KABANATA 4 (Siya na nga ba?)

1940 Words
NEVEAH'S POV "Good morning po Mama, Papa" Bati ko sa aking mga magulang. 5:30 pa lamang ng umaga ngayon. Alam kong masyado pang maaga pero ayoko talagang nahuhuli sa klase. May panahon pa ako para pag aralan ang p'pwedeng pag aralan ngayong araw na ito. Nag advance study na ako bago pa lamang mag simula ang enrolment namin ng 4th year. "Magandang umaga, Sweetie." bati sa akin nila mama at papa habang humahalik sa aking noo. Napangiti na lamang ako dahil sa kasweetan ng mga magulang ko sa akin. Talagang pinaparamdam nilang mahal nila ako sa mga simpleng galaw na pinapakita nila. Nakita kong bumalik si mama sa kusina. Baka babalikan nito ang niluluto niyang umagahan. "Kumusta po ang trabaho, Papa?" tanong ko rito. "Ayos naman, Sweetie. Hindi pinapabayaan ng Amang Langit ang Papa mo pati narin ang negosyo natin." Sagot nito. Kabilang kasi si Papa sa larangan ng mga trade company na iniimport ang mga product sa ibang bansa. Hindi ganun kalakihan ang aming kumpanya ngunit mayroon na kaming tatlo nito. Ang main quarter ay si Papa ang naghahawak at ang ibang bahagi naman ay hawak ng mga kapatid niya. Mayroon kami sa Cebu at mayroon din sa Davao, hawak naman ni Papa ang nandito sa Manila. Ipinatayo ang mga ito sa bawat kapital na bahagi ng Pilipinas. "Mabuti naman po kung ganun, mag iingat po kayo palagi, Pa." paalala ko rito. Hinaplos naman nito ang ulo ko na parang sinasabi na wala dapat akong ipag-alala. "Ginagabayan tayo ng Diyos, anak. H'wag kang mag alala kay papa, okay?" pangungumpirmang ani nito. Sinang ayunan ko na lamang si papa dahil totoo naman ang sinasabi niya. Hindi kami pinapabayaan ng Diyos kung kaya't lumalago ang aming kumpanya at hindi napapabayaan ang aming pamilya at kalusugan. "Oh, anong pinag uusapan niyong mag ama?" bungad ni mama pagka labas galing sa kusina habang may dalang naka platong kanin. Mukhang natapos na itong mag luto "Tulungan na po kita, Mama." "Wala naman, Mama. Nangangamusta lang ang anak natin tungkol sa trabaho" sabay halik ni papa sa ulo ni mama. Pumunta na lamang ako sa kusina upang kunin ang mga nilutong ulam ni mama. Marami rami itong niluto niya, paniguradong ibabalot niya ito at ibibigay sa mga gwardiyang nakabantay sa subdivision. 'Mama nga naman, hindi makasarili at laging inaalala ang iba.' nasabi ko na lamang sa aking isip. Naglakad na ako pabalik sa hapag kainan dala ang ulam na niluto ni mama. Minsan narin kasing napahamak si Mama dahil sa pulubing tinulungan namin sa mall. Nakita namin ito nasa labas ng mall habang hawak hawak ang tiyan kung kaya't isinama namin siya sa loob at isinabay kumain. Pagka labas namin ng mall, hinablot nung bata ang bag ni mama kaya't napatumba si mama at muntikan pang masagi ng sasakyan, buti na lamang nahila agad siya ni papa. Hinabol naman ng mga gwardiya ang bata kaya nakuha parin ang bag ni mama. At yung batang yun ay nasa ampunan na. Binilinan ni mama ang ampunan na alagaan nang maayos yung bata at mag dodonate si mama ng pera sa orphanage na ito. "Tayo'y magdasal." ani ng aking ina. Kami'y pumikit na at sinimulang damdamin ang presensya ng panginoon. "Panginoon, maraming salamat sa mga biyayang nakahanda sa aming hapag-kainan. Ang mga biyayang ito ay aming pinahahalagahan sapagkat sa iyong kabutihan at kapangyarihan nagbuhat ang lahat ng mga ito. Maraming salamat, Panginoon sa patuloy ninyong pagbibigay sa amin ng mga pagkaing aming kailangan upang maging malakas at malusog sa aming araw-araw na buhay. Maraming salamat din sa aming pagsasama-sama ngayong oras ng pagkain at nawa’y magkaroon kami ng pagkakataong muli sa susunod pang mga araw na muling magkasama-sama upang pagsaluhan ang iyong mga magagandang biyaya. Sa pangalan ng iyong anak na si Jesus. Amen." pagtatapos sa dasal ni mama Nagsimula na kaming kumain. "Sweetie, kumusta nga pala sa ampunan?" tanong ni mama habang sumusubo. Naalala ko na naman ang naging pag uusap namin ni Mother Yna kahapon. -- FLASHBACK.. "May pumunta dito kanina. Naalala mo ba yung mga taong tumulong sa bahay ampunan na ito upang lumawak at gumanda dito?" tanong nito sa akin. Naalala ko yung sinabi ni kuya bantay na may bisita daw sila Mother Yna. "Opo. Nabanggit nga po ni Kuya bantay sa akin." saad ko rito. "Bumalik sila upang tumulong ulit." Seryosong saad nito. "Mabuti naman po kung ganun, Mother. Mas mapapaganda at mapapaayos ang bahay ampunan kasama narin ang buhay ng mga batang nandito." "Bumalik sila upang tumulong ulit, ngunit bumalik din sila dahil sila ay may hinahanap na bata." ani ni Mother Yna. "Masaya naman po kung ganun. Pero sino po itong hinahanap nila?" tanong ko rito. Malungkot ang naging mukha ni Mother Yna sa tanong ko. "Hindi pa kami sigurado, Neveah. Pero ang sabi nila ay hindi daw nila ginustong mawala ang batang babaeng ito. Ilang taon daw silang nag hanap at trinace kung saan dinala ng taong dumukot sa anak nila ang sanggol. At nag l'lead ito dito sa ating lugar. Hindi parin nila nahahanap yung taong kumuha sa bata para matukoy kung saan nito mismong iniwan ang sanggol." Mahabang litanya ni Mother Yna. Kung ganun, baka isa sa mga batang nandito ang anak nila? Ngunit sino? "Ahm. Mother Yna, anong taon daw po ba nawala ang anak nila?" Tanong ko rito. Mas lalong lumungkot ang mukha niya "Taon kung kailan ka namin natagpuan, Neveah...2004" FLASHBACK ENDS -- "Ang sabi po ni Mother Yna, bumalik na daw po yung dating nag dodonate sa ampunan. May hinahanap daw po silang batang babae." tumuloy ulit ako sa pagsubo pagkatapos magsalita "Nahanap na daw ba, Sweetie?" "Hindi pa po, Ma. Hindi pa daw po sigurado kung saang parte ng lugar malapit sa simbahan iniwan ang bata. Pero yung taon daw po nawala ang bata ay yung mismong taon kung kailan natagpuan ako nila Mother Yna." Diretsong sagot ko rito na nag patigil sa kanilang dalawa. Alam kong nakakagulat dahil maski ako ay nagulat nang nalaman kong mismong taon na dumating ako sa ampunan ay yung taon na nawala ang anak nila. Sinong hindi magugulat? Babae ang anak nila, taon na nawala ang anak nila ay taon na dumating ako sa ampunan? Ano pa? "Sigurado ba sila dyan, Anak? Baka naman nagkamali lang sila ng taon. Bakit naitapat pa kung kailan nahanap ka nila Mother Yna." tanong ni papa. Nanahimik na lamang si mama at pinag patuloy ang pagkain "Hindi ko po alam, Papa." Nakayukong sagot ko rito. Part of me is hoping and wishing that it was me and part of me doesn't want to think that it's me. "Ituloy niyo na ang pagkain. Mamaya na natin pag usapan yan." saad ni Mama. Alam kong hinihiling din nila na sana hindi ako yun. Ramdam kong yun ang gustong mangyari nila papa at mama. Masyado pang maaga para isipin na ako talaga yun dahil hindi pa naman sila sigurado kung saang parte ng lugar malapit sa simbahan iniwan ang batang iyon. Natapos na kaming kumain at nag hahanda na para umalis. "Sweetie, sumabay kana sa akin. Idadaan na kita sa school mo." Napatingin agad ako kay papa nang sabihin niya ito. "Opo, Papa." sagot ko rito. May iniabot naman sa akin si mama na mga naka tupperware na pagkain. "Pakidaan nalang sa mga guard ng subdivision, Nak. Ingat kayo ng Papa mo. I love you both." Paalala ni Mama sa amin. Humalik na ito sa aking noo at humalik na siya kay papa. Sweet talaga nila. "Ingat ka rin po dito sa bahay, Mama. I love you too." ngiting sagot ko rito. "I love you too, Ma. Uuwi ako ng maaga" Sagot ni papa nang may nakakalokong ngiti. Napangiti nalang ako sa kanilang dalawa. May pagka loko loko kasi si papa eh. Sumakay na ako ng sasakyan gayundin si papa. Kumaway muna kami kay mama bago tuluyang makaalis sa bahay. Gaya ng sabi ni mama ay idaan namin ang mga pagkain sa guard house. "Good morning po Kuya, pinapamigay po pala ni Mama. Eat well po" sabay aboy ko ng eco bag na may laman na mga pagkain. "Maraming salamat po Ms. Neveah at Mr. Dizon. Pakisabi narin po kay Mrs. Dizon na maraming salamat sa uma umagang paghahatid ng pagkain." Sabi ni manong gwardiya at paulit ulit na yumuko. "Maliit na bagay, Alejandro. Pakabusog kayo" nag wave na kami sa mga bantay bago makarating sa mismong kalsada. Malapit na kami sa eskwelahan nang may napansin akong matandang namamalimos malapit dito. Nang lingunin ko si papa ay abala ito sa pagmamaneobra ng sasakyan at pakikipag usap sa kaniyang selpon kung kaya't tinapik ko nang mahina si papa at itinuro ang matanda. Itinigil naman nito ang pakikipag usap sa kaniyang katrabaho at agad ding itinigil ang sasakyan sa tapat ng matanda. Binuksan naman ni papa ang bintana sa tapat ng upuan ko "Apo, baka pwedeng makahingi ng pangkain lang. Nagugutom na kasi ako" sabi ni lolo na hinang hina. "Papa? Pwede?" tanong ko sa aking ama. Kada kasi may ganitong pangyayari, nagtatanong ako kay Papa o kaya kay Mama kung pwedeng pera ang ibigay. Mahigpit na bilin kasi nila sa akin na mas magandang pagkain nalang ang ibigay kesa ang pera dahil baka hindi nila ito gamitin pambili ng pagkain. Tumingin naman si papa sa akin at tumango kaya binigyan ko si lola pambili ng pagkain. Hindi ganun kalakihan pero sapat na para may pangkain siya sa tatlong araw. "Maraming salamat, apo." naluluhang pagpapasalamat ni lolo. Mukhang kanina pa siya hindi napapansin dahil wala pang laman ang kaniyang kahon na lagayan ng pera. "Basta mag ingat po kayo lagi, Lolo. Mas mabuting mag stay nalang po kayo sa home of elders para mas maalagaan po kayo dun." pag sasuggest ko rito. "Hindi na apo. Maraming salamat nalang" "Walang anuman po lolo. Alis na po kami" pagpa paalam ko rito. Pinaandar na ni papa ang sasakyan at ipinasok sa loob ng eskwelahan. Wala pa namang gaanong karaming tao kaya ayos lang. "Alis na ako, Sweetie. Enjoy sa pag aaral." humalik na si papa sa noo ko. Sinimulan na nitong paandarin ang sasakyan kaya't bumaba na ako. Kumaway muna sa akin si papa bago tuluyang lumabas ng eskwelahan. -- Nandito na ako sa loob ng classroom nang dumating si Joy at Edward. "Ohayo, Neveah!" bungad ni Joy. Hyper na naman siya "Morning, Neveah." bati ni edward "Good morning sainyo." ngiting bati ko sakanila. "Kumusta ang lakad mo kahapon?" Tanong ni Joy sa akin. "Ayos naman. Yung sainyo?" "Kj masyado itong kasama ko. Ayaw ako samahan mag laro sa arcade. Sa susunod ikaw nalang isasama ko para may kasabay ako mag laro." nakangusong saad nito. "Sige. Sa susunod sasama na ako pag hindi ako pupunta sa bahay ampunan." napalingon naman agad ito sa akin at dali daling umupo sa upuan ni Orion. "Ampunan ba sabi mo? Anong ginagawa mo dun? Anong pangalan ng ampunan?" kunot noong tanong nito. "Greenhill Orphanage. Dun kasi ako kadalasan pumupunta para makipag laro sa mga bata." Mukha naman itong na enganyo sa narinig niya. "Uy! Sa susunod isama mo kami ha?" "Oo naman." pag sang ayon ko dito. Matapos ang maraming daldalan ay sumakabilang side naman siya ng room. Nakikipag daldalan ito sa iba pa naming kaklase. "Ampon si Joy kaya ganun na lamang ang naging reaction niya nung narinig niyang pumupunta ka sa bahay ampunan. Natagpuan siya sa hindi gaanong kalapit sa simbahan ng San Jose. Baby pa lang daw siya nung nakita siya ng mga kinikilala niyang mga magulang ngayon." napalingon ako kay Edward nang sabihin niya ito. San Jose Church? Simbahan kung saan napulot din ako nila Mother Yna. Ibig sabihin ba nito.... "Anong taon nung napulot si Joy?" ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD