Selyo - Kabanata1
“Wala siyang ulo! Wala siyang ulo!” Ang sigaw na bulong ng aking classmate sa aking katabi. Napatingin ako sa kanya mula sa aking pag rereview para sa darating na pagsusulit sa susunod na klase.
“Anung walang ulo?” Natatawang tanung ng Klarise na nakaupo sa tabi ko.
“Si Joseph, Nakita ko walang ulo.” Sabi nito sa mas mahinahon na boses.
Tumingin ako sa paligid, iilan palamang ang tao sa classroom, at si Joseph na tinutukoy nya ay nakatayo malapit sa may bintana at nakikipag kwentuhan ng buong sigla sa dalawa nitong kaibigan na kaklase din namin.
Binalik ko ang aking mga mata sa notebook sa harap ko, kinagat ang aking labi at kumunot ng noo. Napamura ako sa isip ko, nanaman!
Ayaw ko na mangialam sa mga bagay bagay na hindi naiintindihan ng modern science o mga bagay na hindi kaya ipaliwanag ng logic. Mga bagay na myth, legend, kwento ng matatanda, alien, once upon a time at kung anu anu pa. Sana hinayaan ko na nakasarado ang aking isip sa katotohanan na andyan nga iyang mga bagay na ‘yan. Mga nilalang na… na sa iba ay kathang isip lamang. Bagay pampalipas oras, nakakatuwang kwento tuwing Mahal na Araw o Araw ng mga Patay. Mga bagay na nakakagising ng artistic side of creative writing, story telling and movie making. It is as it is, nothing more nothing less.
Tinakpan ko ang aking mata ng aking mga kamay, tipong parang nag iisip at huminga ng malalim. Kinuha ko ang aking notebook at bag para umalis.
“Oi Jen, saan ka pupunta?” Tanung ni Klarise.
“Sa library,” Tugon ko.
“Hay naku, ito kasing si Marie kung anu anu’ng sinasabi, naistorbo ka ba namin?”
Ngumiti lang ako at sinabing, “Hindi naman, medyu kelangan ko lang mag concentrate. Medyu hirap parin kasi ako’ng intindihin itong mga bagong equations na binigay ni Sir, tapus biglang isasama pala dito sa long quiz.”
“Hay naku, oo nga!” Sabi ni Klarise
“Anung oo nga, eh kung hindi ako nagkakamali eh alam na alam mo na itong topic na ito.” I sarcastically point out knowing how easy any math thingy when it comes to Klarise.
Ngumiti lang si Klarise, “Well…”
“Well what?” Sabi ni Marie with a point blank annoyed face. “Mahirap maging genius minsan, walang common sense.”
“Anung sabi mo?!”
“Sabi ko wala ka’ng common sense.”
“Says someone who says walang ulo si Joseph!” Pasigaw na sagot ni Klarise.
“Anung wala ako’ng ulo?!”
Sabay sabay kaming napatingin sa pinangalingan ng boses. Si Joseph, naglalakad papalapit sa amin.
Umiling nalang ako at sabay sabing, “Bahala na kayo ‘dyan.” Sabay tapik sa balikat ni Joseph bago ako lumabas ng silid aralan.
Sana sapat na’yon. Sabi nila, minsan sapat na, minsan hindi, minsan kapag malakas humawak si Kamatayan sa taong wala pa sa oras, mas mahirap alisin ang mantsa ng pagkakatatak nito sa kaluluwa ng isang tao. Sabi nila, pagkakataon. Ang iba naman, napag kakatuwaan lamang. Kalimitan, oras na daw – kahit hindi pa. Paano malalaman na hindi pa? Kapag may nakakita. Tanda daw ito na may nagsasabi sa ibang tao na hindi pa nito oras, at kelangan malaman lamang ng tao na ito na natatakan siya. Ng ano? Ni Kamatayan. Napagkatuwaan ng ibang nilalang. Pwede din naisumpa galing sa poot o galit ng ibang tao dahil sa inggit o anu mang’ bagay na di nila napagkaintindihan. Maraming dahilan.
Sa loob ng library tahimik, malamig, maliwanag. Ang malalaking bintana ay sumusulyap sa malaking hardin ng Agricultural Class kasama ang mga century old trees na nakapaligid dito. Payapa na sana, kung hindi lamang sa mga bagay bagay na ‘di ko dapat nakikita. Bagay na lubos ko’ng pinagsisihan na ginising ko pa.
Tumungo ako. Pinikit ang aking mata na kala mo’y inaantok. Kelangan ko mag-aral, may magagawa ka ba? Tanung ko sa aking isip.
Isang bulong. Isang malamig na hangin na bumuhos mula sa aking ulo hanggang talampakan.
Minulat ko muli ang aking mga paningin, wala na sila – pansamantala.
Binuksan ko ang aking kwaderno na nakalapag sa aking harap, tinitigan ang mga numerong nakasulat mula sa aking magulong sulatkamay. Naiintindihan ko, pero hindi. Alam ko gawin, pero lumilipad ang aking isip. Saan? Sa Simula. Doon sa malayong probinsiya kung saan isinilang ang aking ama’t ina.
Tumingin ako sa labas ng bintana, iginala muli ang aking mata sa malawak na luntiang hardin. Walang tao – walang estudyanteng gumagala sa paligid.
Ang dark entity like shadow na nakadikit sa mga taong dinikitan ni Kamatayan tulad ni Joseph ay minsan nakakatakot, minsan buhay, minsan aware sa mga nakakakita sa kanila. Some are simply like wisp of dark air surrounding a person, others are like snake like leech twisting around the body of its’ victim with eyes darker than blood.
Saan sila nangaling? Anu sila? Hindi ko alam. Maaring baliw lang talaga ako. Ewan ko ba, minsan naniniwala na talaga ako na may sapak ako sa utak. Hindi lang ako, lahat ng tao na naniniwala. Lahat kami ay may disease of mind na hindi pa nadidiskubre o malamang di pa kayang gamutin ng sensiya kaya’t hindi nalang nila pinapansin ang mga taong tulad namin. Hallucination. Illusion. Kung anu pa man yan, minsan, kung hindi lagi ay mas mabuting ‘wag na lamang ipagsabi bago pa maging “that weirdo/crazy ass s**t” person ka sa ibang tao. At sa mga super religious people? You’ll be nothing but a blasphemous devil. And your extra senses are a gift from the demons of underworld. So yeah, better shut your mouth up boy or else the pious society will condemn you to netherworld.
Noon hindi ko sila nakikita. Bulag ang sense ko sa mga bagay na hindi nakikita ng ordinaryong paningin. Hindi lang bulag, patay pa. Walang pakiramdam. Walang kilabot. Walang naririnig. Ngunit naniniwala ako. Namamangha sa mga kwento kwento. Naiingit minsan sa mga nakakakita. Kuno sa iba, sa akin, totoo.
Totoo ang kasabihan na Be careful what you wish for. Dahil minsan, kapag di mo napanindigan ang iyong nais… maari itong pumatay sayo.