Chapter 13 - Regrets

1064 Words
Halos paliparin ko ang aking sasakyan ng makatanggap ako ng tawag na nasusunog ang shop ni Ella. Sa kamalas malasan pa ay naipit ako sa kanda buhol buhol na traffic! "Beep! Beeeeep! Beeeeeep!" Halos mabasag ang aking busina sa pag pindot ko rito. "Pre, hindi tayo makakalusot dahil priority nila ang mga bumbero!" Sigaw ng isang lalaki mula sa katabi kong sasakyan. "Nasusunog kasi yung tindahan ng mga tinapay dyan sa kanto. Nakakaawa nga eh may na trap pa daw na buntis sa loob." dagdag pa nito habang umiiling. Pagkatapos nya magsalita ay kasunod noon ang narinig namin na malakas na pagsabog. "f**k" sigaw ko! Nagkagulo ang mga tao. Sigawan dito. Sigawan doon. Takbuhan dito. Takbuhan doon. Dali dali kong tinanggal ang aking seat belt at patakbong tinahak ang daan papunta sa shop ni Ella. Wala na akong pakialam kung naiwan ko man na bukas ang aking sasakyan. Ang importante ang masiguro ko na ligtas ang nag iisang babaeng minahal ko at iyon ay si Ella! Oo. Aminin ko man o hindi pero ako ang natalo sa larong sinimulan ko. Ang babaeng dapat ay pag hihigantihan ko lamang dahil sa sya ang sinisisi ko sa pagkamatay ng aking kakambal ay minamahal ko na ng sobra ngayon! Madaming pulis at bumbero ang nakapaligid ng marating ko ang nasusunog na shop ni Ella. Sa sobrang laki ng sunog ay halos tupukin na nito ang kabuuan ng tindahan. Patakbo akong papasok sana sa shop para iligtas si Ellan nang harangin ako ng mga pulis. "Sir, bawal ho. Hanggang dito lang po kayo". Sabi ng isang pulis na sumita sa akin. "Please papasukin nyo po ako, baka nasa loob pa si Ella kailangan ko syang mailigtas". Nag mamakaawa kong sabi. "Huminahon po kayo Sir. Delikado po sa loob at baka mapaano pa po kayo. Kakilala nyo po ba ang mga nasusunugan?" Tanong ng isa pang pulis na may hawak sa akin. "Girlfriend ko ang may ari ng shop na yan!" Mabilis kong tugon. "May na trap daw po sa loob ng tindahan?" Tanong ko pa. "Sabi nung mga customer yung buntis daw ang tao dyan kanina. Inaapula pa ng ating mga kasamahan na bumbero ang apoy para mapasok ang tindahan". Ani ng isang pulis. "Siguro ay si Anna ang babaeng buntis na iyon." Sagot ko. "Sino po si Anna Sir?". Muling tanung ng isang pulis na sa pagkakataon na iyon ay may hawak na syang ballpen at papel. "Assistant po ng Girlfriend ko". Muling sagot ko. Inabot ng hapon bago tuluyang maapula ang apoy. Nakaupo ako sa gilid ng daan habang sapo sapo ko ng aking dalawang palad ang aking ulo. Maraming tumatakbo sa aking isipan. Halo halong emosyon. Paano kung wala na sya, paano na ako. Nawala sya ng hindi man lang ako nakakahingi ng tawad sa mga nagawa ko. Namatay sya ng may galit sa akin. Namatay sya na wala akong nagawa. Nagkaroon ng clearing operation ang mga kapulisan at mga bumbero sa shop ni Ella ngunit walang bakas na may taong naiwan o na trap sa loob ng tindahan. Nakahinga ako ng maluwag sa balitang iyon. Ang pag aalala ko ay napalitan ng saya at lungkot. Saya dahil alam kong ligtas buhay at ligtas sya. Lungkot dahil alam kong galit sya. Galit sa akin ang babae na minamahal ko ng sobra! Kung nasaan na siya ay hindi ko alam. Pero hangad ko na sana ay nasa mabuti siyang kalagayan. After 3 months..... "Tok tok tok" tatlong malalakas na katok ang narinig ko mula sa aking pintuan. "Please come in". Sigaw ko sa kumakatok mula sa aking pintuan. "Matthew! Matthew! Come on, bilisan mo na dyan at kanina pa naghihintay ang mga investors sa lobby." Si Mommy na idinungaw nalang ang kanyang ulo at hindi na nagawa pang pumasok sa aking kwarto dahil sa pagmamadali. Mababakas din sa kanyang boses na naiirita na siya at tila naiinip sa pag hihintay sa akin. Inayos ko na ang aking neck tie habang nakaharap sa salamin. Nang biglang matawag ang aking pansin ng isang litratong tila sa akin ay nakatingin. Malapad ang kanyang mga ngiti, ngunit mababakas mo sa mga mata niya ang lungkot. Dinampot ko ang frame na pinaglalagyan ng litrato. Tinitigan ko ang kanyang mga mata na para bang kinakausap nya ako. "Tol, kamusta ka na dyan, sana masaya ka. Napakadaya mo! ikaw lang ang kakampi ko iniwan mo agad ako! Miss na miss na kita Kuya! Alam mo ba ngayon ipapakilala ako bilang bagong Presidente ng kumpanya natin. Sinong mag aakala na ang black sheep ng pamilya ang mag mamana at magpapatakbo ng kumpanya natin?" Saad ko ng nakangiti habang patuloy ang pagtulo ng aking mga luha. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ko ibinalik sa lamesa ang larawan ng aking kapatid at pinahid ang mga luhang unti unti nang natutuyo sa aking mga pisngi. Muli ay inayos ko ang aking sarili bago tuluyang lumabas ng aking silid. Sa pag saliw ng makapangyarihang tugtugin naipakilala ako bilang bagong Presidente ng Escobar Global Enterprises ng walang kahirap hirap. "Hello good evening Ladies and Gentlemen, alam ko kilala na ninyo ako but let me introduce again myself to you guys. I am Luke Matthew Escobar ang bago nyong Presidente. Anak ni Don Escobar at kakambal ni Father Luke. Sana po ay kagaya nila ay suportahan din po ninyo ako at tulungan pa po ninyo akong mapalago ang ating kumpanya. Hindi ko na po pahahabain pa ang aking talumpati. Let's start the party and enjoy the rest of therl night. Thank you." Yun lang at tumalikod na ako para bumaba ng entablado na aking kinalululanan. Nasa ika huling baitang ako ng hagdanan ng may maaninag akong isang pamilyar na bulto ng babae sa di kalayuan. Nakatayo ito paharap sa akin kaya naman pag taas ko ng aking paningin ay nagtama ang aming mga mata. Hindi ako maaaring magkamali. Si Ella! Humpak at maputla ang kanyang mukha. Titig na titig ang mapupula nyang mga mata na tila ba napopoot. Akma ko siyang lalapitan ng harangin ako ng mga reporters at pilit akong hinihingian ng pahayag tungkol sa aking pagkakahalal bilang pinaka bata at bagong Presidente ng aming kumpanya. Mabilis naman dumepensa ang aking mga bodyguard kaya nakawala ako sa umpukan ng nag kakagulong mamamahayag. Muli ay nilingon ko ang lugar kung saan ko nakita si Ella ngunit wala na sya. At iyon na ang huli naming pagkikita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD