaupo ako. "Anong meron at gising pa kayo? Tsaka bakit ang daming bodyguard na narito?" mahinang bulong ko sa kanya. "Naaksidente daw si Kuya Duke at wala pa kaming alam dahil hindi pa bumabalik sila Mommy." sabi niya na kinatakip ng kamay ko sa bibig ko. Si Ate! Tiyak ko na siya ang mas maaapektuhan. Anong nangyari at bakit naaksidente si Kuya Duke? Kung kelan malapit na ang kasal nila ay tsaka pa nangyari ito. "Love, matulog ka na. Kami na ang bahala rito." sabi sa akin ni Seige. "Hindi, mamaya na. Gusto kong maghintay rin, hindi rin ako makakatulog sa pag-aalala." sabi ko kaya napabuntonghininga siya at ginulo ang buhok. Hindi mapakali sila Kuya Diesel at Samuel habang may tinatawagan. "We should follow them. Hindi ako mapapakali rito kung narito lang tayo." si Kuya Deo. "Pasensya na, Deo. Pero pinagbilin kayo ni Sir Dimitri na 'wag daw kayong palabasin." sabi ng isang tauhan na si Kuya Wilson. "But--" "Tama na, Deo. Maghintay na lang tayo, 'wag na natin ipahamak sila Wilson kay Daddy." sabi ni Kuya Drake. Natahimik si Deo at pabalang na naupo muli sa sofa. Tumayo ako kaya napatingin sa akin si Seige. "Where are you going?" tanong niya. "Ipagtitimpla ko muna kayo ng kape." sabi ko. "'Wag na." Pigil niya at hinila muli ako paupo sa tabi niya. SIGURO AY MAG-U-UMAGA na ng makarinig kami ng ugong ng sasakyan kaya agad kaming napatayong lahat at agad na nagsilabasan. Nakita namin na tila pinagbagsakan ng langit sila at kita ko ang pahagulgol sa iyak nila Ma'am Beatrice, Bettina at Ate. Agad akong tumakbo palapit kay Ate. "Ate, anong nangyari?" nag-aalala kong tanong sa kanya. Agad siyang napayakap sa akin na tila hinang-hina. "M-Magnolia, ang Kuya Duke mo." humahagulgol niyang sabi habang pumipiyok-piyok. "Ate!" napasigaw ako ng himatayin si Ate. "Si Ate po!" mangiyak-ngiyak kong sigaw habang nag-aalala kay Ate. Agad na tinulungan ako ni Seige. Dinala namin si Ate sa taas at agad akong kumuha ng maligamgam na tubig, towel, bicks at ano pang pangpapagising sa kanya. "Why all of this happen?!" sigaw ni Seige na narito sa kwarto namin at pinupukpok ang pader dahil hindi rin niya matanggap ang nangyari kay Kuya Duke. "Tiyak ko na paggising ni Ate ay iiyak na naman siya at hindi makakayanan ang nangyari." sabi ko habang puno ng pag-aalala at malungkot na nakatingin kay Ate. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa tabi ni Ate. Lumapit ako kay Seige na umiiyak habang pinagsusuntok ang pader. Niyakap ko siya sa likod para malaman niya na ako man ay labis na nalulungkot sa nangyari. Kanina lang ay ang saya namin tapos ganito pala ang mangyayari. Nanginginig si Seige habang tahimik siyang umiiyak. Inalis niya ang kamay ko kaya umalis ako sa pagkakayakap sa kanya. Humarap siya sa akin na puno ng luha ang mga mata niya. Sumandal siya sa pader at hinapit ako payakap. Sumubsob siya sa leeg ko at doon binuhos ang pag-iyak niya. "Shhh... Mahahanap natin ang kuya mo. Tatagan mo lang ang loob mo, alam ko na ligtas siya." pagpapakalma ko sa kanya habang hinahaplos ang likod niya at buhok niya. "I love him as a older brother. He's the best kuya for me. Kahit na puro kami kalokohan ni Samuel noon ay siya 'yung patuloy na sumusuporta sa amin noong bata kami. Palagi niya kaming pinagtatanggol kapag may nang-aaway sa amin noon. At na-realized ko na wala pa akong nagagawa para sa kanya." sabi niya habang nakasubsob parin sa leeg ko at umiiyak. Hinigpitan niya ang yakap tila kumukuha siya ng lakas sa akin. "Meron kang nagawa at alam ko na alam niya iyon. At ngayon, may magagawa ka pa." sabi ko sa kanya. "Ano 'yun?" "Ang magdasal na sana ay nakaligtas siya at nasa mabuting lagay. At hindi tayo susuko na hanapin siya kahit na anong mangyari." Tumango siya at bumitaw ng yakap sa akin. Hinawakan ko ang mukha niya at pinunasan ang luha sa mukha niya. "D-Duke! W-wag mo akong iwan.. please.." Napatingin kami kay Ate na nanaginip at umiiyak. Agad akong napalapit kay ate at kinuha ang kamay niya at dinala sa pisngi ko. "Ate, narito lang ako.. Please stop crying." sabi ko kahit na hindi ko alam kung naririnig niya ako. Ako ang nasasaktan na ang mahahalaga sa aking tao ay umiiyak ngayon at nangungulila. Sana mahanap na si Kuya Duke. Sana ay ligtas siya at makabalik sa pamilya niya.... At pati kay Ate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD