Bakit ba ako nito pinipigilan? Ayaw niya bang matalo namin ang halimaw na iyan? “Alam ko kung ano ang iniisip mo. Sinubukan na namin iyan ngunit na bigo lamang kami. Kanina, habang sinusubukan mong itago ang iyong enerhiya sa iyong katawan ay inatake namin ito ng sabay-sabay ngunit hindi namin inaasahan na kahit sa katawan nito ay may nagtatagong depensa pa pala,”paliwanag niya. Depensa? Ano ang kaniyang ibig sabihin? Ano ang depensa na tinutukoy nito? “Ano ang ibig mong sabihin?” Tanong ko. “Hindi basta-basta ang katawan ng halimaw na iyan. Sa oras na lalapit tayo rito ay bigla na lamang may lalabas na maliliit na palaka na katulad niya at sila ang aatake sa iyo, karamihan sa mga palaka na iyon ay kaya kang ilagay sa ilusyon o mawalan ng malay kagaya sa nangyari nila Treyni,”dugtong n

