Chapter 2 - Happy and Contented

454 Words
Kinabukasan, maaga pa lang ay gising na si Ella. Balak niya ipagluto nang almusal si Luke. Fried rice, hotdog, itlog at ham ang naisip niya lutuin. Nagpakulo na rin sya nang tubig sa takure at isinalin sa telmos para kung sakaling magustuhan ni Luke ang magkape ay meron na siyang nakahandang mainit na tubig. Ilang saglit pa ay inihanda na niya sa hapag kainan ang kaniyang mga niluto. Isa isa na niyang nilapag sa lamesa ang mga niluto. Naghanda din sya ng dalawang plato, dalawang baso, dalawang pares ng kutsara at tinidor. Pinagmasdan niya ang lamesa at inisip kung ano pa ang kulang. "Hmmmm. Ano pa kaya ang kulang", kausap niya sa sarili habang hawak ang kanyang baba na parang nag iisip. Pag kuwan ay tinungo niya ang refrigerator at kumuha ng isang pitsel ng tubig at inilapag iyon sa ibabaw ng lamesa. Nasa ganoon siyang posisyon nang maramdaman niyang may isang pares ng braso ang ang unti unting gumagapang sa kaniyang bewang at mahigit siyang niyakap mula sa kanyang likuran. Kasabay noon ay ang pag dantay ng mga baba nito sa kaniyang mga balikat. "Good morning love." Using his husky deep voice. Sabay gawad ng isang mainit na halik sa kanyang pisngi. Nilingon niya ito nang hindi parin sila nagbabago sa kanilang posisyon. "Gising kana pala. Gigisingin pa lang sana kita pagkatapos ng ginagawa ko dito" Inikot siya nang lalaki paharap sakanya para mas mapagmasdan pa nito ang kaniyang mukha. "Naamoy ko kasi na mabango ang niluluto ng mahal ko kaya nagising ako" lambing ni Luke sa dalaga. Napanguso siya para takpan ang kilig. Unti unti siyang iniharap ni Luke para magtama ang kanilang mga mata. "Mahal na mahal kita Ella. Gagawin ko ang lahat para maging masaya ka. Pinapangako ko sayo na hinding hindi ka masasaktan sakin". Masuyo siyang tinitigan nang binata sa kaniyang mga mata at ginawaran ng isang mainit na halik sa kaniyang labi. Kusang napapikit ang kaniyang mata sa sensasyon na dulot ng maalab na halik ni Luke. Ipinulupot pa niya ang magkabilang braso sa leeg ng binata. Ilan minuto din nilang pinagsaluhan ang halik ng bawat isa bago sila maghiwalay. Kapwa habol ang hininga nila at pinagtungki pa ni Luke ang kanilang mga ilong bago tuluyan siyang pakawalan nito. Pagkatapos nila mag almusal ay inihanda na ni Ella ang mga gagamitin niya para sa pag be bake. Mukhang mapapalaban siya ngayon araw dahil sa dami ng orders ngayon sakanya. Iyon ang ginawa nilang extra income ni Luke simula ng magsama sila. Si Luke naman ay tinutulungan din siya sa pamamagitan ng pagdedeliver ng mga order sakanila. Naging patok sa mga tao ang kanilang munting negosyo kaya unti - unti itong lumago at dahil na rin sa pagtutulungan nilang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD