Nagulantang ako sa aking pag mumuni-muni ng biglang nag ring ang bell indicating that the next period will start within 5 minutes. Dali dali ko’ng niligpit ang notebook at ballpen sa harap ko while cursing myself for having my thoughts flown away during those precious little time that I have para mag review. Well, whatever. Come what may nalang kung anung mangyayari sa pagsusulit.
Pagpasok ko sa room, wala pa si sir ngunit halos lahat ng classmates ko andun na.
Sumulyap ako kay Joseph, salamat naman at wala ng nakadikit sa kanya.
“Oi Jen, saan ka galing? Kanina ka pa namin hinahanap nila Jerome. Kala ko absent ka.” Ang bati sa akin ni Agnes, isa sa aking naging malapit na kaibigan since I entered the University.
“Sa library. Nagsabi ako kila Klarise kanina. Malamang hindi mo tinanung sa kanila noh?”
“Kelangan pa ba’ng tanungin?” Ang sagot nito sakin, sabay tingin kay Klarise na nakaupo sa kabilang banda ko.
“Malay ko ba,” ang sagot nito sabay simangot. “I’m not her keeper noh.”
“Bakit, anu’ng meron?” Tanung ko kay Agnes.
“Wala lang…”
Tiningnan ko siya, alam ko meron pa siyang sasabihin. “Anu nga ‘yun?”
“Alam mo ba na may supernatural thingy club dito sa University? Yung mga pumupunta punta sa mga haunted house at mga bundok at kumakausap sa mga espiritu, tulad nung mga nasa TV. Diba mahilig ka dun?”
“Ha? Sinu naman nagsabi sayo na mahilig ako dun?”
“Eh diba parati ka’ng nagkukuwento tungkol sa mga ganyang bagay?”
“Minsan hindi lagi. At ‘yun ay dahil ang kukulit nyu. Ginagawa nyu pa ako’ng lola basyang. At tsaka hindi ko kwento ang mga ‘yun, mga narinig ko rin lang kila nanay at tito.”
“Pero interested ka db?”
“Hindi. Delikado ang mga ganyan sabi ng matatanda. Lalo na kung wala ka’ng alam na pangontra daw.”
“Kaya nga sasama tayo sa kanila, dun sa mga marurunong. ”
“Seryoso ka Agnes?” ang tugon ko. Tinitigan ko siya na walang reaksiyon ang aking mukha, na tipong extreme blank look na di makapaniwala sa sinasabi n’ya.
Ang bilugan at masayahin mukha ni Agnes ay ngumiti na parang di naiintindihan ang expression ko, sabay tango at, “Oo noh.”
“Then leave me out of it. Kayo nalang.” Ang simple ‘kong sagot. Sabay hila ng papel sa loob ng aking bag, readying myself for the quiz.
“Sige na, anu ‘ba ‘yan ang KJ mo naman.”
“Kailan pa naging KJ ang mga bagay na ganyan? Curiosity kills the cat you know.”
“Hindi lang naman ako, sila Sheryl, Jerome, Mike and Joana game din.”
I gave her a level stare the second time, then said with finality on my tone, “No Agnes. Kayo nalang. ‘di ako interesado.”
“Fine, no need magtaray. Ang KJ KJ mo talaga. Hay naku!”
I ignored her just in time when our professor entered the class.
Dati interesadong interesado ako sa mga bagay na ganyan. Siguro noon, mga 2-3 years ago, I might’ve readily join them, pero ngayon, it’s better to keep my distance away from it. Sa iba, siguro ‘trip’ ‘trip’ lang ang pag ghost hunt or spirit hunting. ‘Yung iba naman ‘feeling’. ‘Feeling’ na expert, feeling na magaling. Pero in reality most of them are just fraud. Not all – but most. I bet they would run as hell and would pee their pants if they could even see a tiny part of what I could see beyond the realm of reality.
---------
Late afternoon, hindi pa lumulubog ang araw ngunit papalapit na. Yung tipong malamig na ang hangin, hindi na masakit ang tama ng araw sa balat pero maliwanag pa. Almost golden hour ika nga.
I find myself walking alone on a long stretch of road canopied by trees on one side at malawak na damuhan sa kabilang kalsada. Just a few distance more beyond that grassland ay matatanaw ang matataas na gusali na tipong nag papaalala sa mga dumadaan na they’re still in the City at wala sa kabukiran.
Uwian na. Tapos na ang sched ko for that day and most of my school friends decided to stay behind for extracurricular activities that I deny myself of joining. Nakakatamad sumali sa mga Clubs and Organization, extra effort and time consuming on my part. Yes, people who really knows me knew that the Sin of Sloth lives within me. Kung hindi naman required para mag survive sa mundo at sa society, why bother? Sayang ang energy. Unless I’m super interested to join o kaya it piques my interest to a level of spending some of my stamina just to satisfy my curiosity.
I sigh and continued my way out of the University ground. Oo, makulay, maingay, masaya ang paligid sa paningin ko. Ito rin ‘yung isang dahilan why I bothered seeking to have my extra perception unsealed, kasi inggitera ako. Ang daya, bakit sila lang ang nakakakita ng mga magagandang bagay, gusto ko din makakita ng nakikita at nadadama nila. Yep! It’s all about envy. And yes, I have stated two of the seven deadly sin already living within me. I’m human after all and I’m not a saint nor a goody ‘ol shoe trying hard. I am me. This is me. I don’t deny I’m imperfect and I can be completely impervious with anything. Sometimes it frightens me.
Nasanay na ko after a couple of years, being as I am today. Alam ko kung anu ang nag e-exist sa kabilang realm at kung anu ang nandirito – nakikita ng dalawang mata, nahahawakan, nahihinga, naamoy ng kahit sinu. They collide coexist in one dimension but in different world. Mas superior nga lang ‘yung mga nilalang sa kabila in a sense of… of everything, I guess. Beauty, strength, power, intelligence. Name it, they are way above our human level. Even still, marami, sobrang daming bagay ang hindi ko alam sa kanila. Kung bakit at kung anu. Kung kailan at kung saan. Kung paano at anu ang dahilan.
Most of the time they don’t bother me. And if they do on a very rare circumstances, I have companions to deal with them. Kalimitan ang nakakatakot at dapat iwasan ay yung mga naliligaw. Sila ‘yung tipong dapat mag kunwari ka na hindi mo alam na andyan sila. Sometimes they would follow you, stick with you, bother you in a most horrific way imaginable just because. But every so often they want something from you; a message, a request, someone they could relay their hidden thoughts just before they cross. And then there’s those fabulous creatures… bagay na komplikado, hindi mapaliwanag pero totoo. Oo, totoo. Totoo sa paniniwala ko at sa paningin ko.
“Hoy Jenny!”
Someone behind me grabbed my shoulder and forces me to turn around.
“Aray naman! Ang sakit ha. Anu ba yan.”
“Ay, sorry. Kanina pa kasi kita tinatawag pero parang ‘di mo ko naririnig.”
Tumingin ako sa taong iyon at nag buntong hininga, “Oh Ryan, ikaw pala. Pasensya na, medyu may iniisip lang.”
“Oo nga. Siguro mananakawan ka na ‘di mo pa alam. Mag ingat ka naman, kababae mo’ng tao ‘di ka aware sa paligid mo?”
I ignored his statement, secured my backpack a little more tightly on my back before I replied, “Oh bakit ba?”
“Wala lang, sabay na sana tayo umuwi.”
“As if naman na parehas ‘yung way natin. ‘Di ba may studio flat ka dyan sa likod ng school?”
“Friday ngayon, uuwi ako ng Laguna.” Sagot ‘nya in a matter of fact tone.
“Bakit kasi di ka pa magdala ng sasakyan mo para makauwi ka araw araw sa inyo?”
“Hassle eh. Tsaka alam mo na, ‘di ako ganun. I mean ‘di kami ganun pinalaki sa bahay. At ang hirap mag drive everyday, sobrang traffic. Abutin pa ko ng sampung oras sa daan bago makauwi.”
Ryan is considered one of the most popular guy in our year and in our department. Popular in a sense na matalino, mayaman at may itsura. Popular sa mga girls at teachers. Pero wala talaga siyang specific group of friends na sinasamahan. Loner? Hindi naman. Basta kung kani-kanino lang siya sumasama kapag break time. Parang may sarili din ‘siyang mundo kung tutuusin. Siguro, masasabi ko amongst sa mga classmate namin, ako ang pinaka-close niya na babaeng kaibigan… kakilala? ‘Di ko sure kasi kung friends nga kami or classmate-acquaintance. Basta, siguro nga kaibigan. Kasi nakakapag open up siya sakin ng personal life n’ya.
“Practicality has its perks after all I guess.” Sagot ko sa kaniya, shrugging my shoulder. “Oh, ‘Tara na, baka gabihin pa tayo.”
“Kain muna kaya tayo, baka abutan ako ng gutom sa daan.”
“Sige ba, basta libre mo. Alam mo na, madali ako’ng kausap kapag libre.” I replied jokingly.
Tinawanan ‘nya lang ako sabay, “Tara.”
Kung tama ako, ang simpleng pag imbita nya has something to do with his long-time crush na si Joana, one of my friends since freshmen year. Si Joana na tahimik at mahinhin. Si Joana na petite and very cute chinita girl. Si Joana na considered din na crush ng bayan sa department namin. Unfortunately for Ryan, Joana has her eye on Erick, our class resident bad boy and as popular as Ryan when it comes to girls, money and grades. And when I say bad boy, I’m not necessarily saying na bully. May pagka mayabang lang, in actions though not in word. Too confident, malakas ang tiwala sa sarili. Bagay na sa tingin ko makes him attractive to opposite s*x besides the fact na hindi rin naman siya nagkukulang sa itsura.
--------
“Ako na oorder, dito ka nalang.” Sabi ni Ryan after we enter a fast food chain and finding our seat.
“Oi, loko lang ‘yun. Ito oh, balik mo nalang sakin ang sukli. Basta cheese burger set lang ‘yung sakin and change the soft drinks into a bottled water.” Sabay abot ko ng couple of hundred bills.
“Anu ka ba, ako nagyaya sayo – “
“Pera mo ba ‘yan o pera ng magulang mo?”
“Hay naku Jenny, ‘wag mo ko’ng pilosopohin.”
“Pay my meal with my money or I will leave.”
“Je – “
I gave him a sharp look and a frown.
“Fine you win.” Sagot ni Ryan, sabay kuha sa inaabot ko’ng pera. “Dito ka lang. Pabantay ng gamit.”
“Oks.” I answered triumphantly.
It was several minutes later, while I spend my time subtlety looking at the small red man sitting on the shoulder of the person situated on the next table in front of me when I feel someone standing besides me. I look up and saw Riku. Isa siyang Japanese student studying in our University under irregular classes. Naging classmate namin siya nung freshmen year sa Filipino subject. At currently classmate din namin siya sa Organic Class at Chemical Analysis.
“Riku! Hi!”
“Hi.” He timidly answer. “Anou… Can I ask you something?”
“Sure go ahead. Why don’t you take a seat here.” Sabi ko sa kanya, pointing out on the empty seat beside me. Both of us are properly acquainted with each other. Dahil noong freshmen year, ako ang tutor nya sa Filipino subject at siya naman ang tumutulong sakin sa calculus. He was the one who proposed it that time, maybe because I have the best grades from the start of the class sa Filipino and undoubtedly Riku almost always gets a perfect score even surpassing Klarise most of the time.
“Hindi na…” Sagot nya. Mas maayos na ang pagtatagalog nya ngayon compared before. “Actually I want to – “
Tumigil siya ng makita ‘nyang dumating si Ryan dala ang pagkain na inorder namin.
“Yes?” I asked Riku again, completely ignoring Ryan habang binababa nya yung pagkain na dala nya.
Riku shook his head, “Ah… wala wala. May kasama ka pala. I just wanted to say Hi ‘cause I saw you when I enter, I thought you’re alone.”
“Why don’t you join us? Or may kasama ka?” Sabat ni Ryan.
“Ah… no. I don’t want to disturb you.”
“Disturb us? Wala ka’ng iniistorbo.” Ang sagot ko sa kanya. Although alam ko na gusto makipag usap ni Ryan about Joana. Pero hindi naman ako ang nagyaya kay Riku in the first place.
Riku gave the both of us a dubious look before he slightly bows with that cute Japanese way of his. “Please just excuse me. See you.” He replied before he walks away.
“Anu yun?” Tanung ni Ryan.
“Hindi ko alam.”
“Mukhang dumadami lalo ang fans mo sa club ah.” Biro ni Ryan.
“Anung fans na pinagsasabi mo ‘dyan.”
“Gusto mo ba bilangin ko ‘yung mga – “
“Tumigil ka pwede ba?”
“Bakit ba galit na galit ka?”
“Hindi ako galit. At wala akong fans club. Bawal na ba ako makipag usap o makipag kaibigan sa lalake ngayon? Fans na agad tawag dun. Ibig ba sabihin fans din kita?”
Tumawa si Ryan sa sinabi ko, “Tama na nga yan, baka ako pa ang ma hot seat.”
“Ma hohot seat ka talaga. Kamusta na si Joana?”
“Well…”
“Well what?”
Ang kwentuhan namin ay tumagal ng isang oras o higit pa. Kung saan ang problema nya kay Joana ay parehas parin ng problema nya dati. At kahit ilang beses ko siyang payuhan na manligaw na formally at hindi magparamdam via helping her with her homework or being extra nice to her, hindi nya paring gagawin. Dahil feeling nya baka ma busted lang daw siya.
Hopeless. Stupid. Moron. Anu ako diary?
Takip Silim na pag labas namin ng kainan. Nag aagaw ang dilim at liwanag. Pula, matingkad na dilaw, lilak at kahel ang kulay ng kalangitan. Sobrang ganda, nakakabighani ang pagpapakita ng iba’t ibang kulay ng hapon sa alapaap. Sa kabila ng ganda ng bawat dapit hapon, may nakaabang na kakilakilabot na bagay sa bawat sulok ng anino ng kadiliman. Bawat kagat ng gabi, ang mga banal ay tahimik at ang liwanag ay natutulog hanggang sa muling pagbukang liwayway.
“Late na.” Sambit ni Ryan.
Tumango ako sa pag sang ayon. “Sobrang traffic na malamang.”
“Tara?”
“Tara.”
While I’m not necessarily afraid of the dark, I’m afraid of what comes with it. From it. Natutunan ko na to steel my nerve, face them head on, and ignore them altogether. Pero minsan kahit anung tapang mo, courage is not enough when you clearly see them slinking out of the shadow with bloodthirsty eyes and a physique that nightmares could only define.
I walk a little too close beside Ryan. Too close for my normal. Hindi para sakin, para sa kanya. Kung alam nya lang kung gaano kadaming mga shadowy creatures ang na a-attract niya. After all, Ryan has a bright aura, bagay na malakas makaakit sa dilim. The stronger the light the stronger the dark as well.
Ito ‘yung mga ilang bagay na ayaw ko makita when I was unsealed. But unsealing means seeing everything. Hindi pwede mamili. All the good and bad. All the pros and cons kasama.
“Dito na ‘ko,” Sabi ko pagdating namin sa malapit sa train station.
“Oh sige, ingat.”
“Ingat din.”
As I watch him walk away, I also saw more shadowy creatures glues themselves around him. It would soon leave him when he reached the serenity and calmness of his home. Kalimitan ganun naman, kapag nasa loob na ng bahay, umaalis na sila. Unless the house is filled with resentment, hatred and anger.
Naglakad ako papuntang sakayan. Medyu madilim na. May ilaw na ang mga poste sa daan. Mas buhay nadin ang mga gala’ at ligaw. Kada kanto. Kada tabi. Kung saan saan.
Naging ganito na ang buhay ko ever since that fateful day, at magiging ganito na lagi hanggang kabilang buhay. At dahil ito na ang normal ko, hanggang kailanman hindi na ako magiging normal na tao.
--------
Nagising ako sa sarili ko’ng sigaw. Ang katawan ko’y nanginginig sa takot. Matagal na, sobrang sampung taon na ang nakalipas nung huli ako’ng managinip na parang totoo. Hindi ko alam kung totoo. Pero nakita ko, sa labas ng bahay. Nakita ko dumating yung malaking itim na ibon. Sobrang laki, hindi lang isa siya ngayon. Madami sila. At isa lang ang ibig sabihin noon, may mga susunduin sila.
“Danilo, anak anu yun? Bakit? Nagising kami sa pagsigaw mo.”
Si mama at papa nasa loob na pala ng kwarto ko, di ko namalayan. Umupo siya sa tabi ko, si papa nakatingin sakin sa may pinto, tahimik. Nag aalala.
“Nakita ko ulit.” Sagot ko habang pilit ko’ng pinapayapa ang aking sarili.
“Ang alin?” Tanung ni papa.
“’Yung malaking itim na ibon. Tulad dati… tulad dati.”
Alam ko nagtinginan sila mama at papa sa sinabi ko. Alam ko na alam nila ang ibig ko sabihin. Alam ko na naniniwala sila pero kung maari ay hindi dapat pag usapan ang mga bagay na iyon.
“Magdasal ka lang anak at mawawala din yan.” Sabi ni mama.
Hindi ako sumagot, tahimik lang ako. Magdasal. Kanino ako magdadasal? Paano ako magdadasal kung marami ako’ng katanungan. Kung lahat ay parang ‘di totoo. Kung ayaw ko maniwala pero dapat dahil nakikita ko. Ayaw ko tanggapin, bakit pa kasi ako?