Pagdating namin sa condo ko ay agad kong tinanong si Savannah, curious na curious ako sa kung anong meron sa kanila ni Kuya Pierre, I'm her best friend pero parang may itinatago ito sa akin.
Walang emosyon ang makikita ko sa mukha ng aking kaibigan. In this state I know that she's mad.
“Sav, what is between you and Kuya Pierre?” tanong ko kaagad nang makapasok kami sa unit ko.
“Wala, matagal mo namang alam na hindi kami magkasundo na dalawa,” malamig nitong sagot sa akin.
“I know may tinatago kayo sa akin. C'mon I'm your best friend, bakit hindi mo ma-share sa akin ang problema mo?” kulit kong tanong ulit sa kanya. Sinundan ko pa ito papasok sa kwarto ko. Malakas itong napabuntonghininga at saka hinarap ako.
“Wala kaming tinatago sa ‘yo, it's just hindi talaga kami magkasundong dalawa,” may inis na sa boses nitong saad. Hindi madaling magalit si Savannah pero sa nakikita ko ngayon ay nawawalan na ito ng pasensya.
Napabuntonghininga na lang ako. Kahit pilitin ko man siyang magsalita ngayon ay hindi pa rin niya ako sasagutin.
“Fine, alam mo namang nandito lang ako parati sa ‘yo, kapag may ginawang kalokohan sa ‘yo si Kuya Pierre, just tell me at ako ang bahala sa kanya. Okay?” mahinahon kong pahayag dito at saka ito niyakap. Nagulat man ito sa ginawa ko ay niyakap niya naman ako pabalik.
Kinabukasan ay sinabi ni Savannah na samahan ko siya sa Villa Margarita kung saan ang vacation house ko. Gusto niyang masiguradong malinis ang bahay at ang kwartong tutuluyan ng boyfriend nito. Pumayag naman ako. May naglilinis naman doon every month. Kasi nga minsan lang ako kung maligaw roon.
Mamimili na rin kami ng stock dahil walang stock sa bahay ko.
Isang simpleng V-neck blouse na kulay brown at hapit na hapit sa akin ang sinuot ko. Tenernuhan ko na lang ng maong short.
Naglagay lang ako ng konting make up at hinayaan kong nakalugay lang ang aking buhok. Paglabas ko ay handa na rin si Savannah.
“Sa ibaba na tayo mag-almusal,” yaya ko rito. Tumango lang ang kaibigan ko. She's really beautiful kaya baliw na baliw na si Kuya Pierre sa kanya. But sorry to him, kahit naman pinsan ko siya ay hindi ko ipipilit si Savannah sa kanya.
“Best, mukhang mapapaaga ang pagpunta ng boyfriend ko rito. Okay lang ba sa ‘yo?” alanganing tanong ni Sav. Ngumiti naman ako rito.
“Of course! Wala namang nakatira roon eh. Anytime ay pwede siyang tumuloy sa bahay,” I assured her. Malapad naman itong ngumiti sa akin. Pero hindi ko alam kung bakit hindi umabot sa mga mata nito ang kanyang ngiti. Hinayaan ko na lang ito. Pagdating namin sa baba ay tinungo namin ang restaurant sa building. Alam kong mapapagod kami mamaya sa paglilibot kaya kakain muna kami.
As usual ay ang favorite breakfast namin ni Sav ang in-order namin. Wala namang special sa garlic rice with hotdog and egg.
Matapos kaming mag-breakfast ay dumeretso na kami sa grocery store.
“Wait best, tawagan ko lang muna si Madeleine para pumunta sa Villa Margarita. Siya at ang isang katulong ang maglilinis doon,” paalam ko sa kaibigan ko. Tumango naman ito. Habang nakikipag-usap kay Made ay panaka-naka kong pinapanood si Savannah. Paglingon ko ay nahagip ng mga mata ko si Kuya Pierre. Kumunot ang noo ko. Sinusundan niya ba kami? O baka sinusundan niya si Savannah?
“Ate, nandyan ka pa ba?” untag ni Made sa akin.
“Oo, sige na bilisan niyo nang pumunta roon sa bahay dahil papunta na rin kami. Ayusin niyo ang guest room at palitan ng punda at comforter. Salamat,” matapos kong bilinan si Made sa kanyang gagawin ay agad ko ng pinutol ang tawag. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Ngunit hindi ko na makita si Kuya Pierre. Namamalikmata lang ba ako? Pero impossible naman. Nakita ko talaga ito.
“Best! Bilisan mo na!” tawag ni Savannah sa akin. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ito sinundan. Nakiramdam pa rin ako sa paligid ko, pero hindi ko na nakita pa ang aking pinsan. Nakalimutan ko na rin ang nakita ko dahil panay ang kwento ni Sav sa naging achievement nito sa ibang bansa.
Isa kasi itong professional photographer. Kaya nalibot na yata niya ang buong bansa sa pagkuha ng magagandang larawan.
And I'm so proud of her. Hindi naman kami madalas na mag-away na dalawa. Siguro dahil magkaiba kami ng personality. Mas madalas siyang manermon sa akin. Si Savannah ay hindi lang best friend for me, but she's also my sister.
“Hey! Natulala ka na!” natatawang untag ni Sav sa akin. Nginitian ko lang ito.
“Nagagandahan lang ako sa ‘yo,” biro ko rito. Umakto naman itong parang kinikilabutan.
“Bhie! Maghunos-dili ka! Hindi tayo talo!” nahihintakotan nitong saad. Malakas naman akong natawa sa naging reaction nito.
Dumeretso na kami sa Villa Margarita pagkatapos namin sa grocery store. Bumusina ako at agad namang binuksan ni Madeleine ang gate.
Tinulungan kami ni Made sa pagdadala ng mga plastic bags na may lamang grocery.
Inilapag namin sa mesa ang mga plastic bag. “Made, samahan mo si Sav sa guest room, para makita niya ang kulang or papalitan na gamit,” utos ko kay Made. Tumango naman ito.
“Sige po Ate. Miss Sav, dito po tayo,” yaya ni Made kay Sav. Sumunod naman ang kaibigan ko rito. Ako naman ay inilabas ko ang mga grinocery namin. Marunong naman akong mag-ayos dahil sanay ako sa mga gawaing ganito.
Inilagay ko sa ref ang mga frozen food, gulay at prutas. Ang mga de lata ay inilagay ko sa cabinet kung saan nakalagay ang mga dry food. Matapos na maayos ang groceries ay naghanda ako ng meryenda.
Kinuha ko ang isang supot ng loaf of bread at ang lalagyan ng peanut butter.
Kumuha muna ako ng plato at kutsara.
Nilagyan ko ng peanut butter ang tinapay at maayos kong inilagay sa plato. Inubos ko ang isang supot ng loaf bread sa at nilagyan ng peanut butter. Kinuha ko ang isang pitsel ng malamig na tubig at nagtimpla ako ng powdered juice. Matapos akong makagawa ng meryenda ay dinala ko ‘yon sa center table sa sala.
“Mag-meryenda na muna tayo!” malakas kong sigaw sa mga kasamahan ko. Gutom na ako kaya nauna na akong kumain. Umupo ako sa sofa at kinuha ko ang aking cellphone. Binuksan ko ang social media account ko. Nakita ko ang ilang notifications kaya binuksan ko ‘yon. Naagaw ang pansin ko sa naka-tag sa akin. Kunot-noo kong binasa ‘yon. Naging mabagal ang pagnguya ko dahil sa nabasang article. Is it true? Kung totoo man ay dapat ko itong makausap, personally.
Nakita kong online ang binata kaya nag-type kaagad ako ng message para sa kanya.
Me:
Is it true? About the article.
Agad ko ‘yong sinend. Nakita kong nag-seen siya. Hinintay ko ang reply niya.
Brent:
Let's talk about it privately.
Mas lalong kumunot ang noo ko. Nag-reply kaagad ako.
Me:
Sure. Same time and place.
Matapos iyong ma-send ay pinatay ko na muna ang data ng phone ko. I think it's true. Pero hindi man lang ako nakadama ng lungkot o sakit. Maybe I like him, pero malayo sa love, kaya siguro bawat break-up ko ay ang dali kong maka-moved on. Napabuntonghininga ako. Dapat na nga siguro akong magbago. Pero paano? Paano ko babaguhin ang sarili ko? Para itong drugs na nakaka-addict. Ang hirap bumitaw sa obsesyon ko.
“Bhie! Haler! Kanina pa kita tinatawag!” nakairap na sigaw ni Savannah sa aking harapan. Nahilot ko lang ang sintido ko.
Parang na-stress ako bigla.
“I'm sorry may iniisip lang ako,” balewala kong wika sa kanya.
“Tapos na kami,” imporma nito.
“That's good. Mag meryenda na muna kayo,” yaya ko sa kanila. Malakas na natawa si Savannah.
“Ubos na nga ang meryendang hinanda mo!” natatawa nitong wika. Ha? Ang bilis naman. O baka sa lalim ng nilakbay ng aking diwa ay hindi ko napansing naubos na nila ang meryendang hinanda ko. Tiningnan ko ang kamay ko na may hawak na tinapay na kinakain ko. Nagtaka ako. Nasaan na nagpunta ang tinapay ko? Napalingon ako nang malakas ulit na tumawa si Savannah.
What happened to her? Bakit panay tawa niya? Tsk! Gutom pa naman ako.
“Inubos na rin ni Made ang hawak mong tinapay kanina. Sa sobrang lutang mo ay hindi mo na naramdaman ang pagkuha ng tinapay sa kamay mo!” natatawa pa rin nitong paliwanag. Halos maluha-luha na nga ito kakatawa. Tsk! Ang babaw ng kanyang kaligayahan. Teka nga!
“Madeee!!!” malakas na tawag ko sa dalaga.
“Nakauwi na sila kaya wala ka ng magagawa dyan!” imporma ulit ni Savannah sa akin. Natawa na lang ako. Loka-loka talaga ang babaeng ‘yon. Humanda talaga siya kapag nagkita kaming dalawa.
Napagpasyahan naming umuwi na muna sa condo ko. Dahil sa sobrang gutom ay naubos ko ang order ko sa isang sikat na fast food chain. Dahil rin sa gutom ko ay nawala sa isipan ko na may usapan kami ni Brent na magkikita. Hay! Bahala na siya buhay niya. Maghahanap na ulit ako ng bagong target ko. Napahaba ang tulog ko dahil nang magising ako ay six in the evening na.
Agad akong bumangon. Sheyt! Seven in the evening ang usapan namin ni Brent. Matapos akong mag-shower ay nag-suot ako ng daring na damit. Ipapakita ko sa binata na sinayang niya ako. I smile devilishly.
Paglabas ko ay nakita ko si Sav na nanonood ng television.
“Best, alis muna ako. Ikaw na bahala rito. Order ka na lang ng dinner mo. Bye!” paalam ko rito.
“Take care! Bye!” paalam naman ni Sav.
Pagdating ko sa meeting place namin ay agad kong nakita ang binata. He's still hot and yummy. Pero hindi na katulad ng dati ang nararamdaman ko sa kanya. Wala na ‘yong kilig. Parang normal na lang ang lahat sa amin.
“Bhie. You look so great!” puri ni Brent sa akin. Kitang-kita ko ang paghanga sa mga mata nito. I seductively smile at him.
“I'm always beautiful. So, ako na ang unang magsasalita,” walang paligoy-ligoy kong saad. Sabay pa kaming umupo na dalawa.
“Sure. But first, mag-order na muna tay-”
“Don't bother na. Aalis din naman agad ako. I just want to have a closure with you. Let's end our relationship,” putol ko sa sinasabi nito at agad sinabi ang aking pakay.
“Wait, I will explain my sid-”
Umiling ako at senenyasan siyang manahimik.
“Let's just stop here okay? Break up is the best solution,” matapos ko ‘yong sabihin ay tumayo na ako at walang lingon-likod akong umalis. Akala niya ata maiisahan niya ako.