"So, bakit ka nga pala umuwi rito sa Pinas? I thought next month ka pa uuwi?" tanong ko kay Savannah habang nasa isang coffee shop kami at nag-uusap. Uminom muna si Savannah sa kanyang mug bago ako tiningnan.
"My boyfriend will be here next month kaya nag-advance na akong umuwi rito. Aayusin ko pa ang bahay na titirhan nito," sagot ni Savannah sabay lapag ng mug nito sa mesa.
"Oh? Naghahanap ba ng vacation house? I can offer my vacation house at Villa Margarita," saad ko rito. Nakita kong napa-isip si Savannah sa offer ko. Libre ko namang ipapagamit 'yon sa kanila. Mukhang nagsasama na sila ng boyfriend nito. Ngumiti sa akin.
"Is it free?" natatawa nitong tanong. Hindi ko rin napigilang hindi matawa sa kaibigan ko.
"Of course! You're my best friend. Ano ka ba?" saad ko rito. Mas lumapad ang ngiti nito sa akin.
"Thank you! Hindi na ako mahihirapan pang maghanap ng titirhan nito," masaya nitong wika.
"Wala ba siyang bahay rito? Is he not a Filipino?" curious kong tanong.
"He's a half Filipino, his mom is a Filipina and his dad is a Spanish. May bahay naman sila rito sa Pinas but he doesn't want to stay there," sagot naman ni Savannah. Napatango-tango ako. I'm sure her boyfriend is handsome.
"Are you living together already?" I asked her casually. Nakita ko ang pamumula sa mukha ni Savannah. Natawa naman ako sa naging reaction nito.
"Of course not! Kahit five years na kami ay wala pang nangyayari sa amin no!" naiiling nitong saad. Tumaas ang kilay ko sa sinabi nito. Well, matino naman talaga si Savannah kumpara sa akin.
"How's Tita?" tanong ko rito. Nasa States kasi si Tita Silvestre, madalang na lang ito kung umuwi rito sa Pinas.
"She's fine. Masaya naman siya sa asawa niya," medyo malungkot ang tono ng boses nito. Nagkahiwalay kasi si Tita Silvestre at ang ama ni Savannah na si Tito Xian. Hinawakan ko ang kamay ni Savannah.
"Di ka pa nakakapag-move on? How's Tito Xian?" pangungumusta ko sa ama nito.
"He's okay now at busy sa pag-aasikaso ng business niya," nakangiti na nitong saad. Kahit naman kasi nagkahiwalay ang parents nito ay pareho naman niyang mahal. Hindi lang talaga nag-click ang pagsasama nila.
Matapos ang kwentuhan namin ay nagpasya kaming maglibot-libot na muna sa mall. Matagal na rin kaming hindi nakakapag-shopping na dalawa.
"Best! Bagay ba?" tanong ko kay Savannah habang pinapakita ko sa kanya ang hawak kong black evening dress. May mahaba itong slit sa kaliwang bahagi. Sigurado akong hakab na hakab 'to sa katawan ko. V-neck ito at paniguradong mahuhulma ang cleavage ko. Pinasadahan ni Savannah ang damit. Natagalan ito sa pagdedesisyon.
"It's too daring! Pumili ka ng iba," sagot nito. Napairap naman ako sa sinagot nito.
"Bahala ka! I want this. It's stunning and seductive!" nakangisi kong saad bago ibinigay sa sales lady ang damit na napili ko.
"Tsk! Why you'd ask me kung ikaw rin naman ang masusunod?" taas ang kilay nitong saad. Tinawanan ko lang ito.
Namili rin si Savannah pero ang pinili nito ay medyo conservative na mga dress. Kitams 'di ba? Ang laki talaga ng pinagkaiba namin ni Savannah. Hindi lang sa ugali, maging sa ibang bagay rin.
Napagod kami sa kakalibot at pamimili ng mga gamit na magustuhan namin. Nasa grocery section na kami ni Savannah niyaya ko kasi itong sa condo ko na muna tumuloy. Mabuti na lang at pumayag ito.
Nagtutulak ako ng cart habang si Savannah naman ang naglalagay ng mga stocks. Tamang-tama rin dahil wala na talaga akong stocks sa bahay.
Habang nagtutulak ako ay nakita ko ang pinsan ko. Malakas ko itong tinawag.
"Kuya!" tawag ko rito at kumaway pa talaga ako. Nasa likuran ko si Savannah kaya 'di siguro nito napansin si Kuya Pierre. Kahit naman siguro makita niya ay hindi niya rin papansinin ito dahil kontra silang dalawa.
Lumingon si Kuya Pierre sa akin at nakita ko itong mukhang nagulat sa nakita. Kumunot ang noo ko. Hindi siya nakatingin sa akin. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan ni Kuya. Mas lalong kumunot ang noo ko dahil kay Savannah ito nakatitig. Mukhang nagulat din ang kaibigan ko. Her face is pale. Matagal ko namang alam na may gusto si Kuya Pierre kay Savannah. It's just Savannah hated my cousin. I don't know why. It's kinda serious matter.
"Sav?" tawag ko sa kaibigan kong natulala na. Lumingon ito sa akin at pilit na ngumiti.
"Are you okay? Nag-away ba kayo ni Kuya? You look pale," mahina kong wika rito. Umiling-iling ito.
"H-ha? H-hindi naman kami nag-away ng Kuya mo, pero alam mo namang matagal na kaming hindi good vibes 'di ba?" nautal siya nang sabihin ‘yon pero kalaunan ay napatango na rin ako.
"Sav!" si Kuya Pierre, napalingon kaagad ako rito. Hindi ko napansin ang paglapit nito.
"Kuya Pierre! How are you?" ako na ang bumati rito. Nabaling naman sa akin ang tingin nito.
"Still fine. I didn't know that you were here," sabi ni Kuya Pierre. Ang paningin nito ay nasa kaibigan ko. Tumikhim ito tiningnan si Kuya.
"Kararating ko lang din naman," mahina nitong sagot. Napatango-tango si Kuya.
"I'm happy to see you," madamdamin nitong pahayag. Hindi na nagkomento pa si Savannah. Sandaling namayani ang katahimikan sa amin. Tumikhim ako para mawala ang tensyon.
"Ahm. . . Kuya, ano palang ginagawa mo rito?" tanong ko.
"May pinabibili kasi si Mom kaya dinaanan ko na lang."
Napatango ako. Ilang sandali pa ay may dinukot ito sa kanyang suot na jacket. It's like a card- an invitation card. Ibinigay niya 'yon sa akin.
"Punta kayo sa birthday party ni Mom, bukas na 'yon. I hope na makapunta ka rin, Savannah." Matiim ang tingin na ibinigay ni Kuya Pierre sa kaibigan ko.
"I will try to be there," maikli nitong sagot.
Ngumiti naman si Kuya sa sinabi nito. Parang may hindi ako alam sa dalawang 'to ah. May inililihim ba si Savannah sa akin?
Matapos ang aming pamimili ay dumeretso na kami sa condo ko. Nakakapagod ang araw na 'to.
Tabi na kami ni Savannah na natulog sa kama. Paglapat pa lang ng katawan namin sa malambot kong kama ay agad na kaming hinila ng antok.
Hinila ko ang kumot papunta sa mukha ko. Nasisilaw ako sa liwanag kaya tinakpan ko ang aking mga mata.
"Gising na!" malakas na sigaw ni Savannah sa akin. Ayaw ko pa at inaantok pa talaga ako. Tuluyan na pala kaming nakatulog ng kaibigan ko kagabi. Ni hindi na kami nakakain ng hapunan.
"Inaantok pa ako," paos ang boses kong saad dito. Natakpan ko ng aking kamay ang aking mukha ng biglang hilahin ni Savannah ang kumot ko. Umungol ako bilang protesta.
"Sav!" malakas kong sigaw ng maramdaman ko ang malamig na tubig sa aking mukha.
"Ano gising ka na ba?" natatawa nitong tanong. Binuhusan lang naman ako ng tubig ng magaling kong kaibigan sa mukha ko!
"Ahhhh! I hate you!" malakas kong sigaw rito at bumangon ako upang habulin si Savannah. Mabilis naman itong tumakbo.
"Hide Savannah! Hide!" malakas kong sigaw at tinakbo kung saan siya nagtago. Dahan-dahan ko itong pinuntahan at ginulat.
"Bulaga!" pangugulat ko rito.
"Ahhh!" sigaw nito at tawa ng tawa.
Kinagabihan ay nag-aayos na kami ni Savannah para pumunta sa birthday party ni Tita Pauline. N'ong una ay ayaw sumama ni Savannah pero pinilit ko ito.
"Kung talagang wala kayong tinatago ni Kuya Pierre bakit ayaw mong pumunta sa party?" tanong ko rito. Hindi ito sumagot at agad na pumayag. Isinuot ko 'yong black evening dress na nabili ko. I'm sure marami na namang gwapong mga lalaki d'on. Pero syempre bawal na muna akong lumandi dahil may Brent na ako.
Nilingon ko si Savannah, napangiti ako rito. Kahit simpleng damit lang ay bumabagay talaga sa kanya.
"Wow! You're so beautiful Sav!" puri ko rito.
Nahihiya naman itong tumingin sa akin.
"Hindi ba masyadong sexy? Itong dibdib ko na depena na ng husto. . . I think I must change-"
"Ano ka ba? Maria clara? It's beautiful. Tama lang na ipagmayabang mo 'yang dibdib mo!" mataray kong sabi rito. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa mansion nila Kuya Pierre Inson.
Nakita kong napalunok ng ilang beses si Savanna. Ngunit 'di ko na ito pinansin pa.
Sabay kaming dalawa na pumasok sa loob. Konti lang ang tao sa loob. Mukhang private party lang ang kaarawan ni Tita Pauline.
Nakita ko kaagad si Kuya, kaya namam ay kinawayan ko ito. Imbes na ako ang pansinin nito ay kay Savannah ito nakatingin. I think there's something wrong between them. 'Di ko lang alam kung ano.
Agad akong ngumiti kay Kuya Pierre nang lumapit ito sa amin.
"Hi! Bhie, you look beautiful tonight. And Savannah, you're gorgeous. Thank you for coming," matamis itong ngumiti kay Savannah. Tsk! Beautiful lang ako tapos kay Sav, gorgeous. Kung 'di ko lang best friend si Savannah ay nakatikim na si Kuya sa akin.
"Let's enjoy the party!" sigaw ko.
"Yeah! Enjoy the party!" ngiti ni Kuya.
May nakita akong kakilala kaya naman nagpaalam ako kina Kuya at Savannah.
"Kuya, ikaw na muna ang bahala ka Savannah. May kakausapin lang akong kakilala ko," paalam ko rito.
"Pero, B-bhie-"
"Don't worry about her, she's safe with me," pinutol ni Kuya ang protesta ni Sav sa akin.
Mabilis ko na silang tinalikuran.
"Safe my ass. . ." narinig ko pang sabi ni Sav. Hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin dahil alam ko namang mga bata pa lang kami ay hindi na sila magkasundo.
Ang daming gwapo sa paligid pero hindi na ako pumatol pa, I know my limitations. Mag-aagaw ako pero 'di ako cheater.
Nakipag-sayaw pa ako sa mga kakilala ko.
Nakalimutan ko nga ring kasama ko pala si Savannah. Siguradong sermon ang aabutin ko sa kanya mamaya. Nandon naman si Kuya Pierre eh, sure akong eestemahin ito ni Kuya. Si Savannah lang naman ang manhid eh, matagal ng may pagtingin si Kuya Pierre kay Savannah. Pero malas lang ni Kuya dahil may long-time boyfriend na pala ang best friend ko.
Hinanap na ng mata ko si Savannah at baka anong nangyari na sa kanya. Ngunit hindi ko talaga ito makita.
Naisipan kong baka nasa may garden ito. Wala kasing tao d'on. Habang papalapit ako ay naririnig ko ang mahihinang boses ng nagtatalo.
"I'm sorry-" napasighap ako nang marinig ang malakas na sampal na lumagapak sa mukha ni Kuya. I know na si Kuya Pierre 'yon base palang sa boses nito.
"I will never ever forgive you."
Kumunot ang noo ko nang mabosesan si Savannah. Bakit anong kasalanan ni Kuya sa kanya?
Wala na akong narinig pa at nakita ko na lang na papalapit na si Savannah sa banda ko.
"Sav?" nagulat pa ito ng makita ako.
"Kanina ka pa?" tanong nito.
"Ngayon lang, I'm looking for you," mahina kong saad. Nakita ko si Kuya Pierre na papalapit sa akin.
"Let's leave this party now," mariin nitong utos na siyang ikinatango ko.
Mali yatang pinilit ko itong sumama sa party ngayong gabi.