*****
Escobar Mansion.
Kasalukuyan na umiinom ng wine si Mrs. Escobar habang nakatanaw sa bintana ng kanyang silid ng makita siyang bulto ng tao sa gate ng kanilang mansyon.
Malakas ang ulan nang gabing iyon at halos hindi na makita ang daan ngunit hindi siya pwedeng magkamali. Kilalang kilala niya kung sino iyon.
"Luke" anas niya sa kaniyang sarili.
Agad niyang nabitawan ang tangan niyang wine glass at patakbong bumaba na hagdanan habang isa isang tinatawag ang mga tauhan.
Alertong lumapit sakaniya ang kanyang mga body guards.
"Ano pong nangyayari sainyo madam" tanong ng isa sa mga ito.
"Magmadali kayo buksan ninyo ang gate nasa labas ang Sir Luke nyo!"
Agad naman siyang sinunod ng mga ito.
Sa isang linggong pananatili ni Luke sa poder ng kaniyang ina ay walang araw siyang hindi uminom. Nilulunod niya ang sarili sa alak sa pag aasam na mapapawi nito ang sakit na dulot ng pagtataksil ni Ella.
Isa isa na naman na nag bagsakan ang mga luha sa kaniyang mga mata. Nang may marinig siyang nag salita mula sa kaniyang likuran.
"You don't need to do this to yourself son. There's a lot of girls out there. You can have them anytime you want!" Pagalit sabi ng kaniyang ina.
"Kung ganun lang sana kadali ma" nakapikit niyang sagot sa ina habang lumuluha.
"Matagal na kitang binalaan tungkol sa babaeng yan pero matigas ang ulo mo! Hindi ka nakinig sa akin. Kung sana ay sinunod mo lang ako simula umpisa, hindi mo sana mararanasan ito ngayon! I'm sorry to say this son but kailangan kitang ipadala sa US para matigil ka na sa kahibangan mo!" Ma otoridad na saad ng kaniyang ina at agad na umalis sa kaniyang silid.
Agad siyang napatingin sa kaniyang cellphone na nasa lamesa nang bigla tumunog iyon. Si Ella.
Dala nang kalasingan ay pabalang niyang sinagot iyon.
"Hello love?" Bungad sakanya ng nasa kabilang linya.
"What do you want?" Maangas na sagot niya sa kabilang linya.
"Love please, let's talk"
"We're done Ella" malamig nitong tugon sa dalaga.
"Please Luke, mali lahat ng iniisip mo. Nakakuha ako ng ebidensya na set up lang ang lahat. I even consult to a doctor. Hindi ako na involve sa kahit na anung s****l i*********e. I even told to the police na nakitang kong may tattoo ng dragon sa pala pulsuhan niya yung taong naka pasok ditosa bahay bago ako mawalan ng malay dahil sa pinaamoy niya sa akin. Maniwala ka sa akin love hindi ko magagawa sa iyo yon. Mahal na mahal kita Luke" umiiyak niyang sagot.
"Did you think mapapaniwala mo pa ako sa mga kasinungalingan mo? Akala ko iba ka! I gave up everything. Sinuway ko pa ang mommy ko para sayo tapos ganito lang din pala ang gagawin mo sakin. Tama nga si mommy nasa loob ang kulo mo. You're such a stupid slut with an angelic face. You are the biggest mistake that I made!" Mababakas sa tono ng boses nito ang labis na galit.
Napasinghap sya sa kanyang mga narinig. Hindi niya akalain na mapag sasalitaan siya ng binata ng masasakit na salita.
Malayong malayo ito sa Luke na minahal nya. Ang malambing na si Luke na mahal na mahal siya.
Ilang segundo pa ang lumipas at wala nang nag salita sa magka bilang linya. Tanging mga hikbi ng pag iyak na lang ni Ella ang naririnig at ang malalim na pag hinga ni Luke na parang hinihingal. Dala marahil sa pag sigaw nito nang ilabas nito lahat ng hinanakit niya kay Ella. Ayun lamang at pinutol na nang dalaga ang kabilang linya.
Matapos ang kanilang pag uusap ay napa upo si Luke sa sofa na nasa kanyang kwarto habang hinihilot ang kanyang sentido. Naka pikit sya habang nakatingal sa kisame at paulit ulit na bumabalik sa kaniyang utak ang mga sinabi ni Ella.
Napa dilat siya nang maalala ang mga sinabi ni Ella.
"Set up ang lahat"
"May tattoo ng dragon sa palapulsuhan" kausap niya sa kaniyang sarili.
Bigla siyang napatayo sa sofa na kaniyang kinauupuan. Naalala niya na ang bodyguard ng kanyang mommy na nagbukas sa kanya ng gate nung umuwi sya sa mansyon isang linggo na ang nakakaraan ay may tattoo din ng dragon sa kanyang palapulsuhan. Nakita nya iyon dahil nakatupi hanggang siko ang long sleeve nito.
"s**t" anas niya sa kanyang sarili.
Bigla siyang natauhan at nawala ang pagka lasing.
"Maari nga kayang set up ang nangyari?"
"At ang tattoo na sinasabi ni Ella ay kaparehas nang tattoo ng bodyguard ni mommy?"
"May kinalaman kaya ang mommy ko sa nangyari kay Ella?"
At agad niyang naalala ang mga sinabi niya kanina kay Ella habang kausap niya ito sa cellphone.
"I'm so stupid!" Habang sabunot niya kanyang mga buhok.
Nasa ganoong posisyon sya nang muling pumasok ang kaniyang ina.
"Anong nangyayari sa iyo anak?" Tanong ng ginang sakanya.
"Nasaktan ko ang babaeng walang ibang ginawa kung hindi ang mahalin ako mom. Napagsalitaan ko siya nang masasakit na salita!"
"She deserves that dahil sa panloloko niyang ginawa sayo anak!"
"No mom! Nakausap ko siya kanina, ang sabi nya ay set up daw ang nangyari sakanya! At nabanggit nya na bago sya mawalan ng malay ay nakita niya na may tattoo ng dragon sa kanang kamay ang lalaking pumasok sa bahay namin. One of your bodyguards have that kind of tattoo! Tell me mom may kinalaman ka ba dito?" Sigaw niya sa kaniyang ina.
Hindi agad nakasagot ang ginang dahil sa pag kabigla.
"Nababaliw ka na Luke. Paano mo nagagawang pag bintangan ang sarili mong ina sa mga kasinungalingan na ginagawa ng babae na yan!"
Ngunit imbes na sagutin ang ina ay dali dali niyang dinampot ang susi ng kaniyang sasakyan at mabilis na lumabas ng kaniyang kwarto.
Hindi na niya pinansin ang pag tawag ng kaniyang ina. Mabilis siyang sumakay sakanyang sasakyan at pinaharurot iyon.
Pupuntahan niya si Ella. Kakausapin niya ito at hihingi siya ng tawad sa mga nasabi niyang masasakit na salita sa dalaga.
Ipinagdarasal niya na kung totoo man na set up ang nangyari sa kanyang nobya, sana ay walang kinalaman ang kanyang ina dahil hinding hindi niya ito mapapatawad kapag napatunayan nya na ito ang may pakana ng lahat.
Habang nag da drive ay kinapa ni Luke sa bulsa ng kanyang pantalon ang kanyang cellphone at itinipa ang numero ng dalaga. Tatawagan niya ito para sabihin na papunta siya ngayon sa kanilang bahay para mag kausap silang dalawa.
Nalaglag ang kanyang cellphone sa kanyang paanan kaya pilit niya itong kinapa kapa. Dahilan para mawala ang kanyang konsentrasyon sa pag mamaneho.
Huli na nang makita niyang kinakain na pala nya ang kabilang lane at may makakasalubong siyang malaking truck.
Agad niyang pinihit pakanan ang manibela ng kaniyang sasakyan. Dala ng kanyang pag kataranta ay nawalan sya ng kontrol at nag dire diretso sa isang construction site.
"Aaaaahhhhhhh" isang malakas na sigaw ang narinig ng mga naka saksi sa insedente bago nila marinig ang pag bagsak ng mga bakal sa madilim na kawalan.
******
Ella.
"You're the biggest mistake that I made"
"You're the biggest mistake that I made"
"You're the biggest mistake that I made"
Tila isang sirang plaka na paulit ulit na pumapasok sa isipan ni Ella.
Napatingala sya sa kawalan kasabay ng pag tulo ng kanyang mga luha.
"Panginoon, ito na po ba ang aking kabayaran sa pag agaw ko kay Luke sa paglilingkod sainyo" yun na lamang ang tangi nyang nasambit.