Muli akong naglabas ng mga bilog na gawa sa tubig at kasing talas ng pinakamatulis na patalim sa buong kaharian. Patuloy lamang ako sa pag-atake hanggang sa bigla na lamang ito tumalon patungo sa harapan. Mabuti na lamang at mabilis akong nakailag at agad na lumipat patungo sa likuran niya. Unti-unti kong binuo ang isang napakalaking bola sa aking itaas na gawa sa apoy hanggang sa natatabunan na nito ang araw. “Kori!” Hindi ko alam kung sino ang tumawag sa akin ngunit ang tanging gusto ko lang gawin ngayon ay ang mapatay itong halimaw na ito. Masiyado na siyang maraming napinsala. Kahit ang mga kaibigan ko ay nawalan ng malay dahil sa kaniya. Mas lalo ko pang pinalaki ang bola na nasa aking itaas hanggang sa naramdaman ko na lamang ang panghihina ng aking katawan. Masiyadong malakas

