Umaga na nang magising ako mula sa pagtulog . Hindi ako sigurado kung ano na ang nangyari sa kasiyahan kagabi sa labas ng aking silid pero sa tingin ko naman ay sobrang saya ng mga mamamayan. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at agad bumungad sa akin ang napakagandang kisame ng aking silid. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi ko talaga inaasahan na darating ang araw na itong klaseng pamumuhay na ang bubungad sa akin. Noong una ay tanging dahil lamang sa nakitira ako sa mga palasyo kaya ako nagkakaroon ng ganitong klaseng pamumuhay ngunit ngayon, ito na talaga bubungad sa akin araw-araw.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Isang marahas na hangin ang aking pinakawalan bago ako dahan-dahan na tumayo at tinignan ang paligid. Napakalaki pala talaga nitong aking silid, ngayon ko pa

