Chapter 11 - Pretending

1841 Words
Matthew Mabilis na lumipas ang anim na buwan at hindi na ako bumalik sa Amerika. Gusto ng Mommy na dumito na ako sa Pilipinas para may makatulong siya sa pag ma - manage ng aming kumpanya at para may kasama na rin siya. In three months, ay mag re retire na ang Mommy at ipapasa na niya sa akin ang pagiging Presidente ng kumpanya. Kasabay ng pag aaral ko sa pag papatakbo ng kumpanya ay pinag aralan ko rin ang buhay ni Ella. Nalaman ko kay tatay Victor na madalas pala mag kwento si Luke sa kaniya ng tungkol sa relasyon nila ng babaeng iyon. Sa tingin ko ay sakto na ang aking nalalaman tungkol sa kaniya para sa aking mga plano. ***** Ella. Alas dos na ng madaling araw ay mulat na mulat pa rin ang aking mga mata. Nandito ako ngayon sala at abala sa pag aayos ng mga order para bukas. Anim na buwan, mula nang iwan ako ni Luke at umaasa parin ako na isang araw ay babalik siya. Umihip ang malakas na hangin at bahagya akong gininaw kaya napag desisyonan ko na isara ang bintana sa kusina. Marahil ay uulan sabi ko saking sarili. Matapos kong isara ang bintana sa kusina ay pinatay ko na din ang ilaw doon. Maging ang ilaw sa sala ay pinatay ko din, tanging ang ilaw lang sa aking laptop ang nagsisilbing kong liwanag. Maya maya pa ay bumuhos na ang malakas na ulan. Naging abala ako sa ginagawa ko sa aking laptop ng mapadako ang aking mata sa ibabang bahagi nito. Alas tres y media na pala ng madaling araw. Kaya nagpasya na akong iligpit ang aking mga gamit para magpahinga dahil maaga pa ako gigising bukas. Pumunta muna ako sa kusina para uminom ng isang basong tubig ng mapansin kong bukas ang bintana nito. Agad tumahip ang kaba sa aking dibdib. Natatandaan ko na isinara ko ang bintana dito sa kusina bago umulan. Hanggang sa may narinig akong kaluskos sa sala. Muli ay nagbalik sa akin ang nangyari nung gabing pinasok ako ng kunsino man dito sa bahay bago ako matagpuan ni Luke na hubo't hubad sa aking kwarto. "Paano kung may masamang tao nanaman ang nakapasok. Paano kung sa pag kakataon ngayon ay saktan na niya ako?" Mga tanong sa aking isipan na hindi ko na na isa tinig. Dali dali kong kinuha ang kutsilyo na nakalagay sa gilid ng lababo at pigil hininga na nag lakad patungo sa sala at pinakiramdaman ang paligid. Napasinghap ako sa gulat at halos manlaki ang aking mga mata ng mapansin kong may tao sa sala at nakadapa sa sofa. Ang kaliwang paa nito ay nakasayad sa sahig habang ang mukha nito ay nakaling paharap sa sandalan ng sofa. Agad kong kinapa ang switch ng ilaw at binuksan iyon. Dahan dahan akong lumapit sa lalaki na ngayon ay nakahiga sa aking sofa habang tangan ko parin ang kutsilyo sa aking kanang kamay. Wala man mababakas na pag ka agresibo sa kilos ng lalaking nasa aking harapan ay hindi dapat ako makampante. Nang tuluyan na akong makalapit dito ay naamoy ko agad ang ang matapang na amoy ng alak at sigarilyo. Nang walang ano ano ay bigla kong narinig ang malakas na pag hilik nito. Magnanakaw ba ito? Tanong ko sa aking sarili. Pinasok ako ng isang magnanakaw para makitulog? Pero bakit kailangan nya muna matulog bago ako pag nakawan? Kung hindi naman ay bakit sa bintana pa sya dumaan? Muli ay pinasadahan ko ng tingin ang lalaking natutulog sa aking harapan. May malaking tattoo ito sa kanyang kanang braso. Agad kong napansin iyo dahil medyo nakalihis ang manggas ng suot na damit. Ang itim nitong fitted shirt na kahit siya ay nakadapa ay mababakas mo ang ganda ng kaniyang katawan na parang alagang alaga sa gym. Mapapansin mo din ang kanyang mahahabang hita at binti, sapat na para malaman ko na isa syang malaking tao dahil naka shorts lang sya. At ang pinaka pumukaw sa aking pansin ay suot nitong Balenciaga rubber shoes. Doon ay napagtanto ko na hindi ito magnanakaw. Maaari kaya na itong tao na nasa aking harapan ang syang pinagtangkaan na nakawan at dito lang sya nakapagtago sa aking bahay at dala ng pagod sa pagtakbo at kalasingan ay nakatulog sya? Hindi ba imposible? Naiiling na lang ako sa aking mga naiisip. Bigla naman itong kumilos patihaya at dahil sa gulat ko ay mahigpit akong napahawak sa tangan kong patalim.Handa sa kung ano man na mangyayari sakaling may masama sya sa aking gawin. Ngunit ganoon na lamang ang aking pagkabigla ng humarap sa akin ang mukha nito at mapagtanto ko kung sino ang lalaki na nasa aking harapan. "Luke" ang tangi kong nasambit Matthew. Nagising ako na tila binibiyak at minamartilyo sa sakit ang aking ulo. Hindi ko na matandaan kung gaano karami ang aking nainom kagabi. Anim na buwan simula ng gawin kong sandalan ang alak tuwing naaalala ko si Luke. Even Mom asked me to stay with her ramdam ko pa rin ang kaibahan ng trato nya sa akin kumpara kay Luke. Mas maayos nga lang ngayon. Nasa ganoon akong kaisipan nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinapa ko mula sa aking bulsa ang aking telepono habang nakapikit pa rin ang aking mga mata. "Hello" pupungas pungas kong bungad sa tumawag sa akin na hindi ko man lang pinagka abalahang tignan kung sino ito. "What the f**k Matthew! Where the hell are you? Bakit hindi ka umuwi kagabi? Kanina ka pa hinahanap sa akin ni Tita Celeste!" bungad sa akin ni Samantha mula sa kabilang linya habang sumisigaw. Agad akong napadilat at inilibot ko ang aking mata sa lugar kung saan ako nakahiga ngayon. Narinig ko pa na madami pang sinasabi si Samantha sa kabilang linya pero agad kong pinatay ang kaniyang tawag ng hindi man lang nag papaalam. Dahan dahan akong bumangon sa sofa na aking kinahihigaan at pinakiramdaman ang aking paligid. "f**k" anas ko sa aking sarili at napahilamos ng aking dalawang palad sa akinh mukha. Nasaan ako? Bakit wala akong matandaan. Kaninong bahay ito. Naagaw ng aking atensyon ang picture frame na nasa side table. Dinampot ko ito at pinaka titigan ganoon na lamang ang aking pagkabigla ng makita ko kung sino ang nasa larawan. Si Luke na ang aking kakambal at ang babaeng iyon. Muli ay nilukob ako ng galit at sakit sa aking dibdib. Agad akong napalingon nang bumukas ang pintuan sa gawing kaliwa ko at iniluwa noon ang isang magandang babae na may maamong mukha. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang mga mata nitong bakas ang takot at lungkot sa hindi ko mawaring dahilan. Napapitlag ako nang bigla itong tumakbo palapit sa akin at payakap na lumuhod sa aking bewang. Sa gulat ko ay para akong napako sa aking kinauupuan at ng makabawi ako sa aking pagkabigla ay tangka kong tatanggalin ang kanyang nga kamay na nakapulupot sa aking beywang nang maramdaman ko ang pamamasa ng aking damit kung san nakasubsob ang kanyang maamong mukha. Indikasyon na siya ay tahimik na lumuluha. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin na hayaan siyang tahimik na uniyak sa aking kandungan at ilabas lahat ng sakit na kanyang nararamdaman. Huli na nang mapagtanto ko na ako ay gumaganti na rin sa kanyang mga yakap at marahang hinihimas ang kanyang likuran para siya ay pakalmahin. Agad akong natauhan ng mapagtanto ko ang aking ginagawa. Kaya mabilis ko siyang itinulak para makaalis sa pagkakayakap sa akin. Dahilan para sya ay mapabitaw sa aking beywang at mapaupo sa sahig. Takot ang nakita ko sa kanyang mga mata nang magtagpo ang aming paningin. "Na-nagugutom ako" aniya ko na hindi makatingin sa kanya. Agad naman itong tumayo at hinawakan ang aking kamay. "Ha-halika kanina pa ako nakaluto inaantay ko lang ang pag gising mo ipaghahain kita" Nagtungo kami sa lamesa at sya naman ay hindi mag kanda ugaga sa pag aasikaso ng aking kakainin. Inilapag nya sa aking tabi ang isang tasa ng kape bago naupo sa kaharap ko na upuan. "Here's your coffee" Abala ako sa pagkain ng mapansin kong malungkot lang siya na nakatitig sa akin na siya namang nakapagpakunot ng aking noo. "Hindi kaba kakain? Sabayan mo na ako" malamig kong tugon sakanya. Nakita ko kung paano nagliwanag ang kanyang mukha at dali daling kumuha ng pagkain. Habang patuloy parin sa pagtulo ang kanyang mga luha. "Bakit ka ba umiiyak?" Inis kong tanong sakanya. "Masaya lang ako Love kasi bumalik kana, at natatakot din ako na baka panaginip lang ang lahat ng ito. Na baka pag pumikit ako at sa muling pagdilat ng mata ko wala nang Luke sa harapan ko" mahaba niyang litanya na ang atensyon ay nasa kanyang plato. Para naman akong napipi sa aking narinig. Dumagsa ang mga katanungan sa aking isipan. Bakit kung umarte ang babaeng ito ay parang mahal na mahal nya ang kapatid ko. Inis na turan ng aking isip. At ang hindi ko maintindihan ay kung nasaan sa parte ng puso ko nanggagaling ang awa na nararamdaman ko para sa babaeng kaharap ko. Na sa tuwing tinitingnan ko ang maamo niyang mukha na hilam sa kanyang mga luha ay parang may isang libong kutsilyong tumatarak sa aking puso. Naputol ang isipin kong iyon nang tumunog ang aking telepono. Indikasyon na may nagtext sa akin. 1 new message. Mom: Where are you son? Go home now. We have an emergency meeting sa mga board members. They are expecting you. Walang sabi sabi ay tumayo ako sa aking kinauupuan at dire - diretsong nag tungo sa pintuan. Bago ko pa man tuluyang mabuksan ang pintuan ay may mga kamay na pumigil sa akin at nang lingunin ko ito ay muli na naman na nagtagpo ang mga mata namin Ella. Ang maamo niyang mukha na puno ng takot. "Where are you going?" "I need to go home, i have some important things to do." "Ba-balik ka naman hindi ba?" May pag aalinlangan niyang tanong. "Yes." Doon ay nakita kong unti unting nagliwanag ang kanyang mukha ang sa unang pagkakataon ay nakita ko siyang ngumiti. "About what happened the night na nakita mo kong------" I cut her off. "Let's not talk about the past. It's not important anymore. What important is I'm back. Di ba iyon naman ang mahalaga." malamig kong tugon sakanya. Agad naman siyang yumakap sa akin na siyang kinabigla ko bago ako dampian ng mainit na halik sa aking mga labi. Nang makabawi ako sa aking pagkabigla ay gumanpi na rin ako ng halik sakanya. Ang simpleng halik ang lumalim ng lumalim at ang aking kamay ay naging mapag hanap. Marahas naman niya akong itinulak na siyang aking kinabigla. "Luke!" Awat niya sa akin habang kami ay kapwa habol hininga. Ilang segundong namayani sa amin ang katahimikan at ako na rin ang bumasag noon. "I need to go" Ngunit bago pa man ako makalabas sa pintuan ay narinig ko na naman ang pagtawag niya sa pangalan ng aking kakambal. "Luke, aantayin kita. I love you" untag niya sa akin. "Babalik ako. Salamat." Ang tanging naging sagot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD