Unti-unti kong naramdaman ang mainit na enerhiya na dumaloy sa buong katawan ko. Patuloy lamang ako sa pag-meditate hanggang sa naramdaman ko na ang buong enerhiya sa aking katawan. Nanatili lamang akong naka-pikit hanggang sa bigla na lang umitim ang paligid at siyang paglitaw ng anim na bilog sa aking harapan. Hindi ko matukoy kung ano ang mga ito at parang ang gaan sa pakiramdam. Unti-unti akong lumapit sa unang bilog na aking nakita at doon ko na pansin ang iba-ibang kulay ng mga ito. May asul, pula, berde, kayumanggi, puti, itim at dilaw, hindi ko alam kung para saan ang mga bilog na ito pero parang parte na rin silang lahat sa akin. Gusto ko silang hawakan pero bakit parang binabalanse nito ang buong lugar na kung na saan ako? Inilibot ko ang aking paningin ngunit halos lahat ng na

