Forget.
"Kairi, for you." napatingin ako sa isang box ng donut na nakalagay sa desk ko. Masamang tingin agad ang ibinigay ko sa lalaking nakaupo sa tabi ko. Ang lapad ng ngisi niya habang nakatingin sa akin na parang walang pake sa kung paano ko siya tignan.
Seriously? Kailan ba siya titigil sa pagbibigay sa'kin ng pagkain? Kailan siya titigil sa pangungulit sa'kin? Halos araw araw siya nagbibigay ng iba't ibang pagkain at halos araw araw din niya kong kinukulit. Bored yata talaga siya sa buhay.
"Thanks but no thanks." 'yan ang lagi kong linya kay Caden. Inilagay ko ang kahon sa desk niya at diretsong tumingin sa harap. Bakit kasi ang tagal dumating ng teacher namin?
"Ayaw mo? What's your favourite food ba? I'll buy it. Just tell me." binalik ko ang tingin sa kanya. Hays. Nastress nga ako nang malaman kong classmate ko pala siya pero mas nastress ako lalo nang lumipat siya ng upuan at tumabi sa pwesto ko. Akala ko hindi na siya lalapit ulit sa'kin after ng first meeting namin.
"Ilang beses ko ba dapat sabihin sa'yo na h'wag mo kong bilhan ng pagkain at maghanap ka ng ibang babaeng pagtitripan mo. Marami na kong problema, wag ka na dumagdag." I give him my deadliest stare just to stop him from pestering me.
He leaned a bit towards me, "I'm just being generous and besides, gusto ko lang naman bumawi sa'yo kasi kinain ko ang egg sandwich mo."
Grabe! Ang tagal na no'n. Kinain niya pala yung naiwan kong egg sandwich na ginawa ko nung second day. Nawala na nga sa isip ko 'yon pero heto siya sinasabing papalitan na lang daw niya. Kaya kung ano anong pagkain ang binibigay sa'kin tulad ng boxes of pizza, cake, chocolates and cookies. May fries and burgers pa nga. Lahat mataas sa calories!
"Kalimutan mo na 'yon. Hindi naman kita sinisingil e at sa ibang tao ka na lang maging generous. Tigilan mo na ko, please lang." walang emosyon wika ko. Sasagot pa sana siya kaso dumating na ang guro namin at agad nagsimula ang klase.
Nang magring ang bell hudyat ng pagtatapos ng klase ay nagmadali akong lumabas ng room. Ayokong magkaroon ng pagkakataon na makausap ako ni Caden. Minsan kasi sumusunod pa sa'kin ang lalaking iyon kung saan ako pumunta o minsan naman makikiupo kung saan ako nakatambay.
Nagpunta ako sa locker para palitan ang mga libro ko. Pagkatapos ay magpupunta na ko sa tambayan ko para magpalipas oras. Hindi pa ko nakakalayo sa building nang tawagin ako ni Shannon. Huminto ako at nilingon siya.
"Sabay na tayo mag lunch." agad na wika niya nang makalapit sa akin. Hays. Ayan na naman siya. Ang kulit din nitong si Shannon e. Niyaya na naman niya ako kahit na lagi ko siyang tinatanggihan. Very persistent.
"Pumayag ka na, Kairi. Lagi mong sinasabing next time pero hindi naman natutuloy." dagdag pa nito. Okay. That's my bad. Iyon talaga ang lagi kong sagot sa kanya. Hindi ko naman kaya sabihing ayoko dahil baka masaktan ko ang feelings niya. I don't want that.
Think for another alibi, Kairi!
"Uhm ano, kasi may kailang–" i was cut off nang magsalita ulit siya.
"Come on! Kahit ngayon lang? Sa Eunomia Hall tayo kumain. May paborito akong pagkain do'n e. Tara!" sabay hila sa braso ko. Wala akong nagawa nang magsimula na kaming maglakad papunta sa College Department.
Tanaw na namin ang Eunomia Hall nang may maalala ako. Paano kung magkrus ulit ang landas namin ng lalaking iyon? Paano kung makita ko siya ulit? H'wag naman sana. Malaki naman 'tong school, maraming estudyante at magkaiba naman siguro ang oras ng lunch break namin kaya impossibleng magkasabay kami kumain sa Cafeteria.
Namangha ako sa ganda ng loob ng Dining Hall ng CD. Malawak ang lugar. Mahahaba ang lamesa katulad ng sa HSD na may sampung upuan. May pabilog din na lamesa na tatlo ang upuan. High end decors, very stylish ng atmosphere ng lugar. May malaking chandelier pa nakalagay sa gitnang bahagi ng kisame. Aakalain mong mamahalin restaurant ito.
Ang mga pagkain na siniserved dito ay iba't ibang uri ng Main course salads, desert salads at fruits. Ilan lang ang meat at steaks. Marahil ay ganitong klaseng pagkain ang kinakain ng mga college students dito.
Wow. Parang mapapadalas na ko dito.
Parehong course salad ang inorder namin ni Shannon. Mahilig ako sa gulay kaya iyon ang pinili ko. Hindi ko lang alam sa babaeng kasama ko kung iyon ba yung sinasabi niyang paborito daw niya.
Sakto lang ang dami ng estudyante. Nilibot ko ang paningin ko sa buong lugar, naghahanap ng pamilyar na mukha. Okay, wala. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon at sinundan si Shannon na mukhang nakahanap na ng pwede naming pwestuhan.
Hindi ko alam kung bakit niya piniling maupo dito. Nasa bandang gitna kasi kami tapos ang lawak ng lamesa namin kahit na dalawa lang kami.
Well, wala naman kaso sa akin kung may makikishare ng table. Hindi ko lang gusto na nasa center kami.
Pero hindi na ko umangal dahil nagugutom na ko at gusto ko na tikman itong salad na inorder ko. Magkatabi kami sa pwesto at pareho kaming nakatingin sa pagkain nasa lamesa.
"Mabubusog ka ba d'yan?" tinuro ni Shannon ang pagkain ko.
"Iyan ba 'yong paborito mo?" balik tanong ko sa kanya. Gamit ang hawak na tinidor, kumuha ako ng isang lettuce at iniangat iyon sa ere. Nagkatinginan kami sa isa't isa at sabay na natawa. Hindi ko sure kung mabubusog ako sa gan'to pero ang mahalaga healthy.
"Isipin na lang natin na diet tayo at masustansya 'to kaya hindi sayang." sabi ni Shannon na parang kinukumbinsi ang sarili niya. Gusto kong matawa sa reaction niya.
Based on her reaction, hindi iyon ang paborito niya. So bakit iyon ang binili niya?
"Madalas ka ba dito?" I'm trying to have a conversation with her.
Umiling siya, "Minsan lang, medyo malayo kasi sa building natin tsaka kapag Tuesdays or Fridays lang."
Err? Ano'ng meron sa Tuesdays and Fridays? Katulad ngayon na araw ng martes. Curious ako pero ayoko na magtanong, hindi naman kami close para magfollow up questions pa ko.
"Ikaw ba? Dito ka ba kumakain? Hindi kasi kita nakikitang kumakain sa High Diner. Hindi ka pa rin ba tinitigilan nila Lizzie?" High Diner ang tawag ng mga students sa Cafeteria ng HSD. Unofficial name iyon dahil students lang naman ang nagpangalan no'n.
Bahagya akong napahinto sa tanong niya. Napapansin niya pala. I feel a little bit of pain in my chest. Akala niya umiiwas ako kay Red hair girl. Hindi ako umiiwas sa grupo ni Lizzie. Umiiwas ako sa lahat. At isa pa, ang totoo niyan minsan lang ako kumain, nagtitipid kasi ako. Paubos na ang perang naipon ko kaya kung minsan pumupunta ako sa Oval field para maghintay na matapos ang lunchtime.
Last week pa ko naghahanap ng work pero wala e, hindi sila tumatanggap ng minor age.
Nagsisimula na naman manginig ang kamay ko, "Hindi. First time ko lang dito. Sa iba ako kumakain. So hindi iyan ang favourite mo?" Syempre hindi ko pinahalatang naapektuhan ako. Iniba ko na rin ang usapan.
Shannon softly laughed, "Nahalata mo pala. Oo, hindi ko 'to favorite. Sinabi ko lang iyong kanina kasi gusto ko talaga makasabay ka sa lunch." paliwanag niya na medyo nahihiya pa.
Kumunot ang noo ko, "Bakit gusto mo kong makasabay mag lunch?"
Ngumiti siya sa'kin, "Gusto kasi kitang maging kaibigan, Kairi."
"Bakit?"
"Pakiramdam ko kasi magkakasundo tayo sa maraming bagay at sa tingin ko ikaw iyong klase ng tao na hindi magdadalawang isip tumulong sa kapwa at handang makinig kapag may problema."
Napaisip ako sa sagot niya, "Paano mo nasabing gano'n klaseng tao ako?" Hindi kami close at hindi pa namin kilala ang isa't isa para isipin niya na gano'n ako.
"I just know." nakangiti niyang sagot.
Shannon is beautiful. With her shoulder length black hair that's naturally straight, it fits her thin face. Her skin was fair and she has a pair of lovely brown rounded eyes. At base sa mga nakita ko, she's smart, kind and friendly. She's the Representative of Senior High.
I mean, Shannon is almost perfect. Hindi ako magtataka kung may magkagusto sa kanya.
Hindi na ko sumagot at nagpatuloy lang sa pagkain. Gano'n din siya. Tahimik kaming nagpatuloy sa pagkain na puro dahon.
"Is this seat taken?"
Sabay kaming napatingin ni Shannon sa lalaking nagsalita na nasa harap namin. May hawak itong tray sa kaliwang kamay at ang isa naman ay nakahawak sa upuan, naghihintay ng sagot sa tanong niya.
"H-hindi! Upo ka, Bastian." si Shannon ang sumagot. Mukhang kilala niya ang lalaki. Naupo ito sa tapat ng babaeng kasama ko. Tipid na ngumiti sa amin ang lalaking tinawag ni Shannon na Bastian.
That Bastian guy have a black hair that styled in quiff. With his prominent and bony features he's definitely gorgeous. Papasa din Greek Prince ang isang 'to.
"Dude, nagtanong ka ba muna?" nakuha ang atensyon ko ng lalaking nagsalita pero napunta agad ang mata ko sa lalaking kasama niya.
Kagaya ni Bastian, may dala din ang dalawang lalaki na food tray at mukhang makikishare din ng lamesa sa amin. Namukhaan ko ang mga ito.
Yung nagsalita ay iyong lalaki sa Detention at ang kasama naman niya ay yung lalaking may curly hair sa Cafeteria. Mukhang mga kaibigan sila ni Bastian.
"Malamang." rinig kong sagot ni Bastian na busy na kumain.
"Shannon okay lang ba?" tanong nung lalaki sa Detention. Err? Ano nga pangalan niya? I swear, narinig ko na e. Hindi ko lang maalala.
"Okay lang, VP Austin. Wala naman kaming ibang kasama." Napatingin ako kay Shannon, mukha siyang nahihiya na ewan.
Ngumiti yung lalaking tinawag ni Shannon na VP at tumingin sa direksyon ko, "What about you, Miss?" Medyo nagulat ako nang tanungin niya rin ako kahit hindi naman na kailangan dahil natanong na niya si Shannon at nakaupo na yung kaibigan niya. At isa pa wala naman problema sa akin iyon.
"Ayos lang." tipid kong sagot.
Ngumiti ito, "Thanks." Sa tapat namin sila naupo ng kasama niya, katabi ni Bastian. So bale nakaharap silang tatlo sa amin ni Shannon.
"But drop the VP, Shannon. Hindi ka pa ba sanay? Matagal na tayong magkakilala." dagdag pa nito.
So tama ako na kilala ni Shannon ang mga lalaking 'to at matagal na.
Shannon smiled shyly, "S-sorry Austin, nakakalimutan ko lang kasi minsan." wika ng dalaga.
"It's fine. By the way, Ikaw iyong nasa Detention, right?" napunta ang tingin nung Austin sa akin.
Dapat ba kong matuwa na natandaan niya pala yung mukha ko? Ang pangit lang isipin na doon niya ko nakilala.
"Oo."
"What's your name again?"
"Kairi Monterio." tipid kong sagot.
"Monterio? Hmm. Monterio... I think I've heard that surname before." sabi ni Austin habang nakahawak sa chin niya na parang may inaalala. Saan naman kaya niya narinig ang apeliyido ko? "By the way, I'm Austin Mueller." nakangiting pakilala nito. Ngumiti lang ako ng tipid bilang sagot.
Mueller? Is he related to Caden? Pareho sila ng surname.
"Hey guys! Can't believe you didn't wait for us." napalingon kami sa lalaking nagsalita. Kunot noo akong nakamasid dito habang umuupo sa upuan na nasa tabi ko mismo. May dala din itong tray. Malamang ay kasama siya ng tatlong lalaki.
He casually sat beside me, not minding if I care. Well, I don't. I'm just anxious. I'm starting to feel uneasy. My hands are now shaking. I'm mean, ang dami kong kasama ngayon kumain sa iisang lamesa. I'm not used to this. Usually kasi kaming dalawa lang ni Cyrus. Pero ngayon, limang tao ang kasama ko na hindi ko mga kilala maliban kay Shannon.
"Kakastart lang namin. Where's Theo? Akala ko magkasama kayo?" si Austin yung sumagot. Kinuha ko ang bottled water na binili ko at uminom. Baka sakaling kumalma ako.
"Kasama ko nga siya. Ayun oh!"
Halos masamid ako sa tubig na iniinom ko nang matanaw ang isang lalaking naglalakad papunta sa pwesto namin. Buti na lang ay walang nakapansin sa reaksyon kong iyon.
Kung minamalas ka nga naman. Sa dami ng araw na pwede akong kumain sa lugar na 'to, bakit ngayon pa? Ngayon pa na nandito ang lalaking iyon. Tsk.
Come to think of it, sila yung limang lalaki sa Cafeteria nung first day. Siya iyong lalaking masungit na nag utos sa amin na mag detention.
Heck! Bakit ngayon ko lang narealize na kaibigan niya ang mga ito? Edi sana kanina pa ko umalis bago siya dumating.
His gazed automatically went on me as he sat on the chair beside the man with messy curly hair. I don't see any reactions from him when he saw me. It was blank, like nothing.
Inilapag niya ang tray at libro na hawak sa lamesa na parang wala lang sa kanya ang ginawa niyang pagbibintang sa akin three days ago.
Halos magalit siya sa'kin dahil sa isang music box tapos ngayon wala man lang reaction? Ano'ng ibig sabihin no'n?
"You guys didn't tell me na may dalawang magandang binibini tayong kasabay maglunch ngayon." my eyes went to the man beside me. With his Adonis like handsomeness and dashing smile, he can easily swooned any girls he wants. Another lady-k*ller.
"Yeah. Lucky for us." pagsang ayon naman ni Austin habang nakatingin sa amin ni Shannon. Kita ko ang pamumula ng pisngi ng babaeng kasama ko.
Why are you blushing, Shannon?
"Hey, hindi familiar ang face mo. New student ka ba o freshy?" bumaling akong muli sa lalaking nasa tabi ko na may highlight na blue ang buhok. Bigla kong naalala si Caden. Hindi ko alam kung bakit.
"New student." maikling sagot ko.
He flash a flirty smile, "Ah, I see. I'm Cody. You are?" napatingin ako sa kamay nito nakalahad sa harap ko. Naks. Mukhang kalahi ni Caden.
"Kairi." and I reached for his hand. He's seem harmless naman.
Nagulat ako nang haplusin niya ito gamit ang isa pa niyang kamay, "Wow. You have a soft hand, girl." he smiled sweetly and I wanna roll my eyes at him.
"Codius." mahina lang iyon pero may pagbabanta ang tono ng boses.
Napatingin ako sa may ari ng boses na iyon. Seryoso siyang nakatingin sa amin or should I say sa lalaking katabi ko. He's giving him deadly stare.
Umigting ang panga nito nang mapunta ang paningin sa mga kamay namin ni Cody. Then, he stare at me with piercing eyes as if I did something bad.
Problema mo?
"The f**k, Dude? I told you to stop calling me that!" reklamo ni Cody sabay bitaw sa kamay ko.
"But that's your f*****g name, Codius." ganting sagot naman nung masungit na lalaki.
"Inulit mo pa talaga! Hindi ka ba nag enjoy kay Blondy kagabi kaya ang sungit mo ngayon?"
"Shut up." He sounds really pissed, still giving Cody death glares.
"He's always like that, bro. Nag enjoy man siya o hindi." natatawang wika ni Austin.
"Yeah yeah, my bad. Masungit nga pala ang middle name ng isang Mattheo Elliot Henson." sagot naman ni Cody habang tumatango-tango.
So that's his name. Mattheo Elliot.
"That blondy is a total hottie. Don't tell me, you're not satisfied with her? Mukhang magaling naman, ah." rinig kong komento nung lalaking kulot ang buhok.
"Yeah. She and her friends were so f*cking wild last night. I had a good time with one of the girls." casual na wika ni Cody sabay subo ng pagkain nito na puro dahon din.
What the heck are they talking about?!
Tumingin ako kay Mattheo na may bored expression sa mukha habang nakatingin sa pagkain nito na ginagalaw niya gamit ang tinidor, "She's good but she's so aggressive, I don't like it. I prefer girls being submissive to me."
"Nah, ako mas gusto ko yung aggressive. Mas thrilling for me." sagot naman ni Cody.
Tumawa ng mahina si Austin, "That's right. No dull moments kapag wild yung girl." wika ng lalaki na parang sumasang ayon kay Cody.
Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko sa hindi malamang dahilan. Hindi alam kung paano magrereact sa mga naririnig mula sa mga lalaking ito
"Dahil pareho kayong aggressive sa kama. Well, for me, I prefer both. Wild and innocent at the same time, right, Theo?" kitang kita ko ang pag ngisi ni Mattheo Henson sa sinabi nung curly guy.
Nakatingin sila pareho sa isa't isa habang nakangisi na para bang pareho ang laman ng nasa isip ng mga ito.
What the!
"Gago, manahimik kayo! May mga bata dito." si Bastian na hindi na yata nakapagpigil at sumingit na sa usapan.
Tahimik lang kami ni Shannon na nakikinig sa usapan ng mga lalaking kasama namin ngayon. Pareho kami ni Shannon na halos hindi gumagalaw habang pinapanuod ang mga ito. Hindi makapaniwala sa mga sinasabi nila.
Ganito ba usually ang topic ng mga lalaki?
Sabay sabay silang lima napatingin sa amin. Narealize yata nilang may ibang tao sila kasama sa lamesa. Don't tell me nakalimutan nilang nandito kami?!
At ano yung sinabi ni Bastian?! Bata?! Kami ba ni Shannon ang tinutukoy niyang bata? The heck!
"Oopps. Sorry about that, girls." it was Austin with his apologetic smile. Narinig ko naman ang mahinang pag ubo ng lalaking katabi ko.
Sumulyap ako kay Mattheo at kita ko ang paggalaw ng panga niya ng magkatinginan kami. Agad din niya inalis sa akin ang mga mata at itinuon na ang atensyon nito sa libro na hawak na parang walang pakialam sa paligid nito.
Seriously? Nagbabasa siya sa ganitong lugar?
Napatingin ako sa pagkain niya. Halos wala pang bawas iyon. Salad din ang inorder niya at gan'on din ang apat na lalaki. Sinubukan kong ibalik ang atensyon sa pagkain. Sayang naman yung perang ginastos ko dito kung hindi ko 'to uubusin. Lahat kami ay nagpatuloy sa pagkain.
"So Kairi, what's your zodiac sign?" napunta ulit ang atensyon ko kay Cody. Ano daw? Bakit niya tinatanong out of nowhere?
Kumunot ang noo ko sa tanong niya, "Uhm, sagittarius, bakit?" nagtatakang saad ko.
"Wala naman. I'm just curious if our signs are compatible. Pakiramdam ko kasi nag aligned ang mga stars para pag tagpuin tayo."
Confirmed. Kalahi ni Caden!
Rinig ko ang mahinang tawa ng mga lalaking kasama namin maliban kay Theo. Pati si Shannon natawa. Gusto ko rin matawa kaso mas pinili kong magtaas ng isang kilay. Adik ba siya? Ano'ng stars? Pinagsasabi nito?
"Tangina. Kailan ka pa naniwala sa Zodiac stuff na 'yan?" tanong ni curly hair boy.
"Bro, ang gasgas na ng linya mo. Pwede bang iba na naman?" Si Austin na natatawa.
"You guys should shut the hell up. I'm trying to have a conversation here, you know."
"Stop it, Codius. You're corny as fuck." walang bahid na pagbibirong wika ni Theo. So nakikinig pala siya. Akala ko kasi nasa libro ang buong atensyon niya.
"Galit ka pa rin ba sa'kin, Matt? Wala na kong atraso sa'yo, ah! Binalik ko na nga 'yong music box mo kahit na hindi na maibabalik iyong dignidad ko!" sabi ni Cody kay Theo na bakas ang hinanakit sa tono ng boses. Lumakas ang tawanan ng tatlong lalaking na nanunuod sa kanila.
Wait. Did he just say music box?
"I thought you guys were okay?" rinig kong tanong ni Curly boy. Ano bang pangalan nito?
"We were pero hindi ko alam kung ano'ng nangyari dito kay Theo. Bigla na lang siya naging masungit sa'kin, Daddy Wesley." parang batang sumbong ni Cody doon sa lalaking tinawag niya Wesley. Nagpout pa siya.
Cute.
"Ah, deserved mo naman pala." sagot naman ni Wesley na nakapoker face. Natawa si Cody sa naging reaction nito. Mukhang naasar niya si Wesley. Masamang tingin lang ang binigay nito sa kanya bilang sagot.
Nakakaawa itong si Cody. Dalawang tao na ang nagbibigay sa kanya ng masamang tingin. If looks could kill, kanina pa siya nakahandusay sa sahig. Hays.
Pero teka lang.
"Nahanap mo na 'yong box?" I unconsciously asked. Medyo napalakas ang boses ko kaya napatingin silang lahat sa direksyon ko. Theo looked at me with a bored expression.
Tumingin ako sa kanya ng seryoso, "So nakita mo na yung music box na hinahanap mo?" tanong ko ulit.
"Binalik ko na sa kanya three days ago pa. Inasar ko lang si Theo kaya tinago ko 'yon. Teka, bakit alam mo ang tungkol doon, softy?" si Cody ang sumagot. Hindi ko pinansin ang tinawag niya sa'kin. Iyon pala ang dahilan kaya wala siyang reaction nang makita ako.
So ganon na lang 'yon? Kakalimutan na lang niya ang nangyari? Hindi man lang ba siya hihingi ng tawad sa pagbibintang sa akin sa isang bagay na hindi ko naman ginawa. Halos mapahiya ako sa mga estudyanteng nakakita sa amin nung time na iyon. Parang ang bastos naman kung wala man lang siya sasabihin.
Bigla akong nakaramdam ng inis.
"Magkakilala na kayo?" rinig ko ang gulat sa boses ni Shannon. Hindi ko na siya nilingon dahil ang mga mata ko ay nakafocus lang sa lalaking seryoso din nakatingin sa akin.
"Wala ka bang sasabihin?" matapang na tanong ko kay Mattheo Henson. Ramdam ko na nasa akin ang atensyon ng mga kasama ko sa lamesa. Clueless sa nangyayari.
He clenched his jaw, "I don't need to explain myself to you." he scoffed. His eyes were cold, staring at me with no emotions.
My hand squeezed into fist because of annoyance. I'm trying to stay composed while my blood starting to boil inside.
Seriously? He thinks I'm a thief! Hindi ko naman hinihiling na magpaliwanag siya. A single sorry will do.
"I'm not asking you to do that. But you should at least apologise for your false accusation towards me." I said nonchalantly, matching the coldness in his eyes.
Theo stares at me intently, "I don't believe in forgiveness. I just stand by my actions, whether it's good or bad." he said simply, his tone ice cold.
I bite the inside of my cheek, can't believe the words he just said but still pretend that it didn't affect me. Well, wala akong magagawa kung iyon ang pananaw niya. Hindi ko naman siya kilala para husgahan siya. I'm not like that.
"And I just asked you questions. It's not my fault if you got offended by it. How you reacted was not my responsibility. Ikaw lang ang nag assumed na pinagbibintangan kita."
I let out a harsh breathe, "Because it was really offending. Is that how you normally asked people by scaring them?" I countered.
He leaned back in his chair, "Yeah, sometimes because most of the time they're already scared wala pa kong ginagawa."
Jeez! Ang yabang.
"Pero hindi ako nag assumed dahil pinagbibintangan mo talaga ako. Ano bang tingin mo sa'kin magnanakaw?"
"Do you really want me to answer that?" Theo mocked.
"Ano?!"
I feel Shannon's hand on my wrist, "Kairi..." worried was evident in her voice. She's trying to stop me from arguing with this man. Binalewala ko lang iyon.
Hindi ko alam kung saan ko nakuha yung tapang ko. Basta ayoko lang na isipin nila na madali nilang maaapakan ang pagkatao ko. Hindi ko na hahayaan na insultuhin nila ako ng gano'n kadali. Ipagtatanggol ko ang sarili ko.
"Hey guys, chill. Hindi pa yata kayo magkakilala nag aaway na agad kayo." it was Austin, trying to stop us from arguing. Mukhang worried din, maybe he sense the tension between me and his friend.
"Wala naman akong balak makilala siya." I said blankly while staring straight into his eyes.
"The feeling is mutual." he answered back.
Pansin ko ang pag ngisi ni Cody habang nagpapalit palit ang tingin niya sa amin ni Theo.
I've already experienced this before. Some people did wrong to me and never apologised for it. I have only been able to heal my scars by trying to understand the reason the people that wronged me did what they did, even if I have to put the blame on their upbringing. It doesn't mean I condone their wrongdoing, it's my way to move on with my life.
Its not easy. It doesn't happen overnight. And every now and then I'd still get one of those ugly monsters of anger or bitterness come creeping up to me. I'm still learning and trying to forgive and forget.
It was a minutes of silence. Walang nagtangka magsalita ulit sa aming pito na para bang pinapakiramdaman kung tapos na ba.
I sighed, "Honestly, it's okay because you're wasn't sorry when I didn't know so even if you say sorry now it wouldn't make any difference." I stated calmly, trying to end the argument.
I don't know what's gotten into me. Maybe I'm being too sensitive about this.
My statement almost caught him off guard. Like he didn't expect that I would say something like that or maybe because he realised that I'm right. I don't know which.
He stared at me while he tried to opened his mouth as if he wants to say something but ended up closing his mouth, looking away and clenching his jaw.
"One point for softy." I heard Cody commented while smirking when Theo remained silent. He's obviously enjoying our little argument.
Napasipol naman si Wesley habang nakatingin sa akin. Napansin ko sa gilid ng aking mata ang pag aalala ni Austin habang nagpapalit palit ang tingin sa amin ni Theo, gano'n din si Shannon. At si Bastian na tahimik lang na nanunuod.
"Uhm, I think we should go back to class, Kairi." Shannon suggested after a couple of minutes.
Hindi na ko nagsalita pa, tumayo ako at walang sabi umalis sa lugar. Narinig kong nagpaalam muna si Shannon sa mga lalaking iyon bago tuluyan sumunod sa akin. Wala akong pakialam sa reaksyon nila sa naging action ko o kung anuman ang magiging opinyon nila sa akin. It doesn't matter to me. I'm not here to please them or anyone.
I was an outcast and a loner. I was bullied in my old school. Being treated like a trash is like a common thing for me but it doesn't mean na hahayaan ko na lang na laging gano'n.
Nang magpasya ako na mag aral sa Themis University ipinangako ko sa sarili ko na I will never be the same Kairi yesterday. Yung Kairi na mahina, iyakin, duwag at madaling masaktan. From now on, I will try to be strong and fearless. Hindi ko na hahayaan apihin ako o tapakan nila pagkatao ko.
I will never let anyone ruin my life again.