Isang matandang sa tingin ko ay nasa anim na pung taong gulang na o mahigit. Ang mukha nitong kulubot na at may ilang malalaking peklat sa pisngi at sa tabi ng mata. Ang buhok nitong pinaghalong puti at itim ngunit mas litaw ang puting buhok nito. Nakatali ito sa likod na may patay na bulalak na nakasabit. Ibang klase rin ang na isip nitong gawin sa buhok niya.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Ngunit, halata sa kaniyang hitsura na sobrang dami na niyang pinagdaanan. Na sobrang tagal na niyang nakikipaglaban sa mga nilalang sa mundong ito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Inuulit ko, ano ang ginagawa niyo rito?” Tanong ulit nito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi kami maka-imik dahil sa gulat. Ang kaniyang mga tingin na sobrang talas na tila ba ay galit na galit sa aming pagdating. Dahan-dahan akong lu

