KABANTA 6 (Curt Ferrer)

1700 Words
NEVEAH'S POV "Uy girl! Papasok daw si Curt mamayang afternoon class" "Talaga?" "Totoo ngang dito na siya mag aaral?" "Oo girl! Kyaaaaahhhh! Makikita na natin siyaaaaaa" "Kailangan kong maging maganda mamaya" Iilan lang yan sa mga naririnig naming mga sinasabi nila. Ito na naman sila pag usapang lalaki talaga ang pinag uusapan. "Ano kayang section ni Curt?" biglang tanong ni Joy "Bakit kami tinatanong mo? Hindi naman namin kilala yan." agaran namang sagot ni Edward. Ka aalis lang ni Orion pero nagsisimula na naman itong dalawang ito sa pag aaway. "Nasa harap tayo ng hapag kainan. Itigil niyo muna ang pag aaway niyo." Nakangiti kong sabi sa kanila. "Sorry/Pasensya na" sabay nilang sabi. "Pero alam niyo bang galing pala sa Vatican City ang pamilya ng may ari ng school na ito?" saad ni Joy "Halata naman. Hindi naman nila ito papangalanang Petra Academiae kung hindi diba?" Pabalang na sagot ni Edward. Inubos ko na ang pagkain ko at baka malate pa kami sa klase. "Hmph! Epal ka talaga. Pero seryoso nga, bakit Ferrer ang last name nila kung sa Vatican City sila ipinanganak diba?" tanong ni Joy "As far as I know, approximately 333,663 people bear this surname. Most prevalent is here in Philippines and highest density in Vatican City. They are also known as expert or famous on making a shoe-horses in Vatican City, that's why." saad ko Totoo nga. History yan ng school na nabasa ko sa library. Hindi naman magiging modern school ito kung yung grandfather parin nila ang namamahala. Classical school daw ito before sabi ni Mama at Papa simula nung pumanaw na ang unang taong namahala dito ay pinalitan ito into Modern school pero nag stay parin ito sa name nito dahil sa memoir ng grandfather nila. "Nakita mo na ba yung Ferrer family, Neveah?" tanong ni Joy. "Sa pictures nakita ko yung mga namahala dito na pumanaw na. Nandun sa history book yung mga pictures nila kung gusto niyo makita." sagot ko rito "Eh yung mga modern Ferrer, nakita mo na ba?" "Huh?" naguguluhang tanong ko. Tinutukoy ba nito yung mga Ferrer na ka-edad namin? "You know, yung Ferrer na binata na mag aaral dito. Yung papasok mamayang afternoon class." "Ah. Hindi ko pa siya nakikita. Hindi rin kasi ako interesado sa mga ganyan." nahihiyang tugon ko. KRINNNGGGGGGGG....... "Lunch break is over. Pumasok na kayo sa mga classroom niyo." sabi ng announcer. "Hindi ko na naubos yung pagkain ko. Napasarap sa pag uusap" nakasimangot na saad ni Joy "Kadaldalan mo kasi. Inuuna ang pakikipag usap kesa ang kumain." tugon naman nung isa "Tigil na. Baka malate pa tayo eh." awat ko sakanila "Tara na. Sana makita natin sa daan si Curt" "talaga itong babaeng ito oh" bulong ni Edward na narinig ko naman. Napapailing na animo'y hindi makapaniwala sa ugali ng kaniyang kaibigan. "Ayos lang yan Edward. Hayaan nalang natin siyang maging masaya." tapik ko sa balikat nito sabay ngiti. Napatango na lamang ito sa sinabi ko. ---- "Afternoon, everyone. Meet your new classmate" saad ni Prof. Pumasok ang isang lalaking maputi at elegante ang galaw. Mapapansin mo sa mukha nito ang pagiging seryoso at hindi masiyahing tao. Tumayo ito sa gitna "Mag pakilala kana ginoo." "Curt Ferrer in conspectu tuo est. Novum condiscipulum tuum.( Curt Ferrer is in front of you. Your new classmate.)" saad nito na dahilan upang kumunit ang noo ng aming nga kaklase. "Mukhang hindi ka ata nila naintindihan Mr. Ferrer" singit ng aming guro. Tumayo ako at yumuko ng kaunti "Grata ad sectionem nostram Dominus Ferrer (Welcome to our section Mr. Ferrer)" Saad ko sabay tayo nang matuwid. Namataan ko ang gulat sa mga mata nito ngunit agad ding napawi. Naiintindihan ko ang mga sinabi niya dahil nag aral ako ng iba't ibang lenggwahe kasama na dito ang Latin upang mapaghandaan ang pakikipag usap sa may ari ng eskwelahang ito kung sakali man na makaharap ko sila "Gratias tibi." pag papasalamat nito. "Mukhang kayo lamang ang nagkakaintindihan ni Ms. Dizon, kaya doon kana lamang umupo sa tabi niya." Saad ni Mr. Tuzon habang itinuturo ang upuan sa tabi ko kung saan umuupo si Orion. "Sir, dito po ang seat ni Orion." agad kong tugon sa sinabi niya "Ililipat ko nalang siya ng upuan, Ms. Dizon. Huwag kang mag alala." Paniniguro nito. 'Sana nga. Mas komportable ako kung si Orion ang nasa tabi ko.' nasabi ko na lamang sa aking isip. Umupo na ako at humarap kay Sir. Nag lakad naman si Curt papalapit sa upuan na katabi ko. "Mind if I sit?" tanong nito. "Hindi naman." Paninigurado ko. Umupo na ito sa upuan ni Orion. 'Bakit kasi ngayon pa wala si Orion' sabi ng isip ko Humarap na ako kay Sir nang may maramdaman akong may kumukulbit sa aking likuran. Lumingon ako at nakita si Joy na may nakakalokong ngiti "Ikaw haaa marunong ka pala mag salita ng ibang lenggwahe" saad nito. Nginitian ko na lamang siya nang nahihiya. Gusto ko lang naman na malaman nung baguhan na may kayang umintindi sakanya para hindi siya mahiyang maging maluwag sa pakikisama sa amin dito sa classroom. "Okay, class. Magpapakilala ulit ako para kay Mr. Ferrer, ako ang inyong guro sa Filipino, Ben Tuzon ang aking pangalan. Ngayon ay pag aaralan natin ang tungkol sa iba't ibang uri ng Wika. May ideya ba kayo kung ano ano ang mga ito?" Tanong ni Mr. Tuzon Nagtaas ako ng kamay. Naalala ko pa ang aking pinag aralan nung bakasyon. Nasabi ko na ba sainyo na nag advance study ako bago man mag simula ang school year na ito? "Yes, Ms. Dizon?" Tumayo ako at binanggit ang mga uri ng Wika na naaalala ko "Pormal, ang nilalaman ng pormal ay pambansa at pampanitikan. Ang Impormal naman ay dayalekto, lalawiganin, kolokyal, lingua franca, balbal at bulgar. Sa pormal ay tinatawag itong wika o mga salitang nauuunawaan ng lahat sa buong kapuluan, itinuturing din itong wikang istandard dahil tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga manunulat, edukado o nakapag-aral. At sa impormal naman ay mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan o pakikipagdiskurso sa mga kaibigan o kakilala. " Mahabang sagot ko at umupo na sa aking upuan. "Mahusay, Ms. Dizon. Mukhang pinag aralan mo na ata ang buong pag aaralan ngayong school year na ito." "Hindi naman po, Sir." nahihiyang napayuko na lamang ako dahil sa sinabi ni Sir. "Biro lang. Bibigyan kita ng pagkakataon na mag turo dito sa harap at ibahagi ang iyong nalalaman sa ating paksa ngayong araw na ito." Napatingin agad ako kay sir dahil sa sinabi niya. Teka.. Ako? Mag tuturo? "S-sir?" nauutal na saad ko. "Ayaw mo ba, Ms. Dizon?" Tanong nito. "H-hindi po, Sir." Sagot ko rito. Tumayo na ako at pumunta sa harap. "Ito ang panulat. Galingan mo Ms. Dizon" nakangiting saad ng aming guro. Mas lalo akong kinabahan dahil sa pagiging tiwala nito sa akin. Tinignan ko ang buong classroom at nahagip ng mata ko ang taong nakatingin sa akin at ang dalawang taong laging nag aasaran na nag sasabi na kaya ko ito. Huminga ako nang malalim. At sinimulan na ang pag babahagi ng aking nalalaman. "Gaya ng sabi ko ay may dalawang uri ng wika. Sa Pormal ay may nakapaloob na dalawang uri ng pormal at ito ay ang pambansa at pampanitikan. Ang pambansa wika ay wikang ginagamit at mauunawaan sa buong bansa halimbawa nito ay edukasyon, paaralan, magulang at iba pa. May ideya na ba kayo kung anong lenggwahe ang maaari nating gamitin kung narinig natin ang salitang pambansa?" tanong ko sa mga ito. Hindi lamang ako ang maaaring may matutunan dito. Maaari rin mabigyan ang bawat isa ng tiyansa upang maibahagi nila ang kanilang kaalaman. Nag taas ng kamay ang isa naming kaklase. Sinenyasan ko itong tumayo. "Sa pagkakaalam ko ay ingles. Dahil ingles ang common or world language upang makausap ang iba pang tao sa ibang bansa." sagot ng nito. "Tama si, Thirdy. Dun naman tayo sa pampanitikan. Ano para inyo ang pampanitikan?" tanong ko sa mga ito. Nag taas naman ng kamay si Susan kaya't sinenyasan ko itong tumayo. "Ito yung lenggwaheng ginagamit para maintindihan ng iba. Halimbawa nalang sa libro na binabasa ng nakararami." sagot nito. Tumango ako sakanya kaya umupo na ito "Tama. Ang pampanitikan ay ginagamit sa mataas na larangan katulad ng pagsusulat ng mga tekstong akademiko at propesyonal. Halimbawa nito ay nagsusunog ng kilay, mahaba ang pisi , bantay salakay at iba pa." Nagtuloy tuloy lamang ang aming pag didiskusyon hanggang sa matapos ang time ni Sir. "Mas maganda pala kung may naka assign na mag tuturo sainyo, mas natututo kayo at nakikinig. Keep up the good work, see you tomorrow. I mean see you anywhere tomorrow, everyone. Balita ko kasi magkakaroon kayo ng visit section this whole week." Saad nito nang kumakaway habang papalabas ng classroom. Nagsi lapitan naman ang mga kaklase ko sa mga kaibigan nila. Lumapit sa akin si Joy at Edward "Ang galing mo mag turo. May natutunan talaga ako" saad ni Joy. Mas lalo naman akong nanliit sa hiya dahil sa sinabi nito. "Hindi lang naman ako yung nag turo eh. Ang dami kayang sumagot." nakangiting saad ko sakanya "Asus! Pahumble ka pa talaga." sabay hampas nito sa braso ko. Napansin ko naman yung seatmate kong tahimik lamang at natutulog. Pagkatapos kasi ng discussion kanina ay nag lagay na ito ng earphone sa kaniyang tenga at tumungo na sa kaniyang table. "Ang pogi niya 'no?" bulong ni Joy sakin. "Hmm. Hindi yun yung inaalala ko, si Orion kasi wala na siyang upuan." Sagot ko rito "Mas iniisip mo pa talaga yung suplado na yun." nakangusong saad nito "Kaibigan natin yun kaya dapat lang na isipin din natin siya." "Oo nalang. Suplado nun sa amin eh" Nakasimangot na ani nito. Tumayo naman itong lalaking natutulog kanina at dire diretsong lumabas nang hindi lumilingon kahit saan. "Mukhang suplado din." saad naman ni Edward. "Kayong dalawa talaga. Kung ano ano nalang napapansin niyo" "Mag sisimula na ang second period ah, bakit umalis pa yun?" tanong naman ni Joy "Baka pupunta sa office ng parents niya." Sagot ni Edward sa tanong ni Joy "Baka nga." Pag sang ayon naman ni Joy Bakit parang may pagka hawig ata sila ni Orion? ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD