Maagang lumapag sa airport ang private plane na pag mamay ari ng pamilya Escobar na sinasakyan ni Matthew. Magkahalong lungkot at galit ang nararamdam nya ngayon. Lungkot, dahil kahit sa panaginip ay hindi niya naisip na uuwi sya ng Pilipinas sa ganitong sitwasyon. Galit, para sa babaeng minahal ng kanyang kapatid.
*****
Kasalukuyan akong pinapainit ni Samantha nang marinig kong tumunog ang aking cellphone na kapatong sa night stand table. Agad kong kinuha iyon at napa kunot ang aking noo nang mapag tanto ko kung sino ang tumatawag.
Mom calling.....
Pilit pang inaagaw ni Samantha sa akin ang aking cellphone habang patuloy ang pag halik sa aking leeg ngunit pinigilan ko siya.
"Hold on babe, I need to take this" sabi ko sakanya.
Napanguso naman sya at mababakas sa mukha niya ang pag kainis.
"I was a bit surprise. My mom never call me since she sent me here. Ano kayang masamang hangin ang nag udyok sa mommy ko at naisipan niyang tawagan ako" mga salitang naglaro sa isipan ko na hindi ko naisa tinig.
Ngumisi ako bago ko sagutin ang tawag ng aking ina.
"Hey mom! What's up? Do you miss me?" Mapang asar kong sagot sa kanya.
Ngunit natigilan ako nang tanging pag hagulgol lang ng iyak ang aking narinig sa kabilang linya mula sa aking ina.
Agad akong napabalikwas ng bangon sa aking kama. Hindi ko na alintana nang dumulas pababa ang kumot na tanging saplot sa aking hubad na katawan.
"Hey Mom, calm down. What happen?" Muling tanong ko sa aking ina.
Umiiyak pa rin sya nang tumugon sa akin.
"Matthew anaaaaakkkk. Ang kapatid mo, si Luke!" Umiiyak nyang sabi sa akin na hindi pa rin nya masabi kung ano ang dahilan.
"Why? What happen to Luke mom! Please tell me!" Sigaw ko mula sa kabilang linya. Ngunit tanging pag hagulgol na lang ng iyak ni mommy ang naririnig ko.
Hanggang sa may narinig akong boses ng isang lalaki mula sa kabilang linya.
"I'm sorry Mrs. Escobar pero dead on arrival na po ang anak nyo. We tried our best to save him pero wala na po talaga"
Natigilan ako sa aking mga narinig. Para akong napako sa aking kinatatayuan at tila binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa panlalamig ng aking buong katawan.
Parang isang sirang plaka na paulit ulit na rumerehistro sa aking utak ang aking mga narinig.
"Dead on arrival na po ang anak nyo"
"Kuya" ang tangi kong nasambit bago bumagsak mula sa aking kamay ang aking telepono kasabay ng pag bagsak ng aking mga luha.
*****
Mahihinang tapik sa aking balikat mula kay Samantha ang nakapagbalik sa aking ulirat habang binabalikan ko ang mga alaala ng gabing nalaman ko na wala na si Luke.
"Babe, we're here" ani nya.
Idinilat ko ang aking mga mata at malalim na napa buntong hininga bago ako tumayo sa aking kinauupuan.
Sa airport ay sinundo kami ni Mang Tatay Victor, driver ni Mommy. Bata pa lang ako ay naglilingkod na sya sa pamilya namin. Kasama nito ay dalawang body guard.
"Sir sa mansyon ho ba muna tayo para makapagpahing------"
"Idaretso mo ako kay Luke" putol ko sa kanyang sinasabi.
Ipinikit ko ang aking mga mata at bahagyang itiningala ko ang aking ulo para pigilan na bumagsak na naman ang mga nagbabadyang luha sa aking mga mata.
"Sir nandito na po tayo" pukaw ni Mang Victor sa aking pansin.
*HEAVEN'S PARK MEMORIAL CHAPEL*
Basa ko lugar kung nasaan ako ngayon. Sa labas pa lang ay natanaw ko na ang mga bulaklak sa labas ng chapel halos matakpan na nito ang unahan ng nasabing lugar dahil sa dami nito. Marahil galing sa mga nakikiramay. May galing sa pamilya, mga kaibigan, mga empleyado at mga business partners ng aming kumpanya.
Nasa pintuan pa lang ako kung saan nakalagak ang labi ng aking kapatid ng salubungin ako ng umiiyak na si mommy.
Halos lahat ngayon ng tao na naririto ay nasa amin ang atensyon.
Marahan akong naglakad palapit sa kabaong ni Luke habang inaalalayan ko ang umiiyak na si mommy.
Agad akong napapikit ng masilayan ko ang mukha ng aking kakambal. Muli kong itiningala ang aking ulo para pigilan ang mga luhang nagbabadya na naman na kumawala. Hindi ako pwedeng maging mahina sa panahon ngayon. I need to be strong dahil ako lang ang paghuhugutan ni Mommy ng lakas ng loob.
Halos isang linggo rin ibinurol si Luke at ngayon ang araw ng libing nya.
"Mom hindi ba nagpunta ang girlfriend ni Luke para makiramay?" Tanong ko kay mommy.
"Hindi nya alam ang nangyari sa kapatid mo and please Matthew, I hope this will be the last time na pag uusapan natin ang babae na yon!" Maotoridad na sabi ni Mommy.
Sa sementeryo ay hindi mag kamayaw sa pag iyak si Mommy lalo na nang unti unti nang ibaba si Luke sa kapirasong butas na magiging himlayan nya ng pang habang buhay.
Pag katapos ng libing ni Luke ay umuwi na kami sa mansyon. Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan nang si Mommy ang bumasag ng aming katahimikan.
"Son, who is she?" Nakangiti man ay mababakas pa rin sa mga mata nya ang kalungkutan.
"Oh yeah, I forgot she's Samantha" walang buhay kong pakilala sa taong nasa aking katabi.
Sa loob ng isang linggo namin dito sa Pilipinas ay ngayon ko lang ulit napansin ang presensya ni Samantha. Marahil ay hindi naman sya nawala sadyang naging abala lang ako sa pag sasa ayos ng libing ni Luke.
"Your girlfriend?" Muling tanong ni Mommy.
"No Mom, she's just a f**k buddy" sagot ko sa kanya. At sinulyapan ko ang aking katabi na si Samantha. Hindi naka ligtas sa aking paningin ang pamumula ng mukha ni Samantha marahil dahil sa pag ka pahiya.
At hindi rin nakaligtas sa akin ang pag taas ng kaliwang kilay ni Mommy tanda ng pag ka disgutso sa aking mga sinabi. Kaya bago pa sya muling magsalita ay mabilis na akong tumayo sa hapag kainan at iniwan na sila.
I know my mom will start an arguement about this and I'm not in the mood. I'm still mourning sa biglaang pag kamatay ni Luke at busy pa ang utak ko sa pag iisip kung paano ko maigaganti si Luke sa babaeng nanakit sa kanya.
Pagkaalis ko sa hapag kaininan ay nagpasya akong mag lagi sa pool area.
Doon ko lahat ibinuhos lahat ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko maiwasan magalit kay Luke dahil bigla nya akong iniwan. Sya lang ang tangi kong kakampi kapag pinapagalitan ako ni mommy.
Hindi ko lubos maisip na dahil lang sa isang babae magwawakas ang buhay ng kapatid ko. Napaka bata pa niya. Ang dami nya pang pangarap at siguradong may patutunguhan ang kanyang buhay. Di kagaya ko na puro sakit lang ng ulo ang dala sa pamilya namin.
Hindi ko namalayan na halos naubos ko na pala ang isang bote ng alak na kinuha ko kanina sa bar counter ng aming pool area.
Humiga ako sa bermuda grass ng aming hardin kagaya ng ginagawa namin ni Luke nung mga bata pa kami habang nakatingin sa madilim na kalangitan. Iniisip na isa si Luke sa mga nag niningning na mga bituin.
Kasabay ng pag patak ng aking mga luha ay ang pag bigkas ko sa aking isipan ng mga salitang
"HUMANDA KA SA PAGBABALIK NI LUKE GABRIELLA RAMOS"