KABANATA 7 (Who are you?)

1264 Words
NEVEAH'S POV 5:50 na pero wala pa rin si Papa, kaninang 5:30 pa ang uwian namin. Ang sabi niya kasi susunduin niya daw ako ngayon, hindi ko rin alam kung bakit biglaan nalang silang nakapag isip isip na sunduin ako. Hindi naman sa ayoko, pero kasi nakakapanibago lang na mas naging mahigpit sila sa akin simula nung inopen topic ko yung about sa batang hinahanap ng mga nag dodonate sa ampunan.. FLASHBACK... Saturday, nandito kami sa living area para manood ng movie. Every saturday kasi ang family day namin kaya nakagawian na namin na ganito ang gawin kung wala kaming pupuntahan. "Pa, about dun sa batang babae na hinahanap nung mga nag dodonate sa ampunan, may kilala po kasi akong batang babae na katulad ko rin po na natagpuan malapit sa simbahan. Mismong taon din po kung kailan ako nahanap nila Mother Yna, sa tingin niyo po siya na po kaya yung hinahanap nilang bata?" tanong ko kay papa. Napatigil ito sa pag aayos ng papanoorin namin at lumapit sa akin. "Hindi tayo sigurado, Sweetie. Hayaan nalang natin sila, hindi natin problema ang paghahanap nila sa batang iyon. Huwag nalang natin pag usapan ang ganiyang bagay, okay?" sagot nito. Tinitigan ko si Papa dahil iba ang tono ng pananalita niya ngayon. Para itong may halong bitterness o pagkaiyamot. "Opo, Papa." FLASHBACK ENDS.... Kinabukasan nun, lagi na silang nakadikit sa akin kahit saan ako mag punta maliban nalang dito sa school. Hinatid nila ako kaninang umaga at nagsabing susunduin nila ako ngayon, minsan kasi sumasama si mama para sunduin ako. Anyway, lunes ngayon at paniguradong may mangyayari bukas dahil sa gaganapin na visiting section hanggang friday. "Uy, Nevs! Bakit hindi ka pa umuuwi?" Pagka lingon ko ay nakita ko si Aira. Nginitian ko na lamang ito at sumagot "Parating narin sila Papa. Baka may dinaanan lang kaya natagalan. Kayo ba?" sagot ko rito. Napatingin ako sa tatlong kasamahan niyang lalaki. Nakatingin ang dalawa sa akin, iyong naka faded at buhok at mushroom cut ang buhok. Iyong lalaki namang kulay itim ang buhok na makapal ang kilay na naka earphone ay parang may sariling mundo. Mga kaklase ko sila pero hindi ko alam kung anong pangalan nila. "May pinatapos lang si Ma'am Descaño sa mga ito. Hindi ko naman pwedeng iwan ang classroom habang may tao pa." Sagot ni Aira. Oo nga pala, si Aira ang aming class president at si Edward naman ang Vice. Si Joy ang Muse at hindi ko na matandaan kung sino yung ibang officials sa classroom namin. "Ingat kayo sa pag uwi." ngiting paalam ko sa mga ito. "Mauuna na ako, hinintay ko lang talaga silang matapos. Hinahanap narin ako nila mama niyan panigurado." saad ni Aira at tumakbo na paalis. "Mag dahan dahan ka." paalala ko rito "Salamat. Ikaw rin, see you tomorrow." kaway nito sa amin. Napatingin ako sa mga kasama kong nag hihintay dito sa waiting shed ng school namin. 'Na-late din siguro yung mga sundo nila.' nasabi ko na lamang sa aking isip. Mukhang uulan pa ata. Ang itim kasi ng mga ulap "Neveah..." Napalingon ako sa tumawag sa akin. ---- DRIX ALONTE'S POV Should I be thankful na may pinagawa si Ma'am Descaño sa amin? Finally, nakasama ko sa iisang lugar kung saan katabi ko ngayon si Neveah, unlike sa classroom na lagi siyang napapaligiran ng nga kaibigan niya kaya hindi ako makalapit. Pagkarating na pagkarating namin nila Aira, Joe at Sean dito "Mag dahan dahan ka." pag papaalala nito kay Aira. Crush ko talaga si Neveah, napaka hinhin, napaka talino, napaka ganda at napakabait at napaka understanding niya. Perfect package kumbaga, marami rin akong nakikitang nakatingin sakanya pero mukhang hindi niya ito napapansin. "Bro, si Neveah oh." bulong ni Joe bunot sa akin. Gupit kasi nito parang bunot kaya maraming tumatawag sakanya ng bunot eh. "Tigil sa pag titig, Bunot. Hindi ka papatusin niyan." sagot ko rito nang pabulong. Alam ko kasing may gusto rin ito kay Neveah, dahil kay neveah kaya kami nagkasundo ni Joe. Kapag usapang Neveah, ay kami agad ni Joe ang mag kasama. Inayos ko muna ang damit ko at lalapit na sana kay Neveah nang bigla namang sumingit itong isang kasama namin. "Neveah..." tawag nito kay Neveah mylabs. ' Inunahan mo pa talaga akong kupal ka' nasabi ko na lamang sa aking isip. Nilingon naman ni Neveah Mylabs si kupal at nginitian ito. 'Bakit naman kasi ang ganda mo lalo na pag ngumingiti' pag papantasya ko rito. "Yes?" Sagot nito "May barya ka ba dyan? Pahiram sana ako." Aba! Langya naman itong kupal na 'to. Ang kapal ng mukha para hingian si Neveah Mylabs. "Meron. Magkano ba?" Tanong nito habang binubuksan ang bag niya. "Five hundred pesos sana." Kapal talaga ng mukha oh. "Here." inabot ni mylabs ang paybhandred kay kupal. 'barya ba yan? Mga galawan mong hayop ka.' sigaw ko sa aking isip. Letche! Hindi naman yun barya ah! "Thank you." "No problem." Lumingon na ulit si Neveah mylabs sa harap. Tinititigan ko na lamang si Neveah habang nakatagilid ito. Hanggang lingon na lang ba talaga ako? Ang ganda talaga ni mylabs eh. Lapitan ko kaya? Kausapin ko? "Bro, masyado kang kabado. Halatadong halatado ka eh." bulong ni bunot. "Masyado ka rin halata. Alam kong gustong gusto mo na akong unahan na lapitan siya." bulong ko rito nang may halong panggigigil "Ang bagal mo kasi kumilos, Bro. Inunahan ka pa ni Sean oh." sagot nito Napatingin na lamang ako sa isa pa naming kasamahan. Nakatitig ito sa perang ipinahiram sakanya. 'lalapitan ko na talaga ito.' "Neve-" Peeep! Peeeeep! May tumigil na sasakyan sa harap. Napalingon naman sa sasakyan na ito si Neveah nang bumukas ang bintana nito at sumilip ang isang hindi masyadong katandaan na lalaki. "Sweetie, hop in." tawag nito. Lumapit naman si Neveah sa sasakyan na ito at kumaway sa amin bago ito sumakay. "Ingat kayo. See you tomorrow" nakangiting paalam nito sa amin. Hindi na ako naka kaway sakanya pabalik dahil parin sa pagka bigla. Ni hindi ko rin napansin na naka alis na pala ang sasakyan nila. Mamahalin ang sasakyan na ito dahil ito ay Rolls-Royce Cullinan. 20 millions ang pinaka murang Rolls-Royce sa Pilipinas. 'Mayaman pala sila? Pero bakit hindi ito halata sa pangangatawan niya?' tanong ko na lamang sa aking isip. Kung manamit kasi siya parang ang normal lang, hindi mo maiisip na mayaman siya or mahirap dahil sa pagiging normal na galaw nito. Tsaka hindi ito isanh mayabang na tao na ipagmamayabang na mayaman sila. 'Argh! So perfect woman.' "Nahuli kana naman, Bro. Better luck next time." napapailing na sabi ni Joe. Sana nga sa susunod wala nang makakapigil sa pakikipag usap ko sakanya. Lagi nalang napupurnada eh, total bukas ang simula ng visiting sections at kasama ako sa grupong kinabibilangan ni Neveah. See you tomorrow, My love. "Stop staring at her, Idiot." Nilingon ko ang nag sabi nito ngunit paalis na ito at hindi nakita ang mukha niya. "Sino yun, Bro?" tanong ni Joe. "Hindi ko rin kilala, bro." Sino nga ba yun? --- NEVEAH'S POV "Papa, nasaan po si Mama?" tanong ko kay papa nang makita kong hindi nito kasama si mama sa pag sundo sa akin. "Nasa bahay, Sweetie. Nauna na siyang magpahatid para daw mailutuan ka ng paborito mong ulam." sagot nito. Si mama talaga napaka maalalahanin masyado. Laging kami nalang ni papa ang iniisip, hindi man lang inisip yung sarili niya. "Papa, bukas po pala ang visiting section namin. Hanggang friday po ito kaya next week na po ako makakabalik sa section namin." "Ano bang meron sa ganyan sweetie?" tanong nito habang nag fofocus sa pag mamaneho. "Bibisita po kami sa ibang section the whole week, para daw po matulungan yung ibang section sa mga hindi nila maintindihan na topics na pinag aaralan po namin. Kumbaga po mag g'guide kami ng batch mate namin para maka cope up po sila sa mga lessons. Also, habang ginagawa po namin yun ay magtuturo po ng panibagong topic yung teacher na maaassign sa mga sections na pupuntahan namin." mahabang pagpapaliwanag ko dito. Pantay pantay lang naman ang pag tuturo nila per sections. Kung ano ang natutunan namin or kung anong idiniscuss ng mga teacher namin sa mismong araw na itinuro nila ito sa amin ay yun din mismo ang araw kung saan ituturo din nila ito sa iba. "Magandang paraan yan para makatulong kayo sa mga school mate niyong nahihirapan." nakangiting saad ni papa. "Opo nga po Papa eh. Buti nga po naisip nilang gawin yun." "So, sino yung apat na lalaki na yun, Sweetie?" tanong ni papa. Tinutukoy siguro nito yung mga kasama ko sa waiting shed. 'Apat? Sa pagkakaalam ko tatlo lang silang nandun eh.' "Tatlo lang po sila, Papa. Mga kaklase ko po sila." ngiting sagot ko dito. "May isa pa kayong kasama hindi kalayuan sa kinatatayuan niyo. Sa bandang likod, naka hoody jacket ito." pag kukumpirma nito. Hindi ko na kasi napansin yun nung nagpaalam ako sakanila. Baka meron nga "Hindi ko po alam kung sino yun Papa eh. Basta yung tatlo pong nasa bandang likuran ko, sila po yung mga kaklase ko. May pinagawa daw po yung Adviser namin sakanila kaya nahuli sa pag uwi." "Sa susunod huwag mong hahayaan na naiiwan ka sa iisang lugae na lalaki lang ang mga kasama, naintindihan mo ba, sweetie? Masyado yung delikado sa kagaya mong babae." pag papaalala nito sa akin. "Opo, Papa." Alam kong nag aalala lang si papa sa akin kaya niya nasabi ang mga ito. Hindi rin naman ako basta basta na lamang hahayaan ang aking sarili na mapunta sa peligro nang walang nakakakita. Kaya tinignan ko muna kung may iba pa bang tao na pwedeng makakita sa akin kung may mangyari man. Nang makita kong marami pang estudyante ang hindi nakauwi at nag babantay ang guard ng gate sa school ay napanatag akong mag stay sa shed kasama ang mga kaklase ko. Pero curious talaga ako... Sino kaya yung sinasabi ni Papa na naka hoody jacket? ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD