CH: 5

1622 Words
[CHAPTER 5] ◌●◌   TAGAKTAK na ang kanilang pawis. Nanginginig ang mga kalamnan dahil sa pangangalay, ngunit walang magawa ang limang binata. Kailangan nilang paghusayan sa pagtaas ng mga kamay! Tuktok ng patpat ang abot nila kapag ibinaba nila iyon. Nakaluhod sila sa munggo na nasa maliit na bilao at hindi na iyon bago. Mga bata pa rin yata ang turing sa kanila ni Pink na sa tuwing nagkakamali ay paluluhurin. Sa Tres Marias, si Pink parati ang nagdedesiplina sa kanila na labis nilang ipinagpapasalamat. Dahil kung si Rex iyon, baka matagal ng putol ang sungay nila. Mabuti na lang at lagi itong may trabaho kaya hindi sila maharap. Sa kabilang banda, hindi nila maiwasang huwag matawa kay Diezel na walang ginawa kung hindi magreklamo. Nasa garden sila ng bahay ng mga Dela Vega. Sariwa ang hangin doon dahil maraming halaman pero hindi iyon nakatulong dahil isang oras na silang nakaluhod. "At sinasabi ko naman sa inyong huwag puro kalokohan!" Nilalapat-lapat ni Pink sa kamay ang patpat na hawak habang nagsasalita. "Pero, kasalanan ko lang naman, Ate!" katwiran pa rin ni Diezel. "Malay ko bang may pampatulog iyong binigay sa aking inumin! Hindi niya naman sinabi sa akin." Nanlaki ang mata ni Pink sa katwiran ng bunsong kapatid. Kaagad na lumipad ang kamay nito para kurutin sa tagiliran si Diezel. Ganoon na lamang ang paghiyaw nito dahil sa sakit. "Arouch, Ate Pink!" Sabay-sabay silang napangiwi dahil sa ginawa nito. Sila yata ang maiihi sa paraan ng pagkurot ni Pink. Walang nagawa si Diezel kung hindi sundan ang kamay ni Pink habang umiinda sa sakit. Ginalingan nila ang pagtaas ng kamay para hindi na mapagalitan. “Isusumbong kita kay, Ate,” pananakot pa ni Diezel. Akala siguro nito ay kakampihan siya. Ang mali ay mali. Kahit ano pang katwiran nila. “Sige! Para masabon at mabanlawan kayo ng sermon.” “Joke lang, Ate,” kunwaring tumawa si Diezel. Kapag nalaman ng ibang clan na ganito ang pagdedesiplina sa kanila ng mga Dela Vega baka hindi maniwala ang mga ito. Sino ba namang papayag na ang mga barumbadong lalaki at maskulado na gaganituhin? Sila lang yata. "Di ba gusto mo? Walang joke-joke sa akin. Sige magsumbong ka! Para malaman niyang ikaw lang ang taong umaasa na magpapaalam ang kriminal na may lason ang inuming ibinigay niya," galit na singhal ni Pink na napapahilot pa sa sintido. "Atsaka, last dare na iyong sa mall," pangangatwiran pa rin ni Diezel sa kapatid. Nakatikim kaagad ng batok si Diezel mula kay Brent para awatin na ito sa pagsagot. Lumabas pa ang munggo sa bilao dahil sa lakas niyon. Gumanti naman ang isa. Nagsimula na naman ang aso't pusa sa kanilang grupo. Hindi sigurado ni Chaos kung maayos pa ang takbo ng utak ng dalawang kaibigan at walang pamamaga. Pakiramdam niya, bugbog-sarado na iyon at natanggalan ng turnilyo. Sabay na napailing si Chaos at Ace. Kapag magkasama talaga ang dalawa, hindi maiiwasang walang bangayang mangyayari. "Hindi pa tayo naghihirap!" singhal ni Brent sa tainga ni Diezel. "Ikaw nga kapag may nang-aalok ng libre tinatanggap mo rin!" sagot nito habang inaalog-alog ang tainga. Itinaas muli ni Brent ang kamay nang senyasan ni Pink. Kahit sino yata ay aamo kapag ang mga Dela Vega na ang dumisiplina. "Bakit naman kase tumatanggap ka ng inumin?" tanong ulit ni Brent habang tuwid na tuwid ang pagkakataas ng kamay. "Libre eh!" "Libre ba kabaong, Diezel?" pagsingit ni Pink sa usapan ng dalawa. "Magkakasama kayong gumawa ng kalokohan, dapat magkakasama rin kayong haharap sa kaparusahan!" patukoy nito sa nangyari sa mall. “Oo nga,” sumasang-ayon na saad ni Chaos. “Ikaw ang matanda, Chaos, ikaw pa ang kunsintidor!” "Pero dapat ako lang—arouch!" Pamimilit pa rin ni Diezel kaya nahampas ito ng stick. "Arouch?" nakataas na naman ang kilay ni Pink. "My G, Ate Pink!" eksaheradong pabida ni Brent. "Arouch lang hindi pa alam! Aray plus ouch equals arouch. Use your brain!" "Ah... use your brain pala,” nakangiting wika ni Pink. “Di ba iyon naman dapat?” nagtatakang tanong ni Diezel kay Pink. “Anong hawak ko?" tanong nito habang ipinapakita ang hawak. "Patpat!" sigaw ng dalawang ugok. "Tama, patpat!" nagulat ang mga ito nang pinagpapalo ni Pink. Pagdaing lang ang nagawa ng dalawa sa huli. "Iyan ang silbi ng patpat! Alangan namang gawin nilang bola ang baril at ibato sa mga bulok niyong kokote. Kakabatok niyo sa isa't isa, utak niyo parehas ng namamaga! Malamang gagamitin nilang pangpatay sa inyo 'di ba, Brent at Diezel?" tuloy-tuloy nitong wika na parang lalabasan na ng ugat sa leeg. Tumatalsik pa ang laway ni Pink kaya lihim silang napapapunas ng mukha. Magkasabay na tumango si Brent at Diezel. Nagsisisi na hindi nagseryoso sa sermon ni Pink. Alam na rin pala ng mga Dela Vega ang panghahabol sa kanila ng bala noong nakaraang araw. Kaya pati si Eros ay nasama sa pinarusahan dahil inilihim nito ang insidenteng iyon sa mga Dela Vega. Totoo ngang may taynga at mata ang magkakapatid sa paligid ng syudad. "Iniba na naman ba ang topic?" Bumulong si Brent kay Ace na naguguluhan kung ano ba talaga ang sinesermon ni Pink. Tumango naman sila rito. “Iyang pagiging lutang, huwag dalas-dalasan,” natatawang sabi ni Chaos kay Brent. “Pinapakain ka naman, hindi rin kulang sa bakuna pero bakit laging lutang ka?” dagdag ni Eros kaya ang sama ng tingin ni Brent dito. "Bakit ba kase sa mall kayo gumawa ng kalokohan?" "At iniba na naman ni Ate Pink," bulong din ni Chaos. "Kasalanan niyan," sabay nguso ni Brent kay Ace kaya nabaling ang atensyon nila rito. “Hindi si Chaos may kasalanan. Siya pa napingot.” "I thought, I saw her," simpleng sagot ni Ace. Si Pink, biglaang umupo sa bermuda grass malapit sa pinagluluruhan nila para makasagap ng tsismis mula kay Ace. "Sino?" tanong ni Pink. "Babae?" "May ilong ba?" "May mata?" “May tainga?” "Yeah," simpleng sagot ni Ace sa sunod-sunod nilang tanong. Sabay-sabay silang napabuntonghininga dahil wala na naman silang makukuhang matinong sagot sa pagiging malihim nito. Natuktukan pa ng patpat ang ulo ni Ace dahil sa nabiting kwento. "Galit si Pink." Bumulong si Brent kay Diezel matapos makita ang namumulang mukha ng babae. "Dapat ang mga tsismosa, hindi binibitin. Dahil kapag kulang, lagot na." "Lakad!" sigaw ni Pink. Walang sabi-sabing kumilos sila nang nakaluhod. "Anong ginagawa niyo?" Tumaas na naman ang kilay ni Pink. Para itong nanay na nagdidisiplina sa mga suwail na anak. "Sabi mo lakad kaya naglalakad kami," kaswal na sabi ni Eros na ngayon lang nagsalita. "Anong ginagamit sa paglalakad?" tanong ni Pink. "Paa—arouch naman! Bakit ba, Ate?" naguguluhang tanong ni Diezel nang hampasin muli ng patpat. "Alam niyo naman pala! Eh, bakit tuhod ang ginagamit niyo?" nakapamaywang nitong tanong. "Kapag nagka-apocalypse talaga, lalagpasan na lang kayo ng mga zombie kase wala kayong utak!" "Wala ka namang sinabing tumayo," nakangusong bulong pa rin ni Diezel kaya nahampas na naman ng patpat. Ngingisi-ngising umiling na lang si Chaos. Wala talagang kadala-dala. "Iyang utak, ginagamit kapag kailangan. Hindi sa pamimilosopo!" sabi nito at pinagtutuktukan sila ng stick. "Tayo! Lakad. Mainfield!" Kakamot-kamot naman silang tumayo habang inaalog-alog ang taynga dahil sa nakakabinging tinis ng boses ni Pink. "Kaya ka tumantandang dalaga—arouch naman!" lalo silang napangiwi nang hampasin ni Pink nang pagkalakas-lakas si Brent. Siguradong babakat iyon sa balikat nito. "Tatanda talaga akong dalaga dahil sa inyo!" katwiran nito na naging malungkot kaagad. Sabay-sabay silang tumingin dito at bumuntonghininga. Niyakap nilang lima ang babaeng iilang taon ang agwat sa kanila. Nasa trenta na ang edad nito at hindi pa rin nag-aasawa dahil sa mga pangako nito sa kanila. Kahit na ganito ka-istrikto ang mga Dela Vega, hindi magbabago ang pagmamahal nila rito. Dahil sa foundation ng mga ito kaya buhay sila ngayon. Tinulungan silang mailagtas sa mga clan at kadugo nila na nang-aabuso dahil sa pagiging walang muwang nila sa mundo. Nang mag-edad sila ng sampu ay isa-isa silang apat na inilipat sa foundation ni Mr. Dela Vega— ang tatay nila Pink. Pinag-aral, pinakain, at itinuring na pamilya. Kaya kahit kailan ay hindi nila naramdamang iba sila. Hindi naman dahil sa tingin nila ay mga halimaw ang tatlo kaya sila natatakot. Sadyang ayaw lang nilang dagdagan pa ang problema ng mga Dela Vega. Ngunit gulo na mismo ang lumalapit sa kanila dahil na rin sa angkan na kanilang pinagmulan. Kaya kahit gusto nilang magkaroon ng buhay na normal ay hindi pwede. "Hindi naman talaga kami nakipagbasag-ulo sa eskinita. Tinulungan lang namin iyong friend ni Eros," paliwanag ni Diezel. Ito na lang ang nakayakap kay Pink at inuuto ang kapatid. "Akala ko iyong mall ang pinag-uusapan natin?" tanong ulit ni Brent na bumubulong-bulong. "Syempre iniba na ulit." Bumulong din si Eros para hindi marinig ni Pink. "Ganoon ba?" naniniwalang tanong ni Pink. "Oo, Ate!" aktibong sagot ni Diezel. "Hindi kayo unang nanuntok?" agad silang tumango. "Wala kayong pinagtripan?" "Wala talaga!" sagot nilang apat at itinaas pa ang kanang kamay na parang nanunumpa. “Ako, nanuntok!” pag-amin ni Diezel kaya tinitigan ito nang masama ni Pink. "Hindi kayo naagrabyado?" "Lalong hindi!" sagot ni Brent at Diezel. "Wala ng Mainfield!" nakangiti nitong wika. Hihiyaw na sana silang lima sa tuwa, ngunit bigla namang pumasok si Rex na nakapamaywang pa. Para silang pinagbagsakan ng langit at lupa nang makita ito. "Sinong nagsabing pumapayag ako?" tanong nito. "Mainfield now!" Sabay-sabay silang napalunok ng laway noong marinig ang Mainfield. Paniguradong katakot-takot na parusa na naman ang kahaharapin nila. Marinig pa lang nila ang lugar na iyon tila pinagpapawisan na sila ng malapot at tinataasan ng balahibo. Gusto man nilang magreklamo ay wala na silang magagawa sapagkat nagdesisyon na ang pinakamatandang Dela Vega. Kailangan nilang harapin ang bunga ng pagpapasaway nila...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD