Chapter 51

3000 Words

Habang naglalakad na kami pabalik sa aming dormitoryo o bahay ay marami kaming nadaraanan na mga estudyanteng sobrang saya ng makita nila ang kanilang pangalan sa listahan. Hindi ko maiwasan ang hindi mapa-ngiti habang nakatingin sa mga mata nilang halos maluha-luha na. Sa loob ng ilang taong pag-aaral ng mga ito ay sa wakas nakapag-tapos na rin sila, at na tapos na rin nila ang pinaka-mahirap na pagsubok sa kanilang buhay, bilang isang taong may kapangyarihan. May ibang estudyante man na hindi pinalad ngayong araw ay babawi at babawi rin naman ang mga iyon sa susunod. Inilibot ko ang aking paningin at karamihan sa mga ito ay yakap-yakap na ang kanilang mga kaibigan dahil sa wakas ay naka-pasa na rin sila. Patuloy pa rin kami sa paglalakad ni Elfrida hanggang sa may biglang sumigaw sa dulo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD