Lemonsquare
“Sigurado ka na ba d’yan sa desisyon mo? Hindi masyado mabilis?” tanong sa akin ni Tita. Bakas sa mga mata nito na may lungkot itong pinipilit na itinatago. Nagpaalam na kasi kami sa kanya na sasama ako kay Icer Hans na hanapin muli ang Pamilya nito. Hindi ko na binanggit pa sa kanya kung saan nagmula si Icer Hans at baka mawindang pa ito. Sumang-ayon naman siya sa akin basta ipangako ko daw na babalik agad ako. Ewan ko ba mga bakla pero ang bait sa akin ni Tita. Ngayon ko lang ito naramdaman simula nang magka-muwang ako sa mundo.
Ayoko na sanang sumama pa kay Icer Hans ngunit mayroong isang bagay sa isip ko na pumipilit sa akin na sumama ako dito. Hays, ewan ko ba. Hindi ko din maipaliwanag kung ano ito at kung bakit iba ang pakiramdam ko pero buo na ang loob ko na pagsama kay Icer Hans.
“Opo, sigurado na po ako sa desisyon ko tita. Sandali lamang po ako, at babalik din ako agad,” nakangiti ko ring ko ani. Tumayo ito at lumapit sa akin matapos ay binigyan ako ng mahigpit ngunit malambot na yakap. Yakap ng isang ina.
“Mag-iingat ka ha. Mahal ka ni Tita,” bulong nito sa akin. Hindi ko alam ngunit nang marinig ko ang salitang ‘Mahal’ ay bigla na lamang pumatak ang mga luha ko. Napaka-sarap palang marinig mula sa taong nagpalaki sa ‘yo ang salitang mahal ka niya. Sapat na sana sa akin na marinig ang salitang ‘Mag-iingat ka ha.’ Pero may pasabog pa e. Naramdaman ni Tita na naluluha din ako. Ganon din si Icer Hans na nakaupo sa upuan at pinagmamasdan kaming magtiyahin sa ginagawa naming ito. Sinusulit ko ang bawat yakap niya dahil alam kong matagal pa bago ko ulit maramdaman ito.
“Mahal din po kita Tita,” verbal na ani ko ng pagmamahal ko para sa kanya. Buwisit man ako minsan kay tita pero alam ng Diyos kung gaano ko siya ka-mahal at kung gaano ako nagpapasalamat sa pag-aarugang ibinigay niya para sa akin.
Kumala ito sa aming pagyayakapan at nagpunas ng kanyang mga luha sa pisngi.
“Sige na. Wala naman na din akong magagawa. Mag-iingat kayo na lamang kayo,” sang-ayon at bilin niya. Tumalikod ito sa akin upang pumunta sa kusina at mabilis din ay nakabalik. May-dala-dala siyang mga prutas.
“Oh, ito…baunin niyo ang mga prutas na na iyan para may ma-kain kayo sa daan.” Ibinigay niya sa amin ang isang supot na naglalaman ng mga sari-saring prutas at akmang aababutan pa kami nito ng two hundred pesos pero tumanggi na ako.
“Naku tita, hindi ko na po matatanggap ang pera na ‘yan. Sobra sobra na po itong mga prutas. Syaka may natira pa po akong pera galing po doon sa pagtitinda ko,” magalang na tanggi ko. Alam ko na wala din si tita at baka mamaya ay huling salapi na niya ‘yon at ibibigay niya pa sa amin, kung kaya’t hindi ko na ito kinuha pa.
“Huwag ka nang tumanggi at kuhanin mo na. Binigyan ako ni Mareng Butter five hundred pesos kaya may matitira pa sa akin,” pagpupumulit niya.
“Hindi naman po namin kakailanganin ng salaping iyan para sa aming paglalakbay. Maraming salamat po sa pag-alok sa amin ng inyong munting kayamanan,” pagsingit ni Icer Hans. Ngumiti siya tanda ng pagtanggi sa alok sa magalang na paraan.
Ayon nga at nakumbinsi naman namin si tita Viscit na huwag nang ibigay sa amin ang pera dahil mas kakailanganin niya iyon. Nagpaalam na ulit kami sa kanya na tutungo na sa aming misyon. Pinaalalahan ko siya na parating mag-iingat. Naku, siya na lang ang mag-isa dito sa bahay pero alam kong hindi siya papabayaan ng Lumikha. Mahirap para sa akin ang desisyon ko ngunit sa pakiramdam ko ay kailangan ko talagang sundin kung ano ang sinasabi ng bagay sa loob ko. Para bang pinipilit nito na sumama ako at kagaya nga ng paulit ulit na sinasabi ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganon. Ang tanging alam ko lang ay sundin ito dahil kung hindi ay maari itong sumabog sa loob ko at maging sanhi pa ng pagsisisi ko.
“Salamat sa pagsama sa akin upang makabalik muli sa aming kaharian,” wika sa akin ni Icer Hans. Kasalukuyan kaming naglalakad dito sa kakahuyan at hinahanap namin ang dalawang hugis susong bundok ayon sa kanya. Iyon daw kasi ang lagusan pabalik sa kanilang kaharian. Nginitian ko lamang siya at hindi na gumawa pa ng kahit anong reaction.
“Gusto mo bang buhatin kita upang hindi ka na mahirapan pa sa paglalakad?” mungkahi nito sa akin. Nagulat ako sa alok niya kung kaya’t napatingin ako sa kanya ng walang sa oras. Ang gentleman at ang sweet naman pala ng lalaki na ‘to.
“Ano? Kaya mo ba akong buhatin?”
“Sus, ako pa ba? Eh, prinsipe nga ako ‘di ba?” pagmamayabang nito. Ang gwapo ng taong ito! Hinding hindi ako magsisisi na sumama ako sa kanya. Ay, kaya ka lang pala sumama sa kanya dahil na guwapuhan ka? Charot kang bakla ka!
“Huwag na kaya baka ihulog mo pa ako. Magasgasan pa ang smooth and white skin ko,” pagmamatigas ko.
“Oh sige , ikaw din. Ikaw na nga ang inalok ng matipunong prinsipe na buhatin ay hindi mo pa sinunggaban ang alok,” sagot nito. Nangongosensya ba siya? Ano naman kung matipuno s’ya? Wala akong tiwala sa kaniya hano! Baka mamaya ay ibalibag niya pa ako kapag nabigatan siya sa akin at makarating pa ako sa ibang bansa ng wala sa oras. Hey, afam dreams! Hihi!
Imbis na sumagot ako sa kanya ay inirapan ko nalang ito at ipinagpatuloy ang paglalakad. Wait lang, napaisip ako. Ang broad ng explanation niya kanina about sa dalawang hugis susong bundok na sinabi niya. Muli ay napatigil ako upang itanong iyon sa kanya.
“Paano natin makikita ang dalawang bundok na hugis s**o kung wala naman tayong mapa or any sign?” tanong ko.
Napaisip lang kasi ako dahil baka mamaya ay lakad kami ng lakad dito sa kakahuyan, wala naman pala kaming makikita na dalawang hugis susong bundok. Kapag walang katiyakan ang direksyon or lokasyon n’on ay tila nagsasayang lang kami ng oras.
“Hmmm…tama ka diyan. Paano nga ba?” Napaisip siya ng malamin sa sinabi ko.
“Teka lang, hindi ba’t prinsipe ka? Wala ka bang kahit anong kapangyarihan?” usisa ko.
“Wala akong kakaibang kapangyarihan. Tanging mga iilan lang ang lalaki at kadalasan ay babae sa aming kaharian ang mayroong kapangyarihan,” paliwanag nito. Medyo na-sad ako sa sinabi niya. Gusto ko kasing makakita ng powers gan’on! Pangarap ko kayang maging super hero noong kid pa ako.
“Sigurado ka? Kahit ano talaga wala?”
“Mayroon naman, malakas ang aking pisikal na katawan dahil doon ay hindi ako basta basta nakakaramdam ng sakit,” sagot nito sa akin.
“Naol, guwapo na strong pa,” bulong ko sa sarili ko ngunit hindi ko inaasahan na mariring niya pala iyon.
“Nakalimutan kong sabihin sa iyo na malakas din ang pandinig ko at naririnig ko kahit iyang mahinang pagbulong mo,” nakangising wika niya. Tumingin ito sa aking mga mata at dahan dahan akong nilapitan. “Gwapo ba ako sa iyong paningin ha?” mahinang tanong nito. Kumagat labi siya at ginalaw ang dalawang niyang makakapal na kilay. Malapit lang ang mukha niya sa akin kaya ramdam ko ang bango at init ng hininga nito. Kinakabahan ako mga sis. Bakit ba ganiyan siya? Nakakapanghina! Hindi ko alam ang gagawin ko.
“Ang lakas ng kabog ng dibdib mo,” ani niya.
Hala, narinig niya din pati ang pagtibok ng puso ko? Grabe naman ang isang ‘to. Hayst, parang dati naman hindi siya ganyan tapos ngayon bigla-bigla nalang siyang magbabago. Ay, matagal na kayong magkakilala gurl? Charot lang. I mean is, basta.
Tinitigan nito ang labi ko at tila ba nais niya itong sunggaban. “Ang pula at ang bago ng mga labi mo.” Muli ay naramdaman ko ang bango at ang init ng hininga niya.
Hindi ako makakilos at makapagsalita mga ateng. Hahalikan niya kaya ako?
“Kailangan ko ng isang halik upang makapag-isip ako ng paraan. At makita ang tamang daan patungo sa dalawang hugis susong bundok. Maaari bang makahalik ako sa ‘yo kahit saglit lang?” mga salita niya sa akin habang nakatingin sa aking mga muti at birheng mata.
Hindi pa ako kahit kailan nahahalikan ng kahit sinuman if itutuloy niya ang balak niya ay baka siya na ang maging first time ko? Charot! Bakit hindi ako makagawa ng aksyon? Para akong paralisado? Tila nais lang sumunod ng katawan ko sa mga hiling niya.
Mabilis ang mga pangyayari at para akong isang estatwa na hindi nagreklamo sa ibig na gawin sa akin ng lalaking nasa harapan ko. Naramdaman ko nalang na lumapat ang kanyang malambot, mapupula at mabagong labi sa akin.
Paglalahad ng Manunulat
Ang hitad talaga ni Lemonsqure oo!
Tumagal ng ilang minuto ang paghahalikan ng dalawa at matapos ito ay may hindi inaasahan na isang malaking Gagamba na kulay asul at berde ang biglang lumabas sa pagitan mayari ang matinding liwanag.
Nagulat silang dalawa lalo na si Lemonsquare at hindi siya makapaniwala kung saan nanggaling ang kakaibang nilalang na iyon. Ano ang ibig sabihin nito? Hindi kaya hindi din normal na tao si Lemonsquare dahil nagawa nitong puksain ang sumpa at makapagbuo ng kakaibang Gagamba sa isang halikan lamang? Oh kaya naman ay dulot ng ito ng kapangyarihan ni Icer Hans na isang prinsipe?
Lemonsquare“Sino ka? At saan ka nagmula?” gulat na hiyaw ko dito sa kakaibang Gagamba na bigla nalang sumulpot nang matapos ang paghalik sa akin ni Icer Hans. Eksena siya, bigla nalang nag-appear matapos ang bongganeling usok.
“Ako si Spiderflow. Ang very powerful na Gagamba na inyong nilikha. Ang Gagambang po-proteka sa aking inay at itay. Gusto n’yo iyon?” masiglang pakilala nito sa amin.
Ay ang bongga nagsasalita din siya ha! Pero teka lang, saan ba siyang lupalop nagmula at bakit ganyan ang itsura niya? Alagad kaya siya ni Icer Hans?
“Sino ang inay at itay mo at saan ka galing?” tanong ko sa kanya.
Nagulat ako ng itinuro nito kaming dalawa ni Icer Hans kung kaya’t nagtinginan kaming dalawa. “Bakit kami?” sabay naming tanong. So, wala ding alam si Icer Hans sa eksenang ito?
“Simple lang dahil kayo ang lumikha sa akin. Hindi niyo ba alam? paliwanag nito.
“Ha? Paano ka namin nilikha? Eh hinalikan lang ako nitong lalaki na ito tapos bigla ka nalang lumbas sa tabi tabi.”
“Shunga naman ni Mamelya oo. Sinabi mo na ang paliwanag, syempre nabuo ako gamit ang pinaghalong laway niyong dalawa ni Dadelya. Ang laway na makapangyarihan at tinatanggi sa lahat. Ang laway na nagmula sa dalawang sugo!” wika niya.
Anong pinagsasabi nito? Sampalin ko kaya siya ng isa nang bumalik siya sa katinuan? Naghalo lang ang laway naming dalawa ni Icer Hans ay nabuo na siya agad? Itchuserang Gagamba. Sinabi pa talaga nitong dalawang sugo. Anong ang nais niya iparating sa winika niyang iyon?