Chapter 8 - Set Up

1029 Words
***** Mrs. Escobar POV Isang linggo mula ngayon ay gaganapin na ang kasal ng anak kong si Luke at ng malanding babae na yon. Hindi ako makakapayag lalo pa at nakikita ko na desidido ang aking anak na si Luke na pakasalan ang kaniyang nobya. Masamang masama ang loob ko sa mga nangyayari. Una, tinalikuran niya ang pagiging pari para lamang sa isang babae na mahigpit kong tinututulan. Pangalawa ito ang unang beses na sinuway ako ng aking anak. Ang anak ko na mabait, responsable, at masunurin. Pangatlo, handa siyang mawala sakaniya ang lahat kahit na ako na sarili niyang ina makasama lamang ang babaeng iyon. "Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal" mga salita sa aking utak na hindi ko na naisatinig. Habang tahimik akong nakaupo sa aking swivel chair at nag mu muni muni ay katok sa pintuan ng aking opisina ang bumasag sa pag i isip ko. "Pasok". Maikli kong tugon. "Madam handa na ko ang sasakyan". Ang aking driver. "Tama! Bakit hindi ko ba isip agad iyon?" "Ma'am? May problema po ba kayo?" Tanong sa akin ng aking driver. "Lando, hindi ba at nasa ospital ang iyong anak at may malubhang karamdaman?" Imbes na sagutin ko ang tanung niya ay nag balik tanong ulit ako sakanya. "Opo madam. Bakit niyo po natanong?". "May ipapagawa ako sa iyo" seryoso kong tugon. "Ano po iyon madam?" "Kung magagawa mo nang tama ay sasagutin ko lahat ng gastusin ng anak mo sa ospital at ipapagamot ko siya hanggang sa gumaling siya". ***** Ella's POV. Nagising ako na tila minamartilyo ang aking ulo. Kasabay pa nito ang pag kasilaw ng aking mata dahil sa tuma tamang sinag ng araw galing sa bintana ng aking kwarto. "Umaga na pala" sabi ko sa isip ko. Napabalikwas ako ng bangon ng maalala na ngayon nga pala ang araw ng pagdating ni Luke kasama sila Father Anselmo at ang mga kasamahan nito. Nang bigla kong naalala kung ano ang nangyari kagabi. Doon lang ako natauhan nang mapagtanto kong tanging ang kumot lang ang nagsisilbing tabing ko sa aking hubad na katawan. Nag pa linga linga ako at nakita ko isa isa ang mga damit ko na nag kalat sa sahig. Ang blouse at pantalon ko ay nasa sahig. Maging ang bra at under wear ko ay nasa sahig din. Para akong na estatwa sa aking kinahihigaan habang inaalala ang mga nangyari kagabi. Dagdag pa ng mapagtanto ko ang mga pula marka sa aking leeg pababa sa aking dibdib. Maging sa mga braso at aking mga hita ay meron din. Nasa ganoon akong posisyon nang biglang maramdaman ko ang pag pihit ng door knob ng aking kwarto at iniluwa noon si Luke na may dala na mga bulaklak. Malaki ang kanyang ngiti at kita sa kanyang mukhang ang saya at pananabik na makita ako. Ngunit nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha ng makita ang itsura ko. "Good morning Love. Nandito na ak- - -" hindi na natapos ni Luke ang kanyang sasabihin. "Love." Tanging nasambit ko dahil sa takot at pagkabigla. Tiim ang bagang at madilim na awra ang sumalubong sakin galing kay Luke. "Anong ibig sabihin nito Ella!" Sigaw niya. "Love, magpapaliwanag ako" naiiyak kong sagot. "Paano mo nagawa sakin to!" Sigaw niya ulit sakin. Hindi ko na alintana kung hubad man ako. Dali dali ko siyang nilapitan at niyakap habang ako ay umiiyak. "Love, maniwala ka sakin hindi ko matandaan kung anung nangyari. Kagabi may taong nakapasok dito may pinaamoy siya sa akin pagkatapos nawalan ako ng malay at ngayon nagisi- -" "Nagising ka na ganyan ang itsura mo?" Putol ni Luke sa sinasabi niya. Napatingala si Luke sa kisame bago napahilamos sa kanyang mukha ng kanyang mga palad. Bago siya muling hinarap nito. "Sa tingin mo maniniwala ako ako sayo? Sa naabutan kong itsura mo?" Galit nitong sabi sakanya. Sobrang takot ang nararamdaman ni Ella sa mga oras na yon dahil pakiramdam niya ibang Luke ang kaharap niya. Malayong malayo sa Luke na malambing at mahal na mahal siya. "Love, maniwala ka sa akin" hagulgol niya. "Hindi ko kayang gawin yun sayo. Mahal na mahal kita alam mo yan". Ngunit bingi na si Luke sa kung anu man ang paliwanag niya. Inisang hakbang siya nito at pilit piniga ang kanyang magkabilang panga gamit ang kanang kamay nito. "I never expect that you can do this to me Ella. Siguro nga ay tama si mama madumi kang babae! Dapat ay naniwala na lang ako sa kanya!" Pag katapos at pabalya siya nitong binitawan pabagsak sa kaniyang kama. Mabilis itong tumalikod at narinig na lang niya ang malakas na pag bagsak ng pag sara ng pinto at ang pag harurot ng sasakyan nito. ***** Mag hapon walang tigil pa rin sa pag iyak si Ella. Wala siyang ginawa kung hindi mag mukmok sa kaniyang kwarto. Umaasang babalik ito at kakatok ang binata sa kaniyang pintuan. Halos maghapon na niyang tinatawagan ang cellphone ni Luke pero naka patay ito. Gabi na nang ma pag pasyahan niyang lumabas ng kwarto. Mugto na ang kanyang mga mata dahil sa mag hapon na pag iyak. Wala rin siyang gana kumain. Iniisip niya kung paano niya ipapaliwanag sa binata na walang katotohanan lahat ng iniisip nito tungkol sakanya. Hanggang sa ma palingon siya sa monitor ng kanilang cctv. Agad siyang nabuhayan ng loob. Dali dali niyang chineck iyon. Umaasang may makukuhang impormasyon sa kung sino man ang pumasok sa kanilang bahay kagabi. Ngunit nabigo siya nang ma pag tanto na walang na i record ang kanilang cctv dahil putol putol ang mga cable wires nito. Bagsak ang balikat niya na bumalik sa kanyang kwarto at bago pa man siya makarating sa kanyang kama ay dahan dahan siyang napaupo sa sahig. Hanggang sa unti unti na naman manginig ang kanyang balikat tanda ng nag babadyang pag tulo na naman ng kaniyang luha. Tanging ang kanyang pag hikbi ang maririnig sa apat na sulok ng madilim na kwartong kanyang kinalalagyan. Hindi siya pwedeng mag kamali. Set up ang lahat ng nangyari sakanya. Kung sino man ang may pakana ay hindi niya alam. Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan, ay ang pag hagulgol din ni Ella ng iyak na kanina pa niya pinipigilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD