— Zhanaira —
“Where are you going?”
Napatingin ako sa anim na nakaupo pala sa sofa na nasa living room. Si Zack ang nagtanong habang kunot noong nakatitig sa 'kin.
Napatingin naman ako sa suot kong simpleng shirt at pants.
“May pasok pa tayo mamaya,” dugtong niya.
“Oo nga, Zhanaira,” singit ni Cedrick.
“Doon lang sa pinagtatrabauhan ko. Hindi kasi alam ng boss ko 'yung nangyari sa 'kin,” sagot ko naman at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri.
“Gusto mo bang samahan ka na namin?” tanong ni Ice na ikinailing ko.
“Kahit huwag na, saglit lang naman ako ro'n.” Ngumiti ako at tumango naman sila. “Babalik din ako agad kasi nga may pasok pa tayo,” dugtong ko.
“Just take care,” paalala ni Zack habang prente lang na nakaupo sa sofa.
Tumango-tango ako. “Aalis na 'ko,” paalam ko at naglakad na. Napatingin naman ako kay Ice nang sinabayan niya 'ko. “Bakit?”
“Hatid kita sa labas. Ipapahatid na lang kita ro'n,” sagot niya. Binuksan naman ng dalawang maid ang pinto para sa amin. “Kuya Danilo!” sigaw niya sa isang pangalan.
May nagmamadaling lalaki naman ang lumapit sa amin. “Bakit, sir?”
“Pakihatid si Zhanaira sa pupuntahan niya,” utos ni Ice at humarap sa 'kin. “Ingat ka, balik ka agad ha?” bilin niya na agad kong tinanguan. “Sige na.”
“Thank you! Bye!” sagot ko at sumunod na kay Kuya Danilo.
Lumapit kami sa isang Ferrari na kotse. Pinagbuksan niya 'ko kaya pumasok na 'ko sa loob.
“Salamat po,” sabi ko. Ngumiti siya sa 'kin at ngumiti rin ako bago pumasok sa driver's seat.
“Ma'am?” tawag niya sa 'kin. Tumaas naman ang dalawang kilay ko. “Sino pong boyfriend n'yo sa anim?” tanong niya.
Ito na naman 'yung tanong na 'yan. Bakit ayan lagi ang tanong nila? Bawal na ba makitira nang walang malisya?
“Wala po,” nahihiyang sagot ko at umiwas ng tingin.
“Talaga po? E bakit pala kayo nandito tapos dito ka pa tumitira?” nagtatakang tanong niya bago pinaandar ang kotse palabas.
“Nakikitira lang po. Basta po, mahabang kwento.”
Tumango naman siya. “Isang babae palang po kasi maliban sa mga katulong ang nadala nila sa mansion.”
Parang bigla akong naging interesado sa sinabi ni kuya kaya napatitig ako sa kaniya sa salamin.
“Sino naman po, kuya?”
“Si ma'am— ay wait lang, ma'am.” Hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang mag-ring ang cellphone niya. “Hello? Bakit? May trabaho pa 'ko, e. Mamaya pupuntahan kita. Hindi, pre. Oo na, sige. Bye.” Kausap niya ro'n sa kung sino mang kausap niya. “Ma'am, saan po pala tayo?” tanong niya sa 'kin pagkababa ng cellphone niya.
“Sa Kings Restaurant po,” sagot ko.
“Malapit lang pala,” sabi niya at tumango.
Malapit lang? Titingnan ko na lang ang dadaanan namin para alam ko ang papunta roon kahit lakarin lang.
Gusto ko sanang itanong ulit kung sino ang kaisa-isang babaeng nadala na sa mansion ng anim pero huwag na lang muna siguro.
“Nandito na po tayo.” Limang minuto bago kami nakarating sa Kings Restaurant.
“Salamat po.” Mabilis akong bumaba. Hindi ko na hinintay pang makaalis ang sasakyan at pumasok na agad sa loob ng restaurant.
Napatingin agad sa 'kin ang lahat pero hindi ko na sila pinansin pa at dumiretso na lang sa opisina ni Yuri.
“Zhanaira?” parang nagulat pang sabi ng nakasalubong kong ka-trabaho ko. “Akala namin kung ano na ang nangyari sa 'yo! Buhay ka pa pala?”
Ay grabehan!
“Oo na, sige na. Si Yuri? Nandito na ba siya?” tanong ko agad.
Tumango siya, “Oo, kakarating lang din niya.” Agad akong tumango at nilagpasan siya.
Kumatok muna ako nang tatlong beses sa pinto bago pumasok.
“Yuri!” mabilis kong tawag sa kaniya at lumapit.
Halatang nagulat siya dahil sa biglaang pagtayo niya. “Zhanaira?” gulat na sabi niya at tinitigan akong mabuti. “Gaga ka! Anong nangyari sa 'yo?” Mabilis siyang lumapit sa 'kin at niyakap ako nang mahigpit. “Okay ka lang ba? Ha? Isang linggo kaming walang balita sa 'yo! Anong silbi ng cellphone na binigay ko sa 'yo, ha?”
Ah, 'yung cellphone? Naisangla ko yata or baka nabenta ko pa.
“Ayos lang ako. May trabaho pa ba kong babalikan?” sagot at tanong ko.
Kumalas naman siya sa yakapan namin. “Oo naman! Ikaw pa,” nakangiting sagot niya.
Ang ganda niya tuloy sa ngiting 'yon. She's really beautiful. Mas maganda nga yata siya sa 'kin. May kulay ng brown ang kalahating buhok niyang pa-V cut ang style at maipagmamalaki talaga ang maganda niyang pangangatawan.
“So what happened to you? I'm freaking worried about you! Wala ka sa bahay n'yo noong pumunta ako roon. Tapos si Tita Hellena parang walang pakeng sinabing wala ka na ro'n at hindi ka na babalik pa. Nabalitaan ko pang nasa hospital si Leika at ikaw ang tinuturo niyang may kasalanan ng pagkakahospital niya. Saang lupalop ka nanggaling, ha? Kulang na lang ay mag-report na ako sa pulis!” madaldal at mahabang sunod-sunod na lintanya niya.
“Kalma. Isa-isa lang naman,” mahinahong sabi ko at bumuntong hininga. “Sa Victorio University ka nag-aaral, right?” tanong ko naman.
Agad na tumaas ang kilay niya. “Yes and why?”
“Doon na rin ako mag-aaral. Magkita na lang tayo mamaya at ikukuwento ko ang lahat-lahat sa 'yo. Kailangan ko nang umalis dahil nagmamadali ako,” sagot ko.
“Ha? Okay sige, aalis ka na ba? Sabay na tayo, aalis na rin ako dahil may dinaanan lang naman ako rito,” sabi niya na ikinatango ko.
Kinuha niya ang gamit niya saka kami sabay na lumabas ng opisina niya.
Wala na si Kuya Danilo kaya kay Yuri na lang ako nakisabay. Tinuro ko kung saan na ako nakatira. Hindi naman na siya nagtanong pa nang nagtanong dahil sinabi kong sasabihin ko naman ang lahat sa kaniya mamaya.
“Umuwi na from States ang owner ng restaurant last week, sayang at hindi mo siya na-meet. Sobrang pogi niya!” kuwento ni Yuri habang nagda-drive siya.
“Talaga?”
Noong napasok kasi akong co-chef sa resto, saktong lumipad papuntang States ang may-ari niyon. Nalaman ko rin na estudyante palang siya at doon siya mag-aaral sa States.
“Oo, beh! Sobrang pogi talaga! Grabe, grabe!” parang kinikilig pang sabi niya. “He's King Ace Lacosta!”
Gandang pangalan.
“Ewan ko sa 'yo, diyan ka magaling e— hilig mo sa pogi,” baiiling na sagot ko na ikinairap niya. “Doon na lang sa tabi ng mansion'g 'yon,” turo ko sa mansion nang matanaw ko na 'to.
“Ha? Huwag kang ma-offend pero nangangarap ka ba?” kunot noong tanong niya habang tinatanaw ang malaking mansion.
Kinotongan ko siya. “Hindi, 'no!” sagot ko. “Doon nga.”
“What the? How can you explain this? Paano ka naman makakabili o makakapagpagawa ng ganiyang kaganda at kalaking mansion? Saan galing ang perang ginastos mo, ha? Umamin ka nga!”
Tumaas bigla ang kilay ko sa mga pinagsasasabi niya. “Huwag kang OA. Nakikitira lang ako diyan. Basta, mamaya na nga magkukwento, 'di ba?”
“Fine! Siguraduhin mong maikukwento mo nang maayos mamaya ha? Walang labis, walang kulang!”
Tumango ako at binuksan na ang pinto nang itigil niya na ito.
“Bye, Yuri!” paalam ko at kumaway.
“Bye!” sagot niya kaya sinara ko na ang pinto ng kotse at tumabi.
Hinintay ko munang makaalis siya bago humarap sa gate ng mansion. Pinagbuksan ako ng dalawang guard doon kaya pumasok na ako.
“Nako, ma'am Zhanaira, kanina pa po kayo hinihintay nila sir,” bungad agad sa 'kin ng isang maid habang naglalakad ako papuntang main door.
Nakabalik nga ako agad, e.
Nginitian ko na lang ang maid at pumasok na sa loob ng mansion.
“Buti naman nakauwi ka na.”
Napapitlag ako nang may nagsalita agad sa pagpasok ko. Si Ice 'yon na halatang naghihintay dahil naka-cross arm pa siya.
“Masyado ba 'kong matagal?” tanong ko at naglakad na para umakyat.
“Hindi naman. Nag-aayos na 'yung iba para sa pagpasok. Mag-ayos ka na rin,” sagot niya na ikinatango ko. “Tara, sabay na tayo.” Lumapit siya sa 'kin at sinabayan ako sa paglalakad.
“May trabaho ka pa rin bang babalikan?” tanong niya habang umaakyat na kami sa hagdan.
Tumango-tango ako. “Oo, kaibigan ko kasi 'yung manager do'n kaya hindi agad ako matatanggal.”
“Nice. So, anong oras ang pasok mo?” panibagong tanong niya.
“Anong oras ba ang pasok 'ko sa school?” tanong ko rin na hindi pa sinasagot ang tanong niya.
“9:00 to 5:00 ka,” sagot niya na ikinatango-tango ko.
“Mga 6:00 to 11:00 siguro.”
Napalingon agad siya sa 'kin kaya tiningnan ko rin siya.
“What? Gabi talaga?” kunot noong tanong niya na ikinatango-tango 'ko.
Nagkibit balikat ako at sumagot, “Wala naman akong magagawa, may pasok ako sa umaga.”
“Ipapahatid sundo na lang kita kay Kuya Danilo para safe,” usal niya na ikinangiti ko na lang.
“Thank you.”
Naghiwalay na kami ni Ice at pumunta sa kaniya-kaniyang kuwarto. Nagsimula na akong mag-ayos dahil anong oras na pala.
Pagkatapos kong maligo ay tiningnan ko ang magiging uniform ko.
“Hala, ang cute!” nakangiting bulong ko nang makita ko ito.
Kulay pink na blouse at black pencil skirt ang uniform namin! Sinuot ko na agad 'yon, kinuha ang bag ko, at nilugay na lang ang buhok bago lumabas ng kuwarto.
Matunog ang sapatos na suot ko habang naglalakad ako sa hallway ng second floor papuntang hagdan. Buti na lang pala at sanay ako sa sapatos na may takong.
Humakbang ako nang nasa hagdan na ako. Maingay talaga ang tunog na nagagawa ng sapatos ko habang bumababa ako.
“Andiyan na yata siya.”
“Pakibilis naman.”
“Mangchi-chix pa kami, oh.”
“Mga sira ulo!”
“Mga babaero. Tularan niyo nga 'ko, ang bait bait.”
“HA?”
Ang ingay talaga nila.
Napatitig agad silang lahat sa 'kin nang makababa na ako. Pinasadahan nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa kaya bigla akong nahiya.
Dios mio naman! Nakakailang, uy!
“A-Alis n-na tayo?” utal na tanong ko.
Napatayo naman agad si Zack. “Let's go,” sabi niya kaya tumayo na rin ang lima at kinuha ang kaniya-kaniyang bag.
“Kayo na bahala sa mansion,” bilin ni Raiven sa mga maid na ikinatango nila.
Sabay-sabay kaming naglakad palabas. Nagkasya rin kaming pito sa main door ng mansion.
Katabi ko na naman si Zack sa loob ng sasakyan kaya nanahimik na lang ako sa buong biyahe.
Baka magsungit, e.
Napatingin agad ako sa labas ng bintana nang mapansin kong bumabagal na ang sasakyan namin. Malapit na yata kami.
“We're almost there,” bulong ni Zack sa tabi ko kaya medyo na-excite pa 'ko.
Tumigil ang sasakyan at napansin ko agad ang maraming estudyanteng nag-aabang sa labas ng Victorio University.
“Ayan na mga chix ko!” parang nae-excite pang sabi ni Fire at mabilis na binuksan ang pinto ng sasakyan pagkatigil nito.
Nagtilian agad ang mga babae sa labas nang bumaba si Fire.
“Fire! My babes!”
“OMG! We missed you!”
“Akin ka na lang, please!”
Kulang na lang ay mapairap ako sa mga narinig ko. Pero dahil mabait ako, shut up na lang.
Sunod-sunod na bumaba sina Railey, Cedrick, Raiven, at Ice. Kaming dalawa na lang ni Zack ang natira sa loob.
“Ang popogi n'yo talaga!”
“Shems! Anakan n'yo naman ako!”
Ang lalandi.
Si Zack naman ay nagsimula nang umusog para bumaba na ng sasakyan.
“Girls, ayan na si Zack. Ayan na!”
Ganito ba talaga rito? Lantaran ba talaga ang kaharutan nila? Excuse me the word ha pero parang mga ano kasi.
Nang bumaba si Zack ay natahimik ang lahat pagkatapos niyang humarap rito sa sasakyan at naglahad ng kamay.
“La? May babae silang kasama.”
“Sino 'yung babae sa loob?”
“OMG! May karibal yata tayo, girls!”
Inabot ko ang kamay ni Zack at agad naman niya 'kong inalalayan bumaba.
Umalis na ang sasakyan namin at kami na lang ang natira.
Nasa harap kami ni Zack at Ice habang nasa likod namin ang apat pa.
Ang sarap magyabang nang ganito pero hindi naman ako gano'n kaya huwag na lang.
“Sino naman 'yan?”
Ramdam ko agad ang pagtingin sa 'kin ng mga babae pati na rin ang mga lalaking nakatambay rito sa labas ng University.
“Okay ba, Zhanaira? Ganiyan kadami babes ko,” bulong ni Fire sa 'kin mula sa likod na ikinataas ng kilay ko.
Pinakababaero talaga 'tong si Fire, e.
“Ang sexy, pre.”
“Maganda siya, ha.”
“Anakan natin, 'no?”
Natigilan ako sa sunod-sunod na bulong na narinig namin. 'Yung tatlong lalaki sa gate 'yon na nagtatawanan pa.
Bigla akong nahiya at nailang kaya umatras ako at nagtago sa likod nila Zack at Ice.
“Gago 'yon ah,” malakas na sabi ni Railey na ikinatahimik ng lahat.
“Upakan natin?” tanong ni Raiven kaya agad akong napalingon sa kaniya.
Magpoprotesta pa sana akong huwag pero mabilis na silang naglakad paalis at pinuntahan ang tatlong lalaki.
La? Makikipag-away ba sila rito? Dios mio naman!
Natigilan sa pagtawa ang tatlong lalaki nang mapansin nilang papalapit sa kanila ang anim.
“Bastos 'yang mga bunganga n'yo, ha,” naangas na sabi ni Fire at tinulak pa sa balikat ang isa sa mga lalaki.
Mabilis akong naglakad palapit sa kanila pero sinalubong agad ako ni Railey at pinigilan.
“Huwag mo na silang pakialaman,” sambit niya at hinila ako palayo.
Kumunot ang noo ko.
Hindi puwede!
“Nakakabastos ka, ha. Babae 'yon, dude,” rinig ko namang sabi ni Cedrick.
“So? Parang hindi kayo nangbabastos ng mga babae rito, ha,” natatawa pang sagot ng isang lalaki na ikinangiwi ko.
“Lagot, mag-aaway pa yata sila.”
“Sino ba kasi 'yung babaeng kasama nila?”
“Mukhang special sa kanila, ha.”
Bulungan ng ibang babae sa likod namin na hindi ko na lang pinansin at pinanood na lang ang mangyayari.
“Iba naman 'yung mga babaeng 'yon. Sila, pumapayag silang magpabastos at lumalandi pa. 'Yung kasama namin ngayon—”
Hindi natuloy ni Ice ang sinasabi niya nang sumingit ang isang lalaki.
“Gano'n din.”
“f**k you!”
Mas nagulat ako sa sunod na nangyari. Sinuntok bigla ni Zack 'yung lalaki. Napahakbang pa 'ko pero agad akong nahawakan ni Railey sa braso.
“Oh! Isa pa! Isa pa!” sigaw ni Fire at hinila ang lalaking nasuntok at hinarap ulit kay Zack. “Go Zack! Go, go!”
Sinuntok pa nang dalawang beses ni Zack 'yung lalaki, dumugo na ang labi nito kaya lumaban na rin 'yung dalawa niya pang kasama pero agad silang nasipa nila Ice at Cedrick.
“T-Tama na!” sigaw ko dahilan para mapunta sa 'kin ang atensyon nila. Binawi ko ang braso ko kay Railey at tumakbo palapit sa lima.
“Nag-e-enjoy pa kami,” cool na sagot ni Cedrick na hindi ko na pinansin pa.
“Pumasok na tayo. Hayaan n'yo na sila, please lang,” pakiusap ko at tiningnan si Zack. “Huwag na kayong mag-eskandalo, please?”
Inis na tiningnan ni Zack ang tatlong lalaki bago ako tiningnan. “Let's go.” Mabilis siyang humakbang at hinila agad ako palayo roon.
“Possessive, ha.”
“Sino ba kasi 'yang babaeng 'yan?”
“Saang lupalop nila napulot 'yan? Maganda pa 'ko diyan, e.”
Mga babae na namang nagbubulungan habang dumadaan kami.
“All of you, shut up!”
Muntik na 'kong mapatalon nang biglang sumigaw si Zack dahilan para manahimik ang lahat.
Zack naman, e!
Nakakagulat!
“Calm yourself, please?” mahinang pakiusap ko sa kaniya at pinisil ang kamay niyang nakahawak nang mahigpit sa kamay ko.
Tumango-tango siya pero hindi ako tiningnan.
Kumalma ka, Zack!