Chapter 12 - Confused

1850 Words
Matthew. Nang makarating ako sa bahay ay agad kong nabungaran si Samantha na nag aantay sa akin sa aming sala. Hindi ko siya pinansin at dire-diretsong nagtungo sa hagdan paakyat sa aking kwarto. Ngunit bago pa ako makarating sa hagdan ay narinig ko siyang nagsalita. "Saan ka galing Matthew mukhang busy ka" Nakangisi sya ng aking lingunin na tila ba alam nya kung saan ako nanggaling. Hindi ko sya sinagot at binigyan ko lamang sya ng isang matalim na tingin bago nagpatuloy ng akyat sa aking kwarto. Agad akong pumasok sa banyo at nagbabad sa shower. Sobrang sakit ng aking ulo marahil ay dahil sa hang over. Kung hindi nga lang panay ang tawag at pangungulit ni Mommy ay mag hapon akong matutulog. Idagdag pa na sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata ay naaalala ko ang maamong mukha ng babaeng iyon. Na siyang nagiging dahilan ng mabilis na pag pintig ng aking puso na para bang kakawala sa aking dibdib dahil sa sobrang bilis ng t***k nito. Maghapon kaming nasa meeting ni Mommy pero walang pumapasok sa isipan ko. Pilit ko mang iwaksi ngunit pilit pa rin na pumapasok sa isipan mo ang mga eksenang nangyari kanina umaga sa pagitan namin dalawa ni Ella. Hindi ko mawari kung bakit ganoon na lang ang epekto sa akin ng pagkakadikit ng aming mga balat lalo na ang mainit na halik na aming pinagsaluhan. Isang tikhim mula sa aking ina ang nakapagpabalik sa akin sa reyalidad. "Matthew?" "W-what is it? I'm sorry!" "Mr. Chua is talking to you." Binalingan ko ng tingin si Mr. Chua na halatang nag aantay ng sagot mula sa akin. "What is it again Mr. Chua?" "As I said Mr. Escobar meron na kaming list ng mga bahay ampunan na maaari natin tulungan para sa charity ng ating kumpanya. Approval mo na lang ang kailangan namin para matuloy na ang charity program". "Just leave the list to my secretary and I will check it later." "Okay good. So I guess this meeting is done." Ani Mr. Chua. "Okay this meeting is adjourned". Isa isa nang nagtayuan ang mga board of directors palabas ng conference room. Samantalang ako naman at ang aking ina ay naiwan na nakaupo lamang. "f**k" anas ko sa aking sarili bago napahilamos ng aking dalawang palad sa aking mukha. Malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago mapagawi ang aking tingin sa kinauupuan ni mommy na naka kunot na pala ang noo habang nakatingin sa akin. Tumikhim muna sya bago nagsalita. "Kanina ko pa napapansin na parang wala ka sa sarili mo anak. Is something bothering you?" Mapag usisang tanong sa akin ni mommy. "Nothing mom. I'm just ---- I'm just having a headache, ahmmm hang over you know?" Sagot ko sakanya habang hinihilot ko ang aking sintido. I heard her tsked. "You need to be responsible. I already told you na may meeting tayo sa mga board of directors ngayon. But look at you, lumilipad ang isip mo habang nasa kalagitnaan ng meeting dahil sa hang over. Please Matthew, ikaw ang susunod na Presidente ng kumpanya natin I need your cooperation". Panenermon sa akin ni Mommy na may halong pakiusap. "I'm sorry mom. I promise this won't happen again". Ang tanging sagot ko sakanya. "Let's go home now, you should take a rest and please uminom ka ng gamot para diyan sa hang over mo at may meeting ulit tayo bukas para sa bagong project." Sunod sunod na sabi ni mommy habang palabas ng conference room. Ako naman ay tumayo na rin para sumunod kay mommy. Alam ko sa aking sarili na hindi dahil sa hang over kung bakit nasakit ang aking ulo. Tahimik kaming naghahapunan ng mapansin kong wala si Samantha. Kaya agad kong tinanong ang aming kasambahay kung nasaan ito. "Manang, nasaan po si Samantha?" Habang patuloy sa aking pag akin at ang aking atensyon ay nasa aking plato. "Kaninang umaga pa po siya umalis Sir nag bilin nga po pala siya na makikipag kita siya sa mga kaibigan niya at bukas na daw po siya makakauwi" sagot ng aming kasambahay. Wala naman akong pakialam kahit hindi na siya bumalik. Ewan ko ba kung bakit bigla na lang ako nawalan ng interest sa kanya ng nasa America naman kami ay na eenjoy ko ang bawat gabi na kasama siya. Matapos kong mag hapunan ay dumeretso na ako agad sa aking kwarto. Kanina pa ako nakahiga pero hindi man lang ako dalawin ng antok. Natagpuan ko na lang ang aking sarili na nasa tapat ng bake shop ni Ella habang lulan ako ng aking sasakyan. Naka bukas pa ang shop nya pero wala nang tao sa loob. Nakalagay na rin sa pintuan ang signage na "Sorry we're Closed". Agad akong bumaba ng aking sasakyan ang sinipat kung may tao pa sa loob. Itinulak ko ang glass door at dire diretso na pumasok sa loob. Nasaan kaya ang babaeng iyon at hindi man lang isinara ang pintuan ng kanyang shop. Nakarinig ako ng kaluskos sa may kusina kaya agad kong pinuntahan iyon. Bahagya akong nagulat nang maabutan ko siyang abala sa paghuhugas sa mga kasangkapan na ginamit nya sa pag be bake. Nakapusod ang kanyang buhok in a messy bun style. Wearing short shorts and a spaghetti strap sando. Hindi ko mapigilan ang mapalunok nang makita kong dumausdos ang kanyang pawis pababa sa kanyang maputi at makinis na leeg. Eto na naman ang abnormal na t***k ng aking puso na hindi ko maipaliwanag kung bakit. Abala ako sa pag tingin sa kanyang kabuuan ng bigla siyang mapalingon sa akin. Bakas sa aming mga mukha na parehas kaming nagulat. Siya ang unang nagsalita. "Nandiyan ka pala, kanina ka pa ba?" Aniya habang diretsong naka tingin sa akin. I clear my throat before I answered. "Kadarating ko lang, bukas kasi ang pintuan kaya pumasok na ako" "Hindi pa kasi ako tapos dito kaya hindi ko pa naisasara ang shop" "Huwag kang masasanay na palaging ganyan, lalo na at mag isa paano kung pasukin ka ng masasamang tao. Babae ka pa naman at ganyan pa ang suot mo" "Pasensya na hindi na mauulit" sabi nito habang nakatungo. "Bakit ba mag isa ka? Wala ka bang mga assistant dito?" Naiirita kong saad. "Me - meron si Anna kaya lang umuwi sya ng probinsya next week pa ang balik nya" She heard him tsked. Kaya alam ni Ella na naiinis sakanya ang binata. Maya maya pa ay nag salita ulit ito. "Nasaan ang mga padlock ng shop ako na ang magsasara bilisan mo diyan may dala akong mga pagkain sabay na tayo kumain" Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso ni Ella dahil sa tinuran ng binata. Batid man niyang galit sa kanya ito ay mababakas pa rin sa tono ng pagsasalita nito ang pag aalala para sakanya. Kaya nagmadali na siya sa paghuhugas ng mga kasangkapan tamang tama at hindi pa rin siya naghahapunan at kanina pa niya tinitiis ang gutom dahil wala siyang gana kumain pero ngayon na naandito na ang binata at inaya siya kumain at bigla siyang nagkainteres na maghapunan. Habang isinasara ni Matthew ang shop ni Ella ay napapamura siya sa kanyang sarili dahil sa mga inaakto niya sa harap ng dalaga. "f**k!" He cursed. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kaniya imbes na galit at paghihiganti ang mamayani sakanya ay unti unti na niyang nararamdaman na nagkakainterest siya sa dalaga. Pagkatapos niyang isara ang shop ay pumasok na siya sa loob ng bahay ng dalaga. Doon lang niya napagmasdan ang kabuuan nito maaliwalas at malinis ang loob ng kabahayan. Nakuha naman ang atensyon niya ng isang painting na nakasabit sa dingding. Agad niya itong nilapitan at pinakatitigan. Painting iyon ng larawan ng kanyang kakambal na si Luke at si Ella. Kapwa nakangiti ang dalawa at mukhang masayang masaya. Nakayakap pa ang binata mula sa likuran ng dalaga habang nakahalik ito sa kanyang pisngi. Nasa ganoon posisyon sya nang tawagin siya ni Ella para kumain. "Luke nakahanda na ang pagkain, kumain na tayo" Malalim siyang bumuntong hininga bago tanggalin ang paningin sa painting na nakasabit sa dingding partikular sa mukha ng kanyang kapatid at nagpatiuna na sa hapag kainan. Habang kumakain ay hindi nya maiwasan ang mapatitig sa dalaga. Nag umpisa nanaman na mag rigodon sa pag t***k ng kanyang puso. Na nag uumpisa na niyang malaman ang dahilan kung bakit. Wala man sa plano at pilit man dayain ni Matthew ang kanyang sarili ay alam na niyang nahuhulog siya sa sarili niyang bitag. Matapos kumain ay napag desisyonan ni Ella na kausapin ng masinsinan ang binata. Gusto niyang magsimula muli at ipagpatuloy ang naudlot nilang pagmamahalan at maibalik muli ang tiwala nito. "Luke can we talk?" tanong niya dito ng tumayo ito agad pagkatapos kumain. Tango lamang ang isinagot ng binata at itinuro sakanya ang sofa sa kanyang sala indikasyon na doon sila mag uusap. Mahabang katahimikan ang namayani nila pag kaupo sa sofa. Si Matthew ang unang bumasag sa kanilang katahimikan. "I have a prosposal" panimula nito. Mataman naman na nakatitig sakanya ang dalaga at nakikinig. "Let's start again. Will you be my girlfriend again Ms. Gabriella Ramos?" Dugtong pa ng binata. Tila napipilan naman si Ella sa narinig nito mula sa binata. Hindi niya inaasahan ang magiging alok nito. Ang buong akala niya ay mahihirapan siya na makuhang muli ang tiwala nito. "So what's your answer? Ayaw mo ba?" Muling tanon sakanya ng binata. Isa isang nag bagsakan ang mga luha sa kanyang mata at marahas na napayakap sa nito. "G-gusto ko! Gustong gusto ko!" Ani Ella. Dahan dahan siyang bumitaw sa pagkakayakap niya sa binata at pinakatitigan ito sa kanyang mga mata. Unti unting nag lalapit ang kanilang mga mukha hanggang sa gahibla na lang ang layo ng mga ito. Awtomatikong napapikit ang kanyang mga mata at nag aantay na maglapat ang kanilang mga labi ng bigla silang may marinig na katok mula sa pintuan ng kanyang bahay. Agad naman na natauhan si Ella at ramdam niya ang pag init ng kanyang pisngi. Hindi na niya kailangan pa ng salamin para malaman niya na pulang pula na ang kanyang mukha dahil sa pagkapahiya sa naudlot na paglalapat ng kanilang mga labi. Tumayo siya upang tingnan kung sino ang tao na nasa pintuan. "Tignan ko lang kung sino ang dumating" ani niya sa binata na hindi rin makatingin sakanya marahil ay nahihiya din. Tumango lamang ito sakanya at pinagmasdan itong habang papalayo sakanya hanggang sa mawala na ito sa paningin nya. Marahas na napahilamos siya ng kanyang mga palad sa kanyang mukha. "What are you thinking man! What is happening to you! Bakit ka nakakaramdam ng pagkalito? Remember na andito para ipaghiganti ang kakambal mo! Pero bakit parang ikaw ang natatalo sa larong sinimulan mo!" Kastigo ng kanyang isip sa kanyang sarili. Nang bumalik si Ella sa sala ay kasama na niya ang assistant niya na si Anna. "Luke, nandito na pala si Anna napaaga ang balik niya" Nag angat naman siya ng tingin sa babaeng tinutukoy ng dalaga na mababakas ang pagtataka sa mukha nito. "Ikaw ba talaga si Sir Luke?" Nagdududang tanong ni Anna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD