Themis.
It's been two months since that incident happened. Kasalukuyan akong nag aayos na ng sarili para sa pagpasok ko sa trabaho ngayon gabi nang mapatingin ako sa mga gamit ko sa school. Nung isang araw kasi kinuha ko na ang lahat ng mga documents ko sa school. Hindi na ako mag aaral doon. Sa totoo lang, wala na rin akong balak mag aral. Magtatrabaho na lang ako.
Kinuha ko ang isang brown envelope na kasama ng mga gamit ko. Mayroon daw na nagpapabigay nito akin.
Sino naman kaya?
Kumunot ang noo ko nang makita ang laman nito. It's a admission form and a scholarship form parehong galing sa isang sikat na school.
"Themis?" I whispered. It's a prestigious and high-class school. School para sa mayayaman at matatalino ang Themis University. Kanino kaya galing ito?
"Themis? Themis University? Yung sikat at magandang School?" Napatingin ako kay Ate Julie. Nag aayos na din siya ngayon katulad ko.
"Sabi ng principal, mayro'n daw po nagpapabigay nito para sa akin." Pinakita ko sa kanya ang mga papel na hawak ko.
"Wow. Admission form ito ng Themis at may Scholarship form pang kasama. Dito ka na ba mag aaral?" Namamangha wika ng babae.
"Hindi po. Pang mayaman school po ang Themis at isa pa wala na po akong balak mag aral."
"Hala, bakit naman? Graduating ka na next School year, diba? Sayang naman kung hihinto ka tsaka sayang din 'tong opportunity na makapag aral ka sa magandang school. Ang Themis ay para din sa mga matatalino katulad mo." Tama si ate Julie. Sayang kung hihinto ako lalo na't malapit na ko magtapos sa senior high school, isang school year na lang graduate na ko at sayang nga kung palalagpasin ko ang opportunity na mag aral sa magandang school katulad ng Themis hindi naman lahat nabibigyan ng ganito pagkakataon.
"Wala na po akong gana mag aral."
That's the truth. I don't see the point of going back to school. Para saan pa? Mag aaral ako. Gagraduate. Tapos ano? Magtatrabaho din naman sa huli diba? Ano pinagkaiba no'n sa pagtatrabaho ko ngayon pa lang? Wala. And besides, wala naman magiging proud sa mga magiging achievements ko.
Hindi nakasagot agad si Ate Julie pero alam ko na may gusto pa siya sabihin. Binalewala ko na lang iyon at nagpatuloy sa pag aayos.
"Gano'n ba. Sayang naman kung hindi ka makaka-graduate. Hindi na nga nakapagtapos si Cyrus."
I completely frozed when I heard his name. It's been what? Six months. Just freaking six months! I can't believe she mentioned his name that easy? Na parang isang mura lang. Damn!
"I-i'm... I'm sorry... H-hindi ko sinasadya ipaalala siya sayo. I'm sorry Kairi." Naramdaman niya yata na naapektuhan ako sa sinabi niya. I didn't respond.
"Kairi..." lumingon ako kay ate Julie. Concern and sadness was evident in her face.
"A-alam ko na wala ako sa posisyon na magtanong pero...si C-Cyrus ba ang dahilan?... Siya ba ang dahilan kaya mo ginawa yun?" Hindi na niya kailangan maging specific. Alam ko kung ano ang tinutukoy niya.
Pumikit ako at huminga ng malalim. Kailangan ko gawin yun para pakalmahin ang sarili ko dahil ayokong umiyak.
"Sorry kung nagtanong pa ko. Alam kong hindi ka pa talaga nakakamove on sa kanya. Alam kong napakasensitive ng topic para sa'yo . Pasensya na talaga. Concern lang talaga ako sa'yo at naging malapit din sa'kin si Cyrus. Kung nandito siya sigurado ako na gusto rin niya na maka–"
"Pero wala siya dito." I cut her off. "He's not here so please stop talking about him." I looked straight into her eyes.
"Gusto ko lang naman makatulong. Alam ko mahirap ang pinagdadaanan mo. Alam ko ang nararamdaman mo. Mahirap talaga sa um–"
"Please! Tama na!" Pagputol ko ulit sa sinasabi niya. "Ate Julie, please." I closed my eyes again as I tried to calm myself down. Then, I stare at her with my weary eyes, "Look, Ate Julie sobra kong na appreciate lahat ng tulong mo sa 'kin. Thank you sa lahat pero please stop saying na alam mo ang nararamdaman ko kasi ang totoo hindi. Hindi mo alam. Walang nakakaalam sa nararamdaman ko. Yung pakiramdam na araw araw kong hinihiling na sana mawala na 'yong sakit at bigat na nasa puso ko. Yung walang araw na lumipas na hindi ko sinisisi ang sarili ko sa pagkawala niya kasi... Ako talaga yung may kasalanan e. Dapat nandito pa siya kung hindi lang dahil sa' kin..." I failed to supress my tears to fall. Nag uunahan sila lumabas sa mga mata ko.
My hands are shaking and I feel discomfort in my chest. My heart is pounding like crazy. My breathing started to get short. I can't breathe and I'm starting to sweat like a pig. I feel like dying. I don't know what's happening to me.
Pumikit ako kasabay ng paghawak ko sa aking dibdib. I hit my chest multiple times, trying to stop my heart from beating so fast.
"Kairi, okay ka lang ba? Ano'ng nangyayari sa'yo?!" rinig ko ang pag aalala sa boses ni ate Julie. Ramdam ko ang paghawak niya sa braso ko.
Gaya ng lagi kong ginagawa, huminga ako ng malalim. Ilang beses ko 'yon ginawa at gaya ng dati, lagi itong gumagana. Hindi ko alam kung bakit pero lagi nangyayari sa akin ito.
And it's always feel like hell. I mean it's literally hell.
"Kairi..."
I opened my eyes as I compose myself. I looked at her and saw her worried face. I bit my lower lip.
"S-sinusubukan kong kalimutan ang lahat lalo na ang nangyari kay Cyrus pero hindi... Hindi ko kaya... Walang araw na hindi ko sinisisi ang sarili ko sa pagkawala niya, ate. Kasalanan ko e. Kasalanan ko ang lahat." tumingin ako sa mga kamay ko na nanginginig pa rin. Damn this hands!
"Hindi mo naman kailangan kalimutan siya e. Hindi mo kailangan magpanggap na okay ka na at lalong hindi mo kailangan sisisihin ang sarili mo sa mga bagay na hindi mo kasalanan. Stop blaming yourself for his death, Kairi. May dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay. Gusto man natin iyon o hindi. Ang tanging lang natin magagawa ay tanggapin at magpatuloy sa buhay."
Siguro nga may dahilan ang lahat ng mga bagay na nangyayari sa buhay ko gaya ng pag iwan sa'kin ng mga magulang ko, tanggap ko na 'yon e. Nagpatuloy pa rin ako sa buhay ko kahit mag isa lang ako. Tanggap ko na rin yung mga masasakit at mahirap na pinagdaanan ko. Yung maling trato sa' kin ng Auntie ko, ang bullying na naranasan ko sa school, ang muntik na panggagahasa sa'kin, lahat 'yon tanggap ko na pero yung kay Cyrus? Hindi ko kayang tanggapin 'yon at hindi ko rin kaya magpatuloy pa sa buhay.
Si Cyrus 'yon e, yung lalaking mahal ko.
I don't think I can move on from him. Cyrus is my person. He's the only person that knows everything about me. The only person knows how to makes me happy. He's always there for me and willing to help me no matter what. Siya yung una nagparamdam sa akin ng pagmamahal at kung ano'ng pakiramdam ng may pamilya. He's so important to me.
He's my family.
And now that he's gone, forever, I don't know how to live alone again anymore.
Napaupo ako sa kama ko dahil nanghihina ang mga tuhod ko. Pinunasan ko ang pisngi kong kanina pa basa dahil sa mga luha ko.
"H'wag ka na muna pumasok ngayon. Ako na bahala magpaliwanag kay Madam J." rinig kong sabi ni ate Julie. Ang manager ng restobar ng pinapasukan namin ang tinutukoy niya. Magsasalita sana ako kaso nagsalita ulit siya. "Magpahinga ka na lang."
Ate Julie gives me a assuring smile before she exit our dorm. Now that I realised, I was lucky to have her as my roommate. We're not close but she cares for me and I care for her too, I just don't know how to show it.
Humiga ako sa kama ko at pumikit. Matutulog na lang ako dahil hindi ako pumasok sa work at wala naman akong ibang gagawin. Pero sino niloko ko? Alam kong hindi ako makakatulog lalo na't ala siete pa lang ng gabi. I always sleep late because I can't sleep! My mind won't let me sleep.
Paano ako makakatulog? Kung ang dami laman ng utak ko. Kung ano ano'ng naiisip ko. Mga bagay na nangyari na at mga mangyayari pa lang.
Paano ako makakatulog? Siya lagi nakikita ko sa bawat pagpikit ng mata ko. Siya ang laging nasa isip ko.
I miss him so much.
It's almost August. And I haven't decided yet if I'll continue to study. Sa totoo lang, natutukso akong kunin ang oportonidad na makapag aral sa school na iyon. Ibang school naman 'yun e. Walang nakakakilala sa'kin. Walang sila.
Pero hindi ko pa rin talaga alam ang gagawin. Nag aalangan pa rin ako. Kung may magulang lang sana ako. Everything would be different. But it's a waste of time wishing for something impossible, I've accepted it already. I'm an orphaned. I can handle it by myself.
"Malapit na ang pasukan... Hindi ka pa ba nakakapagdecide?" patapos na ang shift namin nang kausapin ako ni ate Julie. Ngayon niya na lang ulit nabanggit ang bagay na 'yon.
I bit my lower lip, "Pinag iisipan ko pa po." tipid kong sagot.
Nanlaki ang mga mata niya, "Talaga? Mabuti naman. Sana kunin mo. Sayang ang pinaghirapan mo na pag aralin ang sarili mo. Kahit na senior high graduate lang, okay na iyon ang mahalaga natapos mo." nakangiting sabi ng dalaga.
Yeah, right. Grade seven ako n'on nang hininto ng Auntie ko ang pagtutustos sa pag aaral ko. Thirty years old lang ako. Kasabay din n'on ang pagpapalayas niya sa akin sa pamamahay niya. Simula noon ako na ang gumawa ng paraan para mapag aral ang sarili ko. Naghanap ako ng mapagkakakitaan para makaipon ng pera. Nagsideline bilang katulong sa isang guro ko sa dating school. Syempre nung una hindi pumayag si Mrs. Rodriguez pero dahil naawa siya sa sitwasyon ko, pumayag na rin siya. Nag tutor din ako sa ilang students at gumawa ng mga paper works ng ilan kong classmates at nagtinda sa palengke.
It was hard. Life is really hard. It always been. But during those times, I've met Cyrus. He came to my life. He was there. He helped me. I had him so even if it's hard, at least I had someone who I can be with.
It's thursday. Day off ko ngayon araw kaya late na ko nagising. Wala rin naman ako gagawin or pupuntahan kaya hindi muna ako bumangon. Tinatamad pa ko. Balak ko sana matulog ulit nang may biglang pumasok sa isip ko.
Dalawin ko kaya siya? Ang tagal na rin ng huling punta ko sa kanya. Baka nagtatampo na 'yon. Baka siya na ang dumalaw sa'kin pero ayos lang, hindi ako matatakot. Matutuwa pa ko dahil makikita ko siya ulit.
Nagstay pa ko sa higaan ko bago ako nagpasya na maligo na. Nagbihis ng panglakad at umalis ng bahay. Wala si ate Julie sa dorm kasi nagpunta siya sa University kung saan siya nag aaral.
Kabado ako habang naglalakad papunta kung nasaan siya. Dala ang tatlong puting rosas na binili ko kanina sa simbahan. Tahimik ang buong paligid. Walang katao - tao. Well, its a cementery. What should I expect?
Agad kong nilapag ang mga bulaklak na hawak ko sa puntod niya at naupo sa damuhan.
"Hi Cy." bati ko sa kanya habang nakatingin sa lapida nito.
Cyrus Isaac Cuerras
Born: November 18, 199x Death: November 30, 20xx
"Miss na miss na kita..." huminga ako ng malalim. "Ang daya mo. Hanggang ngayon hindi ka pa rin nagpapakita sa panaginip ko." ngumiti ako ng mapakla.
Simula no'ng nawala siya, lagi kong dinadasal na sana magpakita siya sa'kin kahit sa panaginip lang, kahit isang beses lang. Marami akong gustong sabihin sa kanya at hindi pa ko nakakapag paalam. Ang sabi niya kasi magkikita pa kami. Hindi ko naman inaasahan na iyon na pala ang huling araw na makakasama ko siya.
"H-hindi ko alam ang gagawin ko, Cy. Bigla mo na lang ako iniwan e... Bakit mo kasi ako iniwan? Sabi mo hindi mo gagawin ang ginawa ng mga magulang ko pero bakit ka nandyan?" nagsisimula na magtubig ang mga mata ko.
Naiinis ako. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na nawala siya ng gan'on kadali. Hindi ko maiintindihan.
"I'm sorry, Cyrus... I'm really sorry..."
Cyrus died because of me. Kung hindi ko siya tinawagan at pinapunta sa lugar na 'yon. Hindi siya mabubugbog ng mga lalaking 'yon.
Pinunasan ko ang basa kong pisngi, "Sana mapatawad mo ko sa nangyari sa'yo. Mahal na mahal kita."
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nagstay sa puntod niya bago ko napagpasyahan na umuwi na. Tumingin ako sa relo ko. It's already eight pm. Pagod akong nahiga sa kama ko. Kahit wala pa kong kinakain buong araw hindi ako makaramdam ng kahit na ano'ng gutom. Weird.
"Nandyan ka na pala. Kumain ka na ba?" napatingin ako sa taong pumasok sa bahay. Nakapangbahay na damit na si ate Julie kaya sa tingin ko kanina pa siya nakauwi.
"Tapos na po." pagsisinungaling ko. Wala akong gana kumain e. Pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit wala naman akong masyadong ginawa.
"Ah okay. Saan ka pala nagpunta?"
Tumayo ako sa pagkakahiga at kinuha ang tuwalya ko, gusto ko magbabad sa tubig.
"Kay Cyrus, ate." I don't wanna lie about it. Hindi na nagsalita si ate Julie. Feeling ko gets na niya ang nararamdaman ko.
Hindi ko na naman namalayan ang oras sa tagal ng pag upo ko sa sahig ng banyo habang basa ang buo kong katawan. Suot ko pa rin ang damit ko kanina na plain blue shirt at maong pants habang nakatingin sa kawalan. Nakakatawa dahil hindi man lang ako giniginaw.
After a long period of staring at nothing, I decided to remove my wet clothes and put a new pair of clean garments. Ang mahimbing na natutulog na si ate Julie ang naabutan ko pag labas ko ng banyo. Ala una na ng madaling araw nang tignan ko ang orasan sa tabi ng kama ko.
Pinagpapasalamat ko na agad akong dinalaw ng antok pagkahiga ko.
I am drowning….
Drowning
and drowning
and drowning…
I'm in the middle of this deep sea until someone grabbed my hand and pulled me up above the water. Pero pag angat ko nakahiga na ako sa dalampasigan.
Wait, parang nangyari na 'to?
Tumayo ako at naguguluhang tumingin sa paligid ko. Mataas ang sikat ng araw. Ang ihip ng hangin ay nagbibigay ng kalmadong damdamin sa kabila ng malalakas na hampas ng alon sa dalampasigan. Ang lugar na ito ay pareho sa nauna kong panagipin maliban sa wala dito ang limang taong gulang na bata.
Bakit na naman ako nandito? Panaginip ba 'to?
Lakad lang ako ng lakad hanggang sa may matanaw akong tao na nakatayo di kalayuan sa kinaroonan ko.
I held my breath as I recognised the person who's just standing there patiently. It's that him?
That person looked at my direction. He plaster a huge smile on his beautiful face as he saw me. I knew that smile. There's only one person I know in this world who can smile so bright like that. A smile that makes me wanna smile too.
Shit. It's really him!
My eyes started to get teary. He was just standing there as if he's been waiting for me all along. And I can't help but to run towards him. Just how my heart is jumping with joy.
I instantly wrapped my arms around him as soon as I've reached him. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin pabalik. Mas niyakap ko pa siya ng mahigpit dahil doon. Now, I'm happy.
Being with Cyrus makes me happy and contented. Wala na ko mahihiling pa.
"I miss you so much, Cy." I said without breaking our hug.
"I miss you more, My Love." napabitaw ako sa kanya ng marinig ko ang tinawag niya sa akin. Tinignan ko siya sa mata ng may halong pagtataka habang siya ay nakangiti pa rin sa akin ng masaya.
He's wearing a white suit that perfectly fits on him. He looks dashing and clean. He looks so healthy. Malayong malayo sa lalaking nakasama ko noon gabing iyon.
Grabe, ang gwapo lang talaga niya.
I bit my lower lip, "Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko tungkol sa bagay na 'yan." nag aalangan ko sabi.
Cyrus chuckled, "Ano ba yung tanong mo? Nakalimutan ko na e." sabay kamot sa ulo niya.
Sinimangutan ko siya dahil sa sagot niya. As if. Ayaw lang talaga niya sa sagutin ang matagal ko na tanong. Lagi niya iniiba ang usapan pag 'yon ang topic namin. Tinignan ko siya ulit sa mata bago nagsalita, "Bakit mo ko tinatawag ng gano'n?" alam kong alam na niya ang tinutukoy ko.
Cyrus sometimes called me "My Love" out of nowhere. And every time I heard him say it, it gives me confusion. I know Cyrus is not just a best friend to me, he's more than that.
We're more than that. We're more than friends but not lovers. What we had was something special.
Imbis na sagutin ang tanong ko, hinila niya ko palapit sa kanya sabay itinago sa mga bisig niya. Napangiti ako. Lagi niya 'tong ginagawa e. Gustong gusto daw niya niyayakap ako kasi kasyang kasya daw ako sa mga bisig niya.
I heard him take a deep breath, "God, I miss hugging you. I miss you." he said, huskily while emphasising the last word.
Kahit na marami akong gustong sabihin sa kanya. Lahat 'yon nawala. Parang nablanko ako. Ayokong putulin ang pagyayakapan namin. I wanna treasure this moment.
Me in Cyrus's arms. This is where I belong. I just wanna stay like this forever.
But forever doesn't exist in our world anymore. Alam ko na kahit gaano kahirap at kasakit ang nangyari, kailangan ko na tanggapin ang katotohanan na wala na siya pero hindi pa sa ngayon.
"I-i can't live without you, Cy... H-hindi ko kaya." I said shakily. My eyes suddenly became blurry.
It was a long silence before Cyrus broke our hugs. He look straight to my eyes and put a smile on his face, "Of course, you can. You're strong and a fighter. You may not see it but I do. Trust me, Kairi. You can."
Hinawakan ko ang braso niya, "Paano, Cy? Paano ko gagawin 'yon kung wala ka na?... Sana kasi hindi na lang kita tinawagan... Sana hindi ka na lang pumunta nung gabing 'yon e... Hindi sana.. Hindi ka sana mawawala sa'kin... Hindi ka mapapahamak ng dahil sa'kin... Kasalanan ko, Cyrus... I-i'm sorry... I' m really sorry..."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Humagulgol ako sa iyak. Parang may paulit ulit na may sumasaksak sa puso ko. Parang kahit ilan beses na ko umiyak hindi pa rin nauubos ang mga tubig sa mata ko. Ang sakit. Naninikip na ang dibdib ko. Nanginginig ang mga balikat at braso ko.
Cyrus puts his palm on my cheeks, wiping my tears. He sighed, "Kai, listen to me..." he stared at me for a minute before he continue, "I want you to stop blaming yourself for what happened to me. It's not your fault, Kai and I don't blame you, okay? I made that decision by myself and if God permits, I'll do that over and over again just to protect you."
I know he's hurting too, kitang kita ko 'yon sa mga mata niya. At hindi ako nagkamali nang may pumatak na luha mula dito. s**t. Ayokong nakikitang nasasaktan siya e. Mas nasasaktan ako.
He reached for my hand and planted a soft kiss on the back of my palm. I gasped. Gan'on din ang ginawa niya sa isa ko pang kamay. Ramdam ko ang pamumula ang pisngi ko sa ginawa niya. Hindi niya madalas gawin 'yon e. Sigurado akong ito pa lang ang pangatlo beses.
There was something in his eyes as he laid it on me, something resembling love, longing and regret. I don't understand.
"Cy..."
Cyrus put my palm on his cheek. He closed his eyes as he feel the warm of my hand. He stays like that for a moment, trying to sense the softness of my touch. I bit my lip while staring at him. His gazed upon me as he opened his eyes with sincerity. Hindi ko mapigilan hindi umiyak ulit.
"I was never ready for you to leave, Cy. Hindi ko pa rin tanggap e... N-natatakot ako na mag isa ulit." my voice cracked. Inaamin ko, ayokong tanggapin na wala na siya. Hindi pa ko handang gawin 'yon. Ang bilis kasi e. Parang nung isang araw lang nagpaplano kami na pareho namin susubukan makompleto yung simbang gabi tapos sa kanila ako magpapasko kahit na magdedecember pa lang n'on. Pero wala e. Hindi na siya umabot.
It was the saddest Christmas for me and for his family.
Pinunasan muli ni Cyrus ang mga pisngi kong basa ng luha, "Shh.. It's okay, Kai. Stop crying, please. I can't stand seeing you cry because of me. It's hurting me, you know that, right?"
Hindi nakatulong ang sinabi niya dahil mas lalo lang ako naiyak. Narinig ko siya tumawa ng mahina. s**t. Pati tawa niya miss ko na. I miss everything about him.
Cyrus wrapped his arms around my waist. I'm used to it. I'm actually comfortable when he does that. Isa sa mga bagay na miss ko sa kanya. Napakasweet niya.
"Even when my arms cannot hold you anymore, always remember that my heart does. Always." his voice sounds like a song to me.
"Mahal kita, Cyrus."
Hindi nakawala sa paningin ko ang saglit na pagdaan ng lungkot sa mata niya. Bakit? Bakit Cy? He didn't say anything for a minute. He slowly put a smile on his face. God, he's beautiful.
"Mas mahal kita, Kairi." his voice gives unfamiliar emotions to me as his soulful brown eyes stared straight to mine.
Well, normal na sa amin ang magpalitan ng salitang 'yon. Like a normal bestfriend and because we treated each other like a family. Pero siya ang mas madalas na magsabi ng salitang iyon.
Normal ko na naririnig sa kanya ang salitang "I love you" or "Mahal kita". Nakasanayan ko na nga. He was very comfortable saying those words to me. And I constantly felt calmed and blessed because it felt nice to be loved by someone like Cyrus.
Pero iba ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero may kakaiba sa pagkakabanggit niya sa salitang 'yon kumpara noon. There's something more when he said it, something new to me. I can feel it cause my heart suddenly beats fast than usual.
The sunlight was starting to fade as the wind blowing lightly. It was relaxing. I know that this is just a dream. A dream that I wish to stay.
"We've shared a amazing two years together. Yes, it was short but it was worthwhile. There's something between us and it is the most beautiful thing I've ever felt. Just because I'm out of sight doesn't mean I'm not with you. You're not alone because I'm always with you, Kai, so please don't be unhappy and continue to live."
I was lost for words as I saw him shred a tear. Mabilis na inalis ni Cyrus ang luhang gustong lumabas sa mata niya. Alam kong ayaw niya makita ko yon pero huli na.
Maybe this is it. It's time for me to continue to live without him. No matter how hard and painful. Kailangan ko na talagang tanggapin na wala na ang nag iisang taong nakakaintindi at nagmamahal sa'kin. Ang lalaking tumanggap at nagparamdam sa'kin na hindi ako mahirap mahalin.
Huminga ako ng malalim, "M-mahirap man ang pinapagawa mo pero sige..." tumingin ako ng diretso sa mga mata niya. "Susubukan ko, Cy. I'll continue to live kahit mahirap, pipiliin kong mabuhay. Hindi ko man maintindahan ngayon kung bakit ka niya kinuha agad sa'kin pero tatanggapin ko na..." the pain in my chest was unbearable.
And it's killing me.
He tucked a locked of hair behind my ear, "I'll see you on the other side of the stars." he said as his lips curved into smile.
I'm gonna miss that smile, that face and everything about him.
Hindi ko na maalala kung kailan ang huling beses na nakatulog ako ng gan'on kahimbing. I feel relaxed and calm when I woke up next morning. There's a heavy part inside me was suddenly lifted.
I guess its because of him. I was so thankful that he granted my wish to appeared in my dream. Nagkaroon ako ng peace of mind and motivation.
I'm nervous. Kanina pa nanginging ang mga kamay ko at kanina ko pa ito sinusubukan kontrolin. I bit my fingernail as I stared at the wall in front of me.
"Ready ka na?" bungad ni ate Julie sa'kin pagkapasok niya sa bahay. Tumango lang ako bilang sagot. Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa kama at sinabit ang sling bag sa braso ko.
"Nandyan na yung taxi. Tara na."
Tinulungan ako ni ate Julie sa pagbuhat ng mga gamit ko para ilagay sa sasakyan. Nang mailagay na namin ang dalawang duffel bag at isang backpack na dadalhin ko paalis bigla kong naalala ang bike na niregalo sa'kin ni Cyrus nung unang beses namin magcelebrate ng pasko ng magkasama. Ayoko sana tanggapin 'yon kasi hindi naman ako marunong magbike at masyadong mahal ang halaga n'on para sa' kin bilang regalo.
Seeing that bike reminds me of him and the memories we shared together. Ayokong iwan na lang 'yon ng gan'on-gan'on lang.
"Manong, pwede ko po ba isakay sa taxi niyo yung bike ko?"
Napangiti ako nang pumayag ang matandang driver at ito pa mismo ang naglagay sa sasakyan niya.
"Sigurado ka bang ayaw mong ihatid kita?"
Ngumiti ako kay ate Julie at umiling, "Hindi na, ate. Ang dami mo na naitulong sa'kin. Kaya ko na 'to." kahit hindi kami gan'on kalapit sa isa' t isa nagawa pa rin niya ako tulungan nung mga oras na down na down ako at sobra ko iyon ipinagpapasalamat sa Diyos.
Niyakap muna niya ako bago ako tuluyan sumakay sa sasakyan. I waved my hand to say my last goodbye to her.
To be honest, I'm kinda feeling emotional right now. Marami rin akong memories na nagawa sa lugar na iyon. Malungkot man o masaya hindi ko 'yon malilimutan.
I'm feeling anxious and excited too, at the same time because starting right now a new chapter in my life is about to open. I don't know what's going to happen when I got there, I don't know what's waiting for me in the coming days but whatever happens, I'm not going to run or hide from it. I'm gonna face it with strength.
And I'll never let anyone treat me like a bag of trash that everyone avoids anymore or some kind of a w***e. I'm gonna stand up for myself because that's what I suppose to do and no one's gonna do that for me but myself.
And mostly, I'm not gonna waste my life running away from the shadow of the past. It's part of who I am today and what's making me brave so I'll live with it.
"Saan po tayo, Ma'am?" tanong ng driver sa'kin ng makalayo na kami sa lugar kung saan ako nakatira.
Ngumiti ako, "Sa Themis University po."
This is it.