Hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi mag-alala para sa kalagayan ng aking mga kasama. Kahit ang aking mga magulang ay hindi mawala sa aking isipan, saan kaya ang mga ito? Alam ba nila ang nangyayari sa kaharian?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Inilibot ko ang aking paningin at nakitang nag-aalala rin na nakatingin ang mga kasama ko sa isa’t-isa. Hawak-hawak ni Draco at Lauriel ang isa’t-isa samantalang nakahawak naman sa pader si Treyni.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Ano ba ang nangyayari sa kaharian namin ngayon? Bakit bigla-bigla na lang naging ganito?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Isang malakas na pagsabog ang aking narinig mula sa hindi kalayuan. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Mabilis kong ibinaling ang aking paningin doon at nakita ang isang napakalaking halimaw. Kamukha nito ang isang kraken ngunit nasa lupa nga lang

