Beginning.
I am drowning…..
Drowning and drowning and drowning…
I'm in the middle of this deep sea until someone grabbed my hand and pulled me up above the water. Pero pag angat ko nakahiga na ako sa dalampasigan. Napatingin ako sa aking kanan at natanaw ang isang batang babae na nakatayo at nakatalikod sa akin. Masaya itong naglalaro ng buhangin. Sinubukang kong tumayo para puntahan ito. She was like five or six years old. She looks familiar when I saw her face.
She looks like me.
Maya maya pa ay may dumating na isang babae at isang lalaki. At kilalang kilala ko ang mga ito. May dala dala ang lalaki na cake habang masayang masaya silang kumakanta ng happy birthday.
"Happy birthday, My Princess." Masayang bati sa kanya ng lalaki.
"Happy birthday, Anak." Masayang bati din sa kanya ng babae. Lumuhod sila pareho para mapantayan ang batang babae. "Make a wish, Princess." Dagdag pa ng babae.
The little girl close her eyes and make a wish, then she blows the candle.
"Thank you po, Mommy and Daddy! Sobrang saya ko po ngayon! Sana lagi tayong ganito." Bakas sa mukha ng bata ang sobrang kasiyahan. She was so happy that she almost cry.
Her parents hugged her tight.
"Oo naman. Mahal na mahal ka namin ng Papa mo, Anak." Nakangiting sabi ng nanay niya.
"We love you so much, Princess. Mommy and Daddy will always be there for you." Her father said with a smile. The little girl kissed her parents in their cheecks. They look so joyful.
Doon ko lang napansin na kanina pa pala ako
umiiyak. That little girl was me, it was my fifth birthday. I was their princess. Nagcelebrate kami ng birthday ko sa beach dahil yun ang request ko sa kanila. Naaalala ko kung gaano ako kasaya nung araw na iyon. I was so happy and contented. Wala na kong mahihiling pa. Sobrang saya namin tatlo.
That day was perfect.
"I love you po, Mommy and Daddy." The five year old me said and tears started falling from her eyes.
Her mother wipe those tears and kissed her forehead, "We love you more, Our Princess Kairi."
"Mga sinungaling!!" Hindi ko napigilang isigaw. Biglang bumalik ang galit ko sa kanila. "Sinungaling kayong dalawa!" Sigaw kong muli. "Hindi niyo ako mahal kasi kung mahal niyo ako hindi niyo ako iiwan! Hindi niyo ako iiwan mag isa. Pinabayaan niyo ang anak niyo. Kinalimutan niyo siya! Anong klase mga magulang kayo?!" Alam kong walang saysay ang mga sinasabi ko at pag iyak ko dahil hindi naman nila ako naririnig. Bumalik lahat ng hinanakit at galit sa puso ko.
Iniwan nila ako. Pinabayaan mag isa.
Kung kanina ay naiinggit ako sa bata dahil sa masaya at kompleteng pamilya meron ito ngayon ay naaawa ako. Naaawa ako sa kanya kasi wala siyang kaalam alam na iyon na ang huling birthday niya na magkakasama sila at pagkatapos ng kaarawan niya ay doon na rin matatapos ang kaligayahan niya.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong humagulgol. Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin yung hirap na pinagdaanan ko nung umalis sila. Yung sakit na maiwan ng sarili mong mga magulang at hayaan ka na lang mamuhay na mag isa. Yung bigla na lang ako iniwan ng mga taong mahal ko na parang isang lumang laruan. Hindi na mapapakinabangan.
Pero ano nga ba ang mas masakit? Yung nagpaalam pero nangakong babalik pero hindi na bumalik o yung bigla na lang umalis ng wala talaga sinabing kahit ano? Pero alin man sa dalawa, parehong sakit pa rin naman iyon. Yung sakit na maiwan at pakiramdam na walang halaga. Iniwan pa rin nila ako, umasa na may babalik, naghintay na may magpapakita at sa huli nagmukha lang akong tanga dahil hindi naman na talaga ako babalikan pa. Umalis na e.
Bigla na lang silang naglaho at naiwan ako mag isa. Gaya sa totoong buhay, iniwan at mag isa.
I woke up with tears on my cheeks. Isang panaginip. Isang panaginip na gusto kong ibaon sa limot. It felt so real. Bakit kailangan ko pang mapanaginipan iyon? Bakit kailangan ko pang maalala ang araw na iyon? That was eleven years ago.
Nilibot ko ang aking paningin. Nasa isang kwarto ako na halos puti ang kagamitan. Nakahiga sa isang kama. Nasan ba ko? Paano ako napunta dito? Bakit ako nandito? Ang daming tanong sa isip ko pero isa lang ang sigurado ako…
Buhay pa ako.
My head feels heavy. I feel weak. I closed my eyes trying to remember what happened. Ang naalala ko ay sumakay ako sa isang barko. Tumalon ako sa dagat at nalunod. At pagkatapos nandito na ako.
Pinilit kong maupo sa kama. Sa tingin ko nasa hospital ako. Napansin ko din ang huling damit na sinuot ko na nasa table. Tinanggal ko ang karayom na nakaturok sa akin. Tumayo ako at kinuha ang mga damit ko. Malinis na ito. Agad akong nagpalit ng damit dahil wala akong balak magtagal sa ospital na ito. Hindi ko alam kung ilang araw na ako dito o kung paano ako napunta dito. Ang gusto ko lang ay makaalis.
Saktong pagkatapos ko magbihis ay bumukas ang pinto ng kwarto ko. Agad nanlaki ang mata ng taong dumating nang makita akong nakatayo.
"Kairi! Mabuti naman at gising ka na!" Hindi makapaniwala sabi ni Ate Julie. Hinawakan pa niya ako sa magkabilang braso at tinignan mula ulo hanggang paa.
Ako naman ay naguguluhan. Bakit siya nandito?
"Salamat sa mahal na Diyos at buhay ka. Nag alala ako nang mabalitaan ko ang nangyari sa'yo. Teka, bakit ganyan na suot mo? Ayos ka na ba?" Bahagya akong nagulat sa pahayag niya. Nag alala siya? At saan naman niya nabalitaan ang nangyari sa akin?
Si ate Julie ay roommate ko sa dorm na inuupahan ko. College student na siya. Hindi kami close. Sa gabi lang kami nagkakasama sa dorm kapag matutulog na. Pareho kasi kami busy dahil mga working students kami. Bihira lang kami mag usap or should I say, bihira ko lang siya kausapin. Kapag may pagkakataon na nagkikita kami, siya madalas yung una o mas kumakausap sa akin. Aloof kasi ako. Hindi sanay makipag usap sa ibang tao. Hindi marunong makipagkaibigan. Ayoko kasi. Ayoko ma attached sa mga tao. Alam ko naman kasi na aalis din sila at iiwan ako.
Maliban sa isang taong hinayaan kong makapasok sa buhay ko.
"Ayos lang po ako." Tipid kong sagot.
Bahagya lumungkot ang itsura niya nang titigan ako. Nakita ko ang awa at lungkot sa mga mata niya. And I don't like it. Ayoko ng kinakaawaan ko, mas lalong nagiging kaawa awa ang sitwasyon ko kapag gano'n. But I guess she knew what I did.
How come she knew? May nakakita ba sakin? Pero sinigurado kong walang tao sa paligid sa mga oras na 'yon. Pero for sure meron! Nakaligtas nga ako e.
"Pasensya na po kung nag aalala kayo at salamat din po sa kung anuman ang naitulong niyo sa'kin." Ngumiti pa ko para ipakita na ayos lang ako. Ngumiti din siya ng tipid.
"Wala 'yon. Hindi mo kailangan humingi ng pasensya sa pag alaala ko. Natural lang naman na mag alala ako sa'yo dahil roommate kita at kaibigan na rin." Napangiti ako sa sinabi niya. Parang may humaplos sa puso ko. Ang malaman may taong nag aalala sa akin ay nakakagaan ng loob. Hindi ko inasahan na mag alala siya sa akin kasi gaya nga ng sinabi ko, hindi kami close.
Pero natural na talaga siguro sa tao ang mag alala para sa mga taong kilala natin o malapit sa atin kahit na hindi natin sila lubos na kilala. It's our nature to feel empathy towards other people.
"At wag ka sa akin magpasalamat. Wala naman akong naitulong sayo e. Nagulat na nga lang ako isang araw may tumawag sa akin at nagbalita na na-ospital ka." Dagdag pa niya.
"Sino po yung tumawag sa inyo?"
Bahagyan siyang kinabahan,"A-ay nakalimutan kong tanungin ang pangalan e basta siya rin ang tumulong sa'yo madala dito sa ospital. Nakita ka daw niya tuma–"
Hindi naituloy ni Ate Julie ang sinasabi niya at alanganin tumingin sa akin.
Napayuko naman ako dahil doon. Alam niya nga. At hindi lang siya ang nakakaalam. May nakakita nga talaga sa akin na tumalon so ibig sabihin, alam nila hindi aksidente ang nangyari sa akin. Dang!
Obviously, my plan was a big epic failed. Honestly, hindi ko alam kung matutuwa ako na may nagligtas sa akin. Balak ko na magpakamatay. Meaning ayoko na mabuhay!
But here I am, alive and still breathing! Dapat ba ko matuwa? A part of me saying that I should be thankful that I survived. That this is my second life. Binigyan ulit ako ng Diyos ng pagkakataon na mabuhay kaya dapat magpasalamat ako. Kung may nakakita sa 'kin at nakaligtas ako ibig sabihin hindi ko pa oras. May chance pa ko para ayusin at magsimula ulit sa buhay.
But still, I don't see the point of living. Ano'ng silbi ng pangalawang buhay ko kung mag isa at malungkot pa rin ako? Hindi pa rin nawawala ang bigat na nararamdaman ko sa puso ko. Hindi naman mababago no'n ang buhay na meron ako ngayon.
I'm still lost and broken. So worthless and damaged.
Nakaahon nga ako sa pagkalunod sa dagat pero hindi sa pagkakalunod sa kadiliman.
"I-ilan araw po ba ako nandito?" I tried to change the topic. Hindi naman sa nahihiya ako sa ginawa ko. Ayoko lang pag usapan ang bagay na 'yon.
"Tatlong araw ka na dito sa New Hope Hospital." Napatango tango ako. Sa pagkakaalam ko ay isang pribado at kilala ang ospital ang binanggit ni ate Julie.
"Gusto ko na po sana umuwi." Ayoko na magtagal dito. Maayos naman na ako. I'm completely fine.
On the outside.
"S-sige! Kakausapin ko lang yung doctor mo. Maiwan na muna kita dito." Agad din siya lumabas ng kwarto.
Tahimik ako naupo sa dulo ng kama ng ospital. Mukhang private room pa ang kinalalagyan ko ngayon. Malawak ang space ng room. May flat screen tv na nakasabit sa pader, fully air-conditioned ang silid, may sofa din at maliit na table. Pansin ko din ang mga prutas na nakalagay sa lamesa sa gilid ng kama ko. Kung three days na ko nandito, sigurado akong mataas na ang bill na kailangan bayaran ngayon.
Maya maya pa ay dumating na si Ate Julie at pinaalam sa akin na pwede na daw ako makauwi. Agad din naman kami umalis sa ospital at umuwi sa dorm. Tinanong ko siya about sa bill ko sa hospital at kung sino ang tumulong sa akin kaso sinabi lang niya na binayaran na ng tumulong sa akin ang lahat ng gastusin ko at hindi na rin ito nagpakilala pa.
"Nakit niyo po ba sila ng personal?" Kita ko ang pag aalangan niya sa pagsagot sa tanong ko. Nabanggit niya kasi na isang babae na nasa mid 30's at isang binatang lalaki ang tumulong sa akin. Ang binatang lalaki din daw ang tumawag sa kanya.
"H-hindi e." Tipid niya sagot. "Nagugutom ka ba? May pagkain ako dito?" Ramdam ko ang pagkailang niya sa usapan pero binalewala ko na lang iyon.
Umiling na lang ako bilang sagot at naupo sa kama. Nandito na kami sa dorm. Sakto lang ang space ng kwarto para sa amin dalawa. May dalawang single bed sa magkabilang side. May isang malaking drawer para sa amin dalawa. May cr sa loob. May lutuan na rin kami dito. Dito ako na tumira pagkatapos akong palayasin ng sarili kong tiyahin sa pamamahay nito. Halos dalawang taon na rin ang nakakalipas.
Nahiga ako sa kama ko. Walang nagbago. Ganito pa rin ang lugar na iniwan ko. Nagpaalam muna sa 'kin si ate Julie bago siya lumabas ng dorm. Isang tipid na ngiti lang ang sinagot ko. I was so tired I can't even speak.
Simula nung pinalayas ako sa bahay ng Auntie ko sa bahay nito, namuhay na ako mag isa. Isang buwan matapos ng birthday ko ay umalis si Mama. Ang sabi ni Papa ay may aasikasuhin lang daw ito sa pamilya niya pero hindi na ito bumalik hanggang sa nagpasya si Papa na magtrabaho sa ibang bansa para sa amin dalawa. Iniwan niya ako sa kanyang kapatid na si Auntie Diana at gaya ni Mama hindi na rin bumalik si Papa.
Si Auntie Diana ay nakakatandang kapatid ng aking ama. Hindi maganda ang pakikitungo niya sa akin. Mayaman ito at may dalawang anak na babae na mas matanda sa akin pareho. Ang mga pinsan kong si Tiffany at Trisha. Hindi ko alam kung bakit pero malaki ang galit nila sa akin.
Hindi pamilya ang turing ng mga ito sa akin. Halos gawin nila akong katulong sa bahay nila. Syempre hindi ako umangal. Wala naman akong choice e. Pinag aaral niya ako at pinapakain kahit na ang kapalit noon ay masasakit na trato at salita. Sa totoo lang wala dapat akong utang na loob sa kanila dahil araw araw akong nagtatrabaho para sa kanila. Katulad ng isang kasambahay. Lahat ng tulong at gastos nila sa akin ay pinagtatrabahuhan ko. Lahat ng binibigay nila sa akin ay may kapalit. Walang libre.
Pero lagi pa rin nila akong sinusumbatan na para bang utang na loob ko sa kanila ang lahat.
Sa murang edad, hindi ko inisip na may mali doon pero habang lumalaki at nagkakaisip ako ay nararamdaman ko na hindi tama ang trato nila sa akin. Tiyahin ko siya, kapatid siya ng tatay ko. Kamag anak ko sila pero ni minsan hindi ko naramdaman iyon.
Kahit kailan.
Sinubukan ko magtanong kay Auntie Diana tungkol sa aking ama pero isa lang ang lagi niya sagot sa akin, "Hindi na babalik dito ang tatay mo!" And that hurts me every time. Para ako lagi sinasaksak sa puso kapag naririnig ko iyon. Syempre sa una hindi ako naniwala. Impossibleng hindi babalik ang ama ko. Anak niya ko. Mahal niya ko. Nagtrabaho lang siya sa ibang bansa para sa kinabukasan ko kaya alam kong babalik siya. Bukas. Makalawa. Sa susunod pang bukas. Sigurado akong babalik si Papa.
Dahil nangako siya.
Pero gaya nga ni Mama na umalis na lang bigla na hindi nagpapaalam sa akin. Hindi na rin bumalik si Papa. Isa. Dalawa. Tatlo. Hanggang sa umabot ng labingisa taon. Hindi na sila bumalik, umalis sila, iniwan ako at pinabayaan mag isa.
Apat na taon, pagkatapos nila umalis. Doon ako nagsimula magtanong sa sarili ko kung kung bakit? Bakit nila ako iniwan? Bakit hindi sila bumalik? Babalik pa ba sila? Mahal ba talaga nila ako? Ang dami kong tanong sa utak ko na alam kong hindi masasagot. Pero isa lang ang alam kong sagot sa marami kong tanong. Hindi ako mahalaga.
Hindi nila ako mahal.
Hanggang sa natanggap ko na lang ang katotohan iyon. Mahirap sa umpisa pero ano'ng choice ba meron ako? Wala naman. Kahit masakit kailangan ko tanggapin na hindi na babalik ang mga magulang ko.
For the past eleven years of my life, I've learned to be independent. To be strong despite everything that happened to me. And accept that life is tough and there's nothing I can do about it. I just have to live it accordingly.
Tinulungan ako ni ate Julie makahanap ng pagkakakitaan. Nawalan kasi ako ng trabaho dahil bakasyon ngayon. Isa akong student assistant sa dati kong school at tutor sa mga grades students. Three weeks na akong nagtatrabaho sa isang restobar. Kung saan siya nagtatrabaho kaya kahit na wala pa ko sa legal na edad ay nakapasok ako ngunit pansamantala lang.
And everything is going fine. Baka may reason or reasons pa rin ako para mabuhay kaya hindi ako natuluyan nung tumalon ako sa dagat. Baka hindi ko pa nagagawa ang mission ko dito sa mundo kaya buhay pa rin ako.
Maybe, this is my second chance to be better and be a stronger person. Siguro, I still have purpose in this world kahit na hindi ko pa alam kung ano iyon. Kaya thankful pa din ako sa taong nagligtas at tumulong sa akin. That's why I will try to continue to live.
Kahit na bawat araw, may mabigat pa rin nakadagan sa puso ko. I'm still feeling so empty.
But I want to start a new life far from toxic people and far from the drama. I'm talking about the people who bullied me. After ng nangyari sa akin ay hindi ko na sila nakita pa. Well, it's a good thing dahil ayoko na sila makita ulit. Ayoko na magkaroon ng connection sa kanilang lahat.
This will be the start of new beginnings of my life. A better and stronger person.