Chapter 1 - Father Luke - The Beggining
Malakas na sampal ang gumawad sa kaliwang pisngi ni Luke mula sa kanyang ina na nanlilisik ang mga mata sa galit matapos niyang sabihin dito na hindi na niya itutuloy ang kanyang pagiging pari.
"Ma, mahal ko si Ella. Nagmamahalan kami. Kung hindi ninyo maibibigay ang basbas niyo para sa amin mapipilitan akong suwayin kayo" At isa isa nang nag patakan ang kanyang mga luha sa kaniyang pisngi.
"Kahit kailan hinding - hindi ko mapapayagan ang ang relasyon ninyong imoral!" Asik sakanya ng kaniyang ina.
"Simula ng makilala mo ang malanding babae na yan natuto ka nang sumuway sa amin. Ano na lang ang sasabihin sa atin nang iba natin na kamag - anak, na tinalikuran mo ang pagpa - pari para lang sa isang babaeng mababa ang uri!" Nag ngingitngit sa galit na saad ng ginang.
Lumuluhang hinarap niya ang kaniyang ina.
"Simula po pagka bata lahat ng gusto niyo sinunod ko. Bawal to, bawal yan, opo ang lagi kong sagot. Kahit ayoko ng mga pinapagawa niyo, opo pa din pero Ma, ngayon po lang ako hihiling sainyo ng para sakin".
"Yung talagang gusto ko"
"Yung makakapag - pasaya sakin"
"At yun ay si Ella"
Patuloy pa rin ang pagdaloy ng kanyang mga luha dahil sa sakit na nararamdaman hindi dahil sa sampal na natanggap nya mula sa kaniyang ina kundi sa sakit na nararamdaman ng kaniyang puso sa katotohanan na hindi kayang tanggapin ng kaniyang ina ang babae na kanyang minamahal.
Tinalikuran siya ng kaniyang ina bago siya nito muling tugunin.
"Kung hindi ka na mapipigilan, itatakwil kita bilang anak ko. Kalimutan mo na na meron kang ina. Tatanggalin ko lahat ng mamanahin mo at sisiguraduhin ko na babalik ka sa akin at sasabihin mo na sana ay sinunod mo na lang ako".
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Luke bago nilisan ang opisina ng kaniyang ina. He is heart - broken. Unang beses siyang napag buhatan ng kamay ng kaniyang ina. Dagdag pa rito ang pagka disgusto nito sa kanyang babaeng iniibig. Hindi madali para sa kaniya na magalit ang kaniyang ina dahil ngayon niya lamang ito nakita nang ganito ka galit. Masakit man sakanya ay susuwayin nya ito sa unang pag kakataon. Susundin nya ang nilalaman ng kaniyang puso at yun ay ang makasama si Ella ang babae na kanyang iniibig ng taos puso.
Pagkalabas ng kaniyang anak sa kaniyang opisina ay agad na lumandas ang kanyang mga luha dahil sa sama ng loob sa nangyaring komusyon sa pagitan nila nang kaniyang anak. Ito ang unang beses na na sinuway siya nang kaniyang anak at ang masakit pa ay para lang sa isang babae na mariin niyang tinututulan. Napaupo sya sa kanyang swivel chair na nangngingitngit sa galit at ipinapangako sa sariling pagsisisihan ng babaeng iyo ang pagsira sa kinabukasan ng aking anak ani nya sa kaniyang isip.
******
Malamig na simoy nang hangin ang sumalubong sa balat ni Ella nang buksan niya ang bintana ng kanyang kwarto. Labis labis ang kaba na kaniyang nararamdaman dahil ngayon gabi nakatakdang sabihin ng kanyang nobyo na si Luke sa kanyang ina ang tungkol sa kanilang relasyon at ang balak nitong hindi na itutuloy pa ang kaniyang pagpa - pari. Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata habang nakatingala sa kalawakan at sinamyo ang lamig ng hangin. Samut - saring isipin ang tumatakbo sa kanyang isipan ngayon. Nasa ganoon siyang posisyon nang biglang may mag - doorbell. Batid niyang si Luke iyon kaya nagmadali siyang tinguhin ang pintuan para pagbuksan ito.
Hilam sa sariling luha ang mukha nito at namumugto na ang mga mata dahil sa pag iyak ang Luke na bumungad sakaniya matapos niya itong pag buksan ng pinto. Batid na niya kung ano ang kinalabasan ng pag uusap nito sa pagitan kaniyang ina. Mataman niya itong tinitigan pagkatapos ay niyaya na niyang pumasok sa loob kaniyang bahay. Agad nilang tinungo ang sala at doon niya pinaupo si Luke bago pakalmahin. Ilan minuto pa ang lumipas at nakakabinging katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa. Si Ella ang bumasag sa kanilang katahimikan.
"Tama ba itong desisyon na gagawin natin"
Mangha siyang tinignan ni Luke. At pinagsalikop ang kanilang mga kamay.
"Ito ang pinaka tamang desisyon na gagawin ko Ella, ang makasama ka ang sundin kung ano ang talagang itinitibok ng puso ko"
"Wag mong sabihing nagbabago na ang isip mo sakin Ella" malungkot ang mga mata niyang tiningnan ang dalaga.
"Nagsisisi ka ba na nakipag relasyon ka sakin Ella" tanong sakanya ni Luke.
Mapait na ngiti ang iginawad sa kanya ng dalaga nang siya ay lingunin nito. "Wala akong pinagsisisihan na kahit na kaunti Luke simula nang makilala kita naging masaya ako nakumpleto ako wala na akong ibang mahihiling pa kundi sa pagmulat ng aking mata sa araw araw ay ang makasama ka pero ayokong maging makasarili Luke kung ang kapalit nang magiging kasiyahan ko ay ang pagkasira ng relasyon mo sa pamilya mo mas mabuti pang ------.."
Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nya nang putulin nito ang kaniyang sinasabi. Maagap nitong hinuli ang kaniyang mata at ipinangako na aayusin niya ang lahat pagkatapos ay mag babagong buhay sila at bubuo na nang sarili nilang pamilya.
Tuluyan na nga na naiwan ni Luke ang pag papari.
Nagdaan pa ang mga araw at naging maayos ang naging kanilang pagsasama. Nakatira man sila sa iisang bahay ay magkaiba naman sila nang kwarto na tinutulugan sa kadahilanan na iyon ang gusto ni Luke bilang pag respeto sakaniya. Magtatabi lamang daw sila sa kama kapag sila ay ganap nang mag asawa.