Lemonsquare
Nagising ako kanina wala na pala akong katabi. Saan ba nagpunta iyong si lalaki? Parang kagabi lang ay tamang higa lang ako sa braso eme-eme niya tapos ngayon ay wala na siya? Teka lang, hindi kaya na nanagip lang ako? Masyadong akong nagpapadala sa pagod ko kagabi at sa mga iba’t ibang eksena. Pero hindi, alam kong totoo lahat ng iyon. Sigurado ako, dahil nakita ko ang wangis niya, naamoy ko ang amoy nito, nahawakan ko ang balat niya, narinig ko ang boses niya at higit sa lahat ay nalasahan ko ang katas niya. Oh ayan ha! 5 senses iyan to prove na totoo ang nangyari kagabi. Hahah! So ayon na nga, nag-ayos ako ng katawan dahil balak ko ng umuwi sa bahay ni Tita Viscit, mukhang wala naman na akong ganap sa mundong ito. Charot!
Mabilis nang makarating ako sa bahay sapagkat hindi naman kalayuan ang lugar. Ewan ko ba't hindi ko naisip na umuwi nalang kagabi kaysa humiga sa medyo damuhan na 'yon. Hays, inuna pa kasi ang kakerihan e, Lemonsquare!
“Tita Viscit!?” pagtawag ko sa aking tiyahin habang papasok sa loob ng simple niyang bahay. Nandito kaya si tita?
“Oh sakto ang dating mo. Ipapakilala kita kay Icer Hans.” Bungad sa akin ni Tita galing sa kusina. Teka lang parang may kakaiba sa kanya ngayon? Bakit parang naka-ngiti siya? Hindi siya mataray sa akin ngayon? Nabarang kaya ito kagabi? Charot! At wait, sino si Icer Hans na ipapakilala daw nito? Baka may bagong jowa na si tita oh.
“Ah opo, tita. Sorry po ngayon lang ako nakuwi. Sino po si Icer Hans” saad ko. Hindi ito sumagot at hinila agad ako papunta sa kusina. Feeling ko talaga ay nabati si Tita sa kakahuyan. Mahilig pa naman itong magtapon ng mga kalat sa gilid. Baka mamaya ay nabati siya. Ang weird niya kasi talaga ngayon mga ses.
“Ikawwww?” Sigaw ko mga sis nang makapasok kami sa kusina. Paano ba naman kasi, hindi ko inaasahan na nandito pala itong lalaking hubad na ito sa kusina nila Tita. At wait, siya lang mag-isa ang tao dito? So, sino yung sinabi ni Tita na Icer Hans? Hindi kaya siya ‘yon?
“Teka, magka-kilala ba kayo?” nagtatakang tanong ni Tita sa amin. Habang kaming dalawa naman ni hubad na lalaki ay nagulat sa isa’t isa.
“Opo, tita,” sagot ko. Tumingin si Tita kay Lalaki at nakita niyang tumango ito. Nakakaloka din itong si Lalaki e. Ang bilis mang-iwan. Akala ko ay naglaho na siya at gumora na pabalik sa kaharian nila e dito lang pala gumora sa amin. Hayst, bet ko pa namang sumama e.
“Sino po si Icer Hans?” paglilinaw ko kay Tita. Hindi ko pa kasi knows ang name ng lalaki na 'to. Napag-usap na kami ng pagkayhaba-haba kagabi, hindi ko manlang naisipang itanong kung ano ng pangalan niya. Hayst, Lemonsquare ang lutang mo talaga! Nakakabuwisit ka na, self.
“Oh e, akala ko ba ay magkakilala na kayo bakit hindi mo alam ang pangalan niya? naguguluhang tanong ni Tita.
“Tama po kayo na magkakilala na kami, pero hindi pa po namin batid ang ngalan ng isa't isa,” paliwanag ni Icer Hans daw. Ayan hindi na lalaki ang tawag ko sa kanya, Icer Hans na. Ang bongga ng name, pang-awrahan ganon, charot! Impernes sa kanya. Nakadamit na din siya ngayon. Feeling ko ay kay Tito Hawk itong mga suot niya. Pero at least ay bumagay sa kanya kasi magkasing laki at katawan lang sila. Ayoko ng isipin pa at sabihin kay tita ang kawalanghiyaan ng amain ko. Muntikan na ako pagsamantalahan kagabi.
“Ah, ganon ba? Oh siya, hindi ko na tatanungin kung saan kayo unang nagkakilala, ang mahalaga ay magkakilala na kayo,” wika ni Tita. Bumaling ito sa akin at nagsalita ulit. “Kumain ka na din, saluhan mo na si Icer Hans para may kasama siya dito at maliligo lang ako.” Matapos nito ay bumaling naman siya kay Icer Hans. “Oh, magpakabusog ka diya ha?”
Hello, world? Napapansin niyo din ba ang sobrang kabaitan ni Tita? Sana ay magtuloy tuloy na ‘yan. Kaya pala gano’n ang outfit niya ngayon dahil maliligo s’ya. Parang a-attend lang ng JS Prom e. Charot!
Nang makaalis si Tita ay naupo na ako sa upuan upang maumpisan na din ang pagkain.
“Hi, Lemonsquare. Antamis naman ng pangalan mo. Parang kasing tamis niyang mga labi mo,” biglang ani ni Icer Hans sa akin. Kumindat ito at ngumisi na parang nagpapa-gwapo. Kekelegen be eke er meeeser? Jusko, ang hirap pala maging maganda. Charot! Kanina lang galang niya noong kausap si Tita tapos ngayon ano ito?
“Hoy, tigilan mo nga ako diyan, Icer Hans! Kumain ka ng kumain diyan para hindi ka agad na gugutom,” sungit sungitan ko at bahagya ko siyang inirapan. Ganoon, kailangan pa hard to get? Char!
“Sungit naman mo naman. Parang hindi ka naman nasarapan na gawing unan itong dibdib ko kagabi. Hehe.” pang-aasar nito at pinagpatuloy ang pagkain. Sa dibdib ba iyon? Akala ko ay sa braso niya! Hala, same kasing hard and broad e.
“Ha? Hoy, hindi ako umunan sa 'yo no. Hindi ako ang nagkusa ikaw! Ikaw kaya ang naglipat ng ulo ko kagabi diyan sa dibdib mo.” Itinuro ko ang dibdib niya gamit ang nguso ko. “Gising ako non, 'wag ka.” pagkontra ko pa. Hindi ako magpapatalo sa kanya no. Gising talaga ako non mga besh. Hindi nalang ako umimik dahil ang fresh ng amoy niya. Alam niyo 'yon, amoy lalaking lalaki na ang bago. Nakakain-love. Charot! Marupokpok ka gurl?
“Basta nasarapan ka pa din,” pagmamatigas nito. Para namang so close na kami kung magtalo ng ganito. Hala siya oh. Hindi na ako sumagot sa kanya dahil gutom na din ako at baka saan pa mapunta ang usapan na 'to. Ay wow, ha! Mag-asawa kayo 'teh? Nag-aaway lang ganon? HAHA!
Habang kumakain kami ay binalita niya sa akin na alam niya na ang paraan kung paano ulit siya makaka-balik sa kanilang Kaharian. Grabe ang adventurous naman ang gagawin niya. Parang super bet ko tuloy na sumama. Sinabi nito sa akin na hindi naman daw niya talaga sadya na iwanan ako sa gubat at nais lamang niyang maghugas ng katawan dahil nanlalagkit ito. Ngunit ayon, kaya siya nandito ay nakita siya ni Tita Viscit at inayang kumain.
“Magpapaalam sana ako sa 'yo na matapos nitong pagkain ay uumpisan ko na ang paglalakbay upang makabalik na ako roon sa mas mabilis na panahon,” bilin niya. Ako naman ay nakikinig lang sa kaniya habang patuloy sa pagkain. “Hindi din kasi ako masyadong pamilyar sa mundo ng mga normal na tao kaya mas mabuti kung maaga pa lamang ay magsimula na ako,” dagdag pa nito.
Hala, sign na kaya iyon? Iyong hindi siya pamilyar sa mundo namin para sumama ako sa kanya?
“Kapag ba sinabi ko na gusto kong sumama sa gagawin mong paglalakbay ay papayag ka ba?” medyo nahihiyang tanong ko. Hala, para kasing bet ko din ma-experience ang mag-adventure ganon. To explore and find out more everything about this word. Bakas na nagulat siya, siguro ay hindi niya inaasahan na sasabihin ko iyon.
“Nais mo ba talaga? Kung nais mo ay maaari naman,” paglilinaw nito at tumigil sandali, “kaso..”
“Kaso ay?!” tanong ko sa kanya maypabitin pa ito ng slight.
“Kaso ay mahihirapan ka doon, at hindi iyon magiging simple lang,” paliwanag niya.
“Truelalu ba? Para gora pa din aketchiwah!” nakangiting sagot ko. Alam ko naman na may mga thrill sa gano’n, kaya nga adventure eh! Si Icer Hans talaga!
“Truelalu at aketchiwah?” kunot noong tanong niya.
“Totoo ‘yon at ako. Sorry hindi mo nga pala alam ang mga salitang iyan.”
Omg! Ito naaaaa, ang paglalakbay ni baklang Lemonsquare. Hays, super excited na ako sa mga posibleng mangyari. I-gora natin ‘yan!
Paglalahad ng Manunulat
Sa isang banal na kaharian ay doon na mamalagi ang isang napakagandang Diyosa. Diyosa na kumikislap ang mga balat. Diyosa ng kagandahan, kasiglahan, pag-iibigan at ng araw. Diyosang nagnga-ngalang, Rhea. Ngunit tila nalulumbay ito sa buhay at nag-iisa lamang? Broken hearted ba ang diyosang ito kasi sad siya? Bakit hindi siya nakasama sa mga kapuwa niya Diyosa?
“Hahanapin kitang muli aking anak. Pangako ko sa iyo iyan,” bigkas nito at may pumatak na mga luha sa kanyang mga mata. Ang mga luha nito ay agad na naging perlas at ginto na hugis parisukat.