CH: 4

2698 Words
[CHAPTER 4] ◌●◌   KAKAMOT-KAMOT ng ulo si Chaos nang makalabas sa banyo ng mall. Kung hindi ba naman may mga sapak ang kaibigan niya'y hindi magbibigay ng kahihiyan sa kanya. Pero dahil kalahating gago't siraulo rin kaya sasakyan niya ang trip ng tatlo. Kasalanan niya rin naman kase natalo siya at nakabunot ng pinakamalas na dare. Pinagtitinginan na si Chaos pagkalabas niya pa lang ng banyo sa mall. Iba't ibang klaseng ng titig ang ipinupukol ng iilan. Ang iba'y nandidiri, may naaawa, mayroon namang lumalayo kaagad. Dahil minsan lang naman ito mangyari, ginalingan niya pa ang pag-acting. Yumuko si Chaos habang pinupunasan ang mukhang puro grasa, saka muling iinom ng tubig sa bote ng alak at aaktong lasing. Gula-gulanit ang suot niyang damit. May nakasabit pa sa katawan na plastik at lata. Suot din ang isang wig para magmukha siyang hindi naligo ng ilang taon. Mukha tuloy isang kuto na lang ang hindi pumipirma sa ulo niya. Kung dumaan siya sa entrance ng mall na ganito na ang itsura, siguradong hindi siya papasukin. Wala pa siyang nabalitaang taong grasa na pinapasok sa mall. Bawal ba talaga silang pumasok? Tanong niya pa sa sarili. Wala namang masama kung papasok sila. Public place naman ang mall. Umiling siya at bumuntonghininga. Walang makakakilala sa totoong katauhan niya sa ganitong ayos. Nahagip ng paningin ni Chaos si Brent. Nasa isang gilid ng bilihan ng panlalaking damit at walang tigil sa katatawa. Kaagad niyang isinaludo ang gitnang daliri dito. Lalo namang lumakas ang paghalakhak ni Brent. Isa ito sa mga kaibigan niyang may kakaibang trip sa buhay. Ito lang ang taong nakilala niya na sariling mall ng pamilya ay kayang ilagay sa kahihiyan matupad lang ang kalokohang taya-tayaan with a twist. Lalapit na sana si Chaos kay Brent para hulihin ito nang mapansin niya ang babaeng parating. Hindi niya na itinuloy ang panghuhuli sa kaibigan at inobserbahan na lang si Sasha. Napakaikli ng suot nitong damit at halos lumuwa ang dibdib. Ngunit wala siyang pakialam. Desisyon nitong magsuot ng ganoon. Kung komportable ito, sino siya para pumigil? Paulit-ulit na sinenyasan ni Chaos si Brent. Ngunit ang t*tanga-t*nga niyang kaibigan, wala pa ring tigil sa katatawa. Akala siguro'y parte pa rin iyon ng laro. Ano nga bang malay ng mga ito sa larong pambata? Hindi nila naranasan iyon, dahil imbes na robot ang hawak ay patalim ang kanilang pinaglalaruan. Atlis na alagaan ng sariling pamilya, ang mga ito pa ang naglalagay sa kanila sa alanganin. Kaya naiintindihan niya ang mga kaibigan. Iisa kase ang hugot nila sa buhay. Hindi na naituloy ni Brent ang pagtakbo nang hawakan ng dalawang bodyguards ni Sasha. Kilala niya ito dahil kailangan nilang malaman kung sinu-sino ang nakakasalamuha ng mga kaibigan bilang parte ng pag-iingat nila. Napangiwi na lang si Chaos nang sampalin ng babae si Brent. Nakanganga naman ang kaibigan niya dala ng matinding gulat. Sigurado siyang malakas iyon dahil kahit nasa malayo siya ay narinig niya pa ang sampal sa kinatatayuan. "Cheater!" nangangalit ang pangang wika ni Sasha. "The f*ck?" sapo ang pisnging tanong ni Brent dala ng matinding pagkagulat. Masyadong mabilis ang pagkilos ni Sasha para hindi mapansin ng kaibigan niya. Ito ang may pinakamatalas na pandinig sa kanila pero hindi nito namalayan ang pagdating ng babae. "Manloloko! Akala mo siguro hindi ko malalaman?" Tumawa ang babae ngunit pansin ni Chaos na pinipigilan nito ang emosyon. "Let's break up... I don't want to continue this toxic relationship, Brent." Hindi nagsalita ang kaibigan niya at tumango na lang. Sa dami ba naman ng reserba nito, siguradong hindi na maghahabol si Brent. Parang damit lang kase kung magpalit ng babae. May gusto pang sabihin si Sasha ngunit pinipigilan ng magsalita. Tumalikod din ang babae at iniwan ang kaibigan niyang nakatulala. Umiiling na lamang si Chaos. Akala niya talaga si Sasha na ang babaeng magtatagal sa kaibigan niya ngunit mukhang nagkamali siya. Sinabunutan ni Brent ang dating magulo at kulot na buhok. Problemado ito. “G*go kase,” mahina niyang wika. Ang bilis... hindi niya napigilang huwag mapasipol. Ganoon lang iyon? Pumikit lang siya, tapos na. Hiwalay na ang dalawa. "Uwi na tayo," walang ganang pag-aaya ni Brent. Tinitigan ni Chaos ang kaibigan habang magkasalikop ang kamay. Nagudududa siya sa naging asal nito. Sa huli, siya na rin ang sumuko at hindi na nagtanong pa. Hindi rin naman ito magsasalita. "Let's find Diezel and Ace," suwestyon ni Chaos. Tumango lang si Brent at binagtas nila ang daan patungong escalator. Pababa na sila roon nang sabay na napakunot ang noo nila. Tama ba ang nakikita nila? Mga armadong lalaki at papasok sa mall! Nagkagulo ang mga tao dahil sa pagpapaputok ng baril. Inasinta ang mga kawawang sekyu! Hinahabol na naman ba sila ng gulo? Iyon lang ang naiisip niyang dahilan para mangahas ang mga itong pasukin ang mall. Ang mga kalaban lamang nila ang may kakayahang gawin iyon. Nagkatinginan sila ni Brent at sabay na tumango. Maghihiwalay sila para hanapin si Diezel. Ito na ang nakagawian nilang gawin sa tuwing may nangyayaring hindi maganda. Pinagmasdan ni Chaos ang paligid. May mga nag-iiyakan na. Ang iba'y binabalya ang mga katabi para unahin ang sarili. Dali-dali siyang tumakbo nang mamataan si Ace. Tinulungan muna nito ang magnanay na makapunta sa isang tabi bago lumapit sa kanya matapos makisiksik sa maraming tao. "They’re f*cking here for Diezel," imporma nito. Hindi ito si Ace kung mahaba ang sasabihin at walang kasamang mura. Sa tinagal-tagal na panahon ay nasanay na sila sa pasmadong bibig ng kaibigan. Muli silang nakarinig ng putok ng baril. Nabigla ang ibang naroon. Mas lumakas ang pag-iyak ng mga bata at matanda dahil sa matinding takot. May hinika pa at nawalan ng malay. Nagkakagulo ang lahat. Hindi alam ang gagawin. "Chaos!” tawag ng kaibigan ni Brent. Humahalo ang boses nito sa mga nagsisigawan at umiiyak kaya nahirapan pa silang hanapin kung saan nanggagaling ang tinig. Napakalaki rin kase ng mall kaya minuto ang inabot bago nila natagpuan ito. Nakikipagsiksikan sa maraming tao si Brent. Sila na mismong magkakaibigan ang tumakbo patungo rito matapos makita ang kalagayan ni Brent. "Ano'ng nangyari?" Ngumuso si Chaos sa duguang braso ni Brent. Nagkibit-balikat lang ito. Ganoon naman lagi si Brent. Ayaw nitong pinag-aalala ang iba. “Hindi niyo pa rin nakita si Diezel?” tanong nito na parang normal lang ang mabaril. Nalingat pa lang sila, tapos natamaan na ng bala. Nagdududang pinagmasdan ni Chaos ang kaibigan. Malamang ay hinarang na naman nito ang sarili para sa iba. "We need to find him." Palinga-linga si Brent sa paligid at nagbabasakaling makikita ang bunsong Dela Vega. Pinunit nito ang suot na long sleeve saka itinali sa sugat upang maampat ang pagdurugo niyon. "Lagot tayo sa mga ate niya kapag hindi natin naibalik ang baby brother nila.” Napapangiwi si Chaos sa maaari nilang sapitin kapag hindi nila naibalik kaagad si Diezel nang walang galos at ligtas. Sa kanilang magkakaibigan, si Diezel ang pinakabata at makulit. Ang pag-aalala nilang barkada ay hindi madaling maipaliwanag kapag ito ang nasa panganib. Kaagad na tumakbo si Chaos nang mamataan ang walang malay na si Diezel. Pasan-pasan ito ng isang lalaking may malaking katawan na parang sa bouncer. Sinubukan niyang makisiksik sa umpukan para mas makalapit doon. Mukhang may gusto na namang kumuha rito. Sumunod din ang mga kaibigan niya sa kanya nang mapansin ang pagtakbo niya. Nahawi ang mga tao nang magpaputok ulit ng baril ang mga kidnappers. Nagsipagtago kaagad sa kung saan ang iba at mababakasan ng matinding takot sa mukha. May mga nag-iiyakan na ring bata at kababaihan kaya ganoon na lamang ang ingay na nililikha niyon sa paligid. "Hoy!" sigaw ni Brent. "Ibaba niyo si Dela Vega!" Lumingon ang mga armadong lalaki sa kanilang direksyon at sinunod ang sinabi ni Brent. “Mabilis naman palang kausap,” mahina niyang wika. Ngunit hindi nila inaasahang ihuhulog na parang manika si Diezel! Narinig pa nila ang pagbagsak ng katawan nito sa lapag kaya ganoon na lamang ang pagngiwi nila. Nag-init na naman ang ulo ni Chaos. Gusto niyang kumilos ngunit ayaw niyang magpadalos-dalos. Napasipol naman si Brent na nasa kaliwa niya at sumalampak sa lapag habang tinatakpan ang sugat. Alam na alam na nito ang susunod na mangyayari. Paulit-ulit na lang kase ang ganitong senaryo sa tuwing lalabas sila ng bahay. "Kung ako sa inyo, magtatago na ako. FYFI. Baby damulag nila ang ibinagsak niyo sa lapag. Masamang magalit ang tahimik." “FYFI?” tanong ni Chaos kay Brent. “For your f*cking information, moron,” malutong na pahayag ni Ace. Nasa bulsa ang kamay nito at masama ang tingin sa mga kumuha kay Diezel. Kaya iyong patumbahin ni Ace kung gugustuhin nito. Ngunit dahil may inaasahan na silang tulong, kaya hindi na ito mag-aaksaya ng lakas. “Sorry naman daw, Ace,” saad ni Chaos sa kaibigang tila parating inaalmuranas dahil sa maasim na mukha. Hindi sila kokontra ni Ace sa sinabi ni Brent. Kahit sakit sa ulo si Diezel ay mas matindi pa sa pagiging tunay na magkadugo o pamilya ang turingan nila. Ang bunsong Dela Vega ang pundasyon ng kanilang samahan. Sa oras na may sumubok na sumira doon, hindi nila maiwasang huwag kumilos ng naaayon sa pananaw at paniniwala nila. Susubukan pa lang sana nilang humakbang ngunit sunod-sunod nang bumagsak ang mga armadong lalaking kumuha kay Diezel! Hindi na nila naituloy pa ang balak na gawin. Hindi sila natakot o kinabahan. Sanay na silang nangyayari ito kaya nga paupo-upo na lang si Brent sa lapag. Lapitin sila parati ng gulo kahit anong iwas ng kanilang grupo. Pare-parehong hindi nakagalaw ang tinamaan ng baril dahil naparalisa. Napakabilis din ng pangyayari kaya makikita ang pagkagulat sa mga ito. Itinira na lamang ng mga kaalyado nila ang nasa gitnang nagpainit talaga sa ulo nila. Kahit hindi lumingon si Chaos, kilala na nila kung sino ang nasa likod ng pamamaril. Mula sa itaas ng mall ay may pitong lalaki na bumababa gamit ang tali. Para itong mga gagamba na mabilis na bumababa sa sapot. Nakaitim na tila mga ninja at laging handa. Kaagad na binuhat ng ilan ang mga katawan para mailayo roon at mabawasan ang aberya na nilikha ng kaguluhan. Hindi makikialam ang awtoridad. May mas mataas na tungkulin ang mga Dela Vega kaya madaling malulusutan ng mga ito ang gulong iyon. Kasama rin sa batas ng mga ito na hindi makikisali sa kahit anong bagay na may kinalaman sa pamilya nila. Nahuli namang bumaba si Eros mula sa pinakamataas na bahagi ng mall. Naging mabilis ang paglalakad nito upang makalapit. Parang hangin lang na pinatamaan ng kamay nito ang batok ng lalaking may atraso sa kanila. Pumupurma pa lang ito ngunit napabagsak na kaagad ng kaibigan niya. Malapit din nilang kaibigan ito. Kasama nila sa lahat ng pagsasanay noong bata pa sila. Ngunit dahil maraming trabaho si Eros kaya hindi ito parating nakakasama sa kanila. Nakahalukipkip si Eros nang humarap sa kanila. Ngunit mayamaya pa'y ngumiti ito at hinampas ang kanyang leeg nang mahina. Ganoon din ang ginawa ni Chaos saka sabay silang natawa. “Anong porma iyan?” natatawang tanong ni Eros. “Ang baho mo, p’re!” “G*go!” Tumatawang saad ni Chaos. Tinanggal niya kaagad ang wig at lata na nakalagay sa katawan. Matapos ng lahat, ngayon lang pumasok sa kokote niya ang mga kahihiyang ginawa. Dahil sa mga nangyari kanina nakalimutan niya na ang itsura niya. "Bakit bigla ka na lang sumusulpot?" tanong ni Brent. "Trabaho lang," kaswal nitong sagot at binalingan si Diezel. "Kilala niyo naman ang mga Dela Vega. Alam niyo kung paano nila protektahan ang isang 'yan. Nagpadala na ng bantay si Ate Violet para masigurado ang kaligtasan ni Diezel. Nandyan lang sa paligid ngunit hindi niyo mapapansin. Siya rin ang nagbigay ng tip kaya nalaman namin na mangyayari ito. Pinadala niya rin kami dahil malaki ang mall at hindi kaya ng mga nagbabantay mula sa malayo. Alam mo namang hindi sila nagpapakita sa publiko." Nagmasid si Chaos sa paligid. Totoo ngang hindi niya napapansin ang mga pinadala ng Dela Vega. Napatayong bigla si Brent matapos iyong marinig. "Ibig sabihin, alam na nilang hinabol tayo ng bala noong nakaraan nang mahanap tayo ni Diezel?" Nagkibit-balikat si Chaos sa tanong ni Brent. Hindi rin ito sigurado. Kinuha naman ni Eros ang cellphone, at may tinawagan. "Ate, we need clean up at the South Mall. Yeah. Nangyari. Yeah. He's okay, Ate Pink. Don't worry. Kasama niya sila Chaos." Inabot ni Eros ang cellphone kay Ace. Ine-loudspeaker naman iyon ng kaibigan para marinig nila. "Yes, Ate Pink?" kaswal nitong tanong. "This is Rex." Kumunot ang noo nila at tumingin kay Eros. Napangisi si Ace at tinitigan ito nang masama. I will kill you... sabi nito kay Eros na tinalikuran lang si Ace at parang wala lang dito ang banta. "Yes, Ate?" "Buhay naman siguro ang kapatid ko, Ace?" bungad na tanong ng nasa kabilang linya. Agad nitong ipinasa ang cellphone kay Brent. Tamad talagang magsalita si Ace kaya wala silang aasahan dito. Pero ibinigay rin sa kanya ni Brent iyon ng kuhanin kay Ace. Kaya naman ipinasa ni Chaos pabalik kay Ace. Ngunit pinagbantaan ito ni Brent na kapag hindi kinuha ang cellphone ay puro torture food ang kakainin nila at kukunsintihin nito ang pagluluto parati ni Ace. Nakasimangot namang kinuha ni Chaos ang cellphone kay Ace. Wala na siyang choice. Kaswal niyang sinagot ang tawag ni Rex. "Tinatanong ko kayo kung buhay ang kapatid ko!" ulit nito. Parang natulili ang taynga ni Chaos sa matinis na boses ng pinakamatandang Dela Vega. Inilayo niya pa saglit ang cellphone bago ibalik sa taynga. "Buhay pa ata," kaswal na sagot ni Chaos. Agad na napalingon ang tatlong kaibigan niya sa kanya habang nanlalaki ang mga mata. Hindi inaasahan ng mga ito ang sagot niya. "Kaso ibinagsak ng kidnapper, Ate. Tapos mukhang lumagutok pa ang likod ni Diezel! Baka nagkahiwa-hiwalay ang spinal cord. Pwede ring magka-amnesia. Lakas kase ng kalabog ng ulo. Rinig hanggang second floor ang tunog!" "A-ano kamo, Chaos?" bakas ang kaba sa pagtatanong ni Rex. "Sinasabi mo bang sinaktan ang kapatid ko? Clud! Hingin mo ang files ng kidnapper na iyan kay Eros. Hanapin mo ang buong pamilya!" sunod-sunod nitong sabi. Mukhang naghehisterya na si Rex sa kabilang linya. Kung anu-ano ng pagpaplano na ang sinasabi nito mapahirapan lang ang kriminal na gumawa niyon sa kay Diezel. Nakalimutan pang may kausap sa kabilang linya kaya binabaan niya na ng tawag. "Monster Chaos." Umiiling na komento ni Brent. "Si Brent nga katakot-takot na ang ginagawa, tapos ipinaalam mo pa kay Ate Rex!" sabi naman ni Eros na ikinangisi niya lang. Nagulat naman sila nang biglaang tumayo si Diezel at umaaktong makikipaglaban. "Nasaan na ang kalaban?" tanong nito na handa ng makipagsuntukan. Ngunit nang mapansin ang paligid ay labis itong nadismaya. "Ay! Tapos na?" Tinapik ni Ace ang balikat ni Diezel. Ginulo naman ni Eros ang buhok nito at inakbayan naman ni Brent. Pinagmasdan lang ni Chaos ang mga kaibigan habang nakangiti. "M-may hindi kayo sinasabi," kinakabahang sambit ni Diezel. Sa tagal nilang magkakaibigan, tingin pa lang naiintidihan na nila ang isa’t isa. Sabay na lumingon ang tatlo sa direksyon niya. "Sinumbong mo ako kay ate, Chaos? Patay! Sinong ate?" "Kay Rex," kaswal niyang sagot. "A-ano kamo, Chaos?" kinakabahan nitong tanong na napahawak pa sa dibdib. Nanlaki ang mata ni Diezel saka nawalan ulit ng malay. "We're dead!" sabi ni Brent dahil hindi nila nasambot si Diezel. "No, double dead," kontra ni Eros. "Triple dead," dagdag niya. “Botcha?” "We're not f*cking dead," sabi naman ni Ace at ngumuso sa babaeng naglalakad papunta sa direksyon nila. "Ate Pink!" sabay-sabay nilang tawag sa babae. Papalapit na ito sa direksyon nila. Tumutunog pa ang takong ng sapatos ng bunsong Dela Vega. Ngunit ganoon na lamang ang gulat ni Chaos nang hilahin ni Pink ang taynga niya at kaladkarin nang walang pakundangan! Napapangiwi naman ang tatlo sa ginagawang paghila ni Pink. Palihim na nanghingi ng tulong si Chaos sa mga kaibigan, ngunit sabay-sabay na umiling ang apat. Tiklop talaga ang buntot nila kapag ang mga Dela Vega na ang nagdesiplina sa kanila. Ngayon, kinukwestiyon niya ang sarili kung anong pumasok sa kokote niya at ginalit niya ang pinakamatandang Dela Vega. Mukhang bilang na ang maliligayang araw niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD