Gulat lang kaming nakatingin sa kaniya at hinihintay kung ano ang naging dahilan ng pagmamadali nito papunta sa amin. Hinahabol pa rin nito ang kaniyang hangin hanggang sa tuluyan na itong tumayo at tinignan kaming lahat na nandito. Bumaba na ito mula sa pinto patungo sa aming tatlo. "Ano 'yong narinig kong sigaw ng isang dragon?" Tanong ng aming Pinuno na si Yizun, "Impossibleng magkaroon ng dragon sa paaralang ito kung kaya ay sagutin niyo ang tanong ko." Maayos ang kaniyang pagtayo at maganda ang kaniyang pananamit pero hindi ko inaasahan na may ganitong katangian din pala ang aming pinuno. Siguro ay labis lang ang pag-aalala nito dahil sa nangyari kanina. Mukhang rinig na rinig nga ng buong paaralan ang pag-sigaw ni Fengari ah? Bakit ba kasi kailangan pa niyang sumigaw, hay naku. "I

