Blind date, BHIE

1844 Words
Inis akong bumalik sa condo ko. Halos itapon ko ang aking bag dahil sa inis. Ang kapal ng mukha. At talagang hinabol pa ako para mag-explain. Explain his ass. Hindi ako katulad ng ibang babae na martir at tanga. Ibahin niya ako. Naalala ko na naman ang sinabi nito. “Love, hindi totoo ang nasa article! I don't have plan to settle yet unless it's you!” puno ng pagmamakaawa nitong paliwanag sa akin. Tumaas ang kilay ko. Before akong pumunta upang makipagkita sa kanya ay inalam ko muna ang totoo. I'm not that stupid. Sabi ko nga ibahin niya ako sa ibang babae. Kinausap ko si Kuya Pierre at nagpa-imbestiga. The article is true. He's going to marry Victoria because of money. Akala niya ba hindi ko malalaman? Kaya pala ang lakas ng loob ng babaeng ‘yon na manugod dahil may alas pala. But I don't care. At least ako hindi magmamakaawa sa isang lalaki. Malakas ko itong tinawanan. “I told you, huwag mo akong igaya sa ibang babae. And I don't really care kung magpakasal ka man sa kahit sinong babae, besides hindi kita mahal, maybe I like you. But, I'm sorry to say, hindi ako maghahabol sa lalaking hindi ko mahal. Just marry Victoria, tutal naman mas bagay kayong dalawa. And huwag mo akong susundan dahil kapag ginawa mo ‘yon, you'll regret it.” Mahaba kong saad sa kanya at hindi na pinakinggan pa ang anomang sasabihin niya. “Hey! Anong nangyari sa ‘yo?” tanong ni Savannah sa akin. Bigla ko na lang kasing itinapo ang bag ko. “I really hate those men na mangloloko! Cheating is not my thing.” Naiinis ko pa ring wika. Nahilot ko tuloy ang sintido ko. “I told you, magbago ka na. There's a lot of men who's willing to court you. Bakit hindi na lang sila ang pagtuonan mo ng pansin?” suhestyon ni Savannah sa akin. Umikot lang ang mga mata ko rito. “Its hard to change. Alam mo ‘yon, parang drugs na ang obsession ko, ang hirap tanggalin sa sistema ko. I don't know kung magbabago pa ba ako,” wala sa sarili kong sagot kay Sav. Feeling ko kasi wala na akong pag-asa pang magbago eh. Naramdaman ko ang paghawak ng kamay ni Sav sa aking kamay. Kunot-noo ko itong tiningnan. “Don't lose hope. I'm willing to help you, pwede kang magpakunsolta sa isang psychiatrist. Sasamahan kita,” mahinahon nitong pahayag. Agad kong ipiniksi ang aking kamay na hawak niya. Psychiatrist? Am I crazy? The hell no! “I'm not crazy Sav! My goodness!” inis kong pahayag sa kanya. “I know. Hindi ko naman sinabing baliw ka eh. But, hindi naman lahat ng nagpapatingin sa isang psychiatrist ay baliw.” She explained. But I don't care, hinding-hindi ako magpapatingin sa isang psychiatrist. I'm normal. Really? Pang-uuyam ng isip ko. Umirap lang ako rito. “I don't care! Basta it's a no for me. Hindi ko pa lang siguro nakikita ang lalaking para sa akin.” Deklara ko rito. Napailing na lang si Sav habang nakatingin sa akin. Inaya ko na itong matulog na kami. Inaantok na rin kasi ako. But before I go inside my room ay malakas na tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ‘yon at nakita ang pangalan ni Mommy sa screen ng phone ko. Umikot ang mga mata ko bago ko sinagot ang tawag nito. “Mom?” walang buhay kong tanong dito. “I heard na umuwi si Savannah. Dito na kayo mag-dinner tomorrow, okay? May pag-uusapan din tayong mahalaga.” My Mom's voice is serious. And I can't say no for her. Malakas akong bumuntonghininga. “Okay, bye!” sagot ko rito at agad na binaba ang tawag. “Who's calling you?” narinig kong tanong ni Savannah. Pumasok muna ako sa loob ng silid at naghubad. “Mom, sa bahay raw tayo mag-dinner bukas.” Walang kabuhay-buhay kong balita kay Sav. Nagbihis ako at agad na dumapa sa kama. “Talaga? Miss na miss ko na rin naman sina Ninang Isabella at Ninong Eliseo. Kaya pupunta tayo,” deklara nito. Napasimangot ako. Alam kong kukulitin na naman ako ni Mom at Dad tungkol sa pagbibigay ng apo sa kanila. Para bang isang candy lang ang hinihingi nila sa akin? Mas lalo akong napasimangot. “Whatever!” inis kong sagot dito na tinawanan lang ni Sav. Kinabukasan ay pumasok ako sa office. Marami na ulit akong gagawin. Kung gaano ako ka-loka sa labas ay ganoon ako ka-seryoso sa office. Halos lahat ng empleyado ay takot sa akin. Lalo pa at isa akong perfectionist. I don't give a damn lalo na kung hindi nila inaayos ang kanilang trabaho. Sinasahuran sila upang gawin ng maayos ang kanilang trabaho. Napaangat ang ulo nang may kumatok sa pinto ng office ko. “Come in!” malakas kong sigaw. Agad naman pumasok ang secretary ko. “Miss Bhie, ito na po ang mga papeles na pinahanda ninyo.” Imporma ng secretary ko at inilagay ang papeles sa mesa ko. Pinasadahan ko ‘yon ng tingin. “Thank you,” pasasalamat ko rito. “By the way, Miss Bhie, may nag-send ng proposal galing sa Infante group of company. Nagpapa-schedule po ang representative nila ng meeting.” Muli ay imporma ni Elizabeth, ang secretary ko. Napaisip ako. Infante? It's familiar. Oh! Sila ang isa sa malaking kompanya all over the world! Bakit ko ba nakalimutan. This is it, sila na mismo ang lumapit sa company namin. “Set an schedule for IGC, okay?” nakangiti kong utos sa babae. Tumango naman ito. “Noted Miss Bhie,” matapos iyong sabihin ay lumabas na ito ng office ko. Pinaikot-ikot ko ang ball pen sa kamay ko. It's my lucky day. Kaya sisiguraduhin kong makukuha ko ang tiwala ng representative ng IGC. Bakit kaya hindi ang CEO ang makikipag-meeting sa akin? Hmmm. Anang isip ko. Dahil sa sobrang busy ay hindi ko na namalayan ang oras. Lunch break na pala. Kailangan kong matapos ang aking mga gawain ngayon kaya nag-utos na lang ako sa aking secretary na mag-order ng lunch namin. Ilang saglit pa nga ay dumating na ang lunch ko. Mabilis ko na iyong kinain at muling hinarap ang mga papeles sa harapan ko. Kinahaponan ay umuwi agad ako sa condo ko. Hindi ko nakita si Savannah sa sala. Natigilan ako nang marinig ang galit nitong boses. Nasa kusina siya. I don't know pero may urge na nagsasabing makinig ako sa pinag-uusapan nila. Lumapit ako at nakinig kay Sav. “I told you, tantanan mo na ako!” galit ang boses nitong saad. Lalong kumunot ang noo ko. “I will never love you. Ikaw ang dahilan kung bakit naging miserable ang buhay ko. You ruined me!” natuptop ko ang aking bibig. Ruined? Who ruined my best friend? Ang daming katanungan sa aking isipan. Narinig ko ang mahihinang hikbi nito. “Wala ng magagawa ang sorry mo. Nangyari na ang lahat. Hindi mo na maibabalik pa ang buhay ko na sinira mo. You're so selfish. Kaya please lang get out of my life!” malakas namang humagulgol si Savannah. Gusto ko siyang lapitan at i-comfort, pero baka magalit siya dahil nakikinig ako sa kanya. At sa kung sinomang kausap sa phone. Umatras ako at agad na dumeretso sa aking silid. Dahan-dahan lang ang naging paghakbang ko. Ayaw kong isipin niya kanina pa ako nandito. Nagprepare na ako dahil sa mansion kami ngayon mag-di-dinner. Matapos mag-shower ay lumabas ako para magbihis. Narinig kong bumukas ang pinto kaya agad akong napatingin doon. Nagulat pa si Savannah nang makita niya ako. Tears are visible in her face. Imbes na tanungin ito ay ngumiti lang ako sa kanya. Na para bang wala akong narinig. “Kanina ka pa?” medyo paos ang boses nitong tanong kaya mabilis itong tumikhim. “Ngayon-ngayon lang. Dumeretso na ako sa shower nang hindi kita makita,” balewala kong sagot at naglakad na papunta sa closet ko. Umiwas ito ng tingin sa akin. “Ah, ganoon ba. Mag-aayos na rin ako,” sabi nito. Tumango lang ako kahit nakatalalikod ako rito. Simpleng damit lang ang isinuot ko pero very seductive. Baka mamaya may gwapong nilalang na sasalo sa lahat ng problema ko at magiging knight and shining armor ko. Habang si Savannah naman ay as usual, simple lang ang suot nito pero may pagka-conservative. “Bff talaga tayo! We're beautiful!” pabiro kong saad kay Sav na tinawanan lang niya. Pagdating namin sa bahay ay agad na sinalubong kami ng parents ko. Niyakap nila si Savannah. “Lalo kang gumanda, hija!” bulalas ni Mom na sinipat ng mabuti si Sav. Natatawa na lang ang huli sa naging asal ni Mom. “Mas maganda po kayo, Ninang. Kaya head over heels si Ninong Eliseo sa ‘yo eh!” biro ng kaibigan ko. Pinamulahan naman si Mom ng mukha. “Ikaw talaga hija, napaka-honest mo,” kinikilig na sabi ni Mom. Iginaya kami ng parents ko sa dining area. Mukhang pinaghandaan talaga nila ang gabing ito. “Wow! Mga favorite namin ni Bhie ang hinanda niyo. Salamat Ninang!” masayang komento ni Sav. “Naku, minsan ka lang naman madalaw dito,” si Mom. Nag-umpisa na kaming kumain at panay kwento at tanong ng parents ko kay Sav. “Hija, may boyfriend ka na ba?” tanong ni Mom. Ngumiti si Sav at tumango. “Yes Ninang. Five years na kami,” masayang sagot nito. Nakita ko ang galak sa mukha ni Mom. “Talaga? Kailan kayo magse-settle down?” tsk. Parang ito ang excited sa pagpapakasal ng kaibigan ko. “Hindi pa namin napag-uusapan Ninang. Maybe sooner or later,” balewala nitong sagot. “Gumaya ka sana sa best friend mo Bhie, may matinong boyfriend. Ikaw kailan ka magtitino? Isipin mo ang sinabi namin ng Dad mo. Kapag hindi ka nabuntis sa loob ng dalawang buwan ay wala kang mapapala sa amin. Is that clear?” sermon ng aking ina sabay paalala sa pagbubuntis. Tsk! “Napakabata ko pa para maging isang ina!” maktol kong depensa. “Shut up! Wala na kaming makuhang matinong boyfriend mo. Kung wala kang boyfriend, pwes maghanap ka para may bumuntis sa ‘yo ng magtino ka!” patuloy na sermon ni Mom. Napabuntonghininga na lang ako. “Hindi mo na kailangang maghanap ng lalaki anak. I will provide. Nag-set na ako ng blind date para sa ‘yo. Mamili ka na lang sa mga ka-blind date mo and don't worry lahat sila ay dumaan sa interview.” Mahinahong pahayag ni Dad na siyang ikinalaglag ng panga ko. Seriously? Ipamimigay na talaga ako ng mga magulang ko? Am I a business to them? “Dad! Mom! Please, don't interfere with my love life! Matanda na ako para sa mga ganyan!” inis kong sigaw sa kanila. Hindi ko na talaga mapigilan ang inis ko. Blind date my ass. Matapos ko ‘yong sabihin ay agad ko na silang tinalikuran. Tinawag pa ako ni Mom pero hindi ko na ito pinakinggan pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD