Pagkapasok ko ay agad akong namangha sa aking nakikita. Isang tindahan lamang ito ng mga sandata kung kaya wala akong inaasahan pero noong pumasok na kami ay hindi ko mapigilan ang sarili ko ang mamangha. Napakalaki ng buong gusali. Ang mga desinyo ng bawat sulok ay kakaiba. Ang mga sandata ay nasa gilid lamang at nakalagay sa loob ng salamin.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Ano ba ang bibilhin niyo rito?” Tanong ko sa kanila.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Bibili raw ng bagong sandata si Draco. Hindi ko nga alam kung para saan pa gayong hindi pa naman sira ang sandata niya.” Tugon naman ni Sam.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Nagtitingin-tingin na si Draco sa paligid at sumunod naman si Lauriel. Tinutulungan yata nito ang kaniyang asawa na makahanap ng magandang sandata.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ

