Prologue
Trigger Warning: Death / Suicide
Emptiness. That feeling when you're not necessarily sad, but you're just really empty. Like you're nothing and your life is nothing. And you feel like everything would be better if you're gone.
It's like you're not sad or lonely but you're not happy either. You're just there trying to live your life but the truth is, you're dying inside.
Emptiness is a feeling of where you start to pray and beg to God to come get you because you don't see the point of still breathing.
Emptiness is so overwhelming.
But emptiness became the reason why I started to smile beyond my pain. It helps me to trust less and become self-dependent because I have no one. I only have myself.
I feel raw and dead inside. I am breathing but barely living. I am not sad or lonely. I am not happy either. I don't feel anything at all.
I want to die. Let me die....
Ramdam ko ang malakas na ihip ng hangin. Ang ingay na dulot ng malalakas na hampas ng alon ng dagat. Ang dilaw na buwan na nagbibigay liwanag sa madilim na kalangitan. Tumingin ako sa dagat. Madilim. Malalim. Nakakatakot. Ngayon pa lang ay nalulunod na ako sa lalim nito pero kahit ganun gusto ko pa rin itong sisirin.
Nakasakay ako ngayon sa isang pampasaherong barko. Wala naman akong pupuntahan. Nandito lang ako para tapusin ang lahat.
Kasalukuyang akong nasa deck ng barko. Naghahanda sa aking plano. Alam ko naman walang pipigil sa akin. Wala akong pamilya. Walang magulang. Walang kapatid. Walang kahit na sino.
I am a nobody.
And there's no reason for me to live.
Tinanggal ko ang suot kong sapatos. Nakasuot ako ngayon ng maong pants, black shirt at denim jacket. Sumampa ako sa railings papunta sa kabila. Mabuti na lang na alas dos na ng gabi at wala na tao ang nasa labas. Wala na makakapigil sa akin.
Pumikit ako at saglit na inalala ang mga masasakit na salitang natanggap ko.
"You're so pathetic. It makes me sick!"
"Pinagtripan ka lang namin dahil nakakaawa ka! LOSER!"
"Iniisip mo ba talaga may laban ka sa amin? You're nothing, Kairi!"
"Palamunin lang kita kaya matuto kang sumunod sa akin!"
"Walang nagmamahal sayo kaya mas mabuti kung mawala ka na din!"
I open my eyes and saw how the moon smiles at me. It's breathtakingly beautiful. I've always admire the moon because it always there, the moon never leaves especially during my darkest night. I closed my eyes again and suddenly I remembered him.
His welcoming face, his soulful eyes and his smiles that always makes me feel better. I miss him. God, I missed him so much.
Bigla kong naalala yung huling araw na kasama ko ang pinakamahalagang tao sa buhay ko.
Si Cyrus.
"U-umalis ka na, Kai... B-baka balikan ka nila." ramdam na ramdam ko kung gaano siya nahihirapan dahil sa mga sugat na natamo niya.
Umiling iling ako, "Hindi, Cy! Hindi kita iiwan! Hindi ako aalis dito." patuloy lang sa pagpatak ang mga luha sa mata ko.
Kanina pa sila nag uunahan sa paglabas. Halos wala na kong makita dahil sa mga luhang 'to.
Ang sakit. Ang sakit sakit makita ang taong mahalaga sayo na may sugat at pasa sa iba' t ibang parte ng katawan dahil sa bugbog at suntok. May sugat siya sa gilid ng kanyang labi at may dugo rin sa noo niya. Halos mahirapan na siya sa paghinga. Walang awa ang mga taong may gawa nito sa kaibigan ko.
"P-please... I-i need you to leave now... A-ayokong... mapahamak ka please, K-kairi..." nahihirapang sabi ni Cyrus sa akin. Umiling ulit ako at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.
"Hindi ako aalis sa tabi mo, Cyrus. Lumaban ka please.... Parating na si Luke."
"Kai..." tawag sa akin ni Cyrus. Siya lang ang tumatawag sa akin sa pangalan iyon. Siya lang. Siya lang ang pwede.
"Cy..." I called him by his nickname. Kahit na nahihirapan siya huminga, nakuha pa rin niya ngumiti sa akin. Yung ngiti niya na lagi nagpapagaan ng loob ko.
I love that smile.
I bit my lower lip. Pinunasan ko ang mga luha kanina pa tumutulo sa pisngi ko. My heart is breaking right now. Ang makita ang nag iisang tao pinaghuhugutan ko lahat ng lakas na nanghihina ngayon sa mga hita ko ay sobrang nakakadurog ng puso.
This is my fault. Kasalanan ko kung bakit nangyari to kay Cyrus. Kasalanan ko kung bakit kami napunta sa ganito sitwasyon. Kasalanan ko 'tong lahat.
"N-naalala mo yung... u-una natin pagkikita...a-ang dami mong dala libro nun... t-tapos... t-tapos nagkabanggaan tayo...."
Napangiti ako ng maalala ang araw na iyon. Inutusan ako ni Chelsea na isaoli sa library yung mga libro ginamit nila. Bilang alipin nila, wala akong choice kundi sundin iyon.
"Naalala ko. Nagkabanggaan tayo tapos nag-sorry ka at sinabi mo sa'kin hindi mo ko nakita kaya tinulungan mo na lang ako isoli yung mga libro sa library." sabi ko.
Hindi nawala ang ngiti sa mukha niya, "M-magagalit ka ba sakin... k-kung sasabihin kong sinadya ko 'yon gawin...k-kasi matagal na kita gusto lapitan..."
Humikbi ako, "Bakit naman ako magagalit sayo? Kung hindi mo ginawa' yon edi sana hindi tayo nagkakilala." And meeting Cyrus was the biggest blessing of my life. I was sad, miserable and alone before I met him. Pero nung dumating siya sa buhay ko, bigla nagkaroon ng dahilan ang lahat. Nagkaroon ng saysay ang buhay ko.
"G-gusto ko maging parte ng buhay mo... A-at masaya ako na...n-nangyari 'yon..." Tears started falling from his eyes. And I can't help but to cry even more.
Love, sadness and pain was written all over his face.
Hindi ko alam kung ilan beses na nadurog ang puso ko habang tinitignan siya ngayon. Seeing him in pain and helpless breaks me. This pain was excruciating.
Hindi ko maiwasan tanungin kung bakit siya? Bakit ako? Bakit kami ang nakakaranas ng ganito. Cyrus was a good person. He's kind and loving. He's a good son and great brother. He's a protective friend. He didn't commit any crimes or hurt anyone. He doesn't deserve to be in this situation.
Magsasalita sana ako kaso may narinig kaming ingay sa labas.
"U-umalis ka na... H-hindi ka nila pwede makita dito..."
Ayokong umalis. Wala akong pakialam kung bumalik ang mga lalaking may gawa nito kay Cyrus. Wala akong pakialam kung saktan nila ako basta hindi ko siya iiwan. Siya na lang ang meron ako. Hindi ko kakayanin kung pati siya mawawala sa 'kin.
Paulit ulit akong umiling kasabay nang pagbagsak ng mga luha ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang dalawa niyang kamay. Hindi ko siya bibitawan kahit ano'ng mangyari.
"Dito lang ako, Cy." I said firmly.
Ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa mga kamay ko na para bang doon nakadipende ang buhay niya.
"P-please Kairi umalis ka na...d-don't worry I'll be fine... J-just go...a-and wait for Luke..." he wiped the tears on my cheek and carress it with his thumb. "I-i want you to be safe so...p-please..."
I sobbed. "M-magkikita pa tayo, diba?" I said, hopeful. Please Cyrus say yes.
Imbis na sagutin ang tanong ko, sinubukan ni Cyrus na tumayo mula sa pagkakahiga kahit na alam kong nahihirapan siya.
Hawak pa rin niya ang kamay ko at naupo sa tabi ko.
He looked straight to my eyes, "Of course. We'll see each other again." his voice sends assurance to me.
That's it. I trust him, I always do, so I'll do whatever he say.
"Promise?"
He slightly chuckled and my heart race. I just wanna make sure na mangyayari ang sinabi niya. And knowing Cyrus, he never breaks any promises to me.
"P-promise..." he tried to hide the pain in his voice but I heard it. I can feel it. It's like he had no choice but to say it. I bit my lower lip.
"T-this life is worth living because I have you." Cyrus leaned towards me and planted a soft kiss on my forehead.
"W-why do I feel like you're saying goodbye?" my voice cracked. I'm scared of something I can't define.
"I-its not a goodbye... Its see you later." he said, then put this smile that always makes me believe in him. He knows. Alam niya gumagana sa 'kin lagi ang ngiting' yon.
And I regret it.
Cyrus broke his promise to me for the first time that day.
Life sucks!!!
Binuksan ko ang mga mata ko at pinahid ang mga luha kanina pa pala pumapatak. That was just months ago pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Ang sakit sakit pa rin. Ayoko na umiyak. Pagod na ko umiyak. Pagod na ko sa lahat.
Cy, dahil hindi mo tinupad ang pangako mo, ako na ang tutupad nito. Magkikita na tayo ulit.
Then, I jumped into the water.
Mabilis akong lumubog sa tubig gaya ng unti unting pagkawala ng liwanag sa itaas. Binuksan ko muli ang aking mga mata. Itim na ang aking nakikita. Ramdam na ramdam ko ang lamig ng tubig dagat na bumabalot sa aking buong katawan. Hinayaan ko lang ang aking sarili na patuloy na bumagsak paibaba.
Gaya ng aking plano. Ang tapusin ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagkalunod. How tragic right?
Hindi ako marunong lumangoy kaya binalot ng kaba ang aking puso. Alam kong dito na talaga magtatapos ang aking buhay.
Malayo na ako sa itaas. Unti unti na rin naninikip ang aking dibdib. Hindi ako makahinga. Hindi ko na rin magalaw ang aking mga binti. Namamanhid na ang mga ito. Alam kong nalulunod na ko. Dito na matatapos ang lahat.
This is the end, Kairi.
Hindi ka na masasaktan.
Hindi ka na mahihirapan pa.
Hindi ka na iiyak at malulungkot mag isa.
Wala na makakapanakit sa'yo.
I feel suffocated.
I can't breath.
I shut my eyes for the last time.
The End.