KABANATA 3 (Who will it be?)

1984 Words
NEVEAH'S POV Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa pag tawag sa akin ni Orion sa pangalan na hindi ko kinasanayan. Marahil hindi ganyan ang tawag sa akin nila Mama at Papa kaya't naninibago pa rin ako hanggang ngayon kay Orion. "Biya! Tulala ka na naman dyan, may problema ba?" Tanong ng taong tinutukoy ko. Siguro masasanay din ako na may tumatawag sa akin sa ibang pangalan. Ganyan naman siguro ang pagsisimula ng mag kaibigan diba? May mga itinatawag sa isa't isa. Yun kasi ang naririnig ko sa ibang estudyante, hindi nila tinatawag ang mga totoong pangalan ng mga kaibigan nila. "W-wala. Wala naman akong problema. Naninibago lang talaga ako." sagot ko rito. "Masasanay ka rin. Lagi mo na akong makakasama dito sa school diba?" Nakangiting tanong nito. "Ibig sabihin ba niyan mag kaibigan na tayo?" Tanong ko rito. Gusto ko lang makasigurado. Mahirap umasa kung ikaw, turing sakanya ay kaibigan tapos siya, hindi ka pala niya nakikitang kaibigan. "Oo naman." sagot nito. Finally. Lord, siya na po ba yung inilaan niyong kaibigan para sa akin? "Uy! Neveah, tama?" Napatingin ako sa tumawag sa akin. Tumango ako rito at nginitian siya. "Ah, oo. Joy, tama?" Kung hindi ako nagka kamali, siya si Joy. Tapos si Edward naman yung nasa tabi niya ngayon. Sila yung mag kaibigan na laging nag aasaran. "Joy Buro pangalan niyan." dagdag naman ni Edward "Manahimik ka. Makakatikim ka na talaga sa akin Pader." "Si Orion nga pala." pag papakilala ko kay Orion. "Kilala ko siya. Siya yung poging nerd na kapartner mo kanina sa introduction diba?" Tanong ni Joy "Oo, siya nga." ngiting sagot ko rito "Makiki-share sana kami ng table. Punuan na kasi eh, ang bagal kasi kumilos nitong kasama ko kaya nahuli kami." patama nito kay Edward. "Ikaw nga dyan yung mabagal kumilis kasi nakikipag daldalan pa sa mga kaklase natin." Sagot nito pabalik "Umupo na kayo. Baka magka g**o na naman kayo dyan" natatawang saad ko sa kanilang dalawa. Una sa may announcement board, pangalawa sa may classroom baka ang maging pangatlo niyan dito na sa canteen. "Ang daming bagong estudyante 'no? Usap usapan kasi ngayon yung pag aaral dito ni Curt kasama yung mga poging pinsan niya. Kung mapapansin mo, karamihan sa nag palipat na mga estudyante ay mga babae." kwento agad ni Joy pagka upo na pagka upo niya. "Sino ba yung Curt?" Curious na tanong ko rito. Narinig ko na rin yan kanina sa may announcement area. "Anak daw ng may ari ng school na ito. Sana naman hindi mayabang at hindi masama ang ugali." dagdag ni Joy "Ikaw lang naman ang may masamang ugali sa school na ito." pang aasar naman ni Edward. "Ikaw naman ang pinaka panget sa school na ito. Kala mo ha" "Nakikita mo na naman yang itsura mo." Hindi ko na lamang inintindi yung pag aasaran nilang dalawa. Napansin ko kasi na parang nanahimik si Orion simula nung dumating ang dalawang ito. "Huy!" kulbit ko sakanya. "Masama ba pakiramdam mo?" tanong ko rito. Napapansin ko kasi na kanina pa ito naka yuko. "Okay lang ako." Umayos ito ng upo at ngumiti sa amin. "Balita ko wala nang pasok mamayang hapon. Orientation lang daw dapat talaga ngayong umaga kaso ang wala yung speaker. Sa'n niyo gustong pumunta?" Diretsong tanong sa amin ni Joy. 'Madaldal nga talaga siya. Ang cute' nasabi ko na lamang sa aking isip. "Hindi mo pa nga tinatanong kung free ba sila. Kung makapag aya ka parang matagal mo na silang kilala ah." Sagot naman ni Edward rito. "May lakad ba kayo mamayang hapon?" tanong nito sa amin. Hindi niya inalintana ang sinabi ni Edward dahil mukhang magiging away na naman ang magiging kahihinatnan nito. "May pupuntahan ako eh. Ikaw ba Orion?" balik tanong ko kay Orion. Nakayuko na naman ito "Ah...M-may pupuntahan ako mamaya. Sa susunod nalang siguro tayo lumabas." Sagot naman nito. "Asahan ko yan ha." Itinuloy na namin ang aming pag kain habang si Joy naman ay dumadaldal parin nang dumadaldal habang si Edward ay sinasalungat lahat ng mga sasabihin ng kaibigan niya. ---- "Mauna na kami sa inyo. See you tomorrow, poging nerd!" hinatak na ito ni Edward dahil mukhang ayaw nito mag paawat pagdating kay Orion. "Mukhang masaya ka ata?" Tanong ni Orion sa akin. Halata ba masyado? "Oo. Natutuwa kasi ako kay Joy. Ang daldal niya at napaka masiyahin. Tapos si Edward naman laging nandyan para sakanya. Ang saya lang nila kasama." nakangiting sagot ko rito. Kahit papaano ay nadagdagan ang rason ko kung bakit gusto kong mag sipag na pumunta sa school. "Halata nga." natatawa rin na sagot niya. "Bakit ang tahimik mo kaninang kasama natin sila?" kunot noo kong tanong rito. Kasi kung kaming dalawa lang, madaldal naman siya. Pero kung may kasama kaming mas madaldal, dun naman siya nananahimik. Mas okay nga sana kung dalawa sila ni Joy ang nag uusap, malamang magkakasundo sila. "Nahihiya lang ako sa pag tawag niya sa akin ng ano...yun nga." bulong na sagot niya. Yun pala ang dahilan niya "Totoo naman yung sinabi ni Joy." sang ayon ko Yumuko na naman ito at nag kamot sa batok. Ganiyan ba talaga siya pag nahihiya? Napatawa na lang ako sa naging reaction niya. First time kong magkaroon ng kaibigan dito sa school, yet first time ko rin maka encounter na kay ganito palang type of guy. Sa mga napapansin ko kasi sa paligid, halos karamihan na sakanila ay mga presko. "Isa ka rin." "Hahaha mauuna na ako, Orion. Ingat ka sa pupuntahan mo. See you tomorrow" paalam ko sakanya. Nagsimula na akong maglakad palabas ng school. Alam naman na nila Papa at Mama kung saan ako pupunta. Mapapaaga nga lang ang uwi ko ---- "Kuya bantay! Pwede po bang dumalaw?" "Ikaw pa ba? Malakas ka kaya sa amin." Ani ni Kuya Robert. Siya si Kuya Robert, ang bantay dito sa gate. Tinuringang kuya ng lahat ng bata dito sa ampunan, at isa na rin ako roon. Matagal na siya dito, baby pa lang daw ako nandito na siya, hindi mahahalata ang katandaan nito dahil bata parin ito gumalaw. Mas gusto niya daw na ganun ang galaw niya para hindi matakot na lumapit sakanya ang ibang bata na naririto, yun nag sabi niya sa akin dati. "Nandyan po ba sila Mother Yna?" tanong ko rito. "Ito pala kuya, para sayo po." sabay abot ko sakanya ng tinapay. Binili ko ito kaninang bago ako pumunta dito sa ampunan. Alam ko kasing mas gusto nila ang tinapay dahil mas nakakabusog ito kesa sa laruan. Turo rin sa akin ni Mother Yna na dapat matuto kaming unahin ang bagay na mas makabubuti sa aming pangangatawan. "Salamat dito bunso. Nandun sa loob si Mother Yna, may bisita sila. Mukhang bumalik na yung dating nag dodonate dito." "Mabuti naman po kung ganun, Kuya. Mas magiging maayos po itong bahay ampunan kung mas maraming tutulong." "Tama ka dyan, Bunso. Pasok ka nalang dun, andun din yung mga bata." "Salamat, Kuya." Naglakad na ako papasok sa gate at dumiretso sa daan papuntang bahay ampunan. Medyo malayo ito sa kumbento na aming pinag sasambahan. Malawak ang lupain dahil narin sa mga tumulong upang mas mapalawak at mapaganda ang buong kumbento kasama na ang bahay ampunan. Maraming puno ang nakatanim dahil dito mahilig mag laro ang mga bata. Dito rin kami mahilig maglaro dati nung kakaunti pa ang mga puno. Dito ko rin laging nakikita yung batang lalaki na laging mag isa. "Ateeee Nebneb! Na-miss ka po namin!" "Ateeeeeeee Nebbb!" "Ateeeeee!" Ganito ang laging salubong sa akin ng mga bata sa tuwing ako ay pumupunta rito sa bahay ampunan. "May tinapay ka po bang dala, Ate?" tanong ni Xyrene. Walong taon at siya ang tumatayong ate nila Nana at Yeyyey "Dyami woyms achi Nep" ito naman si Yeyyey. Dalawang taon pa lamang ito kaya ganito siya kung mag salita. "May polboron po ba ate?" Ito naman si Nana. Limang taong gulang. "Pahingi rin po kami Ate Nebeya!" sagot ng iba pang mga bata "Oh hinay hinay mga bata, mag isa lang si Ate. Kaya dapat gawin natin yung dati nating ginagawa. Okay ba?" Tanong ko sa mga ito. Sabay sabay naman silang tumango at ginawa yung dati naming gawain kada dumarating ako dito. Ang mga matatangkad ay pumupunta sa likod habang ang mga maliit ay inilalagay nila sa harap. Inayos nila ang kanilang pila base sa kanilang tangkad. "Sinong pinaka maliit?" Tanong ko sa mga ito. "Si Yeyyey po, Ate Nebeya" sabay sabay naman nilang sagot. "Si Yeyyey ang uunahin kong bibigyan, okay ba?" "Opo ate." Umupo ako para makapantay ko si Yeyyey. "Ano ang gusto ng bunso namin?" tanong ko rito. "Dyami woyms achi dyami woyms" Ulit ulit nitong sabi." "Ito, isang plastic ng Gummy Worms. Bigyan mo sila ate, okay? Ang big boy ay hindi madamot." Paalala ko rito. Noong huling punta ko kasi dito ay sinolo niya lamang ang gummy worms na binigay ko sakanya. Kaya sumakit ang tiyan nito ay dahil sa pag ubos niya ng isang pakete ng gummy worms. "Opwo Achi. Tenchu pwo" sagot naman nito at pumunta na sa gilid. Sumunod ay si Thea. Isang three years old na batang babae. "Ano naman ang gusto ni Thea?" tanong ko rito "Papay po ate" Sagot nito "Pumili kana ng tinapay na gusto mo doon sa may plastic." Turo ko doon sa plastic kung saan nakalagay ang mga tinapay Lahat nang nakapila nakakuha ng mga gusto nilang pagkain. Ganito lagi ang ginagawa ko kada pumupunta ako dito sa bahay ampunan. Hindi pupwedeng wala kang dala dahil isa ito sa mga bonding namin ng mga batang nandito. Itong mga batang ito ay dumating dito hindi pa gaanong katagalan. Sila daw yung mga napupulot nila sa kalye o di kaya'y iniiwanan sa harap ng simbahan o bahay ampunan. Nakikita ko ang sarili ko sakanila kung kaya't ayokong maramdaman nila na walang nagmamahal sakanila. Gaya na lamang ng kung gaano ipinaramdam sa akin nila Mama at Papa kung gaano nila ako kamahal kahit na hindi nila ako totoong anak. Gusto ko rin maramdaman iyon ng iba pang mga batang nandito. "Maraming salamat po ate Nebneb" Masayang sabay sabay na sagot ng mga bata. Ganito lagi ang gusto kong makita sa mga mukha nila. Iyong lagi silang masaya at walang nararamdaman na kalungkutan. Hanggang kaya ko, ipaparamdam ko sakanila kung gaano sila kahalaga at dapat mahalin na hindi nila naramdaman sa totoo nilang mga magulang. "Neveah?" Napatingin ako sa tumawag sa akin. "Mother Yna!" tumakbo agad ako at yumakap sakanya. "Kaya pala wala ang ibang mga bata sa loob dahil nandito sila sa labas kasama ka." nakangiting saad nito. "Wala po kasi akong pasok ngayong hapon Mother Yna. Pinauwi na po kami kaninang tanghali." "Mabuti naman kung ganun at nakapunta ka rito. Kumusta naman ang unang araw mo sa eskwelahan?" masayang tanong nito sa akin. Bumalik lahat sa aking isip ang mga masasayang nangyari kaninang umaga. "Mukhang naging masaya ang iyong unang araw." "Mother Yna, may nakilala po akong tatlong tao. Hindi man po magka kaparehas ang ugali naming apat, masaya naman po kami nung nag sama sama kami sa iisang lamesa at iisang room." "Mabuti naman at nagkaroon kana ng kaibigan. Sabi sayo, hindi naman masama ang makisalamuha sa ibang tao." pagsasabi nito habang nakatingin sa mga batang kumakain at nag sasalo salo. "Kaya nga po, Mother Yna. Sana mag tuloy tuloy po." "May pumunta dito kanina. Naalala mo ba yung mga taong tumulong sa bahay ampunan na ito upang lumawak at gumanda dito?" tanong nito sa akin. Naalala ko yung sinabi ni kuya bantay na may bisita daw sila Mother Yna. "Opo. Nabanggit nga po ni Kuya bantay sa akin." saad ko rito. "Bumalik sila upang tumulong ulit." Seryosong saad nito. "Mabuti naman po kung ganun, Mother. Mas mapapaganda at mapapaayos ang bahay ampunan kasama narin ang buhay ng mga batang nandito." "Bumalik sila upang tumulong ulit, ngunit bumalik din sila dahil sila ay may hinahanap na bata." ------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD