Chapter 3 - Bake Shop

1224 Words
***** ISANG TAON ANG NAKALIPAS. Nakapagpatayo na sila nang sarili nilang bakeshop. Tatlong palapag ito. Ang ikatlong palapag ay ang roof deck, kung saan madalas silang tumambay para mag unwind o di kaya doon sila natambay kasama nang kanilang mga kaibigan. Ang ikalawang palapag ang naging kanilang tirahan. May dalawang kwarto ito. Isa para kay Luke at isa para kay Ella. May sala na kasya ang nasa labing limang katao. Ang kusina na malaki ang espasyo. Ang hapag kainan na may 8 seater. Black and white ang kulay ng kanilang bahay. Alas osto ng umaga nagbubukas ang kanilang shop pero alas kwatro pa lang ng madaling araw gising na si Ella dahil siya ang nag be bake ng kanilang mga paninda. Meron cake, cup cakes, mamon, crinckles, macaroons, ube and cheese pandesal at marami pang iba. Tumatanggap din sila ng mga orders. Para sa birthday, kasal, binyag, anniversary o kahit anong okasyon. Ala una ng madaling araw ng magising si Luke dahil sa pagkauhaw nang mapansin niya si Ella sa kusina kaharap ang laptop nito. "Love, bakit gising kapa?" Agaw nito sa atensyon ng dalaga na abala sa pagta type sa laptop. "Ang daming order love, nagdagdag pa kasi Mrs. Mercado. Mukhang di na muna ako matutulog kailangan daw bukas nang tanghali" ani Ella. "Kung ganun tutulungan na kita para mabilis kang matapos" "Sigurado kaba? Maghapon kana pagod dahil sa pag dedeliver" mababakas sa tono ang pag aalala para sa binata. "Oo naman love, strong yata to!" Sabay angat sa kanyang kanang braso para ipakita ang kanyang muscle. Napatawa naman si Ella sa tinuran ng binata. At parang may mainit na kamay ang humaplos sa kanyang puso sa nakikita niyang effort ni Luke para sa kanilang negosyo kahit na sabihin pang pagod at puyat ang binata ay willing parin siya nitong tulungan. Eksakto alas - onse ng tanghali nang matapos silang gawin ang lahat ng order. Sakto sa pagtawag ni Mrs. Mercado para sabihin na papunta na ang kanyang driver para kunin ang kanyang mga order. Matagal a nilang customer si Mrs. Mercado. Sa katunayan, sakanila lagi umoorder ang ginang sa kahit na anong okasyon. Naglilinis na si Ella ng mga pinag gamitan nila nang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon nakita niya na si Mrs. Mercado. "Hello" masayang bungad niya sa ginang. "Hi iha, tapos naba yung mga order ko?" Magiliw na tanong sakanya nang ginang. "Opo Mrs. Reyes. Nakahanda na po. Pwede niyo na po ipakuha dito sa shop". Magalang na sagot ng dalaga. "Sige iha ipapakuha ko na ngayon sa driver ko. Maraming salamat Ella". "Naku wala po yun Mrs. Mercado. Ako nga po ang dapat magpasalamat sainyo dahil madalas po kayo umorder dito sa shop namin. Saka nirerekomenda niyo pa po kami sa mga kakilala niyo" nahihiyang tugon ni Ella. "Naku iha, kahit na irekomenda pa kita sa lahat ng kakilala ko sigurado ako na di ako mapapahiya dahil magaling at masarap ka naman talaga mag bake" mababakas sa boses ng ginang na proud na proud ito sakanya. Maya maya pa ay nakarinig na si Ella ng busina ng sasakyan kaya nagpaalam na siya sa kausap. "Maraming salamat po talaga Mrs. Mercado. Nasa labas na po yata ang driver niyo" anito at nagpaalam na sa kausap. Lumabas si Ella para makita kung sino ang dumating at hindi nga siya nagkamali. Ang driver ni Mrs. Mercado. Nakangiti ito habang kumakaway ng makita siya. Gumanti naman sya ng ngiti at kaway din sa matandang lalaki. "Mang Dante, tamang tama po ang dating niyo. Katatapos ko lang po sa mga order ni Mrs. Mercado" "Ganun ba iha, nasaan naba at kailangan ko na bumalik agad sa mansyon dahil isa isa nang nagdadatingan ang mga bisita ni madam" ani nang matandang driver. "Nandito po sa loob Mang Dante, makikisuyo na po ako paki buhat na lang po. Wala po kasi si Luke at nagdeliver" nahihiyang sabi ni Ella. "Naku wala yon iha, mas malakas pa ako sa kalabaw. Kaya sisiw lang sakin yan" ani ni Mang Dante at sabay silang nagtawanan. Pagkaalis ni Mang Dante ay itinuloy na ni Ella ang pagliligpit. Nag paskil na rin siya sa pintuan ng shop ng "CLOSED" naisip niya na mag half day lang ngayon dahil kailangan din nila mag pahinga ni Luke. Halos dalawang linggo sila na walang matinong tulog sa dami ng orders. Siya sa paghahanda at pag gawa ng mga orders. Si Luke naman ay maghapon nagdedeliver. Kung minsan pa ay inaabot pa ito ng dilim sa pag dedeliver sa dami talaga ng mga umoorder sakanila. Nang matapos siyang maglinis ay nag umpisa na siya magluto ng kanilang pananghalian. Nagsalang muna siya ng sinaing sa rice cooker bago inihanda ang mga sangkap na gagamitin para sa ulam na lulutuin. Siningang na baboy ang naisip niyang lutuin dahil iyon ang paborito ni Luke. Sigurado siya na mapaparami ang kain ng binata lalo pa at paborito nito ang kaniyang ihahain. Nang matapos siya sa pagluluto ay agad niyang sinulyapan ang orasan sa kanilang sala. Pasado alas - dose na pala pero wala pa ang kanyang nobyo. Nakaramdam siya nang awa nang maalala ang lalaki. Tiyak na malilipasan nanaman ito ng gutom dahil sa pag dedeliver. Nag pasya siyang huwag muna kumain at antayin na lang ang binata para sabay sila kumain ng pananghalian. Nagtungo siya sa sala at umupo sa sofa habang inaantay si Luke. Sa sobrang pagod niya ay di na niya namalayan na hinila na ng antok ang mga talukap niya at tuluyan nang nakatulog. Nagising siya nang may mainit na palad siyang naramdaman na humahaplos sa kaniyang pisngi. Nang magdilat siya ng mata ay nakita niya si Luke. Nakangiti sakanya ang binata. "Love tara na kain na tayo, nakahain na ako" "Nakatulog pala ako love, pasensya kana. Hindi ko namalayan na dumating ka na pala. Kanina ka pa ba?" Ngumiti ito at umiling. "Mga 30 minutes pa lang. Nakita ko na mukhang pagod ka kaya di na kita ginising" ani Luke. Sabay silang kumain ng pananghalian. Masayang pinagmamasdan ni Ella ang binata habang kumakain. Halos naka anim na cups si Luke ng kanin. Hindi siya maawat sa pagkain. Talagang napapakalakas ang kain niya kapag sinigang na baboy ang ulam at lalo na kapag luto ito ni Ella. Nasa ganoong pag mumuni muni si Ella nang magsalita si Luke. "Love may sasabihin nga pala ako sayo" sabi niya habang kumakain. "Ano yun love?" "Nagpa book nga pala ako sa hotel sa isang beach sa Batangas. Magbakasyon tayo kahit tatlong araw lang tutal tapos na naman ang mga orders sa atin at na i deliver ko na lahat ng orders. Para naman maka pag relax tayo." mahabang litanya ni Luke. Natuwa naman si Ella at na excite sa sinabi ng binata lalo na at first niya na makaka punta sa beach. "Tamang tama sasabihin ko pa naman sana sayo na huwag muna tayo mag bukas nang shop para mapahinga. Halos dalawang linggo din tayong abala sa mga orders sa atin. Kailan tayo aalis?" Mababakas sa tono ng boses niya ang pag kasabik. "Bukas nang madaling araw para bago sumikat ang araw nandoon na tayo. Panonoorin natin ang pag sikat ng araw" masayang sabi ni Luke. Pag katapos nilang kumain nang pananghalian ay inayos na agad ni Ella ang mga gamit nila. Walang pag lagyan ang kasiyahan niya at excitement na nararamdaman para sa lakad nila ni Luke bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD