Chapter 5 - The Proposal

1280 Words
Nagmamadali siyang lumabas ng kanilang silid para puntahan si Luke. Lakad takbo ang ginawa niya papunta sa dalampasigan. Nang malapit na siya ay napansin niyang may mga dekorasyon iyon. Siguro may gaganapin na event sa isip isip niya. Hanggang sa nakarating siya sa dalampasigan ay walang Luke siyang nakita. Nag palinga linga siya at nakita niya na isa isang papalapit sakanya ang mga hotel staff. Ang bawat staff ay may dalang isang pulang rosas at iniaabot ito sakanya. Naguguluhan man ay tinatanggap niya parin ito. Hanggang sa makita niya ang pamilyar na bulto ng lalaki na papalapit sakanya. Kilalang kilala niya kung sino iyon. Hindi siya pwedeng magkamali. Si Luke iyon. Wearing black fitted shirt at faded jeans na pinarisan ng itim na relo sa kaliwang kamay nito. Agad siyang napangiti dito. Marahil ay si Luke ang may pahanda ng set ng cadlelight dinner na nadaanan niya sa isip niya. Nang makalapit ito ayaw iniabot nito sakanya ang tatlong pirasong red roses at kinuha naman niya ito. Nang walang ano ano ay bigla itong lumuhod sa harapan niya at naglabas ng singsing bago nag umpisang magsalita. Luke: "Saksi ang itim na kalawakan. Ang mga bituin. Ang mga puting buhangin at ang dagat. Ipinapangako ko sayo na mamahalin ka sa hirap at ginahawa. Na walang kahit sino at ano pa man ang makakapaghiwalay sa ating dalawa. Aalagaan at irerespeto ka. Madami man pagsubok na dumating sa atin nandyan kapa din at hindi mo ko iniwan. You bring out the best in me. Before you came in my life I thought I have a beautiful and perfect life. But you made me realized that I was wrong dahil walang ikaw sa buhay ko" mahabang litanya ni Luke habang umiiyak na naluhod kay Ella. "Let me make this official. Grabriella Ramos, Will you marry me?" Halo halong emosyon ang nararamdaman ni Ella. Parang hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Na dating pinag uusapan lang nila ni Luke na bubuo ng tahimik at masayang pamilya ngayon ay inuumpisahan na ni Luke. Wala siyang ibang maisagot kundi hikbi at singhot habang nakatitig sa binata na walang ampat din ang pagtulo ng luha. "So what's the answer?" Mababakas sa mukha at tono ng boses ng binata ang pagkabahala at ang takot na baka hindi tanggapin ng dalaga ang alok niyang kasal. Doon lang natauhan si Ella. Walang alinlangan niyang hinila si Luke patayo at pinakatitigan ito sa kanyang mga mata bago nagsalita. "I'm willing to be Mrs. Luke Andrew Escobar" walang kakurap kurap niya sagot dito. Tila hindi naman agad nag sink in kay Luke ang sinabing sagot ni Ella. Ilan segundo pa bago siya nakahuma. "So it's yyy - yes?" "Yeessss!" "Yeesss? As in yesss?" Hindi makapaniwalang tanong ni Luke. "Yeeeesssss!!!! Oo Mr. Escobar magpapakasal ako sayo!" Masayang sabi ni Ella. Walang paglagyan ang saya niya nang tanggapin ng dalaga ang alok niyang kasal. Bigla niya itong niyakap at hinalikan sa noo. Pagkatapos ay isinoot sakaniyang palasing singan ang sing sing na hawak nito. Biglang tumugtog ang orchestra na kanina pa nakamasid sakanila. A Thousand Years By: Christina Perri Agad inalok na ni Luke na sumayaw si Ella. "My love, my future Gabriella Ramos Escobar, can we dance?" Sabay lahad ng mga palad niya. Agad naman tinanggap ito ng dalaga. Ipinatong niya ang dalawang kamay sa magkabilang balikat nitoat ipinulupot naman ng binata ang kanyang mga kamay sa bewang ng dalaga at nagsimula na silang sumayaw. Heart beats fast Colors and promises How to be brave? How can I love When I'm afraid to fall? But watching you stand alone All of my doubt suddenly Goes away somehow One step closer I have died every day Waiting for you Darling, don't be afraid I have loved you For a thousand years I'll love you for A Thousand more Nang matapos sila magsayaw ay doon lang niya napansin na halos lahat ay ng tao roon ay nasa kanila ang atensyon at masaya silang binabati ng congratulations. Mula sa mga hotel staff, sa mga guests ang orchestra na tumugtog, maging ang ilan taong nakakasalubong nila. Hanggang makabalik sila sa Manila ay parang nasa alapaap parin ang pakiramdam ni Ella. Agad nilang inasikaso ang kasal nila. Hindi parin siya makapaniwala na magiging Mrs. Escobar na siya sa loob ng tatlong linggo. Nasa ganoong isipin siya nang pumasok may marinig siya katok sa pintuan. Nang bumukas iyon ay ang gwapong mukha ni Luke ang bumungad sakanya. "Love, magpapaalam sana ako saiyo na mawawala ako ng ilang araw. Gusto ko kasi dalhin ng personal kay Father Anselmo ang imbitasyon natin sakanya at para madalaw ko na din ang iba ko pang mga kasamahan sa seminaryo. Naghanda din daw sila ng padespidida para sa akin" mahabang sabi niya. "Okay sige love walang problema, mas maganda nga iyon para makapag bonding kayo ng mga dati mong kasama. Sigurado ako na namimiss ka na din nila." Nakakaintinding sagot ni Ella. "Basta magpapakabait ka doon ha," si Ella na pina singkit pa ang mata na para bang nag bibigay ng warning. Napatawa naman si Luke sa tinuran ng dalaga at itinaas pa ang dalawang kamay na para bang sumusuko. "Takot ko lang sayo love, saka good boy to!" Sabay kindat sakanya. Parang may humaplos na mainit na palad sa kaniyang puso sa sinabi ni Luke. Totoo naman iyon, alam niya na hindi siya lolokohin ng binata. Sapat na, na pinararamdam nito kung gaano siya nito ka mahal para pagkatiwalaan niya ito. Dumating ang araw ng pag alis ni Luke. Ang tatlong araw lang sana ay inabot na ng isang linggo. Araw araw naman siyang tumatawag at nag vi video call kay Ella lalo na kapag may libre siyang oras. Wala pang kasiguraduhan kung kailan siya makakauwi lalo pa at sinusulit na ng mga dating kasamahan niya ang mga nalalabing araw niya bilang isang binata. Ibinalita din nito na masaya sila Father Anselmo at ang mga kasamahan niya sa balak nilang pagpapakasal at sinusuportahan sila ng mga ito. At sabik na din ang mga ito na makilala siya. Nagdaan pa ang mga araw at naging ayos na ang lahat ang araw na lang ng kasal nila ang hinihintay. Ringing.... Luke Andrew calling... "Hello love?" Bungad ni Ella ng tuluyan na niyang masagot ang tawag ng binata. "Hi love! , I miss you" bating ganti sakanya ni Luke. "I miss you too." Kinagat niya ang ibabang labi para pagtakpan ang kilig. "Love, next week na pala ako makakauwi dahil isasabay ko na sila Father Anselmo at ang iba kong kasamahan sa seminaryo. Sa hotel ang daretso namin. Sabi kasi ni Father Anselmo bawal daw magkita ang dalawang ikakasal bago ang araw ng kasal nila. Parte daw iyon ng pamahiin." Mahabang litanya ni Luke. "Oo naiintindihan ko love, sundin na lang natin wala naman mawawala diba." Mahabang katahimikan ang namayani sakanilang dalawa bago muling nagsalita ang binata. "Ella." "Hmmm?" "Mahal na mahal kita, hindi ko kakayanin kung mawawala ka sakin. Sana pagbalik ko dyan wala pa rin mag bago. Natatakot ako na baka magbago ang isip mo." Baka sa tono ng boses nito ang pag aalala. "Ano ba yan iniisip mo Mr. Escobar huh? Umayos ka nga. Kung wala lang tayong pamahiin na sinusunod ay sinundan na kita dyan at iuwi dito para makasama na kita!" Narinig naman ni Ella ang mahinang pag tawa nito. "Mahal na mahal lang kita kaya natatakot ako na mawala ka sakin" ani Luke. "Huwag ka na mag alala Luke. Sa dami na nang pinagdaanan natin ngayon pa ba ako mawawala?" Narinig niyang bumuntong hininga ito. Bago muling sumagot. "I love you, I can't wait to see you again love" "Me too." At nagpaalam na sila sa isa't isa bago putulin ni Luke ang linya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD