Alas - tres pa lang ng madaling araw ay umalis na si Ella at Luke patungong Batangas. Balak nilang panoorin ang pag sikat ng araw sa tabi ng dalampasigan. Dumaan sila sa Drive - thru ng isang fast food chain para bumili ng kakainin nila habang nasa byahe sila. Halos dalawang oras din ang binyahe nila bago nakarating sa beach na tutuluyan nila. Medyo madilim pa kaya nag pasya muna sila na umakyat sa kani kanilang kwarto at ayusin ang kanilang mga gamit. Nang makararing sila sa lobby ay sinalubong sila ng mga tauhan ng hotel.
"Good morning Ma'am and Sir, welcome to Pico De Loro Hotel and Beach Resort. How I may help you?" masayang bati sakanila ng receptionist.
"Hi good morning din, nag booked ako last week please check Luke Andrew Escobar"
Agad naman nag type ang receptionist sa computer na kaharap nito.
"Yes sir, beach front view po. This way po sir. Tawagan ko lang po yung mag aassist sainyo." Magalang na sagot ng receptionist.
Habang naka sakay sa elevator hindi maitago ni Ella ang sayang nararamdaman. Hinawakan niya ang kanang kamay ng binata gamit ang kaliwang kamay niya at sinalikop ito na siyang dahilan ng paglingon ni Luke sa kanya. Nakatingala siya sa binata habang nakangiti na pinagmamasdan ang gwapo nitong mukha.
"Are you happy love?" Bulong ni Luke sa kaliwang tainga niya.
Pero imbis na sumagot ay hinalikan niya ito sa kanang pisngi at bumulong ng thank you.
Pag dating kanilang sa kwarto ay namangha si Ella sa ganda nito.
Kaya hindi niya napigilan na libutin ang kabuuan ng kwarto. Pagkapasok mo palang ng kwarto ay bubungad na agad sayo ang sala na may isang four seater at dalawang single sofa na kulay gray. Ang pader nito na kulay cream na may nakasabit na mga painting sa dingding nito. Sa bandang kaliwa ay ang bathroom na may dalawang sink, dalawang toilet bowl, isang urinal, at shower na may heater. Pagkalabas mo naman ng bathroom ay makikita mo sa bandang kanan mo ang mini kitchen na kumpleto sa gamit. Mula sa two - door refrigerator. Gas stove, rice cooker, dish cabinet na kumpleto sa mga gamit pang kusina, lababo at dining table. Bumalik siya sa sala pero wala si Luke. Sa gilid nito ay may napansin siyang nakabukas na pinto. Dali dali siyang nagpunta doon at baka sakaling nandoon si Luke sa loob. Hindi nga siya nagkamali nadatnan niya si Luke na inaayos ang mga gamit nila at isa isa itong tinatanggal sa kanilang maleta. Muli ay nabighani nanaman siya sa ganda ng silid. Ang pader nitong kulay ube ay talaga naman na nakakarelax sa paningin niya. May centralized aircon din ito. Ang 75 inch HD flat screen tv na may dalawang speaker sa gilid nito. Ang balcony na tanaw na tanaw ang white sand at ang kulay asul na tubig ng beach. Sa gilid noon ay isang malaking bath tub jacuzzi na pang 8 persons. Natigil siya sa pagmumuni muni ng madaanan ng kaniyang mga mata ang kama. King size bed ito na may apat na unan at comforter.
Kung isang kama lang ang meron sa silid na ito at dito rin ang kwarto ni Luke ibig bang sabihin matutulog at magtatabi sila ni Luke sa iisang kama? Mga tanong sa isip niya na hindi na niya naisa tinig. Nasa ganoon isipin sya nang malingunan siya ni Luke.
"Love may problema ba? Hindi mo ba nagustuhan ang kwarto? Kung hindi pwede naman natin palitan ikaw na lang ang bahala mamili". Sunod sunod na sabi ni Luke.
Nag aalangan siyang sumagot pero sa huli ang sinagot niya ang katanungan ng binata.
"Iisa lang ba ang kwarto natin?"
Agad naman na napangiti si Luke nang malaman na iyon pala ang pinoproblema ni Ella.
"Yan lang pala ang iniisip mo nag alala pa naman ako na baka hindi mo nagustuhan ang kwarto natin. Huwag kang mag alala love, yung sofa doon sa may living area sofa bed yon, don ako matutulog" nakangiting sabi nito kay Ella.
"Magiging komportable ka ba don?" Nag aalalang tanong niya.
"Oo naman love, kaya wag kana mag alala hindi ko nakakalimutan ang usapan natin. Mataas ang respeto ko sayo. Kaya kong mag antay hanggang sa ganap na tayong maging mag asawa" seryosong sabi ni Luke habang nakatitig sakanyang mga mata. Lumapit siya sa binata at niyakap ito.
"Salamat Luke, salamat"
Binigyan lang siya nito nang nakakaintinding tingi saka hinalikan sa kanyang noo.
Sobra silang nag enjoy sa bakasyon na iyon. Lalo na si Ella na first time sa beach. Halos yata nang water activities sa beach na iyon ay sinubukan nila. Bandang alas tres ng hapon at huling araw nila nang bakasyon nang makaramdam ng sobrang pagod si Ella kaya niyaya niya si Luke na bumalik na sila sa hotel na tinutuluyan nila. Sa sobrang pagod ay hindi niya namalayan na nakatulog pala siya. Madalim na nang magising siya. Hinanap niya si Luke sa buong silid ngunit wala ang binata kaya naisipan niya na i text ito.
Ella: Love asan ka? Text niya kay Luke.
Habang nag aantay nang reply nang binata ay tinungo nito ang refrigerator para kumuha ng tubig. Nang biglang tumunog ang message alert tone ng cellphone niya.
Luke: Meet me on the beach at 7pm.
Kunot noo siya habang binabasa ang reply nang binata. Naguguluhan man ay nagawa pa rin niya tignan ang orasan sa pader.
*6:55 pm*