Chapter 7 - Bridal Shower

829 Words
Sabado ng umaga. Araw ng bridal shower niya na inihanda ng mga kaibigan niya para sakanya. Pag kagising pa lang niya ay kinukulit na siya ng mga ito. Pinipilit siyang maagang magsara ng shop at mag beauty rest para maganda daw siya mamaya sa kanyang bridal shower. Nakukulitan man sa mga kaibigan ay pinag bigyan na rin niya ang mga ito. Ayaw man niya na magkaroon ng bridal shower dahil mapapa gastos pa ang mga ito nang dahil sa kanya ay pumayag na din siya. Sayang naman ang effort ng mga ito at siguradong mag tatampo ang mga ito kapag tumanggi siya. Isang linggo na ang nakalipas simula nang puntahan siya ni Mrs. Escobar. Palaisipan man sakanya kung bakit hindi na muling bumalik ang ginang para guluhin siya ay mas naisip niyang mabuti na iyon para sa ikatatahimik nila. Kung meron na magandang balita ay yun ang pag umuwi ni Luke bukas ng umaga kasama sina Father Anselmo at ang mga kasamahan nito. Alas tres pa lang nang hapon na mapag pasyahan ni Ella na mag sara na shop. Para naman makapag pahinga siya dahil panigurado ay puro kalokohan ang inihanda ng kanyang mga kaibigan sa para mamayang gabi sa kanyang bridal shower. "Ana pag katapos mong maglinis at mag ligpit pwede ka na umuwi para makapag pahinga ka na. Bukas na lang ulit. Salamat." Ani niya sa kaniyang tauhan. Ngumiti at tumango lang si Ana bilang sagot. Pag katapos niyang mag sara ay tumungo na siya sa kaniyang kwarto. Balak niyang mag pahinga muna saglit para sa bridal shower niya mamaya. Sinilip din niya ang kanyang cellphone kung may text si Luke. Sakto naman ang pag tunog nito at nakita niya na tumatawag ang binata. "Hello love" aniya pagka sagot sa tawag nito. "Hi, anong ginagawa mo ngayon. Parang pagod na pagod ka yata love" . "Kakasara ko lang ng shop love, nagpapahinga lang saglit bago pumunta mamaya sa bridal shower na inihanda sakin ng barkada. Kung pwede nga lang na hindi pumunta". "Sayang naman ang effort nila love kung di ka pupunta at sigurado mag tatampo sila". "Mas maganda sana kung nandito ka. Miss na talaga kita". "Miss na din kita love. Konting tiis na lang. Bukas nang umaga pag gising mo nasa tabi mo na ako". "I love you Luke, mahal na mahal kita. Sana kahit anong pag subok ang dumating satin haharapin natin ng mag kasama". "Pangako yan love. Huwag kang mag alala. Walang kahit sino man o anuman ang makakapaghiwalay sa atin tandaan mo yan". At nagpaalam na ito sa kabilang linya. Saktong alas siete ng gabi nang makarating si Ella sa venue ng kanyang bridal shower. Hindi nga sya nag kamali dahil puro kalokohan at naughty games ang inihanda ng mga kaibigan niya sakanya. Kahit na ganoon ay nag enjoy naman siya. Nag uumapaw sa saya ang puso niya dahil na appreciate niya ang effort ng kaniyang mga kaibigan. Alas onse ng gabi nang matapos ang party. Napag pasyahan nya nang umuwi pag katapos nila mag ligpit. Kahit anung pilit ng mga barkada niya sa kaniya na doon na lang mag palipas ng gabi sa condo nito ay tumanggi siya. Sinabi nya na maaga uuwi si Luke kinabukasan kasama ang mga kasamahan nito kaya kailangan nandoon siya sa bahay nila para maipaghanda siya ng umagahan para sa mga ito. Kasalukuyan syang nasa parking lot patungo kung saan naka park ang kanyang sasakyan nang may maramdaman siyang parang may sumusunod sakanya. "Sino yan?" Tanong niya sa madilim na kawalan. "Sino nandiyan? May tao po ba dyan?" Gamit ang boses na pilit niyang pinapatapang. Nang walang makuhang sagot ay dali dali siyang sumakay sa kanyang kotse at pinaharurot iyon. Nakahinga siya ng maluwag nang makasakay sakanyang sasakyan. Nagpalinga linga pa siya sa side mirror at pilit inaaninag kung may sumusunod sakanya. Hanggang makarating sa kanilang bahay ay abot abot pa rinang kabang nararamdaman niya. Dali dali siyabg pumasok sakanilang bahay. Ni hindi na nga nya naayos ang pag park sa kaniyang kotse. Nang tuluyan na siyang makapasok sa loob ng bahay ay may kaluskos siyang narinig sa may bandang kusina. Agad niyang dinampot ang flower vase na nasa center table at pigil hininga niyang tinungo ang kusina. Nakakailang hakbang pa lang siya nang may marinig siyang sumisipol. Tumindig ang kaniyang balahibo. Ang paraan ng pag sipol nito ay tulad sa palabas sa mga pelikula. Nakakatakot. Hanggang sa may marinig nanaman siyang kaluskos sa may bandang lababo. Pigil hininga niya itong nilapitan. Nakahanda na ang vase sa kanyang kamay kung sino man o ano man ang makikita niya sa kusina nang walang ano ano ay may humablot sakanya sa kanyang bandang likuran. At bigla siya tinakpan ng panyo sa kanyang bibig at ilong na may amoy na nakakahilo. Pilit man siyang mag pumiglas ay wala din siyang magawa dahil mas malakas ang lalaking nasa likuran niya. Kasabay ng pag bagsak ng vase na kanyang tangan ay ang pag kahilo niya at tuluyan na siyang nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD