Chapter Six

2611 Words
Zhanaira “Kailangan mo pang pumunta sa Dean's office para kunin ang schedule mo and handbook,” sabi ni Ice habang naglalakad na kami sa hallway ng main building ng Victorio University. “Gusto mo bang samahan ka namin?” tanong ni Raiven na ikinailing ko. “Huwag na, kahit ako na lang,” sagot ko at luminga-linga. “Ituro n'yo na lang sa 'kin kung saan.” “Sure ka? Baka maligaw ka.” Natawa si Cedrick sa sinabi niya. “Victorio University is very huge.” Umiling-iling ako. “Hindi 'yan,” sagot ko at tipid na ngumiti. Nagkibit balikat na lang si Cedrick. “Doon ang Dean's office, sa admin's building. Makikita mo naman agad 'yon dahil sa sign boards,” turo niya na ikinatango-tango ko. “Thank you, mauna na 'ko,” sagot ko at tumango sa kanila. “Kita na lang tayo mamayang lunch!” Tumango naman ako sa sinabi ni Ice. “Take care.” Tumango rin ako kay Zack bago sila tinalikuran at umalis na. Ang akala ko ay maliligaw nga ako dahil sa laki ng VU, grabe, napakalaki nga rito. Marami kang malalakaran. Katabi lang din ng campus namin ang highschool campus ng VU. Nakita ko rin naman agad ang Dean's office dahil sa sign boards. Agad naman akong kumatok doon. Bumukas ang pinto at isang guwapong lalaki ang nagbukas niyon. Malalim ang mata niya, makapal ang kilay at pataas ang ayos ng buhok. Basta pogi! “Yes, miss?” taas kilay na tanong niya at pinasadahan ako ng tingin. “I'm looking for the Dean,” mahinang sagot ko. “He's—” “Son, who's that?” rinig kong tanong mula sa loob kaya napatingin doon ang lalaki. “He's inside. Come in,” binuksan niya nang malaki ang pinto at pinapasok ako sa loob. Isang matandang lalaki ang nakaupo sa isang swivel chair. Binasa ko naman ang pangalan nito. Lerico Victorio. Siya rin ba ang owner nito? “How can I help you, miss?” tanong niya agad sa 'kin habang umupo naman sa harap niya ang lalaki kanina. Napatitig ako sa kanilang dalawa. Magkamukha sila, mag-ama siguro. “I'm here to get my schedule, Dean,” sagot ko at ngumiti. Tumango siya at may kinuhang folder at isang handbook. “Here's your handbook and schedule.” Kinuha ko ang inabot niyang folder at ngumiti. “Ikaw ang pinasok nila Zack dito, right?” tanong niya kaya dahan-dahan kong napatango. Pati 'yung lalaking nakaupo sa harap niya ay napalingon pa sa kaniya sabay tingin ulit sa 'kin. “Who is she, dad?” tanong nito. So, tama nga ako. Mag-ama sila. “She's Lady Zhanaira Shin. Anyway, bring her to her first class and first room,” sagot at utos ni Dean sa kaniya na agad niyang ikinatango. Tumayo siya at nilagpasan ako. “Let's go.” Nauna pa siyang lumabas ng pinto na ikinasimangot ko. Okay, ang gentleman niya po. Nagpaalam ako sa Dean at lumabas na ng office. Sumunod agad ako sa lalaki at sumabay sa kaniya. “I'm Ethan Drei Victorio,” pakilala niya na hindi nakatingin sa 'kin at sa daan lang ang tingin. “N-Nice meeting you,” mahinang sagot ko at hindi na ulit umimik. “Zhanaira!” Napalingon agad ako sa likod nang may sumigaw sa pangalan ko. Si Yuri 'yon na halos tumakbo na para lang makarating sa kinaroroonan ko. “Yuri...” I whispered her name. She hugged me so tight and it made me laugh. “Yuri, you're so OA,” natatawang sabi ko at niyakap din siya. “Tse!” pagsusungit niya at lumayo na sa 'kin. “Hi, Ethan! Ako na bahala kay bessy, pwede ka nang umalis,” tumaas ang kilay ko sa mga sinabi ni Yuri kay Ethan. Kilala niya pala ang lalaking 'to. Tumango si Ethan at tiningnan muna ako. “Bye,” tipid na paalam niya at naglakad na paalis. “So, after class magkukwento ka na sa 'kin, ha?” agad na sabi ni Yuri habang papalayo na kami kay Ethan. Tumango na lang ako. “Asaan na ang schedule mo? Baka may subject tayong magkaklase.” Agad ko namang binigay ang folder na hawak ko. We were in the same age and same year but she was taller than me. “Okay, same class tayo ngayon. Let's go!” ***** Matapos ang morning class namin na puro introduce myself ang ginawa ko sa una dahil sa transferee ako, hindi rin ako na-boring dahil nakikinig talaga ako. Hindi ko classmate si Yuri sa last subject ko sa morning class kaya kailangan ko pa siyang hanapin pero mas kailangan ko munang hanapin ang anim para magpaalam na hindi ako makakasabay sa pagla-lunch nila. Naisipan kong sa cafeteria na lang muna pumunta dahil baka nandoon na sila. Hindi ko alam kung saan 'yon kaya sinundan ko na lang ang maraming estudyante na sa iisang direksyon lang ang punta. Nahahalata ko rin ang pagtingin-tingin nila sa 'kin na hindi ko na lang pinansin. “Zhanaira!” Napalinga-linga ako nang may tumawag sa 'kin. “Hey!” Muntik pa 'kong mapatalon nang may humawak sa balikat ko. “Kanina ka pa namin hinahanap. Tara na?” Si Railey. “Ahm, ano... Pwedeng pakisabi na hindi ako makakasabay sa inyo? Magsasabay kasi kami maglunch ni Yuri, kaibigan ko,” nahihiyang sabi ko sa kaniya. “Yuri? A girl or boy?” kunot noong tanong niya. “Girl,” nakangiting sagot ko. “Please? May pag-uusapan pa kami. Isang linggo rin kaming hindi nagkita.” Tumango-tango naman siya sa 'kin. “Sige, sasabihan ko na lang sila. Just take care, ha? Mamayang uwian ay sasabay ka sa 'ming umuwi.” Ako naman ang tumango “Thank you! Bye!” Mabilis ko siyang kinawayan at umalis na. “Bes!” Napatingin ako sa sumabay sa 'kin sa paglalakad. “Buti nakita na kita, sa garden tayo kain?” Si Yuri! Tumango na lang ako at sumabay sa kaniya. Hindi ko alam kung paano ko tuloy ikukuwento ang buong nangyari sa akin. Hindi ko alam kung mapipigilan ko ba 'yung emosyon ko sa harap niya. Nang makarating kami sa garden ay umupo kami sa isang bench. May dala na siyang pagkain na para sa 'ming dalawa kaya ayun na ang kinain ko. “Sige, start na,” sabi niya at sumubo. Huminga muna ako nang malalim bago nagkuwento. **** Flashback... “Leika! Ano ba, nasasaktan ako!” sigaw ko nang sabunutan ako ni Leika nang mahigpit. “Leika! Tama na! Tama na!” sunod-sunod ang naging sigaw ko nang makitang papunta kaming banyo. “Talagang masasaktan kang sampid ka!” nanggagalaiting sigaw niya naman sa 'kin at halos kaladkarin na 'ko papuntang banyo. “Napakasalot mo talaga sa buhay ko! Pati ba naman boyfriend ko, lalandiin mo? Hayop ka!” Hindi ko naman nilalandi ang boyfriend niya, boyfriend niya mismo ang lumalapit sa akin! “Leika ano ba? Tigilan mo 'ko o papatulan kita!” matapang na sigaw ko dahil napipikon na talaga ako rito. Nasaan na ba kasi si Tita Hellena? Baka ano pang magawa sa 'kin nitong anak niya! Totoong sampid lang ako rito, napulot lang daw ako ni Tita Hellena. Kinupkop niya ako hindi para ituring na anak kun'di para ituring na basahan at katulong. Halos ako nga lang ang bumubuhay sa pamilya nila! Ni wala silang mga trabaho at lahat ng pera ko ay sa kanila napupunta! “Dapat sa 'yo, pinapainom ng tubig sa inidoro!” Kinabahan ako bigla sa sinabi niya lalo na nang mapansin kong papasok na kami sa banyo. Napahigpit ang hawak ko sa kamay niya para pigilan siya at bawiin ang buhok ko. Pero napadaing lang ako nang mas higpitan niya ang hawak niya rito. “Leika! Leika!” sigaw ko sa pangalan niya at nagpumiglas pero malakas at mahigpit talaga ang hawak niya sa buhok ko dahilan para manghina ako. Sapilitan niya 'kong pinaluhod sa harap ng inidoro at mas hinigpitan ang hawak sa buhok ko. “Malandi ka, e! Ginusto mo 'yan kaya magdusa ka!” sigaw niya na ikinainit ng ulo ko. “Kanina pa ako nagtitimpi sa 'yo Leika!” malakas na sigaw ko at siniko ang sikmura niya dahilan para mabitiwan niya 'ko. “Hayop ka! Lumalaban ka pa ha?” Hawak-hawak niya ang tiyan niya pero agad pa ring lumapit sa 'kin. “Mamatay ka na!” sigaw niya at nakipagsabunutan na naman sa 'kin. “Ano ba, Leika? Sinabi nang tumigil ka na!” sigaw ko at malakas siyang tinulak. Napanganga ako sa sunod na nangyari. Nanginig ang mga labi ko nang makita ko kung anong nagawa ko kay Leika. Nauntog siya nang malakas sa tiles na dingding nang itinulak ko siya kanina. Napahawak ako sa bibig ko nang makita kong nagdudugo na ang ulo niya at wala na siyang malay. Shit, anong nagawa ko? Napatay ko ba siya? “Leika, anak? Bakit kayo nagsisi—” Napaatras ako nang marinig ko ang boses ni Tita Hellena. Nasa pinto na siya ng banyo at nakatingin kay Leika na nakahiga sa sahig at duguan ang ulo. Mas lalo akong nanginig sa takot. Kasalanan ko ba 'to? Hindi! Wala akong kasalanan! “Dios ko! Anong ginawa mo sa anak kong hayop ka! Lernardo! Lernardo! Ang anak natin!” sigaw niya sa pangalan ni tito na lalo kong ikinakaba. Umiling-iling ako habang namumuo ang mga luha sa mata. “Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?” Nagmamadaling nagtungo si tito sa banyo at nakita ang anak niya. “Leika?” nanlalaki ang matang sigaw niya at napatingin sa 'kin. “Anong ginawa mo sa anak ko?” sigaw naman niya sa 'kin at malakas akong sinampal na ikinaiyak ko. Sa sampal palang na 'yon ay dumugo na agad ang labi ko... Ang sakit! May mga kapitbahay kaming pumasok sa loob ng bahay. Binuhat ng isang kaibigan ni tito si Leika at tumakbo palabas kasunod ni Tita Hellena. Ang akala ko ay aalis na rin si tito dahil sumunod siya pero hindi naman pala dahil ni-lock niya ang bahay sa loob. Napatingin ako sa bintana at madilim na madilim na pala. “T-Tito...” natatakot at nanginginig na sabi ko. “T-Tito, hindi ko po sinasadya...” “Hindi mo sinasadya, ha?” malakas na pasigaw na tanong niya at lumapit sa 'kin. Nanghina ako bigla nang sikmuraan niya 'ko. Namilipit ako at muntik na mapaupo. Umikot pa ang paningin ko pero buti na lang at hindi ako nawalan ng malay. T-Tito... Hindi ako nakapagsalita at nasasaktang tiningnan lang siya. “Hayop kang bata ka! Matapos ka naming kupkopin at patirahin dito, ganito lang ang gagawin mo? Ha?” naggagalaiti sa galit na sigaw niya at tumingin sa paligid. Natakot at napaatras ako nang makita kong kinuha niya ang isang kahoy malapit sa pinto at lumapit sa akin. “Mamatay ka na! Kapag may nangyaring masama sa anak ko, papatayin talaga kita!” sigaw niya at hinampas sa tiyan ko ang kahoy na lalo kong ikinadaing. T-Tama na... T-tama na... Umubo-ubo ako dahil sa sakit at buti na lang ay walang dugo ang lumabas sa bibig ko. Nagmamakaawang tiningnan ko si tito pero hindi pa rin ako makapagsalita. Nakakapanghina. “Walang hiya ka! Wala kang utang na loob!” galit pa rin na sigaw niya at sinampal na naman ako. Hindi ko na nabalanse ang katawan ko at natumba na 'ko sa sahig. Namimilipit akong nagpagulong-gulong sa sahig habang umiiyak. Hindi ko na kaya... T-Tama na please. Hindi ako nakakilos agad nang makita kong kumukuha ng kutsilyo si tito sa maliit naming kusina. Kinabahan ako nang todo-todo at sinubukang gumapang papuntang pinto para makalabas na ng impyernong bahay na 'to. “At saan ka pupunta?” Napaiyak ako lalo nang hatakin ni tito ang buhok ko at pinatihaya ako. “Tito huwag! Huwag mong gawin sa 'kin 'to! Huwag mo kong papatayin,” nagmamakaawang sabi ko nang makitang nakatutok sa 'kin ang kutsilyong hawak niya. “Huwag po please... Maawa po kayo sa 'kin.” Alalahanin n'yo naman lahat ng ginawa ko para sa pamilya mo. “Salot ka! Salot! Kung alam lang namin na may balak kang patayin ang anak namin, hindi ka na sana namin kinupkop at inalagaan!” Nanlalaki ang namumula niyang mata at tumutulo na rin ang pawis niya sa mukha ko. Naka-tira na naman siguro siya ng drugs. Bakit ko ba nakalimutang gumagamit siya no'n at doon pa nauubos ang perang binibigay ko? “Tito!” Naiwang nakaawang ang bibig ko nang maramdaman ko ang pagbaon ng kutsilyo at ang pagbunot nito mula sa tyan ko. Umiiyak na tiningnan ko si tito. Nanlaki ang mata niya at agad akong binitiwan. Tiningnan niya ako at ang kutsilyong hawak niya. Parang hindi siya makapaniwala sa nagawa niya at mabilis na binuksan ang pinto at tumakbo palabas ng bahay. Hinawakan ko ang tiyan kong may saksak at tiningnan ito. M-May dugo... Shit! Dahan-dahan at nahihirapan akong dumapa at gumapang palabas ng bahay. Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko nang mapansin kong sarado ang lahat ng pinto ng mga kapitbahay namin na isa lang ang ibig sabihin, walang gustong tumulong sa akin. Hindi tumigil ang pagluha ko habang nahihirapang gumapang paalis sa lugar na 'yon. Matapos ng lahat ng hirap na ginawa ko para sa kanila, ganito ang igaganti nila? Dahil lang sa pagkakamaling hindi ko naman sinadya, ganito ang makukuha ko? Dito talaga hahantong ang buhay ko? Paano naman akong naghirap? Paano naman akong naging sunod-sunuran sa kanila? Paano naman akong nagtrabaho habang nag-aaral para lang may makain kami? Paano naman ako? Mabilis akong nakalabas sa squater area na tinitirahan namin. Malapit lang 'yon sa kalasada at nasa bungad lang kami kaya hindi ako nahirapang makalabas. K-Kaya ko pa, e. Kaya ko pa. Tumingin ako sa paligid. Ni walang tao at sasakyang dumadaan. Paano na ako? ***** “Ginawa ni tito sa 'yo 'yon? Ha? Dapat siyang kasuhan, Zhanaira! Napakademonyo niya!” gulat na sabi ni Yuri pagkatapos kong magkuwento sa kaniya. “Wait, paano ka nakaligtas?” tanong niya at uminom ng tubig. “Pagkatapos niyon, may sasakyang dumating. Nakita nila 'ko doon sa gitna ng kalsada. Anim sila at dinala nila ako sa hospital.” “Sinong anim?” taas kilay na tanong niya. “Sina Zack, Ice, Raiven, Fire, Cedrick, and Railey, sila ang tumulong sa 'kin,” nakangiting sagot ko. “Fuentes, Tuazon, Liamzon, Tuazon, Dorillo at Park ba?” nanlalaki matang tanong at banggit niya sa mga mga apelyido nila. Kilala niya pala. “Oo, sila nga,” dagot ko at tumango-tango. “Malaki ang utang na loob ko sa kanila. They helped me to survive, Yuri, even though I'm stranger for them,” nakangiting sabi ko habang nakatingin sa malayo. Ang bait nila... “Wow naman! Napakalaking himala ang nagawa nila, ha,” parang sarkastikong sabi niya na ikinakunot ng noo ko. Anong himala? Bakit naman? “Anyway, dapat pa ring makulong si tito sa ginawa niya sa 'yo, Zhanaira!” galit na sabi niya. “Kakasuhan natin siya, okay?” Umiling iling ako. “Huwag muna ngayon. Ako ang dahilan kung bakit nasa hospital si Leika, kailangan niya ng ama. Hayaan na muna natin sila.” Tinaasan niya ko ng kilay. “Ganiyan ka kabait, ha?” inis na tanong niya na hindi ko sinagot. “Fine! Pero oras na makalabas ng hospital 'yang si Leika, ipapakulong natin ang adik niyang tatay! Dapat diyan tinotokhang, e.” Natawa na lang ako nang mahina at tumango. “Thank you...” nakangiting sabi ko na ikinangiti na lang din niya. Dadating ang araw na sila naman ang magmamakaawa sa akin. ———
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD