“Isa ba iyang babala?” tanong ko sa kaniya. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Isang ngiti ang gumuhit sa labi ng matanda atsaka ito tuluyan ng tumalikod. Hindi ko na muli itong narinig magsalita hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa aming paningin. Bakit bigla na lang nagbago ang kinikilos ng taong iyon? May sinabi ba akong mali? Hindi ako makaimik dahil sa nangyari. Nanatili lamang akong nakatitig sa gawi na kung saan nawala ang matanda.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Ano ba ang ibig sabihin niya roon? At isa pa, anim na kilometro? Mukhang matatagalan pa kami bago makarating sa lugar na iyon ah. Mapapadali lang kaya itong pagkain namin? Mukhang alas dose na yata ng kagabi kami makakain nito. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Tahimik pa rin kaming lahat dahil sa nangyari. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Ano iyon?” Tanong ni

