Hope.
I closed my eyes and take a deep breathe, trying to calm my nervousness before going out of the cab. But it's no use dahil ramdam ko pa rin ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko rin makontrol ang panginginig ng mga kamay. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng kaba. Siguro marahil nasa bagong lugar ako at bagong salta lang.
It's like I'm in this new world, new environment and new people, which is a good thing, though because no one knows me.
"Salamat po." mabuti na lang na tinulungan ako ni Manong driver sa pagbaba ng mga gamit ko pati na yung bike na dala ko.
Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng lugar kung saan ako bumaba at hindi ko mapigilan mamangha sa ganda ng disenyo ng mga gusali. Wow. Dito ako titira?
Neoclassical ang architectural style ng mga gusali na iisipin mong nasa mid 18th century ka. It's very classic and iconic. Kung hindi ko lang nakita ang arko na nadaan namin kanina na may nakasulat na THEMIS RESIDENCE HALLS, iisipin ko maling lugar ang napuntahan ko.
Napangiti ako nang maalala ko yung araw na nakuha ko ang results ng entrance exam ko sa University. Yes. I took that opportunity. Narealized ko na sayang kung itatapon ko na lang basta basta 'yong mga taon na pinag aral ko ang sarili ko.
It was not easy but I survived because Cy was there and now that he's not here anymore, I'll try to make it out alive without him.
I know that he's cheering for me up there.
I was so overwhelmed when the school staff informed me that I got in. There's a feeling of joy and excitement inside me I can't handle. Siguro nga hindi pa tapos ang journey ko sa mundo.
Iniwan ko muna ang mga gamit ko sa isang bench na nakita ko para mas madali kong mahanap ang dorm kung saan ako manunuluyan. Hindi ko naman kasi kakayanin dalhin 'yon ng sabay sabay. May ilan estudyante akong nakita sa paligid na sa tingin ko ay dito sa dorm nakatira.
"Hi."
Napatingin ako sa babaeng nakangiti kumakaway sa direksyon ko. Napahinto ako sa paglalakad dahil do'n.
Naglakad siya papunta sa' kin. "Mukhang bago ka lang dito. New border?" Tumango ako bilang sagot. "Hi. I'm Shannon Morris. One of the borders ng Auxo Hall. Wala kasi ngayon 'yong Student Resident Counselor natin kaya ako muna ang mag aasist sa inyo mga bagong borders ng dorm."
She's seem kind and nice. Ang lapad ng ngiti niya sa' kin habang nakalahad ang isang palad para makipagkamay kaya binigyan ko siya ng awkward na ngiti.
I reached for her hand, "Bago lang ako dito. I'm Kairi Monterio." tipid kong pakilala.
"Sa Auxo Hall ka rin, right?"
"Auxo Hall?" I gave her a I-don't-know look.
"Auxo Hall. That's the dorm for all female students in campus. Well, may isa pang dorm na pwede sa babae pero college students lang ang allowed doon. Wait, ano'ng year mo na pala?" itinuro pa niya ako.
"Senior High." nagulat ako nang bigla niya hinawakan ang braso ko at masayang ngumiti.
"Wow. Pareho tayo. Senior High din ako at scholar ng Themis." this time ako naman ang nagulat dahil pareho pala kami pero hindi ko siya hinawakan sa braso.
"Scholar din ako." ngumiti ako, yung totoong ngiti. Inalog niya ang braso ko pero mahina lang, ramdam ko ang pagiging excited niya.
"Feeling ko magkakasundo tayo. Tara, pumunta na tayo sa dorm."
Tinulungan ako ni Shannon na bitbitin ang mga gamit ko hanggang sa makarating kami sa office ng Student Residence. Kinuha ko ang susi ng dorm ko at agad kaming nagtungo sa room na ibinigay sa'kin which is room 325, third floor.
Namangha ako sa ganda ng loob ng kwarto. May dalawang semi-double sized bed with mattress na may katabing student table with chairs and bookshelves, dalawang cabinets, air conditioning unit and a toilet. It was neat. The wall was painted in pale ivory giving a calm vibe.
Nice.
"You can choose which side you want since nakagraduate na yung student na tumira dito." rinig kong sabi ni Shannon. Tumango tango lang ako. So mag isa lang ako sa room? I can't help but smile deep inside.
Nilingon ko siya, "Thank you sa pag assist sa'kin." tipid ko siyang nginitian.
"Naku, wala 'yon. Masaya ako kapag nakakatulong ako sa kapwa ko estudyante." she smiled back. "If you need anything nasa 2nd floor ang room ko 214." dagdag pa niya.
"I'll keep that in mind." gusto ko sana sabihin sa kanya na hindi ko na kailangan ng tulong pero magiging rude naman ang dating kapag gan'on.
Agad akong nahiga sa kama nang makaalis si Shannon sa kwarto. Ilang oras rin siguro ako nakatulala sa kisame bago ko naisipan ayusin na ang mga gamit ko. It's already five pm nang tumingin ako sa relo ko.
Bukas na ang start ng klase. Hindi ko mapigilan hindi kabahan. Hinawakan ko ang pendant ng kwintas ko. Half moon ang design no'n, birthday gift ni Cyrus sa'kin last year. I closed my eyes as if there's a magical power in my necklace that can give me strength for tomorrow and for the coming days.
Wearing a black pants, a gray shirt and a jacket, I'm on my way for my first subject. Ayon sa campus map na hawak ko, sa left side ang Department of High School. Moirai Hall ang name ng building kung saan located ang ABM strand. Doon ang punta ko dahil business management ang kinuha kong course.
Themis University offers regular high school and senior high school education in its secondary department. The school also offers colleges. The regular high school and senior high school Department are house in one campus, having one administration but differ in curriculum, which is on the left side of the school and on the right side is the College Department. Both Departments are located in one school, the Themis University.
Magkaiba ang kulay ng uniform ng dalawang department, maroon for HS students and navy blue for College students. Ang Themis Residence Halls ay located sa loob mismo ng school. Lahat ng building sa Themis ay neoclassical architectural.
Huminto ako sa isang building na may nakasulat na Moirai Hall. Agad kong hinanap ang room ng magiging klase ko. Medyo nahirapan pa ko mahanap ang classroom ko dahil hindi pa ko pamilyar sa lugar.
Nakuha ko ang atensyon ng ilang estudyante pagpasok ko sa classroom, siguro dahil sa suot ko. Lahat sila nakasuot ng Themis uniform maliban sa'kin. May pera naman akong pambili na isa sa mga benefits ng pagiging scholar kaya lang nawala sa isip kong bumili ng uniform dahil sa pagod at halos late na ko nakapag enrolled.
Ang scholarship money na natanggap ko ay nailagay na sa Student Account ko dito sa school kaya hindi ko pwede gastusin iyon sa ibang bagay maliban sa school works.
Agad akong naupo sa vacant chair na nakita ko. Inilibot ko ang mata ko sa buong classroom na parang kinikilala ang mga magiging classmates ko. They all look classy and well-pampered. Bigla akong nakaramdam ng pagkailang. Tinignan ko ang suot kong damit. I suddenly feel small and intimated.
Do I really belong here?
Naging maayos ang mga nauna kong subjects. It's lunch break. Papunta ako sa isa sa mga cafeteria ng school. Themis University have three cafeteria. One for High school Department, one for College Department and the other one is on the Themis Residence Halls. But the students are allowed to choose where cafeteria they want to eat between the two departments.
I decided to eat in HS Department Dining Hall which located in Moirai Hall. Halos mapanganga ako sa presyo ng mga pagkain. Halagang one hundred fifty pesos na ang pinakamura. I just ordered a lasagna and two bottles of water. Saglit ako natigilan para maghanap ng bakanteng lamesa. Nagtungo ako sa pwestong nakita at inilagay na ang tray na dala sa lamesa kung saan may tatlong babaeng kumakain. Tahimik akong naupo katabi nila nang hindi man lang pinagtuunan ng pansin ang mga ito.
Alam kong naramdaman nila ang presensya ko. Ramdam ko ang pagtingin nila sa direksyon ko pero binalewala ko lang iyon at nagsimulang kumain.
I heard someone scowled, "Excuse me, what are you doing here?" rinig kong tanong ng babaeng nasa harap ko. Hindi ba niya nakikita na kumakain ako? Bakit kailangan pa niya magtanong?
I looked at her with my blank expression, "I'm eating." tipid kong wika. She looks like a model. Her hair is light red that matches her curly hair.
Tumaas ang kilay niya sa sagot ko na parang hindi siya makapaniwala. Bakit? Ano bang sagot ang gusto niya? Hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin at bumalik sa pagkain.
"Alam mo bang ayaw namin may nakikishare ng table sa hindi namin friends?!" rinig kong sabi ng isa sa mga kasama niya. I ignored her. Wala akong time para sa kanila. Hell, I care. Hindi naman nila pag aari ang table na ito.
As much as possible, I don't want to draw any attention from anyone. I don't want to make a scene or get into trouble too. First day of school ngayon kaya gusto ko magkaroon ng magandang experience para sa new beginnings ng buhay ko. Gusto ko ng tahimik na pamumuhay at maging positive lang.
Pero hindi yata umaayon sa gusto ko ang tadhana. Mukhang masisira ang plano kong magkaroon ng maganda at tahimik na first day dito sa Themis.
Napatigil ako sa pag kain nang biglang itapon ng babaeng nasa harap ko ang pagkain ko. Pati tubig ko ay tinapon din niya. Nabasa tuloy ang ilang parte ng damit ko. Masama ko itong tinignan.
"Ayan. Tapos ka na kumain. You can go now, shoo." Nakangising sabi nito. She also waved her hand. Tumawa naman ang dalawa niyang kasama. By the looks of this three, they all look like a spoiled brat girls. Halata rin na mayaman sila at mukhang sosyal. Plus, they are all pretty.
Napansin kong may ilang estudyante ang napatingin sa amin. But heck! Nasayang yung pagkain ko. Sayang yung pera ginastos ko! Sanay na ko mapahiya kaya sige lubusin na natin.
Imbis na tumayo at umalis ay kinuha ko ang pagkain nila at sunod sunod na itinapon iyon. Oh God, Forgive me for wasting food. Napatayo silang tatlo at sabay sabay na nagsisigaw sa ginawa ko dahil mukhang natapunan din ang uniform nila.
"Oh My Gosh! My uniform! " Maarteng sigaw ng babaeng maikli ang buhok.
"My uniform got a dirt, too! Ugh! You b***h!" inis na sigaw ng katabi ko.
Oh, crap!
Nasa aming apat na ang atensyon ng lahat. Tinignan nila akong tatlo ng masama. I smirked at them. Well, I've already made promise to myself that I won't let anyone treat me like a garbage. Ayoko naman sirain agad ang pangakong iyon.
"Tapos na kayong kumain. You can go now." I said sarcastically. Mas lalong sumama ang tingin nila sa akin. Tumalikod na ako para umalis na pero nakaisang hakbang pa lang ako ay may humawak na sa braso ko.
"Where do you think you're going, b***h?!" hinawakan ako sa braso ng babaeng may maikling buhok sabay sabunot sa akin.
Oh s**t.
Marahas kong binawi ang braso ko at sinabunutan ang babaeng sumabunot sa akin. Rinig ko ang ingay ng mga estudyante. Napabitaw siya sa akin dahil sa sakit. Pero gumanti naman ang isa niya pang kasama at sinampal ako habang si Red hair girl ay sinabunutan din ako. Ano 'to? Three versus one?!
Siniko ko ng malakas sa tagaliran yung sumapal sa akin. Hinawakan ko naman sa braso yung babaeng sumasabunot sa akin sabay tulak ng malakas dito. Mukhang nakarecover na yung unang babaeng sumabunot sa akin dahil aatake na ulit ito. Pero bago pa siya makalapit sa'kin ay nauna na nakalapit sa pwesto ko si Red hair girl.
"You, loser!" galit na sigaw niya sa'kin. Hinawakan niya ko braso at itinulak ako ng malakas. Tumama ang likod ko sa katabing lamesa. Susugod sana ako para gumanti pero na out balanced ako at nadulas dahil sa natapon na tubig.
Dahil doon ay napaluhod ako sa sahig. Buti na lang ay naitukod ko ang mga kamay ko sa tiled floor kaya hindi ako tuluyan nasubsob dito.
The fudge!
All students in the cafetaria laughed at my misfortune. Unang araw ko palang dito nakipag away na agad ako at worst napahiya. Nakaramdam ako ng pamilyar na pakiramdam. Madalas ko maramamdam ito sa dati kong school. Ang pagtawanan at pahiyain. Akala ko sanay na ako, hindi pa rin pala.
"That's karma, loser." Rinig kong sabi pa ng isa sa kanila. Mas lumakas pa ang tawa ng mga ito. Karma? Bakit lagi na lang ako ang ginagantihan mo? Ano'ng kasalanan ko sa'yo?
Hindi ko magawang tumayo agad. Pakiramdam ko hindi ko kayang iangat ang ulo ko para harapin sila. Ramdam ko din ang nagbabadyang luha ko. Bigla akong nanghina. Pakiramdam ko nawala yung lakas ko. I'm so embarassed right now. I feel so pathetic. I feel so helpless.
Pero bago pa ko tuluyan maiyak ay may isang taong lumapit sa akin. Sapatos lang niya ang nakikita ko dahil nakayuko ako. Sigurado akong bagong dating lang ito dahil wala siya kanina diyan.
Doon ko lang din narealize na tumigil na sila sa pagtawa. Halos wala akong marinig na ingay sa loob. Iaangat ko na sana ang ulo ko nang may nagsalita.
"What the hell happened here?"
I heard a man's voice that send chills on my nerves. Boses pa lang 'yon pero kinabahan na agad ako. What more kung makita ko kung sino ang may ari ng boses na iyon?
Walang nagtangka sumagot. Parang bigla kong gustong takasan ang sitwasyon na kinalalagyan ko ngayon. Sana magkaroon ng black hole sa mismong pwesto ko para higupin ako nito papunta sa kung saan o hindi kaya bigla akong magkaroon ng invisible power. I really wanted to disappear right now.
"You. Stand up." alam kong ako ang tinutukoy niya dahil ako lang naman ang nakaluhod dito. His voice is full of authority that's why even if my knees are shaking I tried to stand on my feet.
My eyes automatically land to a pair of deep hazel orb, my breathing stopped. There stood in front of me is the man looked like an acient Greek prince with chiseled features and deep and velvety eyes.
He looks like someone who has a reputation as a real ladykiller. He's drop-dead gorgeous. I know this is not the right time to praise this guy because of my embarrassing situation but d*mn, I was stunned!
"Looks like someone throw a party in here." napahinto ako sa pagtitig sa lalaking nasa harap ko at napatingin sa lalaking nagsalita. May highlight na blue ang kulay ng buhok nito na bumagay sa kanya. Kagaya ng unang lalaki biniyayaan din ito ng kagwapuhan.
Is it just me or the ambiance of the place is filled with fear? Halos lahat ng estudyante nandito hindi makatingin sa kanila ng maayos pati na rin ang tatlong babaeng nakaaway ko.
Okay. What's going on?
"Don't make me ask again." nakaramdam ako ng kaba nang magsalita ulit ang lalaking nasa harapan ko. Madilim at tila nagtitimpi ng galit ang itsura nito. Inilibot ng lalaki ang paningin niya sa paligid hanggang sa huminto iyon sa'kin.
He looked at me from head to toe as if he's checking something. Hindi ko mapigilan mailang dahil doon. Ibinalik niya ang tingin sa mukha ko at tinignan ng mariin.
Tsk. Problema mo?
"She's the one who started it!" tinuro ako ng isa sa mga babaeng nakaaway ko. The short hair girl. Dahil sa sinabi niya ay napabaling sa kanya ang lalaki.
Agad naman siya sinang-ayunan ng mga kasama niya. Sa totoo lang, nakakatawa ang mga itsura nila dahil mukha silang mga batang takot mapagalitan ng magulang. Expected ko naman na magkakampihan sila laban sa'kin. Ano bang magagawa ko? Magkakaibigan sila e.
"She attacked us first. Gumanti lang kami. Ayaw talaga namin ng gulo kaya lang we had no choice but to defend ourselves." may paawa effect pa si Red hair girl.
Gusto ko mapairap sa inis dahil sa pagsisinunging nito. Napakagaling! Sila talaga ang nauna gumawa ng gulo pero binabaliktad nila iyon. Kahit naiinis ako ay nanatili lang ang blankong ekspresyon sa mukha ko. Wala naman silbi kung ipapakitang kong galit ako. Magmumukha lang akong guilty.
Tumingin muli sa direksyon ko yung gwapong lalaki pero mukhang masungit. Mukhang naghihintay siya kung may sasabihin ako pero nanatili lang akong tahimik.
Bakit kailangan ko magpaliwanag sa kanya? Sino ba siya? Principal? Guidance Counselor? Estudyante lang din naman siya dahil sa suot niyang uniform na kulay navy blue.
He fold his hand behind his back as if he assessing the situation. Tinignan niya ang bawat isa sa amin na sangkot sa gulo, "Detention after class." his tone was low but full of authority.
Iyon lang ang sinabi niya at nagsimula na maglakad palayo. May apat na lalaking sumunod sa kanya pero bago sila tuluyan makalabas ng canteen ay lumingon ang isa sa kanila sa pwesto namin.
"Clean that f*****g mess!" the guy with curly hair said with irritation. Okay. Another gwapo.
Teka, sino ba sila? Kung umasta parang mga hari. Tsk.
My clothes are dirty. I'm sweating bullets. I'm literally messy right now and I'm humiliated. Bakit? Dahil mag isa ko lang nilinis ang kalat at gulo na nagawa namin sa cafeteria. Those three girls just left like nothing happened. Sabi pa ng isa sa kanila na impossible daw na maglinis sila dahil never pa daw sila naglilinis sa buong buhay nila like the hell? Gan'on ba lahat ng anak mayaman?
Dahil alam ko naman na may pagkakamali rin ako sa nangyari, ako na ang naglinis mag isa ng mga kalat na ginawa namin. Hindi dahil inutos ng lalaking iyon. Ayoko din abalahin pa ang janitress na lumapit sa'kin para sabihin siya na ang gumawa no'n. Marunong akong tumanggap ng parusa sa mga pagkakamali ko. At isa pa, marunong akong maglinis dahil bata pa lang ako ginagawa ko na iyon sa bahay ng tiyahin ko.
Pagod kong hinuhugasan ang mga kamay ko sa restroom nang maalala ang tingin ng ilang estudyante sa akin habang naglilinis ako. They looked at me as if they pitied me. May nakita pa kong isang grupo ng mga lalaking na nakatingin sa akin habang tumatawa ng mahina. And when I stared back, they look away. Naranasan ko na iyon sa dating kong school kaya natuto na ko h'wag magpakita ng kahit ano'ng emosyon kasi sanay na ko.
But that's one of the things I hate, ang pagtawanan in public.
"Class dismissed." Mrs. Rossetti announced. She's our teacher for PE and Health 2. That's our last subject for today. Agad kong inayos ang gamit ko para magpunta na sa detention.
May limang estudyante ang nasa loob ng detention room.Tatlong lalaki at dalawang babae ang bumungad sa akin pagpasok ko. Kagaya ng normal na classroom lang ang loob nito. Agad akong naupo sa bakanteng upuan sa unang linya. Maya maya pa ay dumating na ang tatlong babaeng nakaaway ko. Nagtatawanan sila pagpasok sa room pero natigil iyon nang makita ako. Naupo sila sa kabilang side ng pwesto ko.
Ramdam ko ang masasamang tingin nila sa'kin pero nanatiling nasa harap ang mga mata ko. Ilang minuto lang ay bumukas ulit ang pintuan ng silid at pumasok ang isang lalaking nakasuot ng asul na uniporme.
He graciously walked in front of the room and greeted us with a smile. He looks so good in his ash brown hair that had been combed back and slicked down with something to make it neat.
"Grabe, ang gwapo talaga ni Austin." rinig kong bulong ng isang babae na halatang kinikilig dahil sa tono ng boses nito.
Wait, he looks familiar. He's one of those guys at the cafeteria.
"Theo won't be here because he's with the Dean right now so ako muna ang bahala sa inyo." he smiled again. A type of smile that can make anyone go crazy.
Patunay ang mga babaeng kasama ko na halos matulala sa lalaking nagsasalita sa harap. Okay girls. Stop drolling!
Habang ako naman ay walang idea kung sino ba siya! At bakit siya ang kumakausap sa amin. Diba dapat Guidance Counselor or School Officials? Bakit estudyante?
"Ilagay niyo sa papel na 'to ang pangalan ninyo para malaman ko kung nakailan offense na kayo." medyo nagulat pa ko nang lumapit siya sa akin para iabot ang papel. Well, hindi naman nakakapagtaka dahil nasa unahan ako nakaupo.
Agad kong inilista ang pangalan ko at ipinasa sa katabi. Nang matapos ang lahat sa pagsulat ay agad niya chineck ang mga ito sa laptop na dala niya. After few minutes, natapos na siya. Pinaalis niya ang tatlong lalaki dahil nakadalawang offense na daw ang mga ito. Naiwan kaming anim na babae.
"So the rest of you will stay here for two hours as your punishment for your first offense. Hope you guys learn from your actions and never do it again because here in Themis, we strongly practice to live in just actions and orderliness by treating people fairly." he said as he trying to make us reflect on our mistakes.
Well, he's right. Mali talaga ang ginawa ko. Dapat hinabaan ko na lang ang pasensya ko o hindi kaya ay umalis na lang para wala na gulong nangyari. Pero dahil nangyari na, aral na ito sa akin. Hindi naman ako palaaway o mahilig mang away e. This is not me. Ayoko lang talaga maulit ulit sa'kin ang nangyari sa dati kong school.
It was a tiring first day. Pero unang araw pa lang naman. Hindi pa ko nagsisisi pumasok sa school na 'to. Kaya ko' to. I'm hoping for betters days.
Hope. Its weird for me to hope because its not something I usually do. Again, this is not me.
I guess second life gives you hope.
And I'm doing this for Cyrus.