Selyo - Kabanata 2

1465 Words
It’s just a few patches from my memory. Ilang taon ako noon? Di ko alam. Siguro I’m around three to four years old? Sobrang bata ko pa, pero naaalala ko ang ibang pangyayari. They are so deeply intricated inside my memory, maybe because it gave a very strong impression when it happened. It’s not as detailed, but yet, I know the gist of what was happening back then. Naaalala ko ang mga gabi na malaki ang buwan, kung saan ako at ang napakaraming ko’ng pinsan, batang mga kapitbahay at kung sino sino pa ay kalimitan naglalaro, naghahabulan sa ilalim ng liwanag ng gabi. Ang aking mga magulang, mga tiyo’t tiya, si lola at lola, iba’ng mga kapit bahay ay andyan lang sa tabi nagkwekwentuhan, nagtatawanan habang ang iba’y nag iinuman. Maliwanag ang gabi sa probinsiya, hindi dahil sa maraming ilaw kung hindi sa kawalan nito. Ang ilaw na galing sa langit ay maningning dahil sa dilim sa lupang ibabaw. Masaya ang mga ala-alang iyon. Ito’y bagay na tumatak sa isip ko dahil minsan lamang mangyari ang mga gabing iyon, gabi na masaya ang lahat kahit hindi fiesta. Lahat parang walang problema. O siguro sa aking batang pag iisip lang na walang problema. Kahit sinu kalaro namin tuwing gabing bilog ang buwan. Si lolo at lola, sila ama’t ina’y walang problema basta’t nakikita nila kami at di kami lumalayo sa kanilang paningin. Laging taya si Kuya Paulo noon, at ako, ako ay isa sa saling kuting. Kaya minsan, ako nalang nag lalaro mag isa. Kasi di naman nila ako pinapansin. Maliit pa daw ako. Baby pa. baka daw ako madapa at mapagalitan pa sila. Eh di wag.  May mga oras na sa tahimik at malawak na kalsada, kung saan ito ang ginawa naming playground ay doon ako matatagpuan magisa sa may bandang dulo. Kung saan medyu wala na masyadong tao. Kapag hinanap ako at nilapitan nila tiyo at tatanungin na, “Oh bakit ka nag iisa dito? Andun sila, dun ka mag laro. Hindi ba’t sinabi na ni lolo mo na huwag ka’ng lalayo?” “Hindi po ako mag isa tito. Madami po ako kalaro.” Sabay turo ko sa dahon ng saging kung saan just a few moments ago, I was being dragged back and forth by my playmates. Naaalala ko ang ang pag kunot ng mga noo nila sabay buhat sakin pabalik sa bahay. Pero nakikita ko parin, bagama’t hindi malinaw sa aking pag iisip, sa aking ala ala, ang mga kalaro ko noon na kumikinang sa ilalim ng liwanag ng buwan habang kumakaway ng pag papaalam sa akin. After those nights hindi ko na maalala ang iba pa’ng pangyayari. Ang alam ko lang nag uusap sila tita at lola, at pinapagalitan ni lolo si tito at si tatay. Si nanay naman ay ipapasok na ako sa loob at pilit papatulugin. Ang mga pinsan ko, naririnig ko parin ang tawanan at sigawan ng “Taya!” at “Ang daya mo” sa labas ng bahay. Life is unfair.                                                                                         ---------                   Sa mga kakaonting bagay na naaalala ko noong bata ako, ito ay isa sa mga pangyayari na maliwanag sa aking isipan - kung sa movie naka 4K edition yung parte na iyon. Maaari ko’ng masabi na ito’y isang certain turning point sa buhay ko. Kung saan lahat nag umpisa… o kaya naman kung saan nagtapos ang umpisa. The end of the beginning ika nga nila.                   Ang alam ko maingay noon. Masaya. May handaan sa bahay nila lolo at lola. Pasko? Bagong Taon? Hindi ko maalala. Pero maraming tao, the atmosphere was festive. Ang alam ko may mga nagluluto ng baboy na k*****y sa malaking kawali sa labas ng bahay, may mga hinahandang minatamis naman sa loob. Lahat busy.                   Kaming mga bata? Dyan lang sa tabi, pwede mag laro pero bawal mag likot masyado. Baka daw matamaan ang mga niluto o kaya’y makabasag ng mga pinggan ni lola.                   It was a long, tiring nevertheless happy day if I remember correctly. Nang sumapit ang gabi, maraming mga bisita ang nagsiuwian na, ngunit dahil malaki ang pamilya ng tatay ko – 16 silang magkakapatid – parang walang pinagbago ang ingay at gulo sa loob ng bahay. To the point, that they, the siblings, decided to play a game. Spirit of the Glass daw. Katuwaan sabi. Si lolo at lola hinayaan lang sila.                   Nakita ko may mga ginagawa at ginuguhit sila sa manila paper, bilog bilog at kung sari saring simbolo na di ko mawari. At kaming mga bata, matulog na daw at gabi na. Tabi tabi kami noong mag pipinsan, nakahilera sa mahabang banig sa isang malaking kwarto sa baba ng bahay. Malamlam ang ilaw ng kandila sa may altar sa silid namin, pero maingay at maliwanag sa labas ng pinto. Tawanan at walang katapusang kwentuhan na kala mo’y matagal na hindi nagkikita at kailangang magkamustahan.                   Pinikit ko ang aking mga mata, pero hindi talaga. Ayaw ako’ng dalawin ng antok. Matagal din ako’ng nakahiga dun, nakatitig sa kisame, pinagmamasdan ang pag-galaw ng mga anino dulot ng banayad na pagsayaw ng kandila sa kwarto -  hanggang sumandali at tumahimik na ang mga tao sa labas. Tiningnan ko ang mga katabi ko, lahat sila tulog na. Bumangon ako, naiihi. Walang arenola sa kwarto. Dahan dahan ko’ng binuksan ang pinto at dahan dahan ko rin itong isinarado. Naglakad ako sa may kusina kung saan lahat sila’y nagtitipon. Tahimik silang lahat, ang mga daliri nila ay nakapatong sa baliktad na baso mula sa napag ubusan ng kape’ng Nescafe’.                     Naiihi na ako. Naglakad ako palabas ng pinto, papuntang likod bahay. Ang kubeta nila lolo at lola ay nakahiwalay sa bahay at para sa akin, sa edad ko noon, malayo ‘yon. Walang ilaw at madilim ang lalakaran. Marami din matataas na d**o na dadaanan at sabi nila tito may mga ahas daw na nakatira kapag matataas ang d**o.                   Bumalik ako sa loob, tinawag ko si tatay, sabi ko, “Tatay, naiihi na ko.”                   Sabi ni tatay, “Dyan ka nalang umihi sa malapit sa labas, bubuhusan nalang ni tatay pagkatapos mo. Bilis na. Bumalik ka agad at matulog na.”                   Bilis bilis ako’ng lumabas noon, naglakad ng kaonti malapit doon sa taniman ng saging ni lola. Dali dali ko’ng binaba ang aking salawal at umihi na ako.                   “Tabi tabi po, tabi tabi po.” Yun ang pagkakasabi ko paulit ulit habang umiihi, ‘yun kasi ang parating pangaral ni lola sa amin kapag kami ay wala sa tamang lugar.                   Pagkatapos, ako’y tumayo, hinila pataas ang aking salawal at akmang lalakad pabalik. Ngunit nagtataka ako kung bakit medyu maliwanag at mausok sa bandang likuran ng mga puno ng saging. Tumalikod ako at tiningnan kung saan nang gagaling ang usok na iyon. Wala naman ako’ng nakikitang nag sisiga o nagluluto. Nakakita ako ng paa, malaking paa, sinundan ko ang tingin dito hanggang sa tumingala  ako upang maaninag ang mukha nito. Isang malaking tao, na may ulo ng kabayo. Bagay na hanggang ngayon ay sariwang sariwa sa isip ko, ngunit hindi ko alam kung totoo ba o panaginip lamang ang ala-alang iyon.                   Wala na akong maalala beyond those point. Tanging sigaw ni lola at boses na lamang ni tatay ang medyu naalala ko. Parang nagagalit si lola at si tatay naman ay takot na takot. Nang magising ako, umaga na. Sabi ni nanay ‘wag na daw ako mag alala dahil ako’y natatakan na ng selyong pangsarado. Hindi ko alam kung ‘yun ang saktong salita na sinabi ni nanay, pero alam ko na may ‘selyo’ ang mga katagang iyon.                   “Anu po ‘yon selyo nanay?” Tanung ko.                   Ngumiti si nanay nun at sinabing wala lang at kumain na daw kami ng agahan.                   Sa hapag kainan ang tanging kwentuhan lang na narinig ko ay tungkol sa Spirit of the Glass  na ginawa nila, na kung saan daw ay dumilim ang paligid at may malakas at malamig na hangin na umikot sa kanilang lahat sa silid kainan. Hindi ko sila naiintindihan noon. Kwentong pang matanda lang daw yun at wag daw kaming magtanung, mangusisa pa’ng mga bata. Bawal daw sa amin yun.                   Wala na akong maalala na iba pang pangyayari sa bahay nila lolo at lola mula noon. Maliban sa mga iilang panaginip noong nakatira na kami sa Maynila kung saan kapag ako’y nagigising sa gabi at tumitingin sa kalangitan, nakikita ko ang sobrang dami at sobrang malalaking mga bituin at iba’t ibang planeta. Na parang lumulutang ako sa maning-ning na kalawakan. Nangyari iyon mga dalawa o tatlong beses hanggan sa nagsimula na akong mag aral ng grade 1.                   Wala na ang mga kamangha-manghang panaginip, wala na din kakaibang pangyayari pa.                   Hanggang…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD