Chapter 4

3155 Words
Dark. A huge smile plaster on my face as I looked at myself in the mirror. Wearing a white blouse together with a dark red blazer with school crest, red tartan tie and red plaid pleated skirt plus the size is perfectly fit on my body. This high school uniform was undeniably classy and kinda cute. Sinuklay ko ang buhok ko na hanggang dibdib ang haba. I fix my bangs that styled in a fringe. Inilapit ko ang mukha ko sa salamin at saglit na tinignan ito. A thin face with a creamy complexion, my lips are naturally pink because I'd never try to put anything on it. Actually, never pa kong gumamit o naglagay ng kahit anong kemikal sa mukha. Body lotion and powder lang. Bukod sa hindi ko naman alam ang mga iyon, ayokong gumastos para do'n. Ibibili ko na lang ng pagkain. Nang makuntento na ko sa ayos ko, kahit na buhok ko lang ang inayos ko, naupo ako sa kama at isinuot ang black knee-length socks at black penny loafers with soles na isa sa mga issued footwear ng University. Kinuha ko ang backpack ko at lumabas na ng kwarto. Six am pa lang ng umaga nang mapatingin ako sa relo na nasa palapulsuhan ko. May ilang minuto pa ko bago ang first subject ko. Hindi tulad kahapon, kalmado lang akong naglalakad papunta sa Moirai Hall. Alam ko na kasi kung saan iyon kaya hindi na ko nagmamadali. Huminto ako sa paglalakad para pagmasdan ang Statue of Themis. Themis was the Greek Goddess of divine law and order. She described as The Lady of Good Counsel. Nakaukit sa batong semento ang pangalan niya at pangalan ng school. Nakasulat din ang mga salitang "Fight the good fight". Ang Statue of Themis ang nagsisilbing hati sa pagitan ng dalawang departamento kaya lahat ng estudyante mapapadaan dito kapag papasok. Saglit ko pang pinagmasdan ang estatwa nang makuha ang atensyon ko ng isang lalaking tahimik na naglalakad. Seryosong nakatuon ang mga mata nito sa cellphone na hawak niya gamit ang kanang kamay. Wala naman special sa ginagawa niya pero nakukuha niya ang atensyon ng mga nakakasalubong na estudyante. Okay, siya na malakas ang appeal! Siya iyong lalaking masungit sa Cafeteria. Hindi ko alam kung bakit pero siya na 'yung pinagmamasdam ko. Parang may kung ano'ng mahika na meron siya na nagpapahinto sa akin at napapatitig lang dito. Bahagya akong nagulat nang dumako ang tingin nito sa pwesto ko. Sh*t. Mabilis akong naglakad pakaliwa para hind niya ko mapansin. Naramdaman niya yata may nakatitig sa kanya. Hindi ko na tinangka lingunin pa ang lalaking papasa bilang Greek prince dahil baka ma-late ako! Halos magparty ang mga classmates ko nang i-announce ni Shannon na absent ang isang Prof namin kaya isang oras at kalahati kaming bakante. Iyong iba ay agad na lumabas ng room. Gano'n na rin ang ginawa ko. Hindi ko kasi kaya magtagal sa loob habang may mga matang nakatingin sa akin ng masama. Ang mga babaeng nakaaway ko sa Cafeteria ang tinutukoy ko. I decided to sit onto one of the benches with tables outside the building. May ilang estudyante rin ang nakatambay dito. Inilapag ko ang libro, notebook at ballpen ko sa lamesa. Inilabas ko din ang baon kong egg sandwich na ginawa ko kanina sa dorm kitchen. Focus lang ako pagsusulat nang maramdaman kong may naupo sa upuan na nasa harap ko. Hindi na ko nag abalang lingunin kung sino iyon dahil wala naman kaso sa akin kung may makiupo sa pwesto ko. I heard someone coughed, tr,ying to get my attention. "Hi. Busy?" his voice was smoky. Gusto kong umirap sa naging tanong nito. Hindi ba obvious? Huminto ako sa pagsusulat at nilingon kung sino ang may ari ng boses na iyon. A playful smirk appeared on his face as I stared back at him. He was pretty. His oriental features were chiseled, streaky jet hair, pointy nose, his golden brown eyes were like afternoon sunlight, it's ravishing. Okay. Another drop-dead gorgeous man. But I knew his type. A flirty type of guy. He cleared his throat, "New student?" tanong niya. Tumango lang ako bilang sagot. "Ah kaya pala, hindi ka kasi familiar sa'kin e." nakangiting sabi nito. Kumunot ang noo ko, "Bakit lahat ba ng estudyante dito familiar sa'yo?" Wala naman akong balak kausapin siya napatanong lang talaga ako sa sinabi niya. "Well, hindi naman pero kung kasing ganda mo. Sigurado akong maaalala ko." he smirked again. My brow automatically raised at what he said. Bolero. He stroke his tie, "I'm Caden. What's your name?" hindi ko alam kung ano'ng trip nito at ako ang naging target niya. Bored ba siya sa buhay? Siya 'yung tipo ng lalaking dapat iwasan kung ayaw mong masama sa listahan ng mga babaeng nilalandi niya. Binalewala ko siya at nagsimula ulit magsulat. Bahala siya diyan. Aalis din yan mamaya dahil wala siya mapapala sa' kin. Narinig ko siyang tumawa ng mahina dahil sa pagbalewala ko sa kanya. "Okay, you got me so can I have your phone number? Or SocMed account? Ig? Viber? Snap? What's your email?" "Can you please get lost?" hindi na ko nakatiis. I hope he heard the irritation in my voice. His lips formed into O, looking surprise at my remarks. While I give him my expressionless face. Umalis ka na, please! He chuckled again. "Oh, I'm already lost in your eyes, baby." then he winked. Ay, ang harot. Napairap ako sa hangin sa narinig ko. Sorry na lang pero hindi ako madadala sa mga linyahan na ganyan. "Look, kung bored ka sa buhay mo, h'wag ako ang pagtripan mo. Gusto ko ng tahimik na buhay so please iba na lang." Agad kong kinuha ang mga libro at notebook ko sa lamesa at dali daling umalis doon. Hindi ko na hinintay na magsalita pa ang lalaki. Ako na lang ang iiwas. Ramdam kong gulo lang ang idudulot ng lalaking 'yon sa buhay ko. My days at school went fine. I'm always alone and that's all right. I'm used to it. Simula nang nangyari incident sa cafeteria, hindi na ko kumain doon. Sa campus oval ako madalas tumambay. Bukod sa mahangin at tahimik, wala masyadong estudyante ang tumatambay sa lugar. Medyo malayo nga lang sa Moirai Hall pero mabilis naman akong tumakbo kung sakaling ma-late ako. Two weeks na ko dito sa Themis. It's been quiet and peaceful, maliban na lang kapag lumalapit sa'kin si Shannon para yayain ako kumain kasama ang mga friends niya. Lagi ko siya tinatanggihan, hindi dahil sa ayoko, okay, I admit, ayoko talaga. Bakit? Hindi ako sanay. Hindi ako komportable at hindi ko alam kung paano sila kakausapin na walang "paano kung hindi nila ako gusto?" mindset. I'm socially awkward person. I don't know how to interact with other people dahil sanay akong mag isa. I don't know how to start a conversation without trying to be comfortable because I know the moment I feel comfortable with that person, I'll starting to attach myself with them. And that's the problem. Ayoko ma-attach sa isang tao o sa maraming tao dahil kapag nangyari iyon ay madali na lang nila akong masasaktan. Ayokong masaktan. Ayokong maiwan. Natatakot ako. Natatakot ako na kapag naging komportable o na-attached na ako sa kanila, iiwan na nila ako o hindi kaya sasaktan. I have histories of people leaving me and none of them gave me warnings. Natuto na ko. Kaya ko naman siguro magtapos ng senior high nang walang nagiging kaibigan. At isa pa kung ang mga taong nagluwal sa akin dito sa mundo, kinayang iwan ako. Paano pa kaya ang mga taong ngayon ko pa lang makikilala, sino ba ako sa kanila para magstay sila sa'kin? Thank God it's friday! Nagpunta muna ako sa library para sa research paper ko. Pauwi na ko sa dorm ngayon nang makasalubong ko si Shannon. Para siyang natataranta. Lumiwanag ang mukha niya nang makita ako. Lumapit ako sa kanya. "May problema ba?" agad kong tanong nang makalapit ako sa kanya. Ayoko magkaroon ng kaibigan pero hindi ibig sabihin n'on wala na kong pake lalo na sa mga taong tulad ni Shannon. "Uhm.. Ano kasi bigla akong pinatawag ni Mrs. Victoria ngayon...pero kailangan ko na talaga dalhin 'to sa SSG Office dahil kailangan na 'to ni Theo." paliwanag niya sabay pakita ng white folder na nasa kamay niya. Si Mrs. Victoria ang principal ng High school Department. Tumango tango ako,"Okay. Ano'ng maitutulong ko?" me trying to help. Ngumiti siya, "Pwede bang ikaw na lang ang magdala nito sa SSG Office? Kailangan ko na kasi 'yan masubmit kay Theo today. Ayaw niyang pinaghihintay siya." sabay abot sa akin ng white folder na kinuha ko rin agad. "Okay." "Thanks, Kairi!" she tapped my shoulder. I just gave her a small smile. Agad siya nagpatuloy sa paglakad na halatang nagmamadali. Pero teka lang... "Wait, Saan 'yung SSG office?" pigil ko sa kanya. "Sa Dike Hall, seventh floor." Hindi niya nilinaw kung saan exact location pero bahala na madali na lang siguro hanapin iyon. Agad akong pumasok sa gusali nang makita ko ang Dike Hall. Sumakay ako sa elevator at pinindot ang number seven. Ilang saglit lang ay bumukas na ang pinto nito. Agad kong hinanap ang Office na pupuntahan ko. Okay. Which side? Left or Right? Naisip kong magtungo sa right side ng building. Tahimik ang paligid at ako lang taong nandito. May nakita akong pintong nakabukas ng kaunti. Baka iyon na ang SSG Office. Kumatok muna ako bago pumasok kaso walang sumagot kaya sumilip ako ng kaonti. Mukhang walang tao. Itinulak ko ang pinto para makapasok nang tuluyan. Namangha ako sa ganda ng silid. Ito ba ang Supreme Student Government Office? There's a bookshelves on the wall, a black leather sofa with a marble table, a plasma, a pool of billiards, a foosball table and a fridge! Nagkalat din ang iba't ibang uri ng paintings na may mga kakaibang guhit. Wow! This place is so cool. Parang tambayan ng mayayaman estudyante. Inilipag ko sa center table ang folder na hawak ko. Hindi ko gustong magtagal sa lugar dahil baka hindi allowed dito ang hindi part ng Student Council. Palabas na ko ng silid nang makuha ang atensyon ko ng mga pictures frames na nakalagay sa isang display rack. May limang pictures frames ang nandoon na larawan ng limang lalaki. My eyes focus on the photo of a guy in the middle. He was so serious. With his strong features, striking dark eyes and those lustful thin lips. He's beautiful. Wait what? What am I saying? Wala sa sariling kinuha ko sa pagkakalagay ang larawan na parang kailangan ko pang ilapit iyon sa akin para makita ng mabuti ang kabuuang itsura ng lalaki. "You must be lost." I almost jumped on my feet as I heard a familiar voice behind my back. I automatically turned around to see whoever it was and my heart skipped a beat for unknown reason. Dark. That's the word. Dark messy hair that looks like it's done effortlessly. Dark brows and lashes and hazel eyes giving me a piercing dark stare. His aura were dark and mysterious. His eyes went on the ground and I saw how his jaw clenched. Sinundan ko ang tingin niya. Nanlaki ang mata ko nang marealize kung saan siya nakatingin. "Hala!!" awtomatiko akong napaluhod para damputin ang picture frame na hindi ko namalayan na nabitawan ko pala. "Don't touch it!" Huli na nang mapigilan niya ako dahil nahawakan ko na ang nabasag na frame. Nagulat ako sa biglang pagsigaw niya kaya aksidenteng nasugatan ang daliri ko. s**t. Napaaray ako sa sakit. Agad na may tumulong dugo sa sahig. I gasped when he pulled my hand towards him and look at my wounded finger. He's seriously staring at it with his crease forehead. Hindi ko namalayan nakalapit na pala siya sa'kin. My breathing hicked as I realize he's holding my palm. I feel the warm of his hand. There's something unexplainable feeling starting to build inside me. Weird. Mabilis kong inagaw ang kamay ko sa pagkakahawak niya nang matauhan, "A-ayos lang..." napahinto ako sa pagsasalita nang makita kong kinuha at tinignan niya ang picture frame na nabasag. Kinabahan ako. Oh no! He raised his brow as he realised whose on the photo. I bit my lower lip because of embarrassment. I feel the heat on my cheecks. Siya 'yun e! Tumayo siya at nilagay ang larawan sa lamesa. Naiwan sa sahig ang mga nabasag na frame. Tumayo ako, "S-sorry hindi ko sinasad–" "What are you doing here?" putol niya sa sinasabi ko. "Paano ka nakapasok dito? Did you force to open the door?" his intense stare makes me feel like I did something wrong. Umiling iling ako, "Hindi. Bukas na talaga 'yong pinto kaya pumasok ako." paliwanag ko. Hindi nagkakalayo ang distansya namin. Nakatayo lang siya sa tapat ko habang pinagmamasdan ako na parang kinikilatis. He rubbed his chin as if he's reading my mind, "So you mean the door was already opened?" paglilinaw niya. Tumango ako. "That's impossible. We never leave this door unlocked. Sino nagpapasok sa'yo dito?" the tone of his voice was low and serious. I'm starting to feel nervous and uncomfortable. "K-kusa akong pumasok dito. Hindi ko naman alam na hindi pala allowed ang hindi member ng Student Govern–" "This is not the SSG office." Okay. Wrong place. I bit my lower lip, "Uhm. Gano'n ba... S-sorry hindi ko alam..." I managed to say while stuttering. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. He gave me a dead stare as if he was bored. "Now you know so leave." sabay talikod sa akin na parang tapos na niya akong imbestigihan. Napatingin ako sa nabasag na frame. Hindi naman yata tama iwan ko na lang iyon doon. Nakakahiya na nga mahuli niya akong nakatingin sa picture niya. Hays. Ano kaya nasa isip niya? Baka isipin niya interesado ako sa kanya kahit na hindi ko pa naman siya kilala. Sa totoo lang, ngayon ko na lang siya ulit nakita. Huli ko siyang nakita no'ng second day ko dito sa school habang pinagmamasdan ko ang Statue of Themis. "Ako na ang bahala d'yan. Just leave. Leave right now." napatingin ako sa lalaki. Nakagat ko ang ibabang labi nang ma-realised kong nakatuon muli ang mga mata niya sa akin. Hindi na ko umangal pa at lumabas na ng silid. Bigla akong nakahinga ng maluwag ng makalabas at makalayo sa lugar. Bumuntong hininga ako, hindi ko namalayan na halos hindi pala ako huminga habang kausap ang lalaking iyon. Bagsak ang balikat. Halos nakapikit na ko habang naglalakad pabalik ng dorm. Paano ko nagagawa 'yon? Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko pagod ako. Feeling ko nawalan ako ng lakas dahil sa lalaking iyon. His presence makes you feel weak unconsciously. And that's the type of guy I should avoid because they bring nothing but danger. Napabukas ako ng mata nang may marahas na humawak sa braso ko at pigilan ako sa paglalakad. "Ano ba–" napahinto ako ng makita kung kaninong kamay ang may hawak sa kanang braso ko. "May kailangan ka ba?" may halong gulat na tanong ko. Seriously? Ano'ng kailangan niya sa'kin para sundan pa niya ko dito sa Auxo Hall? "Where's the box?" mahina pero nagpipigil ng galit na tanong nito. Ha? Box? Kumunot ang noo ko, "What box?" I said clueless. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa braso ko. "There was a music box in that room. It's an old and vintage type. May nakita ka ba? Where is it?" he sounds impatience. His cold stares makes me nervous. Naguluhan ako sa sinasabi niya. Music box? Bakit niya sa'kin hinahanap iyon? "Ano'ng music box? Wala ako–" I paused, "Teka, pinagbibintangan mo ba kong kinuha 'yon? Ano'ng tingin mo sa'kin magnanakaw?" medyo inis na tanong ko. "I'm just asking. You don't need to be defensive." "Defensive? I'm not being defensive. Pinagbibintangan mo ko! Hindi ako t*nga para hindi 'yon mapansin. Nakita mo kong umalis na walang hawak na kahit ano. Wala sa' kin ang hinahanap mo!" marahas kong binawi ang braso ko sa pagkakahawak niya at inis na tinignan ito. Kainis! Wala pang sampung minuto ang itinagal ko sa lugar na 'yon. Ano akala niya ninakaw ko ang music box niya? The heck! Lumapit siya sa akin na halos mawalan na ng space sa pagitan naming dalawa. Hinawakan niya muli ang braso ko at tinignan ako ng maigi sa mata. Bigla akong nataranta sa ginawa niya. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa kaba. He's making me tense and uncomfortable and I'm trying my hardest to hide it in my blank expression. "I told you, I'm just asking. But the thing is, I have trust issues. I don't easily believe words without legitimate proof." he leaned closer to me. I can smell the strawberry mint in his breathe. D*mn! Bakit ba sobrang lapit niya? Kinakabahan na talaga ako! But once again, I was astonished when I looked at his face closer. A beautiful face. Well defined nose, with a sharp jaw and angular cheekbones. He had trousled dark black hair, which was thick and lustrous. He had strong arched brows and eyelashes so thick, it could be illegal. And then his eyes- they were deep and catastrophic hazel eyes, its alluring. His soft lips were very attractive and captivating and his tanned skin made him look devilishly handsome. But the hell! Trust issues? Well, same! I stared into his eyes, giving him the same intensity I saw in those pair of orb, "Oh, you want proof? Okay." gamit ang isang kamay ay tinanggal ko ang strap ng bag ko sa pagkakasabit sa balikat ko. Binuksan ko ang zipper nito at itinaob ang bag para kusang magsilabasan ang mga laman nito. Lahat ng gamit ko sa school ay nagkalat sa lupa. "Legit proof na ba 'yan?" I asked without breaking the eye contact. Kitang kita ko ang pa-igting ng panga niya. Dahan dahan niya ibinaba ang tingin sa mga gamit ko at tinignan isa isa. Gusto kong maiyak. Gusto kong magalit. Pero kapag ginawa ko iyon, mahina ako. At hindi ako mahina. Hindi ako iiyak dahil lang pinagbintangan akong magnanakaw. Naramdaman ko ang pagbitaw ng kamay niya sa braso ko. Nagkaroon na rin ng distansya sa pagitan namin. Pero tahimik lang siya nakatingin sa lupa kung nasaan ang mga gamit ko na parang may malalim na iniisip. Napakagat ako ng ibabang labi. "Hindi pa ba sapat 'yan? Ano? Kailangan ko pa bang tanggalin ang mga da–" "f**k! Forget about it." Iyon lang sinabi niya at agad na naglakad palayo. What was that?! Nakahinga ako ng maluwag nang mawala na siya sa paningin ko. Ngayon ko lang narealize na may ilan estudyante pala nakakita sa eksenang iyon. Napairap ako sa kawalan. Mabilis kong dinampot isa isa ang mga gamit ko at umalis sa lugar. Damn that man! Wag na sana magtagpo ang landas namin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD