KABANATA 2 (Meeting him)

1663 Words
NEVEAH'S POV "Tabi na tayo, Orion. Wala rin naman akong ibang kakilala dito. Dun tayo oh" sabay turo ko sa upuan sa bandang harap na tabi ng bintana. Mas magiging active kasi ang isang estudyante kung ang seat nito ay nasa harap. Mas maririnig at maiintindihan ang nais na iparating ng guro. "Are you also a transfer student here?" tanong nito sa akin. What's with sudden english? Umupo muna kami bago ko sagutin ang tanong niya. "Ah hindi. Bakit mo naitanong?" Nagtataka ba ito kung bakit wala akong ibang kakilala? Pft. Hindi naman na bago sa akin iyon. Lagi na lamang akong napagka kamalang loner sa school na ito. Being not known is not a problem. More peace, more focus. "You mentioned na wala kang ibang kakilala dito, that's why I asked you." Curious na saad nito. Sabi na nga ba, yun ang pumasok sa isip niya. "Hindi lang talaga ako mahilig maki salamuha sa maraming tao. Mas gusto ko pa ang mag basa ng mga aklat at mag aral na lamang." Siguro iniisip nito na boring masyado ang buhay ko. Well, reading books makes you entertain and gain more knowledge. That's why I will rather choose the books over some other stuffs. Lalo na kung bible ang usapan, bible is a book of life. Kahit na ang mababasa mo rito ay mga pangyayari sa buhay ni Papa Jesus at iba pang Apostles ay maihahalintulad mo parin ito sa iyong buhay. Doing wrong is a choice sabi nga ni Mama at Papa. "Mahilig ka rin pala sa libro. Sino sino naman yung mga paborito mong manunulat?" Tanong nito. Mababakas mo ang gulat sa aking pag mumukha dahil ito ang kauna unahang tao na nakipag usap sa akin tungkol sa paborito kong manunulat. Wala pa ni isang tao ang nakausap ko na nagka interes sa mga libro. "Ahm.. Si Eric Arthur Blair." Yumuko na lamang ako upang hindi makita ang naging bunga ng pagkabigla sa aking mukha. Sa tuwing ako ay nakakaramdam ng tuwa o excitement ay namumula ang aking ilong. Hindi ko rin alam kung bakit ganito. "George Orwell? Nabasa mo na siguro yung Why I Write?" Napatingin ako sakanya dahil sa gulat. 'Alam niya? Kilala niya?' yan ang mga katanungan na agad pumasok sa isip ko pagkarinig ko nang pagbanggit nito sa pen name ni Eric Arthur Blair. "Oo. Yun ang kauna unahang libro na nabasa kong gawa ni George Orwell. Mahilig ka rin ba sa mga makalumang libro?" balik tanong ko rito. Hindi na ako magtataka kung oo ang isasagot niya. Kilala niya si George Orwell na Writer noong 1933. "Oo naman. Lalo na sa mga libro ni Samuel Langhorne Clemens." Ngiting sagot nito. Kilala ko si Samuel Langhorne Clemens, siya ang American Writer na mahilig magsulat ng stories about adventures at tinaguriang 'The Father of American Literatures'. Kung hindi ako nagkakamali, Mark Twain ang pen name niya. "Mark Twain? Kilala ko siya. May nabasa na rin akong story niya. It was 1989 nung nai-publish ito, A Connecticut Yankee i-" "A Connecticut Yankee in King Arthur's Court." Putol nito sa sinabi ko. "Then, alam mo ba kung sino ang sumulat ng Men-" naputol ang pagsasalita ko nang may nagsalita sa harap. "Good morning, Everyone." bati sa amin ng isang hindi katandaan at mukhang dalagang babae na maputi at may salamin. Mukhang siya ang magiging isa sa mga teacher namin. Hindi ko na inisip ang naputol naming pag uusap, dahil alam kong meron pang mga oras na susunod upang mapag usapan namin ang aming pinag uusapan. "Tuloy nalang natin mamaya, Orion." Bulong ko rito na sinang ayunan naman niya. "Oo, sige." Nagsimula nang mag pakilala ang aming guro nang may nagtanong ng isang bagay na hindi namin inaasahan. "Ma'am may asawa na po ba kayo?" "That will be a secret, young boy. So, ayun nga. Ako si Myrtle Descaño, ang magiging Adviser niyo this school year. Bagong pasok na teacher lang ako sa eskwelahang ito kaya asahan ninyo ang mga salitang 'Introduce yourself'. "Ma'am!" tawag sakanya ng isang magandang babae habang nakataas ang kamay. "Yes, Ms.?" "Joy nalang po Ma'am." masayang banggit nito sa kaniyang pangalan. "Napaka masayahin naman ng pangalan mo, Joy. So, ano ang iyong nais sabihin?" "Mauuna na daw po mag papakilala si Edward sa harap, Ma'am." Malawak ang ngiti na animoy inaasar ang kaniyang kaibigan. "At sino naman itong Edward? Siya ba ang asawa ni Bella?" Biro ng aming guro na siya namang naging dahilan para mabawasan ang hiyaan sa loob ng classroom. Edward Cullen and Bella Swan ng Twilight. A famous vampire love story na sa tingin ko ay maraming nakakaalam. "Ma'am walang magkakagusto sa unggoy na yan. Saging po ang aasawahin niyan." Pang gagatong naman ni Joy kay Ma'am na siyang mas ikina pula sa sobrang hiya nung Edward. "Baka naman ikaw ang may gusto sakanya." Pag bibiro naman ni Ma'am kay Joy. "WALA KAYA MA'AM! AKO NA NGA LANG PO MAUUNANG MAG PAPAKILALA" Mabilis na tinungo nito ang harap at pumwesto sa tabi ni Ma'am. Tawanan ang karamihan sa kaklase namin dahil sa naging reaction ni Joy sa itinanong ni Ma'am sakanya. " Ako si Joy, basta Joy yan. Wag niyo na itanong kung ano yung apelyido ko baka lamunin ko kayo nang bu-" "Buro. Joy Buro buong pangalan niyan." pag putol sakanya nung Edward. "HOY! IKAW NA EDWARD PADER KA! WAG KA NGANG EPAL DYAN! NAKAKA BWISIT KA HA!" Tawanan ang buong klase kasama na kami ni Orion at Ma'am Myrtle sa naging asaran nilang dalawa. Kaya pala sila familiar dahil sila yung naririnig ko sa announcement board kung tama ang pagkaka alala ko. "I have an idea. Dahil kayo rin namang dalawa ang nagpakilala sa isa't isa, why don't we try to change it into 'Introduce your partner' rather than 'Introduce yourself' diba? Para may chances of getting to know each other kayo and fall it into friends. Mas okay narin yun para kahit papaano ay may kasama kayong pupunta dito sa harap. Maliban nalang kay Ms. Buro at Mr. Pader na nauna nang magpa kilala." mahabang pagpa paliwanag ng aming guro na siya namang sinang ayunan ng lahat ng aming kaklase kasama na si Orion. "Kung sino ang katabi niyo, siya ang magiging kapartner niyo. Okay lang kung may halong biruan ang pagpa pakilala niyo sa isa't isa, basta walang pisikalan at hindi magiging foul ang dating nito sa taong ipapakilala niyo. Learn to limit your words and jokes okay? Mauuna ang nandito sa left side. I will give you ten minutes to prepare your introduction." Nag simula nang mag usap usap yung mga magkakatabi sa ibang row. Tatlong rows ang meron dito sa classroom at nasa bandang right side kami ni Orion. Hinarap ko si Orion "Orion! Partner kita. Anong gusto mong sabihin ko sa harap about sayo?" tanong ko rito. Saglit itong napatigil at parang nag iisip ng sagot. Panay rin ang ayos nito sa kaniyang salamin at haplos sa kaniyang baba. "Basta Orion lang ang sabihin mong pangalan ko. Pangit din kasi yung last name ko eh." sabay kamot nito sa kaniyang ulo. "Ako na bahala sa sasabihin ko?" pagtatanong ko rito. Gusto ko maging detalyado ang sasabihin ko sa harap para hindi ako maka lagpas sa limitation ko. Ayoko rin na maging feeling close dahil kanina lamang kami nagka kilala. "Ikaw na ang bahala. Mukhang may alam ka na rin naman about sa akin. Isama mo na rin ang first impression mo about sa akin." ngiting sagot nito. Okay lang kaya sakanya na ako ang bahala? Baka kasi kung anong masabi ko. "This is Crizel Mariano. Dito na siya nag aral simula nung first year high school, kilala siya bilang isang magaling na volleyball player ng ating paaralan. Siya ay mahilig ball games, kahit na anong ball ay kaniyang nilalaro at kinakain. Malapit lamang ang kanilang bahay kaya pag may project tayo, dun tayo sa bahay nila tumambay." "Ito naman si Lady Cojuanco. Mayaman yan at laging nakatingin kay Edward" "Ampanget ni unggoy bakit niyo ba siya tinitignan!" sigaw ni Joy "Hahahahahha" "Ayieeee~" "Masarap ito maging ka group mate dahil hindi kayo gugutumin nito. Kaya kung pagkain ang habol niyo habang gumagawa ng projects or activities, piliin niyo nalang ang bahay nila Lady para mabusog kayo." Iilan lang yan sa mga naririnig kong pagpa pakilala nila na may kasamang pang aasar sa mga partner nila. Mukhang sa maikling panahon na ibinigay ni Ma'am sa amin ay may mga baguhan na nakahanap na ng magiging kaibigan nila. "Okay, Next na tayo. Kayo na ang susunod." Turo ni Ma'am sa amin ni Orion. Tumayo na ako at pumunta sa harap habang si Orion naman ay nakayukong nakasunod sa akin. "This is Orion." turo ko kay Orion na nakayuko parin. "Orion lang daw ang sasabihin kong name niya kasi pangit daw ang last name niya. So, I known him for being a bold type of guy, mahilig din siya sa books at kilala niya rin ang mga sikat na manunulat gaya na lamang ni Mark Twain. Mahilig siya sa mga surprise action at isa siyang mabait at sweet type of guy siya." pagtatapos ko sa aking sinasabi. "Mr. Orion, lift your chin and face them para makita ka nila." saad ni Ma'am Myrtle. Umayos ng tayo si Orion at humarap ng nakangiti kay Ma'am Myrtle. "Ganito po ba, Ma'am?" ngiting tanong ni Orion kay Ma'am Myrtle. Nagulat na lamang ito at napatayo nang makita si Orion. "Mr. F-" Naputol ang sasabihin ni Ma'am Myrtle nang magsalita si Orion. "Hi, Orion nga pala. Tama si Biya sa mga sinabi niya. Mahilig nga ako sa libro at sa mga surpresa." Nakangiting saad nito "Ito naman si Neveah Dizon, ang partner ko. She also loves books kaya nagkakaintindihan kami. Ang tawag ko sakanya ay Biya, a simple nickname for a simple girl like her. Bagay naman ang Biya sakanya diba?" tanong ni Orion habang nakaharap sa mga kaklase ko. "Oo, tol." sagot ng hindi ko kilalang lalaki. Did he just called me Biya? ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD